“Boss, dalawa nga pong tapsilog!” order ni Nilly habang hawak si Natalie gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay pinaghaplos niya sa tiyan niya. “Gutom na ‘ko. Maraming salamat kay Drake at hindi ko nagawang kainin ‘yong pagkain ko ro’n,” sarkatikong komento niya. Napalunok si Natalie. Kumakalam na rin kasi ang tiyan niya. “Nilly, gusto ko rin ng barbeque.”“O sige bibilhan kita.” Pero napatigil siya at napatitig kay Natalie. “Ang dami mo laging kinakain nitong mga nakaraan. Hindi ka ba natatakot manaba?”Napabuntong hininga si Natalie. Talaga napaparami ang kain niya nitong nakaraan. At isa iyong senyales ng kaniyang pagbubuntis. “Napapansin ko nga. Dahil ‘yon sa nasa sinapupunan ko.”“Tapos na ‘yong dalawang tapsilog!” anunsyo ng tindero. “Nice!” “Magkano lahat?” tanong ni Natalie. Umiling si Nilly. “Huwag na.”“Ako na magbabayad,” pilit ni Natalie. Pero bago pa muling tumanggi si Nilly ay may nauna na sa kaniya. “Boss, ako na magbabayad sa mga order nila,” ani D
Tumambad kay Natalie ang pinakapopular na search sa internet ng araw na iyon. Hindi niya pwedeng hindi makita agad iyon dahil nasa top 1 ito. Ang nakababahala pa ay ang napiling caption ng uploader: Pasabog!Hindi niya napigilang manginig ang mga kamay niya pero kailangan niyang makita iyon. Dahil ‘yon ay isang CCTV footage, hindi masyadong maliwanag ang kuha ng video. Ganoon pa man ay maliwanag na makikita kung ano talaga ang nangyari. Lumalabas ng gusali si Mateo, pinagbuksan pa siya ng guwardiya bago nito undayan ng saksak ang lalaki! Malinaw ring makikita sa video na nagulat si Mateo sa nangyari at kahit sugatan ay nagawa pa ding labanan at patumbahin ni Mateo ang suspek. Hanggang doon lang ang video pero sapat na iyon para balutin si Natalie ng takot. Halos magkandadurog-durog ang mga buto niya sa dibdib sa lakas ng pagtibok ng kaniyang puso. Napuno ang doctor’s and nurse’s lounge ng samu’t-saring opinyon at haka-haka tungkol sa nangyari. Mabilis kumalat ang mga balitang ga
“Mukha ba akong may pakialam kung hindi ka qualified?” Nangunot ang noo ni Mateo. “Ikaw nga ang gusto ko!” Umirap si Natalie. Kahit na nasa ganoong sitwasyon na si Mateo ay nakukuha pa din nitong umarte ng parang batang hindi napagbigyan kaya nag-iinarte. “Mateo, magaling na doktor si Dr. Yang. In fact, isa siya sa mga pinakamagagaling sa ospital na ito. Siya rin ang nasa posisyon.” paliwanag ni Natalie sa kaniya. “Posisyon? Anong pakialam ko sa posisyon? I don’t trust him with my life and that’s it.” Bakas sa mukha ni Mateo na desidido ito at hindi ito magpapatinag sa kagustuhan nito. Parang mababaliw si Natalie ng mga oras na iyon. Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ni Isaac. Sa palagay niya ay narinig nito ang pagtatalo nila ni Mateo kaya ito naroon. “Nat, sang-ayon ako kay sir. Hindi kami pwedeng basta-bastang magtiwala kahit kanino pagkatapos ng nangyaring pag-atake sa kaniya.” “P-Pero…” Hindi pa rin kumbinsido si Natalie. “Bakit ako?” Hindi nagpaligoy-ligoy ng sago
Nanatili ang mga kamay ni Natalie sa loob ng bulsa ng uniporme niya. Nagkatitigan sila ni Irene pero wala siyang anumang sinabi. Hindi naman kasi talaga maiiwasan ang magkita sila lalo’t may relasyon sina Irene at Mateo at siya ang doktor nito. Alam ni Natalie na mangyayari at mangyayari ito pero hindi ganoon kabilis. Samantala, hindi alam ni Irene kung ano ang una niyang iisipin nang makita si Natalie. Napanood niya sa balita ang nangyari kay Mateo at tinawagan niya si Isaac para sabihan ito na dadalaw siya pero sinabihan siya ni Isaac na hindi pa pwedeng dalawin si Mateo. Buong gabi siyang naghintay ng balita pero wala naman siyang natanggap na kahit anong update kaya napagpasiyahan niyang dumalaw na lang ng maaga. Hindi niya inakalang si Natalie ang una niyang makikita bago si Mateo. Para makasiguro ay tiningnan niya ang pangalang nakapaskil sa labas kung kwarto nga iyon ni Mateo. Kwarto nga ni Mateo iyon at hindi siya nagkamali ng basa. Ang hindi niya maintindihan ay bakit n
Lahat ng mga doktor at nurses sa ospital ay excited na makita si Mateo. Naging paboritong pasyente agad siya doon dahil sa estado ng buhay niya. Kahit na ganoon, wala pa ding nangangahas na kausapin siya. Kung meron man, pawang trabaho lang.Kaya kahit na nakita nilang may yakap na magandang babae si Mateo, wala pa ding nagsalita bukod kay Natalie. “Alright, guys. The patient sustained a 4.2 cm stab wound to the abdominal cavity, luckily, walang vital organs na napinsala…” Walang interes na makinig si Mateo. Habang tinutulungan niya si Irene, nakaramdam siya ng pagkabalisa at hindi niya magawang tingnan si Natalie. Kahit na alam n ani Natalie ang engagement nila ni Irene, ang pagkikita ng dalawang babae ay naglagay sa kaniya sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang asawa na nahuling nangangaliwa. “Magpahinga ka na, sir Mateo Garcia.” Sabi ni Natale habang isa-isa ng umaalis ang mga kasama nito. Isang beses lang niya tiningnan si Mateo dahil iniiwasan
Nag-focus si Natalie sa sugat, iniiwasan niyang magkatitigan sila ni Mateo. Pero hindi matiis ni Mateo na ang katahimikan sa pagitan nila. “Galit ka ba sa akin?” “Ha?” Napatigil si Natalie at halatang naguguluhan ito. “Galit? Ako? Bakit ako magagalit sayo?” “Mas okay kapag hindi ka galit sa akin.” Sagot naman ni Mateo. Naguguluhan talaga si Natalie pero hindi na niya tinanong pa kung ano ang ibig sabihin nito. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang drainage tube. “Kailan ba pwedeng tanggalin ang tubong ito?” Muli siyang tinanong ni Mateo. Napangiwi ito sa ginagawa niya. “Hindi kasi ako komportable.” “Matatagalan pa,”paliwanag naman ni Natalie. “Mahalaga kasi na masiguro naming na walang debris o kahit na pwedeng maging sanhi ng abdominal infection.” Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila ulit. Nanatiling nakasarado ang mga mata ni Mateo habang hinahayaan niyang gawin ni Natalie ang kailangan niyang gawin. “Nat, wala ka bang sasabihin sa akin?” Nag-angat ng paningin si Nat
Lunch break ni Natalie at sa canteen sa ospital siya kumain. Pabalik na sana siya ng nakasalubong niya sina Mateo at Alex. Paika-ika itong naglalakad sa hallway. “Not bad, ha.” Puri ni Natalie. “Mabuti na lang at malakas ka. Nakakapaglakad-lakad ka na, sa tingin ko, mabilis ang magiging recovery mo pero huwag mo namang biglain.” “Yes, doc!” Si Alex na ang sumagot. “Sandali.” Tinawag siya na Mateo dahil paalis na sana siya. “Sandali lang.” Hinarap ni Natalie si Mateo. “May problema ba? “A-anong gusto mo?” Napakurap ng maraming beses si Natalie sa pag-asang mauunawaan niya ang tanong na iyon. Wala siyang maisagot dahil unang-una, hindi naman niya maintindihan ang tanong. “Nasupresa ka ba?” Pagpapatuloy ni Mateo. “Sa palagay ko ay dapat alam mo na na dapat akong magpasalamat sayo. Pagkatapos ng nangyari, malaki ang utang na loob ko sayo, Nat.” Doon pa lang naintindihan ni Natalie kung ano ang tinutumbok ng lalaki. “Ah, so tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko kasi gu
[Nat! Kailangan mo akong tulungan!] “Hala, anong nangyari sayo?” Nagulat din si Natalie. “Just so you know, hindi ka magaling umarte at hindi ka convincing.” Code nila itong magkakaibigan. “Ano kasi…nasa blind date ako ngayon tapos nawawala ang wallet ko, kailangan na kasing magbayad. Nakakahiya! Sa tingin ko nadukutan ako. Kailangan ko ng pera…pwede bang puntahan mo ako ngayon?” Nagbuga ng hangin si Natalie. Hindi totoong kailangan nito ng pera. Marahil ay may nakikinig kaya ganoon ang sinabi ni Chandon. “Diba si Nilly ang nakatoka ngayon? Natawagan mo na ba siya?” [Sinubukan ko pero nakapatay yata ang cellphone niya. Please, wala na akong ibang maisip na pwedeng makatulong sa akin. Bilisan mo na, hihintayin kita.]Naputol na ang tawag. “Hello? Chandon, huy!” Hindi na bago kay Natalie ang mga blind dates na iyon ni Chandon. Bata pa ito ay hindi na tumitigil ang pamilya nito kaka-set-up sa kaniya. Halos buwan-buwan. Kahit na ayaw niya, silang dalawa ni Nilly ang laging gin