Matapos nilang magtarayan ay natawa na lamang si Natalie. “I mean, thank you. Thank you for standing up for me, Mateo.”Sa pagkakataong ito ay si Mateo naman ang nagulat sa biglaang kambyo ng ihip ng hangin. May sasabihin pa sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit galing sa sugat niya sa tagiliran. Nasapo niya ito ng wala sa oras. Napansin naman ito agad ni Natalie. “Mateo? Okay ka lang?” Sinaklolohan ni Natalie si Mateo kaagad. Doktor siya at alam niya kung ano ang dapat gawin. Idiniin niya ang isang kamay sa tagiliran ng lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Puno ang mga mata ni Natalie ng samu’t saring emosyon, ng pag-aalala at may iba pa…sa mga mata nito, wala nang iba pang naroon kundi si Mateo. Batid ni Natalie na panandaliang lumambot ang puso niya, na agad namang napalitan ng inis agad-agad. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. “Diba, sabi ko sa iyo, huwag kang magpupwersa? Tapos anong ginawa mo? Nakipagsuntukan ka!
Dahil sa sinabing iyon ni Mateo, tila bumalik si Natalie sa kasalukuyan. Ramdam niyang namula at uminit ang mga pisngi niya sa nakita kaya nagmadali siyang lisanin ang banyo.Anong nangyayari sa kaniya? Kinailangan niyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Natalie, doktor ka. Walang malisya sa iyo dapat ang mga bagay na ganito. Lagi ka namang nakakakita ng ganun sa linya ng trabaho mo!” Unti-unting bumalik ang kumpyansa niya sa sarili kahit na malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Mateo at wala siyang planong pumasok ulit. Wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ito. “Sa susunod, Natalie, huwag kang papasok ng basta-basta kasi!” Muling paalala niya sa sarili. Habang hinihintay si Mateo, inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito. Hanggang sa mahanap ng mga mata niya ang isang jewelry box sa ibabaw ng bedside table nito. Nakabukas ito at kitang-kita ang isang napakagandang platinum diamond bracelet na nakahimlay sa loo
Sandaling nagatubili si Natalie kung sasakay ba siya o hindi. Palaisipan sa kaniya kung bakit nasa bansa si Drake. Ganoon pa man ay hindi ito ang panahon para pagtuunan niya ng pansin kung bakit naroon ito. May mas importanteng bagay siyang dapat asikasuhin at nauubusan na siya ng oras. “Thank you. Pwede mo ba akong ihatid sa San Sebastian Bridge? Malapit lang naman iyon.” Ang Sebastian Bridge Paano makakalimutan ni Drake ang lugar na iyon? Naging bahagi ang lugar na iyon ng kanilang kabataan. Ng kanilang pag-iibigan. Malapit iyon sa Forest Lake cemetery kung saan nakahimlay ang namayapang ina ni Natalie. Lagi niyang sinasamahan ang nobya doon lalo na kung napagiinitan si Natalie ng madrasta. Gusto sanang tanungin ni Drake kung bakit tila nagmamadali si Natalie. Pero hindi niya itinuloy. “Okay, sakay na.” Nang makarating sila, halos hindi na nahintay ni Natalie na tumigil ang sasakyan bago ito bumaba “Natalie!” Mabuti na lang at nahawakan siya ni Drake bago siya madapa. “Daha
Ang malakas na sigaw ni Janet sa mga manggagawang inupahan ang umagaw sa atensyon ng mag-ama. “Oy, kayo! Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Binabayaran kayo para maghukay at hindi makiusyoso sa drama ng mga taong walang magawa sa buhay! Hala! Sige, huyakin niyo na yan! Ang babagal!” Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Janet na magsalita pa si Rigor kahit na hinihintay ni Natalie ang magiging pasya ng ama. Hindi pa ito nakuntento, “sinasabi ko sa inyo, huwag niyo akong ginagalit! Baka hindi niyo kilala si Mateo Garcia? 'yong big time, 'yong mayaman. Boyfriend siya ng anak ko! Kapag ginalit niyo ako, ginalit niyo rin si Irene. At kapag galit si Irene, kayo ang mananagot kay Mateo! Ayaw na ayaw pa naman ni Mateo na nagagalit si Irene!” Nang marinig ang pananakot na ito, tila ginanahan ang mga tao na tapusin ang gawain nila. Kahit na ordinaryong tao ay kilala si Mateo at ang pamilyang kinabibilangan nito. Natuwa naman si Janet dahil nakitang gumana ang pananakot niya. “Maghukay na
Ngayong magkaharap na sila, tsaka lamang pinakawalan ni Natalie ang mapait na tawang kanina pa niya pinipigilan bago mag-umpisa sa mga gusto niyang sabihin kay Mateo. “Nagkamali ako. Inisip kong para sa akin ang bracelet na ‘yan. Sana sinabi mo sa akin na mali ako para hindi mo na kailangang ibigay pa sa akin.” “Ha?” Hindi pa tapos sa mga gusto niyang iparating si Natalie. “Mr. Garcia, please lang. Sa susunod, huwag kang mamimigay ng mga bagay na ganito. Tingnan mo tuloy kung anong nangyari…kinuha ko ang para sana sa nobya mo tapos kailangan mo pang bumili tuloy ng bago. Oo, alam kong mayaman kayo, pero hindi ba sobrang abala ‘yon?” Naiwang nagiisip si Mateo habang papalabas si Natalie. Nagpagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari ng mabilis. Maaring nagkita sina Natalie at Irene. Hindi mahalaga kung saan at paano nagkita ang dalawa para sa kaniya. Ang bumabagabag kay Mateo ngayon ay kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Natalie. Ang bracelet na iyon ay para sa kaniya naman
“Huy, Natalie.” Tinabig siya ni Nilly. “Dito ba papunta yang sasakyan na ‘yan?” Isang itim na Range Rover ang tinutukoy ni Natalie. Paroon nga ito sa kinatatayuan nila. Dahil naglalakad sila habang naghihintay ng masasakyan, tila sinabayan din sila ng sasakyan na iyon. “Nilly, nagbook ka ba ng Uber? Ito na siguro ‘yon.”“Ha, sabi mo magtaxi na lang tayo. Hindi ako nag-book.” Ilang sandali pa ang lumipas, sinusundan pa din sila ng sasakyan. Hindi na kumportable si Natalie kaya hindi na siya nakatiis. Hindi fully tinted ang salamin sa harapan kaya sinilip na niya kung sino ang driver ng sasakyan, mabagal lang naman ang patakbo nito kaya pwede niyang gawin iyon. Pero bago pa niya magawa ay tumigil na ito at bumaba si Isaac. “Nat, saan ang punta niyo? Ang dami niyo namang dala. Ganito na lang, sumakay na kayo. Sabi ni sir, ihahatid daw namin kayo.” Binuksan pa nito ang trunk compartment ng sasakyan kung saan ilalagay ang mga suitcase na dala nila. “Hindi na. Kaya na namin, Isaac.
Magkalapit ang mga mukha nilang dalawa dahil hinablot ni Natalie ang album sa mga kamay ni Mateo. Kitang-kita din niya na hindi ito natutuwa sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. Para kay Mateo, ang pinapakitang kagaspangan ni Natalie ay dahil pa din sa bracelet. Bilang lalaki, batid din niyang hindi niya naipaliwanag ang tungkol doon ng maayos kaya ito nagkakaganoon. Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. “Nat, look…inaamin kong nagkamali ako sa bracelet. Pero may hindi ka naiintindihan---para sayo talaga ‘yon.” Ikinagulat ito ni Natalie. Halata sa boses ni Mateo na may pag-aalangan ito. Kung bakit nito ibinabalik ang tungkol sa bracelet ay wala siyang ka-ide-ideya. “Anong…anong sinabi mo?” Hindi siya makapaniwala na nagpapaliwanag sa kaniya si Mateo Garcia. Umismid ito. “Narinig mo kung anong sinabi ko! Hindi ka bingi, Natalie.” Minsan lang magpaliwanag ng ganito si Mateo. Hindi siya sanay na nagpapaliwanag at ngayon ay gustong ipa-ulit sa kaniya ni Natalie ang si
Ang preparasyong ipinangako ni Drake kay Chandon ay hindi basta-basta. Hindi lang siya basta naghanap ng bagong libingan para sa nanay ni Natalie, sinigurado din nito na maayos at maganda ang bagong paghihimlayan ni Emma. Maganda ang sementeryong napili niya at malawak, may mapagtatambayan pa sila kapag bibisita. May mga puting bulaklak din doon at may pari para magmisa. Sa araw na muling ililibing ito, naroon na si Drake nang dumating sina Natalie, Nilly at Chandon. Hindi ito inaasahan ni Natalie kaya napatigil siya sa paglalakad nang makita si Drake na mukhang hinihintay sila. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad din namang binawi ito ni Natalie. “Hala, anong ginagawa niya dito?” Tanong ni Nilly na halos pandilatan si Drake. “Aba, malay ko.” Pagtatanggi pa ni Chandon. Kahit na dama niya na hindi siya tanggap sa lugar na iyon, hindi pa din nagpatinag si Drake. “Andito ako kasi gusto kong magpakita ng respeto kay tita Emma. Wala ako nang una siyang inilibing at hindi ko rin