Nanatiling nakaawang ang bibig ni Natalie kahit na nakalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya sa nangyari. Matapos ang ilang sandali, natawa na lang siya. “Anong ‘yon? Isip bata!” Pinagmasdan ni Natalie ang suot niyang damit na pinuri ni Mateo. Tiyak niyang nagmumurang-kamatis pa rin ito dahil lang sa pareho sila ng natipuhang damit ni Irene! “Nakakaawang nilalang.” ***Sa isang restaurant sa BGC ang venue ng pupuntahan nila ni Dok Norman. Humahangos si Natalie at muntik pa siyang mapagsaraduhan ng elevator kaya itinaas niya ang damit niya para malaya siyang makatakbo at mahabol ito. “Sandali! Please, hold the door, pakiusap!” Dire-diretso sana si Natalie pero pumpreno siya nang mamukhaan kung sino ang sakay nito. Si Mateo. Si Mateo naman ay kumukulo ang dugo. Nakabihis ng maganda at ayos na ayos si Natalie. Nag-abala pa itong magkolorete ng mukha at nasa isang eksklusibong lugar ito. Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay
Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon. “Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?” “Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’ Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo. “Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya. Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’ “Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.” Muli na namang n
Nanatili sa ganoong pwesto sina Natalie at Mateo. Nahagip ng mga mata niya si James Foster. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Gamunggo ang pawis ni James. Bakas sa mukha ang pinaghalong takot at pangamba. Alam na nito ngayon na may pagtingin si Mateo Garcia kay Doktora Natalie Natividad. Kung hindi pa rin malinaw sa kaniya ang bagay na iyon, parang balewala lang ang napakaraming taon niya sa industriya kung gan’on. Maaring natipuhan niya ang batang doktor. Pero wala siyang nakikitang dahilan para hindi magbigay-daan para sa isang Mateo Garcia. Lumapit siya para humingi sana ng paumanhin kay Natalie. “Mr. Garcia, ah… ano kasi… Doktora…” Sumunod na nakita ni Mateo si Dok Norman Tolentino. “Anong mapapala mo, James kung papahirapan mo ang isa sa mga pinakamagaling na surgeon sa buong bansa?” “Oo nga, Mr. Garcia. Narealize ko rin ang bagay na ‘yon. Nagkamali ako…” Hindi naman talaga gustong gawin ito ni James. Para sa kaniya ay normal lang ang ginawa niya. Isa pa, mas kailangan
Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo! Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari. Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro. ***Makalipas ang ilang araw…Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio. “Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda. “Natalie, busy ka ba?” “Dayshift po
Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot. “Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?” Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?” “Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan
“Umungol ka!” Utos ni Mateo, namumula na din ang mukha nito. Bumukas ang bibig ni Natalie pero walang boses na lumabas. Marahil ay dahil sa kaba at pagkatuliro na nararamdaman niya. Idagdag pang baka nasa labas nga ang lolo ni Mateo. “Bilisan mo!” Inis na singhal nito ulit sa kanya. “May karanasan ka na, Natalie, kaya imposibleng hindi mo alam kung paano ang umungol!” pagkasabi ‘non, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib…Nag-alinlangan pa si Natalie pero sinunod din niya ang utos nito. “Ah…ah…ahhhhh…” “Anong ginagawa mo?” Inis na sita sa kaniya ng lalaki. “Umuungol…sabi mo…ungol…” “Anong klaseng ungol ‘yan? Hindi mo ba pwedeng gawin yung ungol na ginawa mo nung…alam mo na…habang ginagawa ang…” Naalala ni Natalie ang gabing iyon. Paano naman niya makakalimutan iyon eh nagtamo nga siya ng 3rd degree tear sa pwerta niya! “Ano kasi…kwan kasi…” “Hayaan mo na!” Nagdilim ang mukha nito at sinalubong nito ang mga mata niya. “Hindi ba sabi mo kanina, kapag may kailangan ako…gagawin
Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.” Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya. “Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?” “Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.” Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.” Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal
Sinuklian din ni Drake ang ngiti niya. “Ako nga. Invited ka din ba sa launch?” May bahid ng pagtataka ang tono nito. Mahirap para sa kaniya na isipin na a-attend si Natalie ng mga ganoong pagtitipon. Walang pakialam ang babae sa mga negosyo kaya ganon na lamang ang pagtataka niya. “Oo, eh.” Tipid na sabi ni Natalie. “Naging pasyente ko ang may-ari ng Lobregat project.” “Si Roberto Villamor?” “Oo, isa siya sa mga naging pasyente ko.” “Ah, I see.” Tumunog muli ang cellphone ni Natalie. Hindi na niya iyon sinagot dahil alam niyang si Mateo iyon at mamadaliin lamang siya. Nagpaalam na siya kay Drake. “Mauna na ako.” “Ingat ka!” Hindi na natuloy pa ni Drake ang iba pa sana niyang sasabihin dahil humahangos na si Natalie papasok. Nalungkot siya dahil gusto pa sana niyang makausap ang babae. “See you later, Nat.” … Si Isaac ang sumalubong kay Natalie. Hapong-hapo siya dahil sa pagmamadali niya. “Sorry, na-late ako!” “No worries, Miss Natalie. May mga binabating tao lang si