Nag-focus si Natalie sa sugat, iniiwasan niyang magkatitigan sila ni Mateo. Pero hindi matiis ni Mateo na ang katahimikan sa pagitan nila. “Galit ka ba sa akin?” “Ha?” Napatigil si Natalie at halatang naguguluhan ito. “Galit? Ako? Bakit ako magagalit sayo?” “Mas okay kapag hindi ka galit sa akin.” Sagot naman ni Mateo. Naguguluhan talaga si Natalie pero hindi na niya tinanong pa kung ano ang ibig sabihin nito. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang drainage tube. “Kailan ba pwedeng tanggalin ang tubong ito?” Muli siyang tinanong ni Mateo. Napangiwi ito sa ginagawa niya. “Hindi kasi ako komportable.” “Matatagalan pa,”paliwanag naman ni Natalie. “Mahalaga kasi na masiguro naming na walang debris o kahit na pwedeng maging sanhi ng abdominal infection.” Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila ulit. Nanatiling nakasarado ang mga mata ni Mateo habang hinahayaan niyang gawin ni Natalie ang kailangan niyang gawin. “Nat, wala ka bang sasabihin sa akin?” Nag-angat ng paningin si Nat
Lunch break ni Natalie at sa canteen sa ospital siya kumain. Pabalik na sana siya ng nakasalubong niya sina Mateo at Alex. Paika-ika itong naglalakad sa hallway. “Not bad, ha.” Puri ni Natalie. “Mabuti na lang at malakas ka. Nakakapaglakad-lakad ka na, sa tingin ko, mabilis ang magiging recovery mo pero huwag mo namang biglain.” “Yes, doc!” Si Alex na ang sumagot. “Sandali.” Tinawag siya na Mateo dahil paalis na sana siya. “Sandali lang.” Hinarap ni Natalie si Mateo. “May problema ba? “A-anong gusto mo?” Napakurap ng maraming beses si Natalie sa pag-asang mauunawaan niya ang tanong na iyon. Wala siyang maisagot dahil unang-una, hindi naman niya maintindihan ang tanong. “Nasupresa ka ba?” Pagpapatuloy ni Mateo. “Sa palagay ko ay dapat alam mo na na dapat akong magpasalamat sayo. Pagkatapos ng nangyari, malaki ang utang na loob ko sayo, Nat.” Doon pa lang naintindihan ni Natalie kung ano ang tinutumbok ng lalaki. “Ah, so tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko kasi gu
[Nat! Kailangan mo akong tulungan!] “Hala, anong nangyari sayo?” Nagulat din si Natalie. “Just so you know, hindi ka magaling umarte at hindi ka convincing.” Code nila itong magkakaibigan. “Ano kasi…nasa blind date ako ngayon tapos nawawala ang wallet ko, kailangan na kasing magbayad. Nakakahiya! Sa tingin ko nadukutan ako. Kailangan ko ng pera…pwede bang puntahan mo ako ngayon?” Nagbuga ng hangin si Natalie. Hindi totoong kailangan nito ng pera. Marahil ay may nakikinig kaya ganoon ang sinabi ni Chandon. “Diba si Nilly ang nakatoka ngayon? Natawagan mo na ba siya?” [Sinubukan ko pero nakapatay yata ang cellphone niya. Please, wala na akong ibang maisip na pwedeng makatulong sa akin. Bilisan mo na, hihintayin kita.]Naputol na ang tawag. “Hello? Chandon, huy!” Hindi na bago kay Natalie ang mga blind dates na iyon ni Chandon. Bata pa ito ay hindi na tumitigil ang pamilya nito kaka-set-up sa kaniya. Halos buwan-buwan. Kahit na ayaw niya, silang dalawa ni Nilly ang laging gin
Napayakap si Natalie kay Chandon habang wala pa ring tigil na umiiyak. “Chandon, tingnan mo. Nakakatakot siya!” “Shhh, huwag kang matakot.” Sabi ni Chanfon kay Natalie. “Ako na ang bahala.” Sa nakitang iyon, lalong nagalit ang babaeng kasama ni Chandon kanina. Itinaas nito ang kanang kamay at tila sasampalin si Natalie pero hindi si Natalie ang sinampal nito. “Talaga ba? Siya talaga ang kakampihan mo? Ako ang agrabyado dito!” Nanatiling nasa hara psi Chandon ni Natalie na parang inihaharang nito ang sarili laban sa galit na babae. “Natural! Girlfriend ko siya kaya ko ginawa ito. Sinong nagbigay ng karapatan sayo na saktan siya? Umalis ka na habang tao pa kitang nakikita!” “Fine! Tandaan mo ito, Chandon. Hindi ko makakalimutan itong ginawa mo sa akin!” Nagmamadali na itong umalis habang hindi na napigilan ang pagpatak ng masaganang luha dahil sa pagkapahiya. Nang makaalis na ang babae, tsaka pa lamang tumigil sa pag-arte si Natalie at hinampas si Chandon sa braso. “Okay na b
Maaga pa ngunit kanina pa nagsimula ang araw ni Natalie. Kailangan niyang tingnan ang bumukas na sugat ng pasyente niya at kailangan ng agarang atensyong medical.Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis nang lumabas si Irene galing sa banyo. Tanging tuwalya lang ang suot ng babae. Bagong ligo ito at tila walang pakialam sa itsura niya. Nagulat pa ito nang makita si Natalie sa silid na iyon. “Ano ba kasi ang nangyari diyan? May nangyari ba kagabi? Okay naman yan kahapon, ah. Bakit bumukas ulit ang tahi mo?” “Wala ito, Irene.” Matipid na sagot ni Mateo sa kaniya. “Patingin nga ako…” lumapit pa ito para matingnang maigi kung ano ang ginagawa ni Natalie sa nobyo. Hinaplos nito ang nakabalandrang hubad na pang-itaas na bahagi ng katawan ni Mateo at tsaka napangiti ng pilya. “Magpasalamat ka at nagra-rounds si doc, excuse me.” “Thank you,”pigil ang tawa ni Natalie sa sinabi ni Irene. Habang ekspertong tinatahi ang sugat. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, hindi advisable ang pakikipagniig.”
“Anong problema mo?!” Sigaw ni Chandon kay Mateo. Sa puntong ito ay wala na itong pakialam sa estado ni Mateo. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya basta-bastang tao din lang. Prominente din ang pamilyang kinabibilangan ni Chandon. Kaya hindi siya makakapayag na walang ano-ano ay sinuntok siya nito. “Nahihibang ka na ba? Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo ako sinugod at sinuntok, Mateo?” Tumayo si Chandon para ibalik din sana ang suntok na binigay sa kaniya ni Mateo ngunit mabilis na naharang ito nina Tomas at Alex. “Teka lang!” Sabay na sigaw ng dalawa. Napagtanto ni Chandon na wala siyang panama sa mga tauhan ni Mateo. Bukod sa mukhang sanay sa basag-ulo ay halatang mga dating sundalo ang mga ito base sa tikas at tindig. Dehado siya kung tatangkain niyang gumanti. “Hindi pwede ito! Tatawag ako ng pulis!” Galit na sigaw ni Chandon. “At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis, ha?” Sarkastikong sabi ni Mateo. Napatawa pa ito ng bahagya habang umiiling. “May mas nakaka
Matapos nilang magtarayan ay natawa na lamang si Natalie. “I mean, thank you. Thank you for standing up for me, Mateo.”Sa pagkakataong ito ay si Mateo naman ang nagulat sa biglaang kambyo ng ihip ng hangin. May sasabihin pa sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit galing sa sugat niya sa tagiliran. Nasapo niya ito ng wala sa oras. Napansin naman ito agad ni Natalie. “Mateo? Okay ka lang?” Sinaklolohan ni Natalie si Mateo kaagad. Doktor siya at alam niya kung ano ang dapat gawin. Idiniin niya ang isang kamay sa tagiliran ng lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Puno ang mga mata ni Natalie ng samu’t saring emosyon, ng pag-aalala at may iba pa…sa mga mata nito, wala nang iba pang naroon kundi si Mateo. Batid ni Natalie na panandaliang lumambot ang puso niya, na agad namang napalitan ng inis agad-agad. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. “Diba, sabi ko sa iyo, huwag kang magpupwersa? Tapos anong ginawa mo? Nakipagsuntukan ka!
Dahil sa sinabing iyon ni Mateo, tila bumalik si Natalie sa kasalukuyan. Ramdam niyang namula at uminit ang mga pisngi niya sa nakita kaya nagmadali siyang lisanin ang banyo.Anong nangyayari sa kaniya? Kinailangan niyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Natalie, doktor ka. Walang malisya sa iyo dapat ang mga bagay na ganito. Lagi ka namang nakakakita ng ganun sa linya ng trabaho mo!” Unti-unting bumalik ang kumpyansa niya sa sarili kahit na malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Mateo at wala siyang planong pumasok ulit. Wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ito. “Sa susunod, Natalie, huwag kang papasok ng basta-basta kasi!” Muling paalala niya sa sarili. Habang hinihintay si Mateo, inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito. Hanggang sa mahanap ng mga mata niya ang isang jewelry box sa ibabaw ng bedside table nito. Nakabukas ito at kitang-kita ang isang napakagandang platinum diamond bracelet na nakahimlay sa loo
Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a
Maagang nagising si Natalie. Magiging abala siya buong maghapon kaya napagpasyahan niyang simulant ang araw ng mas maaga kaysa nakasanayan niya. Abala siya sa pagsuot ng uniporme sa trabaho nang mag-vibrate ang telepono niya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, saglit siyang natigilan bago sagutin ang tawag.“Hello?”[Natalie,] mahinahon na bungad sa kanya ni Jose Panganiban sa kabilang linya. [May oras ka ba mamayang hapon? Kung oo,Kung oo, pwede na nating puntahan ang family court para tapusin ang proseso.]Parang malamig na simoy ng hangin ang mga salitang iyon kay Natalie. Alam niyang mabilis na abogado si Jose Panganiban pero hindi niya inakalang mabilis din pala ito.“Ang bilis naman.”Sa palagay ni Natalie ay naging epektibo ang pag-arte ni Irene kagabi kaya hindi na nag-aksaya ng oras pa si Mateo at sinimulan na ang lahat. Ang isiping iyon ay nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit maagap naman niyang napigilan.Sa mahinahong tono, may sagot si Natalie. “Sure, may
“Magalit ka na lang, saktan mo ako. O maglabas ka ng sama ng loob, murahin mo ako---matatanggap kong lahat ‘yon. Pero hindi ito. Huwag ito, Nat. Hindi ko kakayanin! Hindi ko tatanggapin! Please, huwag mong gawin sa akin ito!” Nanginginig na pakiusap ni Drake. Puno ng desperasyon ang bawat salitang binitawan.“Drake,” malumanay na sagot ni Natalie. Nagningning ang mga mata dahil sa luhang hindi niya pinapayagang bumagsak habang magkatitig sila. “Kumalma ka muna. Pakinggan mo ako, okay?”Ang pagkakasabi ni Natalie ay banayad, halos nakakaaliw ngunit hindi rin makaila na naroon ang distansya. Labis itong naghatid ng kirot sa puso ni Drake ngunit tumango pa rin siya kahit alanganin. Pilit niyang pinipigilan ang bagyo ng damdaming nag-aalimpuyo sa loob niya.Sa hindi kalayuan, isang itim at magarang sasakyan ang nakaparada sa kanto. Mababa ang huni ng makina, ang nakasakay ay nagmamasid lang. Nasa likuran si Mateo---ang kanyang matalas na mga mata ay naka-focus sa dalawang pigurang nakatay
Biglang tumigas ang mga matalim na linya sa mukha ni Mateo at ang dati niyang matatag na tingin ay nagpakita ng alinlangan. Ang mga sinabi ni Irene sa kanya ay may bigat at bumalot sa kanya kaya saglit siyang nagdalawang-isip. Madali ang magsinungaling, ngunit kapag tungkol kay Natalie ang usapan, tila imposible para sa kanya ang maging mapanlinlang.“Irene,”mahinahon niyang simula, kalmado ang boses ngunit mahina. “Minsan siyang naging asawa ko. Kung may mangyari sa kanya o kung maging mahirap ang buhay niya, hindi ko pwedeng balewalain ‘yon. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”Natigilan si Irene, ang hininga at tila naputol habang ang mga salita ni Mateo ay parang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Ang katapatan ni Mateo ay parang espadang matalim na humiwa sa kanyang humihinang kumpyansa.“P-pero…paano naman ako?” Nagawa niyang itanong sa nanginginig na boses, hayag ang kanyang kahinaan.Napabuntong-hininga si Mateo, parang pagod na ito. “Irene, ikaw ang pinili ko.
Magkaibang-magkaiba ang dalawang babae. Kung anong ikinakalma, ikinahinahon at itinatag ni Natalie, ay siyang kabaligtaran naman ng galit na galit na reaksyon ni Irene. Hinahayaan lang ni Natalie na maglabas ng sama ng loob ang babae. Sa totoo lang, nauunawaan niya kung ano ang pakiramdam ng makita ang kasintahan kasama ang ex nito---ngunit hindi din naman siya santo. May hangganan ang kanyang simpatya.“Hindi ako lapit ng lapit sa nobyo mo,” paliwanag ni Natalie. Nanatili pa rin siyang kalmado. “Sa maniwala ka o hindi, nagkataon lang talaga.”“Ha!” Muling tumawa ng mapait at nakakainsulto si Irene, napailing din ito at muling tumaas ang boses dahil hindi pa rin ito naniniwala. “Talaga lang, ha? Kung ganoon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ang tagal mong pirmahan ang mga papeles ng diborsyo kung wala ka talagang pakialam at talagang nagkataon lang ‘to.”Natigilan si Natalie, nabigla siya sa narinig at nalipat ang mga nagtatanong niyang mata kay Mateo.“Irene, kasalanan ko ‘yon,”
Hindi nagkamali si Mateo, makalipas ang limang minuto, muling bumalik si Natalie. Ang una niyang tinapunan ng tingin ay si Mateo. Naabutan pa niyang tila pinariringan ng lalaki si Drake kaya agad itong tumigil at ibinaling ang tingin palayo.Sunod naman pinuna niya si Drake. “Bakit narito ka pa? Hindi ba kailangan niyo ng umalis? Sige na, umalis ka na.” Malumanay na wika ni Natalie, ang tono ng pananalita niya ay ganoon pa din. Malamig at may distansya.Nagdalawang-isip si Drake ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Nat. Ihahatid ko lang si Jean pauwi sa kanila. Babalik ako kaagad para sayo. Pangako. Please, huwag kang magalit o masyadong mag-isip ng kung ano-ano, ha? Wala lang ‘to.”Ngumiti si Natalie ng bahagya, ang ekspresyon ay hindi mabasa. “Sige.”“Hintayin mo ako,” paalala pa ni Drake bago umalis dahil nauna na sa paglalakad si Jean.Habang lumalayo ang dalawa, naiwan ang nakakabagabag na katahimikan. Saglit lang ang ginawang pagtapon ng tingin ni Natalie sa papal
Samantala, balot ng nakakailang na katahimikan ang paligid sa labas ng conference room na iyon. Nakapwesto malapit sa may pintuan si Mateo at nakasandal sa pader. Ang matalas niyang mata ay nakatuon sa nakasarang pinto. Habang nasa di kalayuan naman sina Jean at Drake, lahat sila ay hindi mapakali. Isang napakabigat na tensyon ang nasa pagitan nila.Nabasag lamang ang katahimikan ng mag-ring ang telepono ni Jean. Sinagot naman niya iyon kaagad. “Ma? O-opo, tapos na po ang dinner party. Pauwi na po ako.”Matapos niyang ibaba ang tawag, bumaling siya kay Drake ng may alinlangan sa mukha. “Drake, si mama ‘yon. Sabi niya, kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi.”Tinapunan siya ng mabilis na tingin ng lalaki, pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa pinto. “Mauna ka na, mag-taxi ka na lang, hihintayin ko si Natalie.”Inaasahan na ni Jean ang bagay na ‘yon pero nag-atubili pa rin siya ng kaunti. “S-sigurado ka ba?”Tumango si Drake, may tatag sa boses nito. “Oo, kailangan ko siyan
Ilang hakbang lamang ang pagitan nina Drake at Jean at ang kanilang kaswal na paglalapit ay parang isang malinaw na larawan na nagsasabi ng napakaraming bagay. Naestatwa sa kinatatayuan si Natalie, ngunit matagumpay niyang naitago ang sorpresa sa likod ng mahinahong anyo.“N-nat?” nauutal na sambit ni Drake, halatang kinabahan ito. Makikitaan ng sari-saring emosyon ang kanyang mukha habang pasimpleng lumalapit kay Natalie.“Kaibigan mo ba siya, Drake?” Magalang ngunit mausisang tanong ni Jean.Nag-atubili si Drake, ang mga mata niya ay sandaling nagpalit-lipat kina Natalie at Jean. Tila hindi alam kung sino ang unang aatupagin. Pagkatapos ng ilang sandali, umiling si Drake. “Jean, hindi ko lang siya basta kaibigan…siya si Natalie…siya ang babaeng gusto ko.”Saglit na natigilan ang lahat at mistulang nabitin sa ere ang kumpirmasyong iyon ni Drake. Hanggang sa tumaas ang kilay ni Jean dahil sa pagkagulat. Si Natalie naman ay nanatiling kalmado, bagamat may bahagyang pagdilim sa kanyang
Parang tumigil ang mundo ni Mateo dahil sa narinig. Ang tibok ng puso niya ay tumigil. Agad niyang binitawan ang kamay ni Natalie. Ang pagkabahala ay malinaw na nakaukit sa kanyang mukha. Nilapitan niya ang babae upang matingnan niya ng malapitan ang kalagayan nito.“Nat, masakit ang tiyan mo? Gaano kasakit? Sabihin mo sa akin, tatawag na ba ako ng ambulansya---”Bago pa siya makatapos, bigla na lang tumalikod si Natalie at naglakad palayo. Tsaka pa lang napagtanto ni Mateo na naisahan siya nito. Matalino si Natalie, dapat sana ay naisip niya iyon.“Natalie, sandali!” tawag niya ng may halong kaba at pagkamangha ngunit tuloy lang ito sa paglalakad.Sa isang iglap, hinabol ni Mateo si Natalie at niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Saglit na natigilan ang babae ngunit mabilis namang nakabawi. Tinulak niya kaagad ito palayo.“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?”Hindi sumagot si Mateo, bagkus ay hinila ulit palapit si Natalie. Inilagay pa niya ang kamay sa mga mata nito, maingat ngunit m