Share

KABANATA 41  

“Anong ginawa ni Natalie at bakit may regalo siya sa akin? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?” Tanong ni Mateo sa sarili. Nagulat siya dahil sa huling sinabi ng babae. Tsaka niya tiningnang muli ang t-shirt na bigay nito. “Ikaw ang nagtahi nito?”

“Um…oo…”

Hindi maintindihan ni Natalie kung bakit ganoon ang reaksyon ni Mateo. Kung bakit parang gulat na gulat ito na kaya niyang gumawa ng damit. Kung sabagay, iilan lang naman ang nakakaalam ng tinatago niyang talento. Ang namayapa niyang ina ay isang magaling na fashion designer. May studio ito dati, noong maliit pa si Natalie, madalas niyang pinapanood ang ina habang nagtatahi ito gamit ang mga kamay.

Kahit na maaga itong nawala, naituro na ni Emma ang mga basic skills ng pananahi sa anak. Magaling si Natalie, marahil ay namana nga niya ang galing ng ina. Ang pananahi ng simpleng t-shirt ay madali para sa kaniya.

Tahimik lang si Mateo pero sa loob-loob niya---talagang nasupresa siya. Hindi niya lubos akalain na ginawa ito ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status