Share

KABANATA 47

Nagsisimula nang bumalik ang ulirat ng matanda at nang makita nitong si Natalie ang nasa tabi niya, nangilid ang mga luha nito. Naintindihan ni Natalie ang ibig nitong sabihin. “Ayos lang po si Mateo. Alam ko po ang naging kalagayan niya. Ako po mismo ang tumitingin sa kaniya sa ospital na ito. Huwag na po kayong masyadong mag-alala sa kaniya.”

Ipinikit muli ni Antonio ang mga mata niya. Bakas sa mukha nito na hindi na ito nagaalala ng malamang maayos ang apo.

Hindi namalayan ni Natalie na nasa likod na niya si Mateo. Tinabihan nito ang lolo at hinawakan ang isa pa nitong kamay. “Lo, nandito na po ako…see? I’m fine.”

Gustong magsalita ng matanda ngunit garalgal na tinig lamang ang naririnig ng dalawa. Muli na namang nagalala si Mateo para sa lolo. “A-ano pong kailangan niyo?”

Ang sumunod na ginawa ng matanda ay malinaw para kina Mateo at Natalie. Dahil hindi ito nakakapagsalita, marahan nitong hinila ang mga kamay nilang hawak niya sa kamay at pinag-isa. Gusto nitong maging maa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Melanie Ruso Delossantos Ines
exciting next up please
goodnovel comment avatar
اشمينة واتاماما
Ang cute heheh..
goodnovel comment avatar
Aurea Morallos
very interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status