Nanatiling tahimik si Natalie. Pinanlisikan naman ng mata ni Nilly si Andrew. “Kalalaking tao mo pero napakadaldal mo!”Ngumisi lang si Andrew at hindi nagpatinag. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Naalala ko pa nga no’n, halos lahat ng tao sa school, kinaiinggitan ang closeness nilang dalawa.”“Tama na nga ‘yan!” bulyaw ni Nilly sa kaniya. Ngunit nag-e-enjoy si Andrew sa nakikita mula sa dalawa. “Bakit nga ba kayo naghiwalay? Akala pa naman naming lahat, sa kasalan na kayo matutuloy.”Ang tahimik na si Drake ay napatingin kay Natalie. “Siya ang may desisyon no’n, hindi ako.”Napatigil sa pagnguya si Natalie dahil sa narinig. Anong ibig sabihin nito ro’n? Parang ipinaparating niyang hindi niya na ito mahal noon kaya siya nakipaghiwalay. Pero siguro nga ay gano’n ‘yon. “Talaga?” Ibinaling ni Andrew ang tingin kay Natalie. “Bakit mo naman siya hiniwalayan, Natalie? May mali ba kay pareng Drake?”Nakaramdam si Natalie ng pait sa bibig niya. Kapagkuwa’y nagpakawala siya ng mai
“Boss, dalawa nga pong tapsilog!” order ni Nilly habang hawak si Natalie gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay pinaghaplos niya sa tiyan niya. “Gutom na ‘ko. Maraming salamat kay Drake at hindi ko nagawang kainin ‘yong pagkain ko ro’n,” sarkatikong komento niya. Napalunok si Natalie. Kumakalam na rin kasi ang tiyan niya. “Nilly, gusto ko rin ng barbeque.”“O sige bibilhan kita.” Pero napatigil siya at napatitig kay Natalie. “Ang dami mo laging kinakain nitong mga nakaraan. Hindi ka ba natatakot manaba?”Napabuntong hininga si Natalie. Talaga napaparami ang kain niya nitong nakaraan. At isa iyong senyales ng kaniyang pagbubuntis. “Napapansin ko nga. Dahil ‘yon sa nasa sinapupunan ko.”“Tapos na ‘yong dalawang tapsilog!” anunsyo ng tindero. “Nice!” “Magkano lahat?” tanong ni Natalie. Umiling si Nilly. “Huwag na.”“Ako na magbabayad,” pilit ni Natalie. Pero bago pa muling tumanggi si Nilly ay may nauna na sa kaniya. “Boss, ako na magbabayad sa mga order nila,” ani D
Tumambad kay Natalie ang pinakapopular na search sa internet ng araw na iyon. Hindi niya pwedeng hindi makita agad iyon dahil nasa top 1 ito. Ang nakababahala pa ay ang napiling caption ng uploader: Pasabog!Hindi niya napigilang manginig ang mga kamay niya pero kailangan niyang makita iyon. Dahil ‘yon ay isang CCTV footage, hindi masyadong maliwanag ang kuha ng video. Ganoon pa man ay maliwanag na makikita kung ano talaga ang nangyari. Lumalabas ng gusali si Mateo, pinagbuksan pa siya ng guwardiya bago nito undayan ng saksak ang lalaki! Malinaw ring makikita sa video na nagulat si Mateo sa nangyari at kahit sugatan ay nagawa pa ding labanan at patumbahin ni Mateo ang suspek. Hanggang doon lang ang video pero sapat na iyon para balutin si Natalie ng takot. Halos magkandadurog-durog ang mga buto niya sa dibdib sa lakas ng pagtibok ng kaniyang puso. Napuno ang doctor’s and nurse’s lounge ng samu’t-saring opinyon at haka-haka tungkol sa nangyari. Mabilis kumalat ang mga balitang ga
“Mukha ba akong may pakialam kung hindi ka qualified?” Nangunot ang noo ni Mateo. “Ikaw nga ang gusto ko!” Umirap si Natalie. Kahit na nasa ganoong sitwasyon na si Mateo ay nakukuha pa din nitong umarte ng parang batang hindi napagbigyan kaya nag-iinarte. “Mateo, magaling na doktor si Dr. Yang. In fact, isa siya sa mga pinakamagagaling sa ospital na ito. Siya rin ang nasa posisyon.” paliwanag ni Natalie sa kaniya. “Posisyon? Anong pakialam ko sa posisyon? I don’t trust him with my life and that’s it.” Bakas sa mukha ni Mateo na desidido ito at hindi ito magpapatinag sa kagustuhan nito. Parang mababaliw si Natalie ng mga oras na iyon. Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ni Isaac. Sa palagay niya ay narinig nito ang pagtatalo nila ni Mateo kaya ito naroon. “Nat, sang-ayon ako kay sir. Hindi kami pwedeng basta-bastang magtiwala kahit kanino pagkatapos ng nangyaring pag-atake sa kaniya.” “P-Pero…” Hindi pa rin kumbinsido si Natalie. “Bakit ako?” Hindi nagpaligoy-ligoy ng sago
Nanatili ang mga kamay ni Natalie sa loob ng bulsa ng uniporme niya. Nagkatitigan sila ni Irene pero wala siyang anumang sinabi. Hindi naman kasi talaga maiiwasan ang magkita sila lalo’t may relasyon sina Irene at Mateo at siya ang doktor nito. Alam ni Natalie na mangyayari at mangyayari ito pero hindi ganoon kabilis. Samantala, hindi alam ni Irene kung ano ang una niyang iisipin nang makita si Natalie. Napanood niya sa balita ang nangyari kay Mateo at tinawagan niya si Isaac para sabihan ito na dadalaw siya pero sinabihan siya ni Isaac na hindi pa pwedeng dalawin si Mateo. Buong gabi siyang naghintay ng balita pero wala naman siyang natanggap na kahit anong update kaya napagpasiyahan niyang dumalaw na lang ng maaga. Hindi niya inakalang si Natalie ang una niyang makikita bago si Mateo. Para makasiguro ay tiningnan niya ang pangalang nakapaskil sa labas kung kwarto nga iyon ni Mateo. Kwarto nga ni Mateo iyon at hindi siya nagkamali ng basa. Ang hindi niya maintindihan ay bakit n
Lahat ng mga doktor at nurses sa ospital ay excited na makita si Mateo. Naging paboritong pasyente agad siya doon dahil sa estado ng buhay niya. Kahit na ganoon, wala pa ding nangangahas na kausapin siya. Kung meron man, pawang trabaho lang.Kaya kahit na nakita nilang may yakap na magandang babae si Mateo, wala pa ding nagsalita bukod kay Natalie. “Alright, guys. The patient sustained a 4.2 cm stab wound to the abdominal cavity, luckily, walang vital organs na napinsala…” Walang interes na makinig si Mateo. Habang tinutulungan niya si Irene, nakaramdam siya ng pagkabalisa at hindi niya magawang tingnan si Natalie. Kahit na alam n ani Natalie ang engagement nila ni Irene, ang pagkikita ng dalawang babae ay naglagay sa kaniya sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang asawa na nahuling nangangaliwa. “Magpahinga ka na, sir Mateo Garcia.” Sabi ni Natale habang isa-isa ng umaalis ang mga kasama nito. Isang beses lang niya tiningnan si Mateo dahil iniiwasan
Nag-focus si Natalie sa sugat, iniiwasan niyang magkatitigan sila ni Mateo. Pero hindi matiis ni Mateo na ang katahimikan sa pagitan nila. “Galit ka ba sa akin?” “Ha?” Napatigil si Natalie at halatang naguguluhan ito. “Galit? Ako? Bakit ako magagalit sayo?” “Mas okay kapag hindi ka galit sa akin.” Sagot naman ni Mateo. Naguguluhan talaga si Natalie pero hindi na niya tinanong pa kung ano ang ibig sabihin nito. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang drainage tube. “Kailan ba pwedeng tanggalin ang tubong ito?” Muli siyang tinanong ni Mateo. Napangiwi ito sa ginagawa niya. “Hindi kasi ako komportable.” “Matatagalan pa,”paliwanag naman ni Natalie. “Mahalaga kasi na masiguro naming na walang debris o kahit na pwedeng maging sanhi ng abdominal infection.” Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila ulit. Nanatiling nakasarado ang mga mata ni Mateo habang hinahayaan niyang gawin ni Natalie ang kailangan niyang gawin. “Nat, wala ka bang sasabihin sa akin?” Nag-angat ng paningin si Nat
Lunch break ni Natalie at sa canteen sa ospital siya kumain. Pabalik na sana siya ng nakasalubong niya sina Mateo at Alex. Paika-ika itong naglalakad sa hallway. “Not bad, ha.” Puri ni Natalie. “Mabuti na lang at malakas ka. Nakakapaglakad-lakad ka na, sa tingin ko, mabilis ang magiging recovery mo pero huwag mo namang biglain.” “Yes, doc!” Si Alex na ang sumagot. “Sandali.” Tinawag siya na Mateo dahil paalis na sana siya. “Sandali lang.” Hinarap ni Natalie si Mateo. “May problema ba? “A-anong gusto mo?” Napakurap ng maraming beses si Natalie sa pag-asang mauunawaan niya ang tanong na iyon. Wala siyang maisagot dahil unang-una, hindi naman niya maintindihan ang tanong. “Nasupresa ka ba?” Pagpapatuloy ni Mateo. “Sa palagay ko ay dapat alam mo na na dapat akong magpasalamat sayo. Pagkatapos ng nangyari, malaki ang utang na loob ko sayo, Nat.” Doon pa lang naintindihan ni Natalie kung ano ang tinutumbok ng lalaki. “Ah, so tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko kasi gu
Napatingin ang salesperson kay Mateo at halatang naiilang sa malamig at tila mapang-usig nitong titig. Nagsimula ding manginig ang kamay nito at natatarantang binawi ang telepono mula sa kamay ni Natalie. “H-hindi nga po bagay, sir.”“Mateo!” Singhal ni Natalie. Namumula ang pisngi nito sa inis. “Wala ka bang ibang magawa?”Napangiti si Mateo ng mapang-asar. “Meron. Sinasamahan kitang bumili ng telepono. Ako din ang magbabayad kaya may karapatan akong makialam kung anong telepono ang paggagastusan ko.” Naglakbay ang mga mata niya sa estante ng mga naka-display na telepono hanggang sa tumigil ito. “Ayan, pakikuha.”“Sige po. Sandali lang po.” Agad na tumalima ang salesperson. Natataranta ito, marahil ay nakilala na si Mateo.Nakita ni Natalie ang presyo ng teleponong tinuro ni Mateo---tumataginting na 57,000 pesos iyon. Halos malaglag ang kanyang panga. Ang halagang iyon ay sapat na para sa ilang buwan niyang gastusin para sa simple niyang pamumuhay.Agad niyang pinigilan si Mateo sa p
Sa dilim na bumabalot sa espasyo ng elevator, naging mas malinaw ang pakiramdam ni Natalie. Hindi niya makita si Mateo ngunit ang bigat ng ulo nito na nakasandandal sa kanyang balikat at ang bigat ng paghinga nito ay may sinasabing kakaiba sa kanya. Kilala niya ang lalaki at hindi ito aamin kung may masakit sa kanya. Tulad din ito ng maraming kalalakihan na iniisip na ang pag-amin na nasasaktan ay nakakabawas sa kanilang pagkalalaki.Ngunit sigurado si Natalie na may mali.Parang may mali.“Mateo,” tanong niya muli. “Nasaktan ka ba?”Isang mahinang ungol ang narinig niya mula sa lalaki---isang kumpirmasyon ng kanyang hinala. Nasaktan nga ito at hindi lang siya gustong mag-alala.“Saan? Saan ka nasaktan?” Naging mas matindi ang kanyang pagkabahala sa puntong iyon. Pumiglas siya mula sa pagkakarga nito sa kanya ngunit matigas ang pagkakahawak nito. Hindi natitinag. “Ibaba mo ako. Titingnan ko kung anong problema. Kung malala, kailangan nating kumilos kaagad at baka maimpeksyon ‘yan.”Sa
Ang muling pagkalabog ng elevator bago ang tuluyang pagtahimik nito ay nagdulot ng kilabot kay Mateo, ngunit gaya ng dati, pinili niyang itago ang pangamba sa ilalim ng walang emosyong mukha. Mas gusto niya ng ganoon dahil hindi makakabuti para sa kalagayan ni Natalie ang takot. Mabilis siyang nag-isip at sinuri ang sitwasyon habang unti-unti silang nilamon ng dilim dahil nalaglag sa sahig ang telepono niya at wala siyang makita.“Aaaaah! Mateo?!” Tawag ni Natalie sa kanya. Natataranta ito at kahit hindi niya nakikita, alam niyang kasabay ng pagtawag ng pangalan niya ay ang pagtulo ng luha nito. “Ayoko pang mamatay! Kawawa ang kapatid ko!”“Nat! Nandito ako! Hindi, huwag mong isipin ang bagay na ‘yan! Hindi ‘yan mangyayari.” Sigurado siya dahil hindi niya hahayaan iyon.Awtomatiko niyang inabot ang braso ni Natalie at hinila ito ng marahan palapit sa kanya. Ang mahigpit na yakap na binigay niya kay Natalie ay puno ng proteksyon at ang kanyang katawan ay nagsilbing kalasag para sa baba
Malalim na huminga si Mateo, pilit niyang pinaalalahanan ang sarili na magpigil lalo na at nasa ospital sila kasama ang kanyang lolo. Ilang ulit niyang sinabi sa sarili na magpigil. Nasira niya ang telepono ni Natalie. Alam din niyang hindi tamang gumawa siya doon ng eksena.Tinawagan niya si Isaac. Ilang segundo lang ay konektado na ang linya. “Isaac, gusto kong silipin mo ang records ng Immigration Office. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye tungkol sa application ni Natalie---alamin mo lahat, kung saan siya pupunta, bakit, kailan at kung sino ang kasama niya. Gawin mo ng mabilis. Unahin mo ‘yan.”“Sige, aasikasuhin ko kaagad.” Pangako ni Isaac sa isang propesyonal na paraan.Binaba na ni Mateo ang tawag at dahan-dahang nagbuga ng hangin, iyon lang ang paraang alam niya para maitago ang kumukulong inis. Sunod niyang tinawag ang isang nurse at itinuro ang mga basag na piraso ng telepono sa sahig.“Pakilinis ng kwarto ni lolo,” malamig niyang utos. “At isa pa, huwag mong ikukwento
“Magpakatatag ka, Natalie.” Paalala niya sa sarili habang pinipigilan ang panginginig. “Hindi ito ang oras para maging mahina, tandaan mo ‘yan. May layunin ka---ang mabawi ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Paisa-isa lang, ang mahalaga ay gumagalaw ka. Hindi mo pwedeng hayaan na manaig ang emosyon mo. Gamitin mo parati ang utak mo!”Muli niyang iginala ang kanyang mga mata sa apartment. Ang mapuputing pader ay nakikitaan na niya ng potensyal.Para sa mga Natividad, ito ay isang ordinaryong apartment lamang, isang ordinaryong ari-arian. Hindi ito ang pinaka-kabuhayan nila. Kaya marahil ay hindi nila mararamdaman kung sakaling mapunta sa kanya ang titulo nito. Ibang usapan para sa kanya ang biglaang pagmamalasakit ni Rigor---ito ay kailangan niyang harapin ng may tiyaga at maayos na estratehiya. Kung may pinaplano man ang ama, dapat ay handa siya. Kailangan niyang sumugal.“Ang ganda ng apartment na ito,” sinadya niyang maging magiliw. “Gustong-gusto ko ito.”Lumitaw ang malaking
Iba ang kasiyahan na bumalot kay Mateo. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti ngunit pinanatili niyang kalmado ang ekspresyon. Paalis na sana siya ng bumukas muli ang pinto at lumabas muli si Nilly.“Oh, nandito ka pa?” Bumaba ang tingin nito sa dala niyang kahon ng cake. “Para kay Natalie ba ‘yan?”“Oo, sana.”“Akin na, nagugutom ako, eh.” Nakangising sabi nito. “Sakto, lalabas pa sana ako para bumili ng meryenda, sayang naman kung itatapon mo lang.”Napangiti si Mateo. Umaayon talaga sa kanya ang panahon dahil may naisip pa siyang itanong dito. “Sige ba. Pero may itatanong ako ulit.”“Ito naman, pahihirapan pa ako.” Nagkamot ng ulo si Nilly. “Ano ‘yon?”“Sigurado ka bang sinabi ni Natalie na hindi na niya mahal si Drake?”Nag-atubili si Nilly at hatalang hindi komportable na ikwento ang personal na isyu ng kaibigan kay Mateo. “Um, ang eksaktong sinabi niya sa akin ay ‘hindi ko na siya mahal’.”“Perfect.”Ang mga salitang iyon ay karagdagang gamot sa sugatang pride ni Mateo. Unt
Ang mapanuyang mga salitang binitawan ni Natalie ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na silid. Ang madilim at tahimik na pasilyo ay sumasalamin sa bagyong namumuo sa mga mata ni Mateo. Siya na rin ang unang bumitaw sa titigan nila, gayunpaman, sinubukan pa rin niyang maghanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring magpalambot ng pagkakait ni Natalie ng emosyon.“Nat,” bungad niya ng puno ng depresyon. “Kailangan ba talaga na sa isang lalaking may asawa ka makipagrelasyon?”Bumigat lalo ang tensyon sa pagitan nila. Isang malamlam at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Natalie, inasahan niyang may isasagot sa kanya ang babae pero nanatili itong tahimik at lalo lang itong nagpaliyab sa apoy ng galit ni Mateo.“Hindi mo ba ako narinig?” Sumabog na ng tuluyan ang inip at galit nito, sabay hakbang palapit. Ramdam ni Natalie ang init ng hininga nito sa sobrang lapit. “Ano na ba ang naibigay niya sayo? Sagutin mo ako! Ano man ‘yon, kaya kong ibigay ng doble o kahit isang daang beses pa
Ang larawang natagpuan niya sa pitaka ng ama ay parang kidlat na tumama kay Natalie. Ang babaeng nasa larawan ay puno ng sigla at saya at ang kanyang maliwanag na ngiti ay pamilyar ngunit bahagi na lang ng isang magandang alaala nila pareho.Si Emma Natividad, ang kanyang pinakamamahal na ina ang babaeng nasa larawan. Minsan na niyang nakita ang larawan na hawak niya ngayon sa pitaka ng ama pero matagal na iyon. Maraming taon na ang nakalipas. Ngunit bagong kopya ito ngayon. Parehong larawan, pero ang nakita niya noon ay luma na. Ang larawang nasa kamay niya gayon ay isang replica. Sa teknolohiya ngayon, madali na lang ang restoration process ng isang lumang larawan. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay kung bakit naroon pa iyon at bakit pinabayaan ni Janet na maiwan ang larawan ni Emma sa pitaka ng asawa gayong para itong sinisilaban sa tuwing nababanggit ang pangalan ng yumaong ina.Ang una rin nitong ginawa noong unang dating ito sa bahay nila ay tanggalin ang lahat ng bagay na may k
Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw