Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat
Sa Tagaytay…Dalawang araw na si Natalie roon. Ang International Medical seminar para sa taong iyon ay ginanap sa isa sa mga pinakaaasam niyang mapuntahan. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumama sa kanyang professor. Si Doktor Norman Tolentino ay ang napiling keynote speaker at bilang estudyante nito, kinailangan niyang samahan ang professor niya bilang assistant nito. Tapos na ang morning session at naghahanda na lang sila para sa closing program at para makauwi na sila nang makatanggap si Dok Norman ng isang importanteng tawag. “Hello? Ah, ganoon ba? Tapos na… Pauwi na kami. May hinihintay lang. Sige… Pabalik na ako,” tugon ni Norman sa kausap sa cellphone. Binalingan nito si Natalie na tahimik na nakikinig lamang. “Dok Natividad, tumawag ang ospital. May urgent cardiopulmonary transplant surgery roon at kailangan kong bumalik. Walang ibang doktor na pwedeng gumawa noon.” “Sige po, dok.” Tumayo si Natalie. “Kukunin ko lang po ang mga gamit ko.” Ngumiti ito, “Dito ka
Ito ang unang beses na nag-post si Natalie simula nang naging friends sila sa facebook. Napatingin si Drake sa labas ng bintana ng kwarto niya. Ang alam kasi niya ay may paparating na bagyo ngayong gabi at nasa Tagaytay si Natalie magisa. Ang balak niyang pagpapahinga ay naunsyami. Agad niyang pinulot ang coat at susi ng sasakyan niya. Hindi na niya napansin ang ina na nagtatapyas ng mga dahon ng mga halaman nito. Ito na ang pinagkakaabalahan nito ngayon. “Drake, aalis ka?” Napaismid si Drake. “Ma, malaki na ako. Siguro naman hindi ko na kailangan humingi ng permiso sa tuwing aalis ako.” “Hindi naman sa ganon,” napahiyang sagot ni Amanda sa anak. “Ang ibig ko lang sabihin ay masama ang panahon. Tsaka, hindi yata nabanggit ng papa mo pero may mga inimbitahan siyang kumpare para maghapunan dito mamaya.” “Talaga ba, ma? Mga kumpare niya na bitbit ang mga anak nilang babae?”Buhat ng bumalik siya ay hindi na tumigil ang mga magulang niya sa kakaimbita ng mga kakilala para mag-ha
Hindi nagtagal ay napuno ang lamesa nila ng samu’t-saring pagkain. Ni hindi man lang tinikman ni Natalie ang ibang mga putahe na nasa harapan niya. Pasensiyosa niyang hinintay ang inorder niyang bulalo at fruit salad. “Ma’am, andito na po ang bulalo niyo,” sabi ng waiter habang inihahain ang pagkain niya. Namutawi ang malapad na ngiti sa mga labi ni Natalie. Dinampot niya ang kubyertos at mukhang takam na takam. “Mmm! Ang bango!” Walang ano-ano ay hinila ni Irene ang bowl ng bulalo papunta sa kanya. “Mukhang masarap ‘to, ha! Nagutom tuloy ako!” Parang nakalimutan ni Irene na order iyon ni Natalie. Sa lahat ng mga pagkain, iyon ang inaabangan ng doktora. Tila, walang pakialam si Irene. Imbis na makaramdam ay sumandok pa ito at kinain ang taba ng baka sa pinakabuto nito. “Ay, ang sarap,” komento pa nito. Hindi pa nasiyahan ay humigop pa ito ng sabaw. “Mateo, come on. Tikman mo. Ang sarap, grabe! Talaga namang pambato ng Tagaytay ang bulalo!” Imbes na matuwa sa paanyaya ni Ire
Walang balak si Natalie na makita ang paglalambingan ng dalawa. Matapos niyang titigan ng isang beses pa sina Mateo at Irene ay umalis na siya. Mula sa restaurant ay may kalayuan ang lobby ng hotel pero mabilis na narating iyon ni Natalie. Napaupo siya sa malambot na sofa at mabilis na nagkahungkat sa bag niya. Napasinghap siya ng mahanap ang isang chocolate chip cookie na alam niyang dala-dala sa bag. Napatigil siya ng maalala na iyon pa ang chocolate cookie na bigay ni Drake sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon dahil kasama ni Drake ang nobya niya. Alam ni Natalie na hindi siya mabubusog sa chocolate cookie na iyon pero mas mainam na may source of energy siya kesa wala. Agad niyang pinunit ang wrapper at kinain iyon. Mas malakas na ang ulan ngayon na sinamahan pa ng humahampas na hangin. Malamig sa Tagaytay pero dahil sa bagyo ay dumoble ang lamig.Lumabas na rin ng restaurant sina Mateo at Irene at madadaanan nila ang lobby. Mabilis na nakita ni Mateo si Natalie n
“What if, mag-share na lang tayong dalawa ng kwarto, Dok Natalie?” nakangiting tanong ni Irene sa doktora. “Abalang tao si Mateo at kahit wala sa opisina ay nagtatrabaho siya. Bukod pa roon ay masikip para sa tatlong lalaki ang isang regular room.” May punto naman ito kaya hinitay ni Mateo ang pasya ni Natalie. “Ano sa palagay mo? Tama siya.”Ang balak sana ni Natalie ay tahasang tumanggi sa ideyang ito. Mas gugustuhin niyang matulog sa sofa ng lobby kesa makasama sa iisang kwarto ang kapatid. Bago pa man siya makapagbigay ng sagot ay napahiyaw na sa tuwa si Irene. “Ayan, roomies tayo tonight, Dok!” Hindi nakaligtas kay Mateo ang pagdadalawang isip niya kaya binulungan siya nito. “Isipin mo ang katawan mo.” Naging mas malamig ang panahon at mukhang matatagalan pa bago humupa ang bagyo. Kung magiging matigas siya at ipipilit niyang manatili sa lobby, malaki ang posibilidad na magkasakit siya. Napangiwi si Natalie. Tinitimbang niya ang kapasidad niyang makasama sa isang kwarto a
Kahit anong laban ni Natalie sa antok, wala pa rin siyang nagawa nang tuluyan siyang makatulog. Dahil sa pagbubuntis niya, naging takaw-tulog talaga siya. Malamig man sa pwesto niya, napahimbing ang dapat ay idlip lang sana.***Magmamadaling-araw na nang narating ni Drake ang Tagaytay. Kung hindi dahil sa bagyo, malamang ay mas maaga siyang nakarating doon. Nakita niya kaagad ang bintanang pinost ni Natalie sa kanyang update sa facebook kaya doon siya unang nagpunta. Doon ay nakita niya si Natalie na nakahiga sa sofa, nakapamaluktot at bakas sa magandang mukha ang hirap sa sitwasyon niya. Para hindi ito magulat, dahan-dahang lumuhod sa harapan niya si Drake. Pinagmasdan niya ang payapang mukha nito at pinag-isipang mabuti kung gigisingin niya o hindi si Natalie. ‘Think, Drake. Baka mas okay kung buhatin ko na lang siya at kargahin siya sa papunta sa kwarto,’ sambit niya sa sarili. Nang makita niya ang post ni Natalie kanina, nag-book na siya agad ng kwarto. Nabuhat na niya si
Sa kusina ng hotel… Malawak ang kusinang iyon. Sa pinakadulong bahagi ay may tatlong taong naroon kahit madaling araw na. Ang dalawa ay naka-uniporme ng hotel at ang isa ay halatang hindi nagtatrabaho roon. “Sir, ito na po ang mga ingredients na pinakuha niyo. Nailabas ko na rin po ang mga lalagyan na gagamitin. Kung may kailangan pa po kayo, sabihan niyo lang po ako,” magalang na sabi ng isa sa mga lalaking naka-uniporme. Sinilip ni Drake ang mesa kung saan nakalagay at naka-ayos ang mga hiningi niya. Tumango siya, senyales na mukhang wala nang nakalimutan ang mga ito. “Sigurado ba kayo na presko ang karne ng baka na ‘yan? Matatagalan kasi kapag naglaga pa ako.” “Yes, sir. Gabi-gabi kaming naglalaga ng bago para ready na kinabukasan.” “Sige. Pahingi ako ng mga e-wallet niyo para makapagpasalamat naman ako sa abalang ginawa ko. Saka bilang bayad na rin sa mga gagamitin ko rito. Wala kasi akong dalang cash dito. Nagke-crave kasi ng bulalo ang misis ko.”“Naku, sir. Okay lang