Share

KABANATA 61

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-10-14 16:53:25
Papuntang BGC si Mateo nang gabing iyon. Naroon na sina Leo at Stephen. Maging si Aris na ilang buwan na niyang hindi nakikita ay naroon din. Nasa parehong social circle sila at magkakilala na since high school at college days nila.

Iba ang bistro bar na iyon. Kaibigan nila ang may-ari kaya maganda ang binigay na pwesto sa kanila. Madalas sila roon dahil hindi kagaya ng ibang bar at clubs, chill lang ang mga taong nagpupunta doon. Nakailang bote na si Aris ng beer nang dumating si Mateo.

Nang makita ang kaibigan ay lalong lumapad ang mga ngiti nito. “About time! Akala ko no-show ka na naman, Mateo. Dahil late ka, kailangan mong humabol.” Agad siya nitong inabutan ng nagyeyelong bote ng beer na tinungga naman ni Mateo kaagad.

“Leo, Stephen, hindi kayo umiinom? Pinabayaan niyong mag-inom ‘tong si Aris nang mag-isa?”

“Bro, parang hindi mo naman kilala si Aris. Basta alak, hindi nagpapapigil ‘yan,” tugon ni Leo na nakatuon ang atensyon sa cellphone.

“Mateo, Mateo…” Napabuntong-hi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Ressie A. Maden
next episode pls
goodnovel comment avatar
Jomari Sayco Mariano
panira yung nurse haha ...
goodnovel comment avatar
Elvira Calayca Magaling
next episode pls.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 62

    Magkasamang nananghalian sina Nilly at Natalie. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ni Natalie sa upuan ay inatake na siya ng antok. Ilang beses na siyang humikab. Dahilan para itigil ni Nilly ang pagkain nito at titigan ang mga eyebags niya. “Hoy, Natalie. Anong meron? Anong oras ka na siguro nakatulog kagabi, ano?” “Hindi ko sure, pero alam kong late na. Siguro madaling araw na.” Sumimangot si Nilly. “Huwag mo namang patayin sa trabaho ang sarili mo. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan natin, Nat.” “Alam ko naman ‘yon. Pero alam mo namang nagtatrabaho ako.” Hindi totoo ang rason na binigay niya sa kaibigan. Walang kinalaman ang translation job niya sa hirap niya sa pagtulog gabi-gabi. Bawat pagpikit niya ng mga mata, ang gwapong mukha ni Mateo ang nakikita niya. Hindi lang basta-basta ang imahinasyon niyang iyon dahil madalas ay parang totoo! Sa palagay niya ay lalong pinaigting ito ng nangyari kagabi. Muntik na siyang halikan nito. O baka, imahinasyon lang niya ‘yon? At kahi

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 63

    Nanatiling nakaawang ang bibig ni Natalie kahit na nakalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya sa nangyari. Matapos ang ilang sandali, natawa na lang siya. “Anong ‘yon? Isip bata!” Pinagmasdan ni Natalie ang suot niyang damit na pinuri ni Mateo. Tiyak niyang nagmumurang-kamatis pa rin ito dahil lang sa pareho sila ng natipuhang damit ni Irene! “Nakakaawang nilalang.” ***Sa isang restaurant sa BGC ang venue ng pupuntahan nila ni Dok Norman. Humahangos si Natalie at muntik pa siyang mapagsaraduhan ng elevator kaya itinaas niya ang damit niya para malaya siyang makatakbo at mahabol ito. “Sandali! Please, hold the door, pakiusap!” Dire-diretso sana si Natalie pero pumpreno siya nang mamukhaan kung sino ang sakay nito. Si Mateo. Si Mateo naman ay kumukulo ang dugo. Nakabihis ng maganda at ayos na ayos si Natalie. Nag-abala pa itong magkolorete ng mukha at nasa isang eksklusibong lugar ito. Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 64  

    Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon. “Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?” “Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’ Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo. “Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya. Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’ “Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.” Muli na namang n

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 65  

    Nanatili sa ganoong pwesto sina Natalie at Mateo. Nahagip ng mga mata niya si James Foster. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Gamunggo ang pawis ni James. Bakas sa mukha ang pinaghalong takot at pangamba. Alam na nito ngayon na may pagtingin si Mateo Garcia kay Doktora Natalie Natividad. Kung hindi pa rin malinaw sa kaniya ang bagay na iyon, parang balewala lang ang napakaraming taon niya sa industriya kung gan’on. Maaring natipuhan niya ang batang doktor. Pero wala siyang nakikitang dahilan para hindi magbigay-daan para sa isang Mateo Garcia. Lumapit siya para humingi sana ng paumanhin kay Natalie. “Mr. Garcia, ah… ano kasi… Doktora…” Sumunod na nakita ni Mateo si Dok Norman Tolentino. “Anong mapapala mo, James kung papahirapan mo ang isa sa mga pinakamagaling na surgeon sa buong bansa?” “Oo nga, Mr. Garcia. Narealize ko rin ang bagay na ‘yon. Nagkamali ako…” Hindi naman talaga gustong gawin ito ni James. Para sa kaniya ay normal lang ang ginawa niya. Isa pa, mas kailangan

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 66

    Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo! Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari. Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro. ***Makalipas ang ilang araw…Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio. “Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda. “Natalie, busy ka ba?” “Dayshift po

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 67

    Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot. “Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?” Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?” “Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 68  

    “Umungol ka!” Utos ni Mateo, namumula na din ang mukha nito. Bumukas ang bibig ni Natalie pero walang boses na lumabas. Marahil ay dahil sa kaba at pagkatuliro na nararamdaman niya. Idagdag pang baka nasa labas nga ang lolo ni Mateo. “Bilisan mo!” Inis na singhal nito ulit sa kanya. “May karanasan ka na, Natalie, kaya imposibleng hindi mo alam kung paano ang umungol!” pagkasabi ‘non, nakaramdam siya ng kirot sa dibdib…Nag-alinlangan pa si Natalie pero sinunod din niya ang utos nito. “Ah…ah…ahhhhh…” “Anong ginagawa mo?” Inis na sita sa kaniya ng lalaki. “Umuungol…sabi mo…ungol…” “Anong klaseng ungol ‘yan? Hindi mo ba pwedeng gawin yung ungol na ginawa mo nung…alam mo na…habang ginagawa ang…” Naalala ni Natalie ang gabing iyon. Paano naman niya makakalimutan iyon eh nagtamo nga siya ng 3rd degree tear sa pwerta niya! “Ano kasi…kwan kasi…” “Hayaan mo na!” Nagdilim ang mukha nito at sinalubong nito ang mga mata niya. “Hindi ba sabi mo kanina, kapag may kailangan ako…gagawin

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 69

    Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huwag mo munang aawayin ang asawa mo, ha? Pagod ‘yan.” Saglit na nagtama ang mga mata nila pero walang nagsalita. Matapos ang masaganang almusal, sabay nilang nilisan ang bahay ni Antonio. Sumabay na si Natalie kay Mateo para hindi magduda ang matanda. Hinatid siya ng lalaki hanggang dormitory niya. “Akala ko sa ospital ka na didiretso, wala ka bang pasok ngayon?” “Meron.” Isinabit ni Natalie ang bag niya sa balikat. “Night shift ako ngayon, kaya pwede akong magpahinga buong araw.” Sinilip pa ni Mateo ang dorm na tinitirhan ni Natalie. “Luma na talaga ang lugar na ito.” Hindi na pinansin ni Natalie ang komentong iyon. Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinuna ng lal

    Last Updated : 2024-10-14

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 296

    Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 295

    Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 294

    Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 293

    Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 292

    Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 291

    Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status