“Hindi ko alam. Pwedeng hindi niya alam o pwede ding alam niya pero ayaw lang niyang maging responsableng ama. Pwede ding wala kang itinama.” Ang tanong na galing kay Mateo ay ikinagulat ni Natalie. Bigla-bigla na lang kasi itong nagtatanong. Paano nga naman niya masasagot ang tanong na iyon kung sa una pa lang ay hindi naman niya kilala ang ama ng bata? Ang sinagot sa kaniya ni Natalie ay nagpalaki ng mga mata ni Mateo. Naisip niyang napakawalang-kwenta naman pala ng lalaking iyon. Hindi maituturing na matinong lalaki ang mga lalaking ganoon ang prinsipyo sa buhay. “So…'yon na ‘yon? Magkakaanak ka na, Nat…” Napahawak si Natalie sa tiyan niya. Hindi pa niya sigurado kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa ngayon, iisa lang ang sigurdo niya…walang kasalanan ang bata kaya wala siyang karapatan na sisihin ito sa kung ano man ang magiging takbo ng buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Napakaraming nakataya. Alam din niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mateo. Sa ngayon ay iniisi
Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat
Alas diyes ng gabi sa Golden Palace Hotel…Napatingin si Natalie sa door number ng pintong nasa kaniyang harapan. Maya-maya pa tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatanggap siya ng text mula kay Rigor, ang ama niya. [Nat, pumayag na ang Tita Janet mo. Basta’t sasamahan mo raw si Mr. Chen, babayaran niya ang hospital bills ng kapatid mo.]Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Natalie nang mabasa ang text message. Wala na siyang maramdaman.Matapos magpakasal muli ng ama nila, lagi na lamang silang naiiwang magkapatid. Sa loob ng sampung taon ay iniwan sila nito sa pangangalaga ng madrasta na wala nang alam gawin kundi ang pahirapan sila at siguraduhing impyerno ang mararanasan nila.Hindi lamang madamot sa pagkain at pag-aaruga si Janet. Pinagbubuhatan din niya ng kamay ang magkapatid.Umabot na sa sukdulan ang kawalanghiyaan ng madrasta. Dahil sa malaking pagkakautang nito ay ipinagkanulo siya nito sa isang lalaki!Noong una ay tahasan ang ginawang pagtanggi ni Natalie. Pum
Nagmadaling umuwi si Natalie. Ang nadatnan niya sa salas ng bahay ay isang may kalbo at may edad na lalaki. Naroon din ang ama niya, madrasta, at si Irene. Mukhang galit ito at inaaway ang half-sister niya.“Irene, papakasalan kita! Sa kahit anong simbahan pa ‘yan. Name it! Pero bakit mo naman ako pinaghintay buong gabi?” reklamo pa nito.Pinabayaan lamang ni Irene na sigaw-sigawan siya ng lalaki. Kahit ganoon ang hitsura ng lalaki ay masasabing playboy ito. Sandamukal ang mga babae nito!Malas lang ni Irene dahil natipuhan siya ni Kalbo. Mabuti na lamang at mahal na mahal siya ng mga magulang at pinagpalit sila ni Natalie ng posisyon. Si Natalie ang pinadala para makasiping ni Mr. Chen at hindi siya.Nandilat si Irene nang makita si Natalie. Tinakasan nito si Mr. Chen kagabi!“Mr. Chen,” hinimas-himas ni Janet ang braso ng lalaki para kumalma ito. “Pasensya na po kayo. Alam niyo naman ang mga bata sa panahon ngayon, may katigasan ang ulo.”“Tama po ang asawa ko, Mr. Chen. Pasens
Nagulat pa si Mr. Chen nang makita kung sino ang bagong dating.“Mr. Garcia?”Sa mundo ng negosyo, walang hindi nakakakilala kay Mateo Garcia. Siya ang nagpapatakbo ng pinakamalaking kompanya ng langis sa buong bansa. Masasabi na ring nasa mga palad ni Mateo nakasalalay ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.Binitawan ni Mr. Chen ang palapulsuhan ni Irene. Ngunit hawak pa rin nito ang bestida niya. “A-Ano pong ginagawa niyo rito?”Hindi sinagot ni Mateo si Mr. Chen. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Irene. Umiiyak pa rin ito dala ng marahas na paghatak sa kaniya ng lalaki.Ito ang babaeng kasama niya kagabi.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Mateo. Dumapo ito sa panga ni Mr. Chen. Napaupo ito sa lakas ng suntok ng binata.“How dare you lay a hand on her?”“Mr. Garcia, this is a misunderstanding! I can explain everything to you!” tiklop ang kaangasan ni Mr. Chen kay Mateo.“Irene, sinaktan ka ba niya?”Umiling si Irene. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. “H-Hind
Naiintindihan ni Natalie ang gustong iparating ni Mateo. Pero para sa kaniya, ang kasal ay sagrado. Hindi ito larong pambata. May pag-aalinlangan siyang umiling. “Hindi naman kailangang umabot tayo sa gano’n ‘di ba? Pwede mo naman sigurong pakiusapan ang lolo mo–”Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinutol na siya ng lalaki. “Bibigyan kita ng malaking halaga bilang kapalit,” sabat ni Mateo sa dalaga. Malaking halaga?Napatda si Natalie sa kaniyang kinauupuan. Sa loob niya, gusto niyang tumanggi. Pero hindi niya maibuka ang bibig para muling tumanggi sa lalaki. Kailangan nang maoperahan ng kapatid niya. At ang tanging dahilan lang naman kaya siya lumapit sa pamilyang Garcia ay pera. Sa mga sandaling iyon ay alam ni Mateo na nakuha niya na ang atensyon ng babae. “You can name your price. Ibibigay ko kahit magkano. Basta’t pumayag ka sa sinabi ko.”Ilang beses na napahugot nang malalim na hininga si Natalie. Kapagkuwa’y tumango na siya sa lalaki. “Sige. Papayag
Muntik pang matumba si Natalie dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Mateo. Kakatapos lang i-check ng doktor ang kalagayan ni Antonio. Napalingon ito kina Mateo at Natalie. “Kumusta na ang kalagayan ng lolo ko?” agad na tanong ni Mateo. “Stable na ang kalagayan ni Mr. Garcia. Pero nanghihina pa rin siya sa ngayon. Kailangang mabantayan ng diyeta niya. At kailangan niya ring magpahinga. Higit sa lahat, dapat ay lagi siyang nasa magandang mood. Panatilihin niyo siyang masaya at huwag na huwag niyo siyang stressin at biglain.”Matapos ibilin iyon ay lumabas na ng silid ang doktor. “Mateo, Natalie, nakuha niyo na ang marriage certificate niyo ngayon, hindi ba? Mateo, siguraduhin mong bibigyan mo oras at atensyon ang asawa mo. Hindi niyo na ako kailangang bantayan.”“Mr. Garcia…”Napakunot ng noo si Antonio. “Bakit Mr. Garcia pa rin ang tawag mosa ‘kin? Hindi ba dapat ay lolo na? At saka bakit ka humihingi ng patawad?” “A-Ano po kasi…”Ngunit bago niya pa masabi ang kaniyang sasa
Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin. Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin. “Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!” Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!” “Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid. Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!” Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito. Pakiram