Share

KABANATA 43  

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
“Ako? Iniimbitahan mo akong mag-dinner?” Hindi talaga magawang maintindihan ni Natalie kung ano ang trip ni Mateo kahit anong pilit niya. “Hindi ka na pwedeng lumabas, Mateo. Unang-una, lumabas ka na kanina para makipag-date sa nobya mo. Pinalampas ko na iyon, dahil sabi mo importante iyon. Pero bilang doktor mo, hindi ako pwedeng lumabas kasama ka. Paglabag iyon sa code of conduct ko.”

“Nat, marami tayong dapat na pag-usapan.” Naging seryoso ito. “Ang sagot lang sa tanong ko ay oo o hindi.”

Napalunok si Natalie. “Kakain lang naman, diba?”

Hindi magawang tumanggi ni Natalie lalo na at naging seryoso na ito. Bukod pa doon ay may bahagi ng pagkatao niya na gustong malaman kung bakit siya niyaya nitong mag-dinner. Pakiramdam niya ay importante ang gabing ito.

“Pumapayag ka na?” Muling tanong nito.

“Oo nga.”

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. “Okay, magkita na lang tayo mamaya sa kwarto ko. Ayaw mo namang paalisin ako ulit ng ospital.”

Ang kwarto ni Mateo Garcia a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lorna Sancho
exciting ang susunod na kabanata...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 44

    “Hmm,” napansin n ani Irene ang nakahandang mesa. May dalawang plato, kaya kunot ang noo nito nang tanungin ang nobyo. “May ibang tao ba dito?” Hindi naman kasi alam ni Mateo na maka-cancel ang shooting nito ngayong gabi. Lalong hindi naman para kay Irene ang hinanda niyang dinner. Kung alam lang niya, sana pala ay nagpumilit na lang siya na sa labas na lang sila maghapunan ni Natalie. Naiinis siya sa pagsulpot nito ng walang pasabi. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo kaya kailangan niyang makaisip agad ng kapanipaniwalang rason. “Para sa amin ni Isaac yan. Hindi pa lang siya dumarating.” “Oh, I see.” Tsaka pa lamang nakahinga ng maluwag si Irene. Ang una niyang inisip ay baka may babaeng kasama si Mateo at kakain pa lang sila. Mabuti na lang at si Isaac lang pala ang kasama nitong kumain. Humila siya ng isa pang upuan. “Alam mo, boring kumain nang kayo lang. Samahan ko na kayo, okay?” Nanatiling nakatayo si Mateo, napansin na naman ito ni Irene. “Ayaw mo bang umup

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 45

    Nakahawak pa din si Mateo sa kamay ni Natalie. Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. “'yong kamay ko…pwede pakibitawan tsaka, pwede na ba akong umalis? May lakad ako.” “Saan?” Nakasimangot na ang lalaki at hindi nagustuhan ni Natalie ang tono ng pananalita nito. Hindi niya maitago sa mukha ang disgust sa inaasta ni Mateo. “Teka, bakit ka nagmamaasim dyan? Eh, ikaw ‘tong nagyayang maghapunan tapos pinapasok mo ako sa banyo ng humigit kumulang isa o dalawang oras. Diba, dapat ako ang magalit?” Nagulat si Mateo at wala siyang naisagot. Hindi din niya alam bakit bigla na lang nawala ang pasensya niya at nagalit siya gayong tama naman ito dahil sino nga naman ang hindi magagalit kapag pinapasok ka sa banyo para magtago? Nabigla siya ng mga oras na iyon at aminado siyang mali ang ginawa niya. “Hey,” sabi ni Natalie sa kaniya. “Hindi naman ako galit. Naiintindihan ko. Natural na maging ganoon ang reaksyon mo. Priority lagi dapat ang girlfriend kaya no worries.” Para kay M

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 46

    Wala pa ding sagot si Natalie. Namumutla lang ito na tila nawalan ng dugo ang balat. Nakaramdam ng simpatya si Mateo para sa babae. Nainis din siya sa sarili dahil sa sobrang galit niya ay kung ano-ano ang nasabi niya. “Ayos ka, Mateo. Bakit mo kailangang magsalita ng masasakit kapag dismayado ka?” Puna niya sa sarili. “Nat…”nagsisisi siya sa mga sinabi pero hirap siyang humingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya. A-ang ibig kong sabihin…” “Tama ka.” Ngumiti si Natalie. “May bastardo nga sa tiyan ko. Ang mga taong kagaya ko ay hindi nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga kagaya mo. Huwag kang mag-alala, Mateo. Hindi naman namin kailangan ng tulong mo.” Nagbukas ang elevator at mabilis na lumabas ang babae kahit hindi niya floor iyon. “Natalie!” Hindi na niya naabutan pa ito. Sa inis niya sa sa sarili, nasuntok ni Mateo ang elevator. Halo-halong emosyon ang nanaig sa kaniya. Sa palagay niya ay malalagutan siya ng hininga. Kinahapunan, nagrounds si Natalie sa kwarto ni Mateo per

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 47

    Nagsisimula nang bumalik ang ulirat ng matanda at nang makita nitong si Natalie ang nasa tabi niya, nangilid ang mga luha nito. Naintindihan ni Natalie ang ibig nitong sabihin. “Ayos lang po si Mateo. Alam ko po ang naging kalagayan niya. Ako po mismo ang tumitingin sa kaniya sa ospital na ito. Huwag na po kayong masyadong mag-alala sa kaniya.” Ipinikit muli ni Antonio ang mga mata niya. Bakas sa mukha nito na hindi na ito nagaalala ng malamang maayos ang apo. Hindi namalayan ni Natalie na nasa likod na niya si Mateo. Tinabihan nito ang lolo at hinawakan ang isa pa nitong kamay. “Lo, nandito na po ako…see? I’m fine.” Gustong magsalita ng matanda ngunit garalgal na tinig lamang ang naririnig ng dalawa. Muli na namang nagalala si Mateo para sa lolo. “A-ano pong kailangan niyo?” Ang sumunod na ginawa ng matanda ay malinaw para kina Mateo at Natalie. Dahil hindi ito nakakapagsalita, marahan nitong hinila ang mga kamay nilang hawak niya sa kamay at pinag-isa. Gusto nitong maging maa

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 48   

    Umiling si Natalie. Kailan man ay hindi niya magagawang sumuka sa kamay nino man. Pero sukang-suka na siya. Anumang oras ay mailalabas na niya ang kanina pa niya pinipigilang mangyari. “Dali na, Nat!” Utos ni Mateo sa kaniya. Hindi na nga nagawang pigilan pa ni Natalie ang suka niya. Nagsuka siya at sinalo iyon ng mga nakaabang na kamay ni Mateo. Pati ang suoy nitong jacket ay nasukahan niya. “S-sorry…” hingal niyang sabi, namumutla pa din ito. “Okay lang.” Tinanggal niya ang jacket na suot at itinapon sa nakitang basurahan sa sulok. “Maghuhugas lang ako.” Nang bumalik ito, basang-basa ang suot nitong damit. Napansin ni Natalie na hindi suot ni Mateo ang t-shirt na ginawa niya para dito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya ngunit hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan iyon. Nasukahan niya si Mateo. Ano na lang ang iisipin ng lalaki kung itatanong niya ang t-shirt? “Kamusta ang pakiramdam mo, Nat?” Nasa tapat niya si Mateo at may bahid ng pag-aalala sa

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 49  

    “Hindi ko alam. Pwedeng hindi niya alam o pwede ding alam niya pero ayaw lang niyang maging responsableng ama. Pwede ding wala kang itinama.” Ang tanong na galing kay Mateo ay ikinagulat ni Natalie. Bigla-bigla na lang kasi itong nagtatanong. Paano nga naman niya masasagot ang tanong na iyon kung sa una pa lang ay hindi naman niya kilala ang ama ng bata? Ang sinagot sa kaniya ni Natalie ay nagpalaki ng mga mata ni Mateo. Naisip niyang napakawalang-kwenta naman pala ng lalaking iyon. Hindi maituturing na matinong lalaki ang mga lalaking ganoon ang prinsipyo sa buhay. “So…'yon na ‘yon? Magkakaanak ka na, Nat…” Napahawak si Natalie sa tiyan niya. Hindi pa niya sigurado kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa ngayon, iisa lang ang sigurdo niya…walang kasalanan ang bata kaya wala siyang karapatan na sisihin ito  sa kung ano man ang magiging takbo ng buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Napakaraming nakataya. Alam din niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mateo. Sa ngayon ay iniisi

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 50  

    Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 51

    Sa Tagaytay…Dalawang araw na si Natalie roon. Ang International Medical seminar para sa taong iyon ay ginanap sa isa sa mga pinakaaasam niyang mapuntahan. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumama sa kanyang professor. Si Doktor Norman Tolentino ay ang napiling keynote speaker at bilang estudyante nito, kinailangan niyang samahan ang professor niya bilang assistant nito. Tapos na ang morning session at naghahanda na lang sila para sa closing program at para makauwi na sila nang makatanggap si Dok Norman ng isang importanteng tawag. “Hello? Ah, ganoon ba? Tapos na… Pauwi na kami. May hinihintay lang. Sige… Pabalik na ako,” tugon ni Norman sa kausap sa cellphone. Binalingan nito si Natalie na tahimik na nakikinig lamang. “Dok Natividad, tumawag ang ospital. May urgent cardiopulmonary transplant surgery roon at kailangan kong bumalik. Walang ibang doktor na pwedeng gumawa noon.” “Sige po, dok.” Tumayo si Natalie. “Kukunin ko lang po ang mga gamit ko.” Ngumiti ito, “Dito ka

    Last Updated : 2024-10-14

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 100  

    Kumpara kina Natalie, mas maagang dumating ang grupo nina Mateo doon. Nagsilapitan sina Stephen at Aries sa kanila at huling-huli nila ang pagtingin ni Mateo kay Natalie, halos hindi na ito kumukurap. “Alam mo, noong una, nagiisip pa ako kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, dito sa isang putchu-putchung park mo kami hinatak---yun pala, yung misis ng isa dyan ay narito.” Tukso ni Aries sa kanya. As usual, hindi siya pinansin ni Mateo, naglakad ito papunta sana kina Natalie, pero bigla itong tumigil. Nagdadalawang-isip ito. Si Mateo Garcia ay hindi nagdadalawang-isip kung kaya para itong isang palabas na pinapanood ng mga kaibigan. “Hala, ano kayang problema? Wala silang ticket? Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?”Sarkastiko ang ngiting namutawi sa labi ni Mateo. “Ang tanong, kailangan ba talaga niya ng tulong ko?” “Natalie!” Dumating si Drake, kakapark pa lang nito ng sasakyan. “May problema ba?” “Meron…ganito ang nangyari…” nagsimula ng magkwento si Natalie, baka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 99

    Makalipas ang ilang araw, binisita ni Drake ang Garcia Corporation. Masusi niyang sinunod ang mga prosesong kailangan para sa partnership ng Pascual Technology sa kumpanya nila at ngayong araw ay may meeting siya kasama si Mateo Garcia. Dinala siya ng sekretarya nito sa isang maliit na conference room. Pagka-upo ni Drake, pumasok na si Mateo. Muli siyang tumayo. “Mr. Garcia.” “Mr. Pascual, please, maupo ka.” Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinag-usapan ang collaboration ng mga kumpanya nila. Natuwa naman si Mateo sa kapasidad ni Drake at napagdesisyunan niyang pirmahan na ang deal. “It’s a pleasure working with you,” sabi ni Mateo. “I’m grateful for your trust, Mr. Garcia. I look forward to a fruitful partnership.” Gaya ng nakagawian, isang piging ang nakahanda para sa tagumpay ng dalawang kumpanya. “Mr. Pascual, hindi mo ba kami sasamahan mamaya sa dinner?” “Maraming salamat. Hindi sa hindi ko gustong kumain kasama kayo pero may prior commitment kasi ako

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 98  

    Halos malunok ni Leo ang usok ng sigarilyong ibubuga sana niya. “What the…sinong tinatawag mong babaero? Lahat ng mga nakarelasyon ko ay mga kaibigan ko lang talaga…” Napansin ni Leo na lahat ay nagsi-taasan ng kilay. “Hmph. To answer your question, hindi pa ako nag-date ng babaeng may anak.” “Weh?” Pambubuska ni Stephen. “Wala pa sa ngayon dahil hindi mo pa nakikita yung babaeng may anak na iyon na gusto mo. Kung gusto mo siya, walang kaso kung may anak siya o wala, diba?” “Ah, pinagtatawanan mo ako at ang prinsipyo ko, Stephen?” Nagtawanan sila at nag-alaskahan gaya ng lagi nilang ginagawa kapag magkakasama sila. Pero nagseryoso ulit si Leo. “Pero seryoso, what if may anak nga siya? Mahaba ang buhay at hindi sapat ang isang anak para matali ang isang tao.” “Alam mo, tama at mali yung sinabi mo,” pasok naman ni Aries na kanina pa nakikinig lang. “Sabi nga nila, it’s not about the time we live in. Kahit noong panahon pa ng mga mananakop, uso na yung mga single mothers. Madalas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 97

    Panandaliang nagulat si Mateo sa tanong na iyon. Pero sinagot pa rin niya ng buong katotohanan iyon. “Yes, why?” “Salamat,” seryoso ito. “Talagang nagpapasalamat ako. Lumaki akong kaunti lang ang mga taong mabait sa akin.” May kakaibang sensasyon ang gumapang sa kabuuan ni Mateo, umabot iyon hanggang sa puso niya. Pigil na pigil ang pagngiti niya. Tumango lang siya. “Pero…” may sasabihin pa sana ito pero tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong sinagot. “Andrew, oo, tatawagan pa sana kita. Mabuti at tinawagan mo na ako. Ano kasi, naiwan ng kaibigan ko ang coat niya dyan sa dorm room mo. Tsaka hindi pa ako nakakapagpasalamat dahil pinatulog mo siya dyan. Kung hindi lang sa lakas ng ulan, nag-hotel na sana siya. Totoo bang sa supply room ka natulog? Sorry, libre na lang kita para quits na tayo.” Habang nagsasalita si Natalie, itinuro na niya ang MRT para sabihing mauuna na siya. “Dahan-dahan!” Sigaw ni Mateo sa babae. Hindi niya sigurado kung narinig pa siya nito pero ang n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 96  

    Natameme si Natalie pero tinraydor siya ng puso niya. Ang pagtanggi sa tunay niyang nararamdaman para kay Mateo ay isang malaking kasinungalingan. Sa buong buhay niya, mabibilang lang ang taong tinrato siya ng mabuti. Sa sobrang konti, pinaka-iingatan niya ang mga pagkakataong iyon. Ang bawat tulong na natanggap niya, ibabalik niya ng sampung beses kung kaya niya. Pagkaalis sa ospital, bumalik siya sa bahay ng mga Garcia sa Antipolo. Labis na natuwa ang matanda ng makita siya sa bahay at agad na ipinatawag si Mateo. Hinawakan pa nito ng mahigpit ang mga kamay niya. “Halos isang linggo din tayong hindi nagkita at ito namang si Mateo, abala din at hindi na rin kami nagkikita. Kumain naman tayo ng hapunan ng sabay mamaya.” Ng tinawagan nila si Mateo, iba ang sinagot nito sa paanyaya ng matanda. [Lo, pasensya na, marami akong ginagawa dito at hindi pa ako makakabalik dyan.] “Saan ka naman na-busy?” Tanong ni Antonio sa apo. “Masyado ka na bang abala para kumain? Isa pa, kakabalik l

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 95  

    **Sa loob ng Garcia Corporation conference room** Inilatag ni Isaac ang isang file sa harapan ni Mateo. May bagong proyekto ang kumpanya at kailangan nila ng isang technical partner pero hanggang ngayon ay wala pa silang nakikita. Sa araw na iyon ay may pangalawang batch ng potential collaborators na kailangan niyang i-review. Pinagmasdan niyang maigi ang dokumento at nahagip ng mata niya ang Pascual Technology. Ang kumuha ng atensyon niya ay ang chief engineer nito, si Drake Pascual. Tinapik-tapik ni Mateo ang pangalang iyon ng ilang beses. “Sir, maganda ang track record ni Drake Pascual kahit kakabalik lang niya sa bansa. Nag-aral siya sa abroad at nanalo ng ilang tech awards doon.” “So…ano sa tingin mo?” “Sa tingin ko po, magaling siya at siya ang kailangan natin.” Magaling na negosyante si Mateo at hinihiwalay niya ang personal na buhay niya mula sa pagpapatakbo ng kumpanya. Hindi niya hinahayaang manaig ang emosyon niya lalo na kung pera ang pag-uusapan. “Alright, tawa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 94  

    Bumukas ang pintuan at ang bumungad sa kay Mateo ay ang mukha ni Drake Pascual. Sa itsura nito, mukhang kakatapos lang nitong maligo, wala itong pang-itaas na suot. Ang tanging suot lang nito ay isang kulay asul na sweatpants. Hiniram lang ito ni Natalie sa isang kaklaseng lalaki dahil walang kasya sa kaniya sa mga gamit ni Natalie. Matiim na tinitigan ni Mateo ang bisita ni Natalie.  “Mr. Garcia,” si Drake na ang naunang magsalita. “Hinahanap mo ba si Natalie? Nasa banyo pa siya.” Alam ni Drake na magiging ganon ang reaksyon ng lalaki. Sinadya niyang sabihin iyon dahil sa simula pa lang, nagdududa na siya tungkol sa tunay na kaugnayan ng dalawa. Malakas ang kutob niya na higit pa sa patient-Doktor ang relasyon nila.  Kahit sinong lalaki ay magagalit pero pinili ni Mateo na maging sibil. “Nasaan si Natalie? Gusto ko siyang makausap.” “Drake, sino ‘yan?” Galing ang boses ni Natalie sa loob ng banyo. Nagulat pa siya ng makita kung sino ang kausap ni Drake sa may pintuan. “Mateo?

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 93

    Biglang naalala ni Natalie ang sinabi ng lalaki na pagtulong sa bunsong kapatid. “Tungkol ba ‘yan kay Justin?” [Nangako ako diba?] Natawa pa ito. [Syempre, tutuparin ko iyon. Tinutupad ko ang mga pinangako ko, Nat.] Dahil tungkol ito sa kapatid niya, hindi na nagtanong pa si Natalie. “Okay, sige. Tawagan mo ako ulit kapag nandito ka na.” [Syempre naman.] Napangiti si Drake pagkatapos ng tawag na iyon. Kahit na para kay Justin ang ginagawa niya, okay na din. Iyon lang ang paraan para muli siyang patuluyin ni Natalie sa buhay nito. Gusto niyang maging bahagi siya ng buhay nito ngayon at maging dependent ito sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang makiusap na manatili siya. … Lumakas lalo ang buhos ng ulan. Sinipat ni Nilly si Natalie na nakatayo sa may bungad ng pintuan. “Grabe, may bagyo ba? Parang gigil na gigil ang langit, ah. Tsaka, kanina ka pa dyan, may hinihintay ka ba? Malapit ka ng tubuan ng ugat dyan.” Hindi pa siya tapos sa pambubuska sa kaibigan ay muli itong nag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 92  

    Pababa na sa underground parking lot si Mateo, panay pa din ang pag-dial niya sa cellphone number ni Natalie pero hindi ito sumasagot. Nakabalik na sa ospital si Natalie. Tinutulungan niya ang medical team para mag-empake at maghanda para sa pag-alis nila. Sa katunayan, ginusto niyang sumama ulit sa huling team pero hindi niya itinuloy. Ngayon, parang gusto na lang niyang makipag-palitan sa kanila dahil wala naman siyang dahilan para manatili. Patuloy sa pagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng white coat niya. Sinilip niya iyon at nakitang si Mateo ang tumatawag. Para hindi na siya maistorbo, inactivate niya ang airplane mode. Dumating si Mateo sa ospital at naabutan pa niyang paalis na ang medical team. Hinarang siya ng guwardiya. “Bawal po mag-park dyan, sir. Doon lang po pwede sa central parking lot.” Sabi pa nito sa kanya. Sinunod niya ang utos sa kaniya kahit na naiinis siya. Dumiretso siya sa emergency reception desk para magtanong. “Excuse me, hinahanap ko si Dok Na

DMCA.com Protection Status