Share

KABANATA 66

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-10-14 16:53:35
Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.

“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo!

Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari.

Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro.

***

Makalipas ang ilang araw…

Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio.

“Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda.

“Natalie, busy ka ba?”

“Dayshift po
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Smiley Miles
Nakakainis talaga ang mga ads lalo na yung tongits na president c nadine lustre ang haba2 bwisit taz aga2d matapos ang mga kabataba
goodnovel comment avatar
Kim Kim
paikot-ikot ang kwento para lang humaba .
goodnovel comment avatar
rosanabanas
ang ganda ng novel na ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 67

    Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot. “Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?” Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?” “Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 68  

    “Umungol ka!” Utos ni Mateo, namumula na din ang mukha nito. Bumukas ang bibig ni Natalie pero walang boses na lumabas. Marahil ay dahil sa kaba at pagkatuliro na nararamdaman niya. Idagdag pang baka nasa labas nga ang lolo ni Mateo. “Bilisan mo!” Inis na singhal nito ulit sa kanya. “May karanasan ka na, Natalie, kaya imposibleng hindi mo alam kung paano ang umungol!” pagkasabi ‘non, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib…Nag-alinlangan pa si Natalie pero sinunod din niya ang utos nito. “Ah…ah…ahhhhh…” “Anong ginagawa mo?” Inis na sita sa kaniya ng lalaki. “Umuungol…sabi mo…ungol…” “Anong klaseng ungol ‘yan? Hindi mo ba pwedeng gawin yung ungol na ginawa mo nung…alam mo na…habang ginagawa ang…” Naalala ni Natalie ang gabing iyon. Paano naman niya makakalimutan iyon eh nagtamo nga siya ng 3rd degree tear sa pwerta niya! “Ano kasi…kwan kasi…” “Hayaan mo na!” Nagdilim ang mukha nito at sinalubong nito ang mga mata niya. “Hindi ba sabi mo kanina, kapag may kailangan ako…gagawin

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 69

    Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.” Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya. “Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?” “Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.” Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.” Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 70

    Sinuklian din ni Drake ang ngiti niya. “Ako nga. Invited ka din ba sa launch?” May bahid ng pagtataka ang tono nito. Mahirap para sa kaniya na isipin na a-attend si Natalie ng mga ganoong pagtitipon. Walang pakialam ang babae sa mga negosyo kaya ganon na lamang ang pagtataka niya. “Oo, eh.” Tipid na sabi ni Natalie. “Naging pasyente ko ang may-ari ng Lobregat project.” “Si Roberto Villamor?” “Oo, isa siya sa mga naging pasyente ko.” “Ah, I see.” Tumunog muli ang cellphone ni Natalie. Hindi na niya iyon sinagot dahil alam niyang si Mateo iyon at mamadaliin lamang siya. Nagpaalam na siya kay Drake. “Mauna na ako.” “Ingat ka!” Hindi na natuloy pa ni Drake ang iba pa sana niyang sasabihin dahil humahangos na si Natalie papasok. Nalungkot siya dahil gusto pa sana niyang makausap ang babae. “See you later, Nat.” … Si Isaac ang sumalubong kay Natalie. Hapong-hapo siya dahil sa pagmamadali niya. “Sorry, na-late ako!” “No worries, Miss Natalie. May mga binabating tao lang si

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 71  

    Hindi nakakapagtaka kung bakit naroon si Irene. Nobya ito ni Mateo kaya natural lang na naroon din ito. Kabaligtaran ang naging reaksyon ni Irene, parang nakakita ito ng multo ng makita si Natalie doon. “At anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa kaharap. Ang lalong ikinaputok ng butsi ni Irene ay ang suot na gown nito. Hindi siya maaring magkamali dahi nakita niya iyon sa loob ng private room ni Mateo. Walang kalam-alam si Natalie kaya matipid na lang siyang ngumiti, “wala namang batas na nagsasabing hindi ako pwedeng pumunta dito.” Nasa isang malaking pagtitipon sila at walang balak si Natalie na pagbigyan ang pambubuska ng kapatid----bukod pa doon ay gutom siya. Sinubukan niyang iwasan si Irene sa pamamagitan ng pag-alis pero hinila siya nito pabalik. “Hindi pa tayo tapos!” Galit na sabi nito sa kanya. “Nahihibang ka na ba, Irene? Gusto mo talagang gumawa ng eksena dito? Bitawan mo ako!” Lalong hinigpitan ni Irene ang pagkakahawak sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata n

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 72

    Parehong magaling lumangoy sina Mateo at Drake, kaya mabilis nilang nasagip sina Irene at Natalie. Nasa mga bisig ni Mateo si Irene, tinapik-tapik niya ang mukha ng babae. “Irene, okay ka lang ba?” Nagbuga ng maraming tubig si Irene, bumabalik na ang ulirat nito. Yumakap ito kaagad sa kaniya at umiyak. “Mateo! I was so scared! Grabe ang nangyari sa akin!” Samantala, wala pa ring malay si Natalie. Hawak siya ni Drake at pilit na ginigising ngunit wala pa ring nangyayari. Inihiga niya sa semento si Natalie. “Nat, Nat! Gising na! Sh*t! Bahala na kahit magalit ka pa sa akin, sorry na agad!” Bulong niya habang aktong gagawin na ang CPR. Hindi pa man siya nagsisimula ay may malakas na tumabig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Drake ng makita kung sino iyon. “M-mateo?” “Umalis ka dyan!” Utos nito sa kanya. Walang ekspresyon sa mukha nito pero may kung ano sa mga mata ni Meteo. Tinabig niya si Drake para malaya siyang makalapit kay Natalie. Lumuhod siya sa tabi nito, pinisil ang

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 73  

    Habang nagsasalita si Irene, sinenyasan niya ang ina para tumigil na ito sa pag-arte at kalmahin ang sarili. Naintindihan naman kaagad ni Janet ang nais iparating ng anak kaya itinigil na niya ang ginagawang pang-aaway kay Mateo.Bago sila umalis para mag-usap, napansin ni Mateo si Drake. “Sino ka naman?” Natama ang mga mata ng dalawang lalaki at pareho silang nakaramdam ng tension na tila ba may pinaglalabanan sila. Sumimangot si Drake pero magalang pa ring sinagot ang tanong sa kanya. “Drake Pascual, kaibigan ako ni Natalie.” Tinitigan siya ulit ni Mateo, pilit niyang kinakalkal sa isipan kung saan niya nakita ang lalaki. Biglang bumalik sa kaniya ang alaala kung saan iyon. Natatandaan na niya----gabi iyon. Sigurado na siya, sa Tagaytay. Ito ang lalaking nakasalubong niya sa kusina. Ito din ang lalaking tinutukoy ng kitchen staff na nagluto ng bulalo. Pinagtagpi-tagpi ni Mateo ang lahat…para kay Natalie ang bulalong iyon. Napaisip din siya kung gaano kalalim ang pagkakaibiga

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 74

    Naguusap pa sina Irene at Mateo ng mag-ring ang cellphone niya. Si Isaac ang tumatawag sa kanya. Maagap naman niya itong sinagot. [Sir, gising na po si Miss Natalie.] “Okay,” tipid ang naging tugon niya bago binaba ang tawag. Tinitigan niya si Irene, “gising na siya, titingnan ko lang kung maayos na ang kalagayan niya.”  “Teka,” nagmamadaling habol ni Irene sa lalaki, agad siyang pumulupot sa braso nito. “Sasama ako sayo.” Determinado siyang huwag bigyan ng pagkakataong magsolo sina Natalie at Mateo. Napansin niyang sumimangot ng bahagya si Mateo. “Don’t worry, hindi ako makikipagtalo sa kanya. Naniniwala ako na may mga rason ang mga babae para sa lahat ng bagay, mapag-uusapan naman namin ang lahat.” Ramdam ni Irene na may pag-aalinlangan pa rin ito dahil saglit siyang tinitigan ni Mateo na para bang iniisip kung ano ang tamang gawin. Matapos ang ilang segundo pumayag din ito. “Fine.” … Sa loob ng kwarto kung nasaan si Natalie, naroon din si Drake. Kanina pa niya pinagm

    Last Updated : 2024-10-14

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 296

    Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 295

    Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 294

    Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 293

    Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 292

    Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 291

    Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status