Share

KABANATA 28

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Lunch break ni Natalie at sa canteen sa ospital siya kumain. Pabalik na sana siya ng nakasalubong niya sina Mateo at Alex. Paika-ika itong naglalakad sa hallway.

“Not bad, ha.” Puri ni Natalie. “Mabuti na lang at malakas ka. Nakakapaglakad-lakad ka na, sa tingin ko, mabilis ang magiging recovery mo pero huwag mo namang biglain.”

“Yes, doc!” Si Alex na ang sumagot.

“Sandali.” Tinawag siya na Mateo dahil paalis na sana siya. “Sandali lang.”

Hinarap ni Natalie si Mateo. “May problema ba?

“A-anong gusto mo?”

Napakurap ng maraming beses si Natalie sa pag-asang mauunawaan niya ang tanong na iyon. Wala siyang maisagot dahil unang-una, hindi naman niya maintindihan ang tanong.

“Nasupresa ka ba?” Pagpapatuloy ni Mateo. “Sa palagay ko ay dapat alam mo na na dapat akong magpasalamat sayo. Pagkatapos ng nangyari, malaki ang utang na loob ko sayo, Nat.”

Doon pa lang naintindihan ni Natalie kung ano ang tinutumbok ng lalaki. “Ah, so tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko kasi gu
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (26)
goodnovel comment avatar
Barbarona Mhine
Ganda Ng nkwento
goodnovel comment avatar
Evelyn Cerrado Aratan
kabanata 30
goodnovel comment avatar
Carlos Colicot
kakainis ilang arw na nga Hindi ako nagbabasa tpos di parin ma open
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 29    

    [Nat! Kailangan mo akong tulungan!] “Hala, anong nangyari sayo?” Nagulat din si Natalie. “Just so you know, hindi ka magaling umarte at hindi ka convincing.” Code nila itong magkakaibigan. “Ano kasi…nasa blind date ako ngayon tapos nawawala ang wallet ko, kailangan na kasing magbayad. Nakakahiya! Sa tingin ko nadukutan ako. Kailangan ko ng pera…pwede bang puntahan mo ako ngayon?” Nagbuga ng hangin si Natalie. Hindi totoong kailangan nito ng pera. Marahil ay may nakikinig kaya ganoon ang sinabi ni Chandon. “Diba si Nilly ang nakatoka ngayon? Natawagan mo na ba siya?” [Sinubukan ko pero nakapatay yata ang cellphone niya. Please, wala na akong ibang maisip na pwedeng makatulong sa akin. Bilisan mo na, hihintayin kita.]Naputol na ang tawag. “Hello? Chandon, huy!” Hindi na bago kay Natalie ang mga blind dates na iyon ni Chandon. Bata pa ito ay hindi na tumitigil ang pamilya nito kaka-set-up sa kaniya. Halos buwan-buwan. Kahit na ayaw niya, silang dalawa ni Nilly ang laging gin

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 30

    Napayakap si Natalie kay Chandon habang wala pa ring tigil na umiiyak. “Chandon, tingnan mo. Nakakatakot siya!” “Shhh, huwag kang matakot.” Sabi ni Chanfon kay Natalie. “Ako na ang bahala.” Sa nakitang iyon, lalong nagalit ang babaeng kasama ni Chandon kanina. Itinaas nito ang kanang kamay at tila sasampalin si Natalie pero hindi si Natalie ang sinampal nito. “Talaga ba? Siya talaga ang kakampihan mo? Ako ang agrabyado dito!” Nanatiling nasa hara psi Chandon ni Natalie na parang inihaharang nito ang sarili laban sa galit na babae. “Natural! Girlfriend ko siya kaya ko ginawa ito. Sinong nagbigay ng karapatan sayo na saktan siya? Umalis ka na habang tao pa kitang nakikita!” “Fine! Tandaan mo ito, Chandon. Hindi ko makakalimutan itong ginawa mo sa akin!” Nagmamadali na itong umalis habang hindi na napigilan ang pagpatak ng masaganang luha dahil sa pagkapahiya. Nang makaalis na ang babae, tsaka pa lamang tumigil sa pag-arte si Natalie at hinampas si Chandon sa braso. “Okay na b

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 31

    Maaga pa ngunit kanina pa nagsimula ang araw ni Natalie. Kailangan niyang tingnan ang bumukas na sugat ng pasyente niya at kailangan ng agarang atensyong medical.Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis nang lumabas si Irene galing sa banyo. Tanging tuwalya lang ang suot ng babae. Bagong ligo ito at tila walang pakialam sa itsura niya. Nagulat pa ito nang makita si Natalie sa silid na iyon. “Ano ba kasi ang nangyari diyan? May nangyari ba kagabi? Okay naman yan kahapon, ah.  Bakit bumukas ulit ang tahi mo?” “Wala ito, Irene.” Matipid na sagot ni Mateo sa kaniya. “Patingin nga ako…” lumapit pa ito para matingnang maigi kung ano ang ginagawa ni Natalie sa nobyo. Hinaplos nito ang nakabalandrang hubad na pang-itaas na bahagi ng katawan ni Mateo at tsaka napangiti ng pilya. “Magpasalamat ka at nagra-rounds si doc, excuse me.” “Thank you,”pigil ang tawa ni Natalie sa sinabi ni Irene. Habang ekspertong tinatahi ang sugat. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, hindi advisable ang pakikipagniig.”

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 32  

    “Anong problema mo?!” Sigaw ni Chandon kay Mateo. Sa puntong ito ay wala na itong pakialam sa estado ni Mateo. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya basta-bastang tao din lang. Prominente din ang pamilyang kinabibilangan ni Chandon. Kaya hindi siya makakapayag na walang ano-ano ay sinuntok siya nito. “Nahihibang ka na ba? Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo ako sinugod at sinuntok, Mateo?” Tumayo si Chandon para ibalik din sana ang suntok na binigay sa kaniya ni Mateo ngunit mabilis na naharang ito nina Tomas at Alex. “Teka lang!” Sabay na sigaw ng dalawa. Napagtanto ni Chandon na wala siyang panama sa mga tauhan ni Mateo. Bukod sa mukhang sanay sa basag-ulo ay halatang mga dating sundalo ang mga ito base sa tikas at tindig. Dehado siya kung tatangkain niyang gumanti.  “Hindi pwede ito! Tatawag ako ng pulis!” Galit na sigaw ni Chandon. “At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis, ha?” Sarkastikong sabi ni Mateo. Napatawa pa ito ng bahagya habang umiiling. “May mas nakaka

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 33

    Matapos nilang magtarayan ay natawa na lamang si Natalie. “I mean, thank you. Thank you for standing up for me, Mateo.”Sa pagkakataong ito ay si Mateo naman ang nagulat sa biglaang kambyo ng ihip ng hangin. May sasabihin pa sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit galing sa sugat niya sa tagiliran. Nasapo niya ito ng wala sa oras. Napansin naman ito agad ni Natalie. “Mateo? Okay ka lang?” Sinaklolohan ni Natalie si Mateo kaagad. Doktor siya at alam niya kung ano ang dapat gawin. Idiniin niya ang isang kamay sa tagiliran ng lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Puno ang mga mata ni Natalie ng samu’t saring emosyon, ng pag-aalala at may iba pa…sa mga mata nito, wala nang iba pang naroon kundi si Mateo. Batid ni Natalie na panandaliang lumambot ang puso niya, na agad namang napalitan ng inis agad-agad. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. “Diba, sabi ko sa iyo, huwag kang magpupwersa? Tapos anong ginawa mo? Nakipagsuntukan ka!

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 34  

    Dahil sa sinabing iyon ni Mateo, tila bumalik si Natalie sa kasalukuyan. Ramdam niyang namula at uminit ang mga pisngi niya sa nakita kaya nagmadali siyang lisanin ang banyo.Anong nangyayari sa kaniya? Kinailangan niyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Natalie, doktor ka. Walang malisya sa iyo dapat ang mga bagay na ganito. Lagi ka namang nakakakita ng ganun sa linya ng trabaho mo!” Unti-unting bumalik ang kumpyansa niya sa sarili kahit na malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Mateo at wala siyang planong pumasok ulit. Wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ito. “Sa susunod, Natalie, huwag kang papasok ng basta-basta kasi!” Muling paalala niya sa sarili. Habang hinihintay si Mateo, inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito. Hanggang sa mahanap ng mga mata niya ang isang jewelry box sa ibabaw ng bedside table nito. Nakabukas ito at kitang-kita ang isang napakagandang platinum diamond bracelet na nakahimlay sa loo

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 35

    Sandaling nagatubili si Natalie kung sasakay ba siya o hindi. Palaisipan sa kaniya kung bakit nasa bansa si Drake. Ganoon pa man ay hindi ito ang panahon para pagtuunan niya ng pansin kung bakit naroon ito. May mas importanteng bagay siyang dapat asikasuhin at nauubusan na siya ng oras. “Thank you. Pwede mo ba akong ihatid sa San Sebastian Bridge? Malapit lang naman iyon.” Ang Sebastian Bridge Paano makakalimutan ni Drake ang lugar na iyon? Naging bahagi ang lugar na iyon ng kanilang kabataan. Ng kanilang pag-iibigan. Malapit iyon sa Forest Lake cemetery kung saan nakahimlay ang namayapang ina ni Natalie. Lagi niyang sinasamahan ang nobya doon lalo na kung napagiinitan si Natalie ng madrasta. Gusto sanang tanungin ni Drake kung bakit tila nagmamadali si Natalie. Pero hindi niya itinuloy. “Okay, sakay na.” Nang makarating sila, halos hindi na nahintay ni Natalie na tumigil ang sasakyan bago ito bumaba “Natalie!” Mabuti na lang at nahawakan siya ni Drake bago siya madapa. “Daha

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   CHAPTER 36  

    Ang malakas na sigaw ni Janet sa mga manggagawang inupahan ang umagaw sa atensyon ng mag-ama. “Oy, kayo! Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Binabayaran kayo para maghukay at hindi makiusyoso sa drama ng mga taong walang magawa sa buhay! Hala! Sige, huyakin niyo na yan! Ang babagal!” Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Janet na magsalita pa si Rigor kahit na hinihintay ni Natalie ang magiging pasya ng ama. Hindi pa ito nakuntento, “sinasabi ko sa inyo, huwag niyo akong ginagalit! Baka hindi niyo kilala si Mateo Garcia? 'yong big time, 'yong mayaman. Boyfriend siya ng anak ko! Kapag ginalit niyo ako, ginalit niyo rin si Irene. At kapag galit si Irene, kayo ang mananagot kay Mateo! Ayaw na ayaw pa naman ni Mateo na nagagalit si Irene!” Nang marinig ang pananakot na ito, tila ginanahan ang mga tao na tapusin ang gawain nila. Kahit na ordinaryong tao ay kilala si Mateo at ang pamilyang kinabibilangan nito. Natuwa naman si Janet dahil nakitang gumana ang pananakot niya. “Maghukay na

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 223

    Ang babaeng nasa likod niya ay walang iba kundi si Irene. Kalmado ito ngunit puno naman ng awtoridad ang tono nito. “Magandang araw po, Miss,” bati ng tindera na pilit na pinapanatili ang mahinahong disposisyon sa kabila ng namumuong tensyon. “Ano po ang kailangan nila?”Mula sa kanyang handbag, may kinuhang listahan si Irene at inabot iyon sa tindera ng may matamis na ngiti. “Ayan, lahat ng nasa listahan, kukunin ko.”Binasa ng tindera ang listahan at ngumiti. “Ma’am, ang lahat po ng nasa listahan niyo ay mayroon kami, pero,” napatiingin ito kay Natalie ng may pag-aalinlangan. “Pero ubos na po ang puto-bumbong.”“Ubos na?” Tumaas ang kilay ni Irene sa pagkadismaya. Inikot nito ang mata sa mga nakadisplay sa estante at napako ang tingin sa natitirang limang piraso ng puto-bumbong na nasa gilid na. “Eh, ano ang mga ‘yon?” Tanong niya ng may inis.Muling nag-atubili ang tindera. Kilala nito si Irene dahil napapanood nila ito sa TV. “Pasensya na po, Miss Irene, pero bayad na po ‘yan.”T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 222

    “Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya. Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.“Pero, Nat—”“Makinig ka muna sa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 221

    “Ano naman ‘to?” Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinitignan ng manipis na card na inabot sa kanya ni Natalie. Naka-emboss doon ang pangalan niya. “Credit card mo,”sagot ni Natalie ng may ngiti. Sinaksak niya ang card na iyon sa kamay ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga balat nila. “Matagal ko na dapat naibalik sayo ‘yan, kaso, madalas, cellphone lang ang dala ko kapag lumalabas. Kaya lagi kong nakakalimutan. Kung tutuusin, muntik ko na naman sanang makalimutan kanina—mabuti na lang hindi ka pa nakakaalis.” Paliwanag pa nito.Kaswal ang tono ng pananalita ni Natalie na para bang nagbabalik lang ito ng isang hiniram na ballpen. Biglang tumigas ang pagkakahawak ni Mateo sa card, ang panga niya ay nag-tiim at ang emosyon niya ay parang bagyong nagbabadya ng malakas na daluyong.“Tumakbo ka ng ganito kalayo—para lang isauli ito?” Tanong niya ng hindi makapaniwala.“Oo naman, bakit?” Hindi na naghahabol ng paghinga si Natalie. Namumula pa rin ang pisngi nito na tila nahihiya. Pagkatap

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 220

    Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 219

    Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 218

    “Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 217

    Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 216

    Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 215

    “Sorry, hindi ko matandaan kung sino ka, Miss.” Nakakunot ang noo ni Drake. Alam niyang nagkita na sila noon pero hindi lang niya maalala kung saan. Isang magaan na tawa ang nagmula sa babae at mapagbirong tinitigan si Drake. “Hindi mo talaga ako nakikilala?” Umiling si Drake. “Hindi.” “Ano ka ba, ako ‘to. Si Jean. Jean Marcos! Naaalala mo ba yung tabachingching na batang babaeng nakatirintas ang buhok at parating nakasunod sayo?” Dahil sa deskripsiyon na iyon, unti-unting nagliwanag ang memoryang iyon kay Drake. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng isang malusog na batang babae na laging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Matalik na magkaibigan ang pamilya Pascual at Marcos sa loob ng maraming taon. Ang nanay ni Jean at ang nanay niya ay matalik na magkaibigan noon pa man. “Jean? Ikaw na ‘yan?” Napangiti si Drake. “Oo, naalala ko na. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka na?” Malaki ang pinagbago ni Jean. And dating tabac

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status