Sabi nga sa isang sikat na kasabihan, “hindi problema ang pagkakaroon ng kapareho—nasa nagdadala na lang ‘yan.” Sa kahit anong anggulo, nasapawan ni Natalie si Irene at alam niya ito. Mapait itong ngumiti. “I changed my mind. Hindi pala masyadong maganda ang damit na ito. Maghahanap na lang ako ng iba.” Babalik na sana siya sa fitting room pero pinigilan siya ni Mateo. “Irene, wait.” “Bakit, Mateo?” Pinasadahan ng tingin ni Mateo si Irene. “Bagay sa ‘yo. Bilhin na natin ‘yan.” “Pero…” Nagtataka si Irene at tiningnan si Natalie. “Pareho kami ng damit. Hindi pwede…” “Ano ngayon?” Nilapitan ni Mateo ang cashier at inabot ang card niya. “Kukunin naming ang lahat ng kulay ng ganitong style, miss. Pakisabi rin sa management na i-pull out na ang damit na ito sa lahat ng branch niyo. Hindi gusto ng girlfriend ko kapag may kapareho siya.” Nagulat ang store attendant dahil may hawak na itong ganoong damit.Napansin ni Mateo kung saan nakatingin ang kausap niya. “Patanggalin niyo s
Papuntang BGC si Mateo nang gabing iyon. Naroon na sina Leo at Stephen. Maging si Aris na ilang buwan na niyang hindi nakikita ay naroon din. Nasa parehong social circle sila at magkakilala na since high school at college days nila. Iba ang bistro bar na iyon. Kaibigan nila ang may-ari kaya maganda ang binigay na pwesto sa kanila. Madalas sila roon dahil hindi kagaya ng ibang bar at clubs, chill lang ang mga taong nagpupunta doon. Nakailang bote na si Aris ng beer nang dumating si Mateo. Nang makita ang kaibigan ay lalong lumapad ang mga ngiti nito. “About time! Akala ko no-show ka na naman, Mateo. Dahil late ka, kailangan mong humabol.” Agad siya nitong inabutan ng nagyeyelong bote ng beer na tinungga naman ni Mateo kaagad. “Leo, Stephen, hindi kayo umiinom? Pinabayaan niyong mag-inom ‘tong si Aris nang mag-isa?” “Bro, parang hindi mo naman kilala si Aris. Basta alak, hindi nagpapapigil ‘yan,” tugon ni Leo na nakatuon ang atensyon sa cellphone. “Mateo, Mateo…” Napabuntong-hi
Magkasamang nananghalian sina Nilly at Natalie. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ni Natalie sa upuan ay inatake na siya ng antok. Ilang beses na siyang humikab. Dahilan para itigil ni Nilly ang pagkain nito at titigan ang mga eyebags niya. “Hoy, Natalie. Anong meron? Anong oras ka na siguro nakatulog kagabi, ano?” “Hindi ko sure, pero alam kong late na. Siguro madaling araw na.” Sumimangot si Nilly. “Huwag mo namang patayin sa trabaho ang sarili mo. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan natin, Nat.” “Alam ko naman ‘yon. Pero alam mo namang nagtatrabaho ako.” Hindi totoo ang rason na binigay niya sa kaibigan. Walang kinalaman ang translation job niya sa hirap niya sa pagtulog gabi-gabi. Bawat pagpikit niya ng mga mata, ang gwapong mukha ni Mateo ang nakikita niya. Hindi lang basta-basta ang imahinasyon niyang iyon dahil madalas ay parang totoo! Sa palagay niya ay lalong pinaigting ito ng nangyari kagabi. Muntik na siyang halikan nito. O baka, imahinasyon lang niya ‘yon? At kahi
Nanatiling nakaawang ang bibig ni Natalie kahit na nakalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya sa nangyari. Matapos ang ilang sandali, natawa na lang siya. “Anong ‘yon? Isip bata!” Pinagmasdan ni Natalie ang suot niyang damit na pinuri ni Mateo. Tiyak niyang nagmumurang-kamatis pa rin ito dahil lang sa pareho sila ng natipuhang damit ni Irene! “Nakakaawang nilalang.” ***Sa isang restaurant sa BGC ang venue ng pupuntahan nila ni Dok Norman. Humahangos si Natalie at muntik pa siyang mapagsaraduhan ng elevator kaya itinaas niya ang damit niya para malaya siyang makatakbo at mahabol ito. “Sandali! Please, hold the door, pakiusap!” Dire-diretso sana si Natalie pero pumpreno siya nang mamukhaan kung sino ang sakay nito. Si Mateo. Si Mateo naman ay kumukulo ang dugo. Nakabihis ng maganda at ayos na ayos si Natalie. Nag-abala pa itong magkolorete ng mukha at nasa isang eksklusibong lugar ito. Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay
Hinanap din ni James ang pinanggalingan ng boses na iyon. At nang makita ang hinahanap, agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Nawala rin ang angas at yabang na kanina lang ay naroon. “Ah, Mr. Garcia. Pasensya na sa istorbo. May inaayos lang akong minor issue, pero maayos naman na.” Itinuro pa nito si Natalie at sumimangot. “Well? What are you waiting for?” “Ha?” Nanigas si Natalie sa kinatatayuan. ‘Tama ba ang dinig ko? Mr. Garcia? Nandito rin ang kumag na iyon? Kung oo, kapag minamalas ka nga naman!’ Kahit na naroon si Mateo, kailangan pa rin niyang gawin ang pinapagawa ni James Foster. Kaya pikit-mata niyang itinaas ang baso. Bago pa niya matungga ang laman nito ay muli niyang narinig ang boses ni Mateo. “Ikaw, lumapit ka dito,” matigas na utos nito sa kanya. Naninikip ang puso ni Natalie. ‘Ako ba ang tinatawag niya?’ “Ikaw ang tinatawag ko. Huwag kang tumingin saan-saan.” Nanunudyo ang boses nito. “Oo, ikaw ang kinakausap ko. Halika rito.” Muli na namang n
Nanatili sa ganoong pwesto sina Natalie at Mateo. Nahagip ng mga mata niya si James Foster. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Gamunggo ang pawis ni James. Bakas sa mukha ang pinaghalong takot at pangamba. Alam na nito ngayon na may pagtingin si Mateo Garcia kay Doktora Natalie Natividad. Kung hindi pa rin malinaw sa kaniya ang bagay na iyon, parang balewala lang ang napakaraming taon niya sa industriya kung gan’on. Maaring natipuhan niya ang batang doktor. Pero wala siyang nakikitang dahilan para hindi magbigay-daan para sa isang Mateo Garcia. Lumapit siya para humingi sana ng paumanhin kay Natalie. “Mr. Garcia, ah… ano kasi… Doktora…” Sumunod na nakita ni Mateo si Dok Norman Tolentino. “Anong mapapala mo, James kung papahirapan mo ang isa sa mga pinakamagaling na surgeon sa buong bansa?” “Oo nga, Mr. Garcia. Narealize ko rin ang bagay na ‘yon. Nagkamali ako…” Hindi naman talaga gustong gawin ito ni James. Para sa kaniya ay normal lang ang ginawa niya. Isa pa, mas kailangan
Madi-discharge na si Antonio anumang araw. Ibig sabihin n’on, hindi na mapipigilang pag-usapan nila ang tungkol sa divorce nila. Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Natalie hanggang sa narating niya ang kwarto niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya.“Diyos ko po!” Hindi niya malaman kung nanaginip ba siya o talagang nangyari ang nasa isipan niya. Hinalikan siya ni Mateo! Ang hindi lang maintindihan ni Natalie ay bakit iyon ginawa ng lalaki dahil magkarelasyon na sila ni Irene. O baka naman, pinaglalaruan lang siya nito. Nalalasahan pa ni Natalie ang lasa ng alak sa mga labi niya. Hindi naman siguro siya malalasing dahil hindi naman siya natuloy mag-inom. Tanging dampi lang sa labi ang nangyari. Nasapo ni Natalie ang kumakabog niyang dibdib. Naninikip iyon. At may halong pait at pagkatuliro. ***Makalipas ang ilang araw…Maaga pa ay nag-aalmusal na siya nang makatanggap ng tawag mula kay Antonio. “Lolo…” Namiss niya ang boses ng matanda. “Natalie, busy ka ba?” “Dayshift po
Pagkarinig ng pangalan niya, lalong kinabahan si Natalie. Ang maganda niyang mukha ay namutla at makikitaan ng kaba. Napansin naman ito ni Mateo kaya hindi nito napigilang mapasimangot. “Bakit parang natatakot siya? Hindi bai to ang gusto niya? Kaya niya ba talagang panghawakan ang kasal namin? Ganon na ba siya kadesperada?” Hindi mapigilan ni Mateo ang magduda.Humaba ang katahimikan sa pagitan nila at walang gustong magsalita kaya si Antonio na ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano bang plano ninyong mag-asawa? Bakit wala sa inyo ang gustong magsalita?” Dahil dito, nagbago ang utak ni Mateo. “Lo, ang ibig ko pong sabihin, ang akala namin ay magtatagal ka pa sa ospital para maka-recover. Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” Natawa ang matanda. “Akala ko kung ano na ang sasabihin niyo. Paano, nasa ospital na ako ng napakatagal na panahon, aba! Baka amagin na ako doon! Pwede namang magpagaling dito sa bahay, diba, Natalie?” “Opo,” ngumiti din si Natalie. “Importan
Pilit na pinakalma ni Mateo ang bagyong nag-aalab sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ang kanyang emosyon ay binubuo ng magulong mga alon ng selos, pagkabigo at isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa pamamagitan ng mahahaba niyang hakbang, nakalapit siya muli kay Natalie at ang boses niya at matalas at puno ng awtoridad.“Tumigil ka na sa kakaiyak!” Bagamat may bahid ng desperasyon, may bahid din iyon ng galit. “Para isang cake lang---ibibili kita ng bago. Kahit ilan pa ang gusto mo. Para ‘yan lang!”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumayo si Natalie. Hindi man lang siya nito tiningnan, tumalikod na ito at naglakad palayo.Nagpalitan ng hindi komportableng tingin sina Alex at Tomas. Wala silang balak makialam at mas gugustuhin pa nilang maglaho na lang para hindi na nila nakita ang nangyari.Nagtiim ang panga ni Mateo, nasapol ang kanyang pride dahil sa pagwawalang-bahala sa kanya ni Natalie. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso, pilit niyang pin
Umalab ang galit ni Mateo, ang hawak niya sa kahon ng cake ay lalong humigpit, halos masira na ito. Ang matalim niyang tingin ay sinalubong ang matapang na tingin ni Natalie. Ang bawat hibla ng kanyang kalamnan ay puno ng tensyon.“Paano kung sirain ko ‘to? Kung itapon ko’ to?”Hindi natinag si Natalie kahit pa katakot-takot na ang ekspresyon sa mukha ng kausap. “Inuulit ko, akin na ang cake na ‘yan. Ibigay mo sa akin. Hindi ako nagbibiro.”Ang pinapakita nitong tapang ay lalo lang nagpaningas ng galit ni Mateo. “Bakit? Bakit napakahalaga ng cake na ito para sayo, Natalie?”Ang katanungang iyon ay dumagdag lamang sa napakaraming tanong niya. Hindi niya maiwasang isipin na niloko siya---hindi lang ni Natalie kundi ng buong sitwasyon. Isang mapait na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Mateo habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kahon.“Mukha bang nagbibiro rin ako? Malalaman natin ngayon kung gaano kahalaga sayo ang cake na ‘to.”Pagkatapos ideklara iyon, sa pamamagitan ng i
“Copy, sir,” mahinahong tugon ni Alex sa utos ng boss niya habang inaanyayahan si Natalie na sumunod sa kanya papunta sa naghihintay na sasakyan.Umugong ang makina at dahan-dahang umalis ang sasakyan. Hindi maitatangging tahimik ngunit nanatiling mabigat pa rin ang hangin. Kinuha ni Alex ang karton ng cake kay Natalie at nagpaalam kung pwede na sa trunk compartment na lang iyon ilagay. Pumayag naman siya para makapagpahinga naman siya. Napapikit si Natalie dahil sa dami ng nangyari ngayong gabi.Habang papalayo ang sasakyan ni Natalie, nakahinga na ng maluwag si Irene. Nanumbalik din ang ngiti nito sa labi. Dahil wala na ang itinuturing niyang pinakamalaking banta sa pwesto niya sa buhay ni Mateo---nabawasan ang kaba sa dibdib niya.Samantala, nananatiling walang emosyon si Mateo habang pinapanood ang kotseng sinasakyan ni Natalie. Malinaw niyang inuulit sa isipan ang mga nangyari kanina sa loob ng restaurant. Pagkatapos ay siniguro niyang maayos na nakasakay sa isa pang sasakyan ang
Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa natitirang piraso ng cake sa kanyang plato. Bagamat pabago-bago ang gana niya sa pagkain nitong mga nakaraang araw, ang saktong tamis at creamy texture nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang ginhawa sa gitna ng tensyon sa silid na iyon.Napansin ni Rigor ng simutin niya ang laman ng platito gamit ang kutsara. Napapikit pa si Natalie sa sobrang ligaya. “Mukhang nagustuhan mo nga ang cake.”“Mm, masarap. Sakto ang tamis.” Sagot ni Natalie habang maingat na inilalapag ang kutsara.“Nat, marami pa,” udyok nito sa kanya. “Gusto mo bang ipaghiwa kita ulit?”Hindi sumagot si Natalie pero nang tingnan niya ang cake, parang inaanyayahan siya nitong kumain pa. Napalunok siya ng laway. Nakangiting pinagmasdan ni Rigor ang anak kaya hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Sapat na ang mapungay na mga mata ni Natalie na nakatutok sa cake. Naghiwa siya ng panibago at inilagay sa platito ng anak. Ang kaniyang maamo at maalagang kilos bilang ama ay hindi akma sa
“Naku, hindi mangyayari ‘yan, Dad.” Malambing na pagtutol ni Irene sa sinabi ng ama. “Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi ko mapapantayan ang regalo ni mommy sayo dahil gawa iyon ng may pagmamahal---isang bagay na hindi kailanman nabibili ng pera. Hindi ba, Dad?”Humagalpak ng tawa si Rigor, tumango ito habang tinitingnan ang sweater na bigay ng asawa. “Tama ka, wala itong katumbas.”“Suotin mo, Dad, para makita natin kung bagay sayo.” Mungkahi ni Irene.“Sige,” maingat na sinunod ni Rigor ang mungkahi ng anak at tinanggal ito sa kahon. Sinuot niya ang relo at inikot-ikot sa kanyang kanang kamay para pagmasdan ang ganda at pagkapulido ng gawa nito. “Napakaganda. Ito ang unang Rolex ko. Maraming salamat, anak.”“You’re welcome, Dad,” sagot ni Irene. May pagmamalaki ito sa boses at sinadyang lakasan ang boses. “Ang mahalaga, nagustuhan mo ang regalo ko.”Ang lahat ng mga mata ay lumipat kay Mateo na tahimik lang sa kanyang pwesto kanina pa. Wala pa ring mababasang ekspresyon sa mukha nit
“Ah,” malakas na hikab ang pinakawalan ni Rigor. Mapulang-mapula na din ang mukha nito at hirap na itong makatayo ng tuwid. Iwinasiwas niya ang kamay sa era, senyales na suko na siya. “Hindi ko na kaya, Mateo. Talon na ako. Panalo ka na. Matanda na ako, hindi na ako dapat nakikipagsabayan sa mga bata pagdating sa inuman.” Dagdag pa nito ng may pilit na tawa.“Talaga ba?” sagot naman ni Mateo na may mapanuyang tono. Nanatili pa rin ang talim ng tingin. “Sayang naman. Gusto ko pa sanang uminom. Sayang ang espesyal na okasyon na ito at ang mga alak na inorder ko.”Samantala, kalmadong pinanonood lang ni Natalie ang mga nangyayari. Napanatili niya ang walang bakas na emosyon. Hanggat maari ay ayaw niyang makialam dahil iba naman ang pakay niya sa lugar na iyon. Tahimik niyang sinenyasan ang isang waiter at humiling ng mainit na tasa ng tubig. Nang dumating ang hininging tubig na mainit, maingat niya itong ipinwesto sa harapan ni Rigor.“Inumin mo ‘yan,” malambing na alok niya. “Makakatul
Nanatili ang malamig na ekspresyon ni Natalie habang pabalik siya sa kanyang upuan. Walang emosyon na maaninag sa kanyang maputlang mukha. Nakasunod sa kanya si Mateo at ramdam pa rin ang masidhing titig nito sa kanya na tila sinusunog ang kanyang likod.“Natalie!”Ang boses nito ay puno ng pinaghalong galit at inis at umalingawngaw iyon mula sa likuran niya. Hindi niya ito pinansi, tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nanatiling taas-noo. Sunod niyang narinig ang mabilis na mga yabag na humahabol sa mga yabag niya ngunit hindi pa rin siya tumigil o lumingon.Hindi pwede.**Nang makabalik na siya sa mesa, agad na tumayo si Rigor at hinila ang silya papunta sa tabi niya. Ang kilos nito ay magiliw at masyadong sabik. “Dito ka na maupo, Natalie.”Nagulat man, magalang pa rin siyang tumango matapos magpasalamat. Walang alinlangan siyang naupo ngunit nanatiling maingat pa rin ang mga galaw.Nakabalik na rin si Mateo sa kabilang dako ng mesa at naupo sa dating pwesto. Nang makita nito ang gin
Hindi natutuwa si Mateo. Ang galit nito ay ramdam ng lahat, parang paparating na bagyo ngunit hinarap ito ni Natalie ng may ngiti na may panunuya. Dati ng naging ugat ng pagaaway nila noon si Rigor dahil inakala ni Mateo na may relasyon sila ni Natalie. Hindi rin malabong iyon ang tumatakbo sa isip nito ngayon nang makita siya. Dahil hindi niya maamin na anak siya ni Rigor at hindi babaeng bayaran, hinayaan niyang iyon nga ang isipin ni Mateo. Hindi naman niya inakalang darating ang araw na magkakaharap sila. Hindi rin mapakali si Rigor.“Wow, anak na ako ngayon ng matagal at mabuti niyang kaibigan,” napangiti si Natalie sa naisip. “Ito pala ang sinasabi niyang gusto niyang magkasama-sama kami.”Nag-alangan si Rigor at mabilis na umiwas sa mga mapanuring mata ni Mateo. “Natalie, Mateo…uhm…”naputol ang kanyang sasabihin at muling iniwas ang tingin mula sa matalim na tingin ni Natalie.Ayaw ni Natalie na maunahan pa siya kaya diretso siyang tumingin kay Mateo at ngumiti ng matipid. “Mag
Umupo muli ng maayos si Rigor matapos tanggihan ni Natalie ang alok na pagkain. Kalmado ito at maingat. “Kung ganoon, hintayin na lang natin na maihain ang hapunan bago tayo kumain ng sabay-sabay.”Habang sinasabi iyon, nanumbalik ang talim sa kanyang mga tingin at tumigil kina Irene at Janet na para bang pinapaalalahanan sila sa napagkasunduan nila. Pagkatapos ay kay Natalie naman. “Nat, wala ka bang sasabihin sa Tita Janet at sa kapatid mo?”Nanlumo si Natalie sa narinig ngunit inaasahan na niya ang senaryong iyon. Kailangan din niyang manatiling kalmado. Tipid siyang ngumiti at mahinahong sinunod ang utos ng ama.“Good evening po.”Ang ngiti ni Janet ay maaliwalas ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. Gaya ni Natalie, kailangan din niyang magpanggap na natutuwa kahit na naghihimagsik ang kalooban. “Mabuti at napilit ka ng tatay mo. Ang tagal na rin ng huli tayong magkasama sa pagkain, ano? Alam niyo, napakagandang pagkakataon talaga ng birthday ng tatay niyo para magkasama-sam