Share

KABANATA 67

Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot.

“Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.

Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?”

Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?”

Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?”

“Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Raquel Marano
bket knti lng yn story then..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status