Lunch break ni Natalie at sa canteen sa ospital siya kumain. Pabalik na sana siya ng nakasalubong niya sina Mateo at Alex. Paika-ika itong naglalakad sa hallway. “Not bad, ha.” Puri ni Natalie. “Mabuti na lang at malakas ka. Nakakapaglakad-lakad ka na, sa tingin ko, mabilis ang magiging recovery mo pero huwag mo namang biglain.” “Yes, doc!” Si Alex na ang sumagot. “Sandali.” Tinawag siya na Mateo dahil paalis na sana siya. “Sandali lang.” Hinarap ni Natalie si Mateo. “May problema ba? “A-anong gusto mo?” Napakurap ng maraming beses si Natalie sa pag-asang mauunawaan niya ang tanong na iyon. Wala siyang maisagot dahil unang-una, hindi naman niya maintindihan ang tanong. “Nasupresa ka ba?” Pagpapatuloy ni Mateo. “Sa palagay ko ay dapat alam mo na na dapat akong magpasalamat sayo. Pagkatapos ng nangyari, malaki ang utang na loob ko sayo, Nat.” Doon pa lang naintindihan ni Natalie kung ano ang tinutumbok ng lalaki. “Ah, so tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko kasi gu
[Nat! Kailangan mo akong tulungan!] “Hala, anong nangyari sayo?” Nagulat din si Natalie. “Just so you know, hindi ka magaling umarte at hindi ka convincing.” Code nila itong magkakaibigan. “Ano kasi…nasa blind date ako ngayon tapos nawawala ang wallet ko, kailangan na kasing magbayad. Nakakahiya! Sa tingin ko nadukutan ako. Kailangan ko ng pera…pwede bang puntahan mo ako ngayon?” Nagbuga ng hangin si Natalie. Hindi totoong kailangan nito ng pera. Marahil ay may nakikinig kaya ganoon ang sinabi ni Chandon. “Diba si Nilly ang nakatoka ngayon? Natawagan mo na ba siya?” [Sinubukan ko pero nakapatay yata ang cellphone niya. Please, wala na akong ibang maisip na pwedeng makatulong sa akin. Bilisan mo na, hihintayin kita.]Naputol na ang tawag. “Hello? Chandon, huy!” Hindi na bago kay Natalie ang mga blind dates na iyon ni Chandon. Bata pa ito ay hindi na tumitigil ang pamilya nito kaka-set-up sa kaniya. Halos buwan-buwan. Kahit na ayaw niya, silang dalawa ni Nilly ang laging gin
Napayakap si Natalie kay Chandon habang wala pa ring tigil na umiiyak. “Chandon, tingnan mo. Nakakatakot siya!” “Shhh, huwag kang matakot.” Sabi ni Chanfon kay Natalie. “Ako na ang bahala.” Sa nakitang iyon, lalong nagalit ang babaeng kasama ni Chandon kanina. Itinaas nito ang kanang kamay at tila sasampalin si Natalie pero hindi si Natalie ang sinampal nito. “Talaga ba? Siya talaga ang kakampihan mo? Ako ang agrabyado dito!” Nanatiling nasa hara psi Chandon ni Natalie na parang inihaharang nito ang sarili laban sa galit na babae. “Natural! Girlfriend ko siya kaya ko ginawa ito. Sinong nagbigay ng karapatan sayo na saktan siya? Umalis ka na habang tao pa kitang nakikita!” “Fine! Tandaan mo ito, Chandon. Hindi ko makakalimutan itong ginawa mo sa akin!” Nagmamadali na itong umalis habang hindi na napigilan ang pagpatak ng masaganang luha dahil sa pagkapahiya. Nang makaalis na ang babae, tsaka pa lamang tumigil sa pag-arte si Natalie at hinampas si Chandon sa braso. “Okay na b
Maaga pa ngunit kanina pa nagsimula ang araw ni Natalie. Kailangan niyang tingnan ang bumukas na sugat ng pasyente niya at kailangan ng agarang atensyong medical.Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis nang lumabas si Irene galing sa banyo. Tanging tuwalya lang ang suot ng babae. Bagong ligo ito at tila walang pakialam sa itsura niya. Nagulat pa ito nang makita si Natalie sa silid na iyon. “Ano ba kasi ang nangyari diyan? May nangyari ba kagabi? Okay naman yan kahapon, ah. Bakit bumukas ulit ang tahi mo?” “Wala ito, Irene.” Matipid na sagot ni Mateo sa kaniya. “Patingin nga ako…” lumapit pa ito para matingnang maigi kung ano ang ginagawa ni Natalie sa nobyo. Hinaplos nito ang nakabalandrang hubad na pang-itaas na bahagi ng katawan ni Mateo at tsaka napangiti ng pilya. “Magpasalamat ka at nagra-rounds si doc, excuse me.” “Thank you,”pigil ang tawa ni Natalie sa sinabi ni Irene. Habang ekspertong tinatahi ang sugat. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, hindi advisable ang pakikipagniig.”
“Anong problema mo?!” Sigaw ni Chandon kay Mateo. Sa puntong ito ay wala na itong pakialam sa estado ni Mateo. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya basta-bastang tao din lang. Prominente din ang pamilyang kinabibilangan ni Chandon. Kaya hindi siya makakapayag na walang ano-ano ay sinuntok siya nito. “Nahihibang ka na ba? Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo ako sinugod at sinuntok, Mateo?” Tumayo si Chandon para ibalik din sana ang suntok na binigay sa kaniya ni Mateo ngunit mabilis na naharang ito nina Tomas at Alex. “Teka lang!” Sabay na sigaw ng dalawa. Napagtanto ni Chandon na wala siyang panama sa mga tauhan ni Mateo. Bukod sa mukhang sanay sa basag-ulo ay halatang mga dating sundalo ang mga ito base sa tikas at tindig. Dehado siya kung tatangkain niyang gumanti. “Hindi pwede ito! Tatawag ako ng pulis!” Galit na sigaw ni Chandon. “At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis, ha?” Sarkastikong sabi ni Mateo. Napatawa pa ito ng bahagya habang umiiling. “May mas nakaka
Matapos nilang magtarayan ay natawa na lamang si Natalie. “I mean, thank you. Thank you for standing up for me, Mateo.”Sa pagkakataong ito ay si Mateo naman ang nagulat sa biglaang kambyo ng ihip ng hangin. May sasabihin pa sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit galing sa sugat niya sa tagiliran. Nasapo niya ito ng wala sa oras. Napansin naman ito agad ni Natalie. “Mateo? Okay ka lang?” Sinaklolohan ni Natalie si Mateo kaagad. Doktor siya at alam niya kung ano ang dapat gawin. Idiniin niya ang isang kamay sa tagiliran ng lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Puno ang mga mata ni Natalie ng samu’t saring emosyon, ng pag-aalala at may iba pa…sa mga mata nito, wala nang iba pang naroon kundi si Mateo. Batid ni Natalie na panandaliang lumambot ang puso niya, na agad namang napalitan ng inis agad-agad. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. “Diba, sabi ko sa iyo, huwag kang magpupwersa? Tapos anong ginawa mo? Nakipagsuntukan ka!
Dahil sa sinabing iyon ni Mateo, tila bumalik si Natalie sa kasalukuyan. Ramdam niyang namula at uminit ang mga pisngi niya sa nakita kaya nagmadali siyang lisanin ang banyo.Anong nangyayari sa kaniya? Kinailangan niyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Natalie, doktor ka. Walang malisya sa iyo dapat ang mga bagay na ganito. Lagi ka namang nakakakita ng ganun sa linya ng trabaho mo!” Unti-unting bumalik ang kumpyansa niya sa sarili kahit na malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Mateo at wala siyang planong pumasok ulit. Wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ito. “Sa susunod, Natalie, huwag kang papasok ng basta-basta kasi!” Muling paalala niya sa sarili. Habang hinihintay si Mateo, inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito. Hanggang sa mahanap ng mga mata niya ang isang jewelry box sa ibabaw ng bedside table nito. Nakabukas ito at kitang-kita ang isang napakagandang platinum diamond bracelet na nakahimlay sa loo
Sandaling nagatubili si Natalie kung sasakay ba siya o hindi. Palaisipan sa kaniya kung bakit nasa bansa si Drake. Ganoon pa man ay hindi ito ang panahon para pagtuunan niya ng pansin kung bakit naroon ito. May mas importanteng bagay siyang dapat asikasuhin at nauubusan na siya ng oras. “Thank you. Pwede mo ba akong ihatid sa San Sebastian Bridge? Malapit lang naman iyon.” Ang Sebastian Bridge Paano makakalimutan ni Drake ang lugar na iyon? Naging bahagi ang lugar na iyon ng kanilang kabataan. Ng kanilang pag-iibigan. Malapit iyon sa Forest Lake cemetery kung saan nakahimlay ang namayapang ina ni Natalie. Lagi niyang sinasamahan ang nobya doon lalo na kung napagiinitan si Natalie ng madrasta. Gusto sanang tanungin ni Drake kung bakit tila nagmamadali si Natalie. Pero hindi niya itinuloy. “Okay, sakay na.” Nang makarating sila, halos hindi na nahintay ni Natalie na tumigil ang sasakyan bago ito bumaba “Natalie!” Mabuti na lang at nahawakan siya ni Drake bago siya madapa. “Daha