Kahit anong laban ni Natalie sa antok, wala pa rin siyang nagawa nang tuluyan siyang makatulog. Dahil sa pagbubuntis niya, naging takaw-tulog talaga siya. Malamig man sa pwesto niya, napahimbing ang dapat ay idlip lang sana.***Magmamadaling-araw na nang narating ni Drake ang Tagaytay. Kung hindi dahil sa bagyo, malamang ay mas maaga siyang nakarating doon. Nakita niya kaagad ang bintanang pinost ni Natalie sa kanyang update sa facebook kaya doon siya unang nagpunta. Doon ay nakita niya si Natalie na nakahiga sa sofa, nakapamaluktot at bakas sa magandang mukha ang hirap sa sitwasyon niya. Para hindi ito magulat, dahan-dahang lumuhod sa harapan niya si Drake. Pinagmasdan niya ang payapang mukha nito at pinag-isipang mabuti kung gigisingin niya o hindi si Natalie. ‘Think, Drake. Baka mas okay kung buhatin ko na lang siya at kargahin siya sa papunta sa kwarto,’ sambit niya sa sarili. Nang makita niya ang post ni Natalie kanina, nag-book na siya agad ng kwarto. Nabuhat na niya si
Sa kusina ng hotel… Malawak ang kusinang iyon. Sa pinakadulong bahagi ay may tatlong taong naroon kahit madaling araw na. Ang dalawa ay naka-uniporme ng hotel at ang isa ay halatang hindi nagtatrabaho roon. “Sir, ito na po ang mga ingredients na pinakuha niyo. Nailabas ko na rin po ang mga lalagyan na gagamitin. Kung may kailangan pa po kayo, sabihan niyo lang po ako,” magalang na sabi ng isa sa mga lalaking naka-uniporme. Sinilip ni Drake ang mesa kung saan nakalagay at naka-ayos ang mga hiningi niya. Tumango siya, senyales na mukhang wala nang nakalimutan ang mga ito. “Sigurado ba kayo na presko ang karne ng baka na ‘yan? Matatagalan kasi kapag naglaga pa ako.” “Yes, sir. Gabi-gabi kaming naglalaga ng bago para ready na kinabukasan.” “Sige. Pahingi ako ng mga e-wallet niyo para makapagpasalamat naman ako sa abalang ginawa ko. Saka bilang bayad na rin sa mga gagamitin ko rito. Wala kasi akong dalang cash dito. Nagke-crave kasi ng bulalo ang misis ko.”“Naku, sir. Okay lang
Tirik na ang sikat ng araw nang magising si Natalie. Kung hindi pa dahil sa liwanag galing sa siwang ng bintana na tumama sa mukha niya ay hindi pa sana siya magigising. Hindi niya nakita si Drake. Kagabi ay sa sofa ito ng suite nakatulog. Pupungas-pungas pa siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Drake. “Good morning. Gising ka na pala.” Inilapag nito ang dala nitong almusal na galing sa isang fast food chain. Mukhang nagpa-deliver ito. “Magfreshen-up ka muna. Tapos kumain na tayo.” “Sige…” Matapos maghilamos at mag-toothbrush ay sabay silang kumain. Sabay rin silang bumaba. Nakapagcheck-out na ito. Kinuha na rin ni Drake ang sasakyan para makaalis na sila. Akmang bababa pa sana ito para pagbuksan siya ng pinto pero pinigilan siya ni Natalie. “Huwag ka nang bumaba. Kaya ko namang sumakay magisa.” “Hay nako, Natalie.” Napailing na lang ito. Paalis na rin sina Mateo. Si Alex ang unang nakakita sa kanila. “Sir, hindi ba si Miss Natalie ‘yon? Nakita na natin siya! Buong ga
May taping para sa isang commercial advertisement si Irene sa loob ng mismong mall. Dinalaw siya ni Mateo sa set. Dahil may bakanteng oras siya, minabuti niyang yayain ang lalaki na maglakad-lakad sa mall. “Ang tagal na noong huling shopping ko. Sayang naman kasi nandito na tayo. Baka may mga new arrivals sila.” Alam ni Irene na sakit na ng mga kalalakihan ang pagiging mainipin kapag shopping ang usapan kaya labis niyang ikinagagalak ang effort na pinapakita ni Mateo para sa kanya. Kumalas si Irene sa pagkakapulupot sa kaniya at pinalamlam ang mga mata. “Hintayin mo na lang ako rito.” “Alright.” Wala talagang kagana-gana si Mateo sa shopping kaya laking pasasalamat niya na uupo lang siya.Mula sa kinaroroonan ni Nillly ay kitang-kita niya ang nangyari. Naguguluhan siya. Ang buong akala niya ay may pagtingin si Mateo Garcia kay Natalie pero may girlfriend pala ito. At ang mas nakapagpaloka sa kanya, ang girlfriend nito ay si Irene. “Bulag siguro ‘yon,” medyo napalakas na saad
Sabi nga sa isang sikat na kasabihan, “hindi problema ang pagkakaroon ng kapareho—nasa nagdadala na lang ‘yan.” Sa kahit anong anggulo, nasapawan ni Natalie si Irene at alam niya ito. Mapait itong ngumiti. “I changed my mind. Hindi pala masyadong maganda ang damit na ito. Maghahanap na lang ako ng iba.” Babalik na sana siya sa fitting room pero pinigilan siya ni Mateo. “Irene, wait.” “Bakit, Mateo?” Pinasadahan ng tingin ni Mateo si Irene. “Bagay sa ‘yo. Bilhin na natin ‘yan.” “Pero…” Nagtataka si Irene at tiningnan si Natalie. “Pareho kami ng damit. Hindi pwede…” “Ano ngayon?” Nilapitan ni Mateo ang cashier at inabot ang card niya. “Kukunin naming ang lahat ng kulay ng ganitong style, miss. Pakisabi rin sa management na i-pull out na ang damit na ito sa lahat ng branch niyo. Hindi gusto ng girlfriend ko kapag may kapareho siya.” Nagulat ang store attendant dahil may hawak na itong ganoong damit.Napansin ni Mateo kung saan nakatingin ang kausap niya. “Patanggalin niyo s
Papuntang BGC si Mateo nang gabing iyon. Naroon na sina Leo at Stephen. Maging si Aris na ilang buwan na niyang hindi nakikita ay naroon din. Nasa parehong social circle sila at magkakilala na since high school at college days nila. Iba ang bistro bar na iyon. Kaibigan nila ang may-ari kaya maganda ang binigay na pwesto sa kanila. Madalas sila roon dahil hindi kagaya ng ibang bar at clubs, chill lang ang mga taong nagpupunta doon. Nakailang bote na si Aris ng beer nang dumating si Mateo. Nang makita ang kaibigan ay lalong lumapad ang mga ngiti nito. “About time! Akala ko no-show ka na naman, Mateo. Dahil late ka, kailangan mong humabol.” Agad siya nitong inabutan ng nagyeyelong bote ng beer na tinungga naman ni Mateo kaagad. “Leo, Stephen, hindi kayo umiinom? Pinabayaan niyong mag-inom ‘tong si Aris nang mag-isa?” “Bro, parang hindi mo naman kilala si Aris. Basta alak, hindi nagpapapigil ‘yan,” tugon ni Leo na nakatuon ang atensyon sa cellphone. “Mateo, Mateo…” Napabuntong-hi
Magkasamang nananghalian sina Nilly at Natalie. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ni Natalie sa upuan ay inatake na siya ng antok. Ilang beses na siyang humikab. Dahilan para itigil ni Nilly ang pagkain nito at titigan ang mga eyebags niya. “Hoy, Natalie. Anong meron? Anong oras ka na siguro nakatulog kagabi, ano?” “Hindi ko sure, pero alam kong late na. Siguro madaling araw na.” Sumimangot si Nilly. “Huwag mo namang patayin sa trabaho ang sarili mo. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan natin, Nat.” “Alam ko naman ‘yon. Pero alam mo namang nagtatrabaho ako.” Hindi totoo ang rason na binigay niya sa kaibigan. Walang kinalaman ang translation job niya sa hirap niya sa pagtulog gabi-gabi. Bawat pagpikit niya ng mga mata, ang gwapong mukha ni Mateo ang nakikita niya. Hindi lang basta-basta ang imahinasyon niyang iyon dahil madalas ay parang totoo! Sa palagay niya ay lalong pinaigting ito ng nangyari kagabi. Muntik na siyang halikan nito. O baka, imahinasyon lang niya ‘yon? At kahi
Nanatiling nakaawang ang bibig ni Natalie kahit na nakalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya sa nangyari. Matapos ang ilang sandali, natawa na lang siya. “Anong ‘yon? Isip bata!” Pinagmasdan ni Natalie ang suot niyang damit na pinuri ni Mateo. Tiyak niyang nagmumurang-kamatis pa rin ito dahil lang sa pareho sila ng natipuhang damit ni Irene! “Nakakaawang nilalang.” ***Sa isang restaurant sa BGC ang venue ng pupuntahan nila ni Dok Norman. Humahangos si Natalie at muntik pa siyang mapagsaraduhan ng elevator kaya itinaas niya ang damit niya para malaya siyang makatakbo at mahabol ito. “Sandali! Please, hold the door, pakiusap!” Dire-diretso sana si Natalie pero pumpreno siya nang mamukhaan kung sino ang sakay nito. Si Mateo. Si Mateo naman ay kumukulo ang dugo. Nakabihis ng maganda at ayos na ayos si Natalie. Nag-abala pa itong magkolorete ng mukha at nasa isang eksklusibong lugar ito. Ang unang bagay na pumasok sa isip niya ay
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa
May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal
“Sasaktan niya ba ako? Diyos ko po.”Nanigas si Natalie at ang nanlalaki niyang mga mata ay nakatuon kay Mateo. Bawat kalamnan ng kanyang katawan ay napuno ng takot habang hinihintay ang kahihinatnan niya.Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi niya habang lumilipad ang kamao nito---ipinikit niya ang mga mata. Ngunit ang inaasahan niyang sakit mulo sa suntok nito ay hindi dumating.Sa halip…Bang!Ang puno sa tabi niya ay umuga ng bumagsak ang kamao ni Mateo doon. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng mga buto sa kahoy at may mga nalaglag na dahoon sa paanan niya.Hindi mahina ang suntok na pinakawalan nito.“Mateo!” bulalas ni Natalie. Nabahala siya at inabot ang kamay ng lalaki. “Nasaktan ka ba? Patingin---”Ngunit bago niya makuha ang kamay nito, mabilis na naiiwas ni Mateo ang kamay. May ngiti ito sa labi. Isang ngiting may sakit kaysa nakakatawa.“Titingnan mo? Para saan, Natalie?” May pait na tanong nito. “Mahalaga ba talaga ako sayo?”Para siyang sinampal ng mga salitang
Medyo nalungkot si Natalie dahil may mga sangkap siyang hindi nabili sa supermarket na iyon. Ayon sa pinoy na doon din namimili, karamihan ng mga kailangan niya ay matatagpuan sa isang Asian store. May kalayuan din iyon kaya nagkasya na lang siya sa kung anong pwede niyang isahog sa sugpo na nauna na niyang nabili.“Hindi na masama, Nat. Tama ka, kailangan nating pumunta sa Asian store.” Sabi ni Rigor ng kaswal pagkatapos kumain. Bumalik din ito sa silid niya para maghanda.Habang nag-uurong ng mga pinggan si Natalie, muling lumabas ang ama. “Nat, may nakalimutan akong iempake. Kung lalabas ka mamaya, pwede bang bilhan mo ako ng underwear?”Nagtaas ng kilay si Natalie sa pasuyo ng ama ngunit tumango pa rin. “Okay.”Matapos linisin ang kusina, nag-research siya online ng mga establisimyentong malapit sa tinutuluyan nila. May malaking supermarket na pwede niyang lakarin at mukhang kumpleto ito sa kailangan niya. Nagpahinga si Natalie ng sandali at nagpalit ng mas komportableng damit, bi