Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo! Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari. Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro. ***Makalipas ang ilang araw…Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio. “Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda. “Natalie, busy ka ba?” “Dayshift po
Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot. “Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?” Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?” “Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan
“Umungol ka!” Utos ni Mateo, namumula na din ang mukha nito. Bumukas ang bibig ni Natalie pero walang boses na lumabas. Marahil ay dahil sa kaba at pagkatuliro na nararamdaman niya. Idagdag pang baka nasa labas nga ang lolo ni Mateo. “Bilisan mo!” Inis na singhal nito ulit sa kanya. “May karanasan ka na, Natalie, kaya imposibleng hindi mo alam kung paano ang umungol!” pagkasabi ‘non, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib…Nag-alinlangan pa si Natalie pero sinunod din niya ang utos nito. “Ah…ah…ahhhhh…” “Anong ginagawa mo?” Inis na sita sa kaniya ng lalaki. “Umuungol…sabi mo…ungol…” “Anong klaseng ungol ‘yan? Hindi mo ba pwedeng gawin yung ungol na ginawa mo nung…alam mo na…habang ginagawa ang…” Naalala ni Natalie ang gabing iyon. Paano naman niya makakalimutan iyon eh nagtamo nga siya ng 3rd degree tear sa pwerta niya! “Ano kasi…kwan kasi…” “Hayaan mo na!” Nagdilim ang mukha nito at sinalubong nito ang mga mata niya. “Hindi ba sabi mo kanina, kapag may kailangan ako…gagawin
Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.” Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya. “Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?” “Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.” Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.” Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal
Sinuklian din ni Drake ang ngiti niya. “Ako nga. Invited ka din ba sa launch?” May bahid ng pagtataka ang tono nito. Mahirap para sa kaniya na isipin na a-attend si Natalie ng mga ganoong pagtitipon. Walang pakialam ang babae sa mga negosyo kaya ganon na lamang ang pagtataka niya. “Oo, eh.” Tipid na sabi ni Natalie. “Naging pasyente ko ang may-ari ng Lobregat project.” “Si Roberto Villamor?” “Oo, isa siya sa mga naging pasyente ko.” “Ah, I see.” Tumunog muli ang cellphone ni Natalie. Hindi na niya iyon sinagot dahil alam niyang si Mateo iyon at mamadaliin lamang siya. Nagpaalam na siya kay Drake. “Mauna na ako.” “Ingat ka!” Hindi na natuloy pa ni Drake ang iba pa sana niyang sasabihin dahil humahangos na si Natalie papasok. Nalungkot siya dahil gusto pa sana niyang makausap ang babae. “See you later, Nat.” … Si Isaac ang sumalubong kay Natalie. Hapong-hapo siya dahil sa pagmamadali niya. “Sorry, na-late ako!” “No worries, Miss Natalie. May mga binabating tao lang si
Hindi nakakapagtaka kung bakit naroon si Irene. Nobya ito ni Mateo kaya natural lang na naroon din ito. Kabaligtaran ang naging reaksyon ni Irene, parang nakakita ito ng multo ng makita si Natalie doon. “At anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa kaharap. Ang lalong ikinaputok ng butsi ni Irene ay ang suot na gown nito. Hindi siya maaring magkamali dahi nakita niya iyon sa loob ng private room ni Mateo. Walang kalam-alam si Natalie kaya matipid na lang siyang ngumiti, “wala namang batas na nagsasabing hindi ako pwedeng pumunta dito.” Nasa isang malaking pagtitipon sila at walang balak si Natalie na pagbigyan ang pambubuska ng kapatid----bukod pa doon ay gutom siya. Sinubukan niyang iwasan si Irene sa pamamagitan ng pag-alis pero hinila siya nito pabalik. “Hindi pa tayo tapos!” Galit na sabi nito sa kanya. “Nahihibang ka na ba, Irene? Gusto mo talagang gumawa ng eksena dito? Bitawan mo ako!” Lalong hinigpitan ni Irene ang pagkakahawak sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata n
Parehong magaling lumangoy sina Mateo at Drake, kaya mabilis nilang nasagip sina Irene at Natalie. Nasa mga bisig ni Mateo si Irene, tinapik-tapik niya ang mukha ng babae. “Irene, okay ka lang ba?” Nagbuga ng maraming tubig si Irene, bumabalik na ang ulirat nito. Yumakap ito kaagad sa kaniya at umiyak. “Mateo! I was so scared! Grabe ang nangyari sa akin!” Samantala, wala pa ring malay si Natalie. Hawak siya ni Drake at pilit na ginigising ngunit wala pa ring nangyayari. Inihiga niya sa semento si Natalie. “Nat, Nat! Gising na! Sh*t! Bahala na kahit magalit ka pa sa akin, sorry na agad!” Bulong niya habang aktong gagawin na ang CPR. Hindi pa man siya nagsisimula ay may malakas na tumabig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Drake ng makita kung sino iyon. “M-mateo?” “Umalis ka dyan!” Utos nito sa kanya. Walang ekspresyon sa mukha nito pero may kung ano sa mga mata ni Meteo. Tinabig niya si Drake para malaya siyang makalapit kay Natalie. Lumuhod siya sa tabi nito, pinisil ang
Habang nagsasalita si Irene, sinenyasan niya ang ina para tumigil na ito sa pag-arte at kalmahin ang sarili. Naintindihan naman kaagad ni Janet ang nais iparating ng anak kaya itinigil na niya ang ginagawang pang-aaway kay Mateo.Bago sila umalis para mag-usap, napansin ni Mateo si Drake. “Sino ka naman?” Natama ang mga mata ng dalawang lalaki at pareho silang nakaramdam ng tension na tila ba may pinaglalabanan sila. Sumimangot si Drake pero magalang pa ring sinagot ang tanong sa kanya. “Drake Pascual, kaibigan ako ni Natalie.” Tinitigan siya ulit ni Mateo, pilit niyang kinakalkal sa isipan kung saan niya nakita ang lalaki. Biglang bumalik sa kaniya ang alaala kung saan iyon. Natatandaan na niya----gabi iyon. Sigurado na siya, sa Tagaytay. Ito ang lalaking nakasalubong niya sa kusina. Ito din ang lalaking tinutukoy ng kitchen staff na nagluto ng bulalo. Pinagtagpi-tagpi ni Mateo ang lahat…para kay Natalie ang bulalong iyon. Napaisip din siya kung gaano kalalim ang pagkakaibiga