“Garcia?” Bakas ang pagkamangha sa boses ni Roberto. Napatingin pa siya kay Mateo. “How interesting?”“So, what brings you here with Xicheng today?” dagdag niya. “Kinausap po ako ni Lolo Antonio para samahan si Mateo sa pag-attend ng birthday niyo, Mr. Wang,” pag-amin ni Natalie. “Maraming salamat sa pagdalo, hija. At dahil narito ka ngayon, may naihanda ka bang regalo para sa ‘kin?”Mahinang natawa si Mateo nang marinig ang tanong ng matanda nang maisip kung anong klaseng regalo ang bitbit nito ngayon. Sigurado siyang hindi naman iyong kasingmahal at kasinghalaga ng mga natanggap na regalo ni Roberto kanina. Ang ipinag-aalala niya lang ay baka madungisan ang tingin sa kaniya ng matanda sa ibibigay na regalo ng babae. “Mayroon po.” Confident na tumango si Natalie. Napataas ng kilay si Mateo at saka bahagyang pinisil ang kamay niya. Binabalaan niyang maging maingat ito sa mga kilos niya. “Don’t mess this up,” mahinang banta niya. Binawi ni Natalie ang kamay niya at saka
“Alam ko!”Walang oras ang dapat masayang. Bawat segundong dumadaan ay nagpapataas ng panganib sa buhay ni Roberto. “Kahit magpatawag kayo ng doktor ngayon, matatagalan pa. Bigyan niyo ako ng dalawang minuto, pangako, magiging okay siya!” taranta at nag-aalalang ani Natalie. “Bitiwan mo na ako! Wala na akong oras para magpaliwanag pa!” Tumutulo na ang pawis sa gilid ng mukha ni Natalie dahil sa kaba. Sa mga oras na ‘yon ay pinili ni Mateo na magtiwala sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Kaya sa wakas ay binitawan niya ang kamay nito. Halata ang ginhawa sa mukha ni Natalie.“Paabot ng kutsilyo. Nasa mesa.”“Okay.”Mabilis na inabot ni Mateo ang kutsilyo kay Natalie. “Nababaliw na ba kayo?!” takot at gulat na sabat ni Charles. “Nasa peligro ang buhay ni Mr. Wang! Talaga bang hahayaan mo ang babaeng ‘yan na gumawa ng kung ano?!”“Huwag kang makialam!” tarantang bulyaw ni Mateo sa kaniya. “Akin na ang ballpen mo!” Walang pag-aalinlangang inabot ni Mateo ang ballpen mu
”M-Mateo…”Parang kamatis ang mukha ni Natalie dahil sa hiya. Dinig na dinig niya ang tibok ng puso ng lalaki dahil sa pagkakasubsob niya sa dibdib ng lalaki. “P-Pwede mo na akong bitiwan. Okay lang ako.”“Okay?” Kinunotan siya ng noo ni Mateo. “Mukha ka ngang mahihimatay.”Tipid na ngumiti si Natalie. Nagsisimula niya nang maintindihan na sa kabila ng matabil nitong dila at maikling pasensya ay napakagandang lalaki ni Mateo. Mateo. “Okay lang talaga ako. Gutom lang with low blood sugar at nanghihinang mga paa.”“Then let’s get something to eat.”Malapit sa baba ng Mount Lorenzo ang ospital na pinagdalhan nila kay Roberto. At mahihirapan silang makabalik sa villa kung sakali. Kaya naman naghanap na lang sila ng kalapit na restaurant. Dahil sa lokasyon ng bundok, mangilan-ngilan lang ang restaurant dito. At hindi pa ganoon ka-high-end ang mga lasa ng pagkain dito. Halata ang iritasyon sa mukha ni Mateo. “Hindi gaanong masarap ang pagkain dito pero pwede na.”“Okay na ako ri
Hindi nalungkot si Natalie sa isiping magkasama sina Mateo at Irene dahil normal lang naman ‘yon. Ang nagpalungkot sa kaniya ay ang agarang pagbaba nito ng tawag nang tawagin siya ni Irene. Mukhang wala na siyang intensyong balikan siya rito. Siya na ang bahala sa sarili niya. Umalis na siya sa restaurant. Nang makalabas na siya roon at tinanaw ang paligid ay saka niya lang napagtanto na hindi siya pamilyar sa lugar na ito. Hindi niya rin kasi pinansin ang daan dahil bukod sa kotse ang ginamit nila para makarating dito ay sobra rin ang panlalambot niya kanina.Wala pa naman siyang makitang malapit na bus stop o kahit taxi sana. Sinubukan niyang tumawag sa mga drivers sa cab hiring apps kaso walang tumatanggap sa booking niya dahil sa malayo at liblib ang lugar na kinaroroonan niya. “Mukhang kailangan ko lakarin ‘to,” bulong niya sa sarili. Balak niyang lakarin na lang ang main road at aasa na lang siyang may dadaan na sasakyan na pwede niyang makisabayan. Kaya lang, masyadong ma
“Bitiwan mo ako!”Napaiyak na si Natalie dahil sa higpit ng hawak ni Mateo sa palapulsuhan niya. “Ano bang ginagawa mo?!”Halatang-halata ang inis sa mukha ni Mateo. Alam niya naman na kasalanan niyang bigla niya na lang iniwan ang babae kanina sa restaurant. Pero pinangunahan siya nang makita niya si Natalie na nakikipag-usap sa ibang lalaki kanina lang. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para sana ay humingi ng tawad sa kaniyang asawa. “I-I’m–”“Ayaw na kitang makausap!” putol ni Natalie sa sasabihin ni Mateo. Galit na galit siya sa lalaki dahil ang kapal nitong iwan siya roon mag-isa tapos siya pa ang may ganang magalit sa kaniya. Buong lakas niyang binawa ang kaniyang kamay sa lalaki. Ang kaso ay nawalan siya ng balanse dahilan para gumewang siya. Dahil do’n ay mas lalong sumakit ang injured niyang paa. “Ah!” iyak niya sa sakit. Tumaas ang kilay ni Mateo nang makita ang inasta ng babae. “Ano na namang klase ng pag-iinarte ‘yan, Natalie?”Sinamaan ni Natalie ng tingin si Ma
Kalmadong tumingin si Natalie kay Mateo. “Hinihintay ko lang maluto ‘yong instant noodles.”Sinubukang pigilin ni Mateo ang iritasyon niya sa mga sandaling iyon. Sa kabila ng hindi nila maayos na relasyon, hindi niya pwedeng balewalain na napakalaki ng naitulong ni Natalie sa kaniya nito nakaraan. Nagtataka lang siya sa paghahanap nito ng trabaho at pagkain nito ng instant noodles gayong binigyan naman siya nito ng card na naglalaman ng malaking halaga. “Huwag mong kainin ‘yan. Hindi ‘yan masustansya para sa ‘yo. Bibilhan na lang kita nang mas maayos na pagkain.”Nagprotesta si Natalie ngunit pinalabas lang ‘yon ni Mateo sa kabilang tainga niya. “Anong gusto mong kainin?”Nanataling tahimik si Natalie habang pinupukulan ng malamig na titig si Mateo. “Hindi ka magsasalita?” Napairap si Mateo. “Ako na lang ang pipili para sa ‘yo.”Pinili niya ‘yong salmon sushi, fresh milk, steamed eggs saka niya iyon binayaran at inabot sa babae. “‘Yan ang kainin mo.”Napakagat labi si Natalie.
Kinumpirma ng doktor ang pagbubuntis ni Natalie nang muli iyong itanong ni Mateo. “Pero bago pa lang ang pagbubuntis niya. She’s just a five weeks pregnant. She fainted due to low blood sugar, which mimicked early pregnancy symptoms.”Walang mabasang emosyon sa mga mata ni Mateo. Bigla ay hinawi niya ang kurtina ng higaan ni Natalie. “Narinig mo ba ‘yon, Natalie?”Nanghihina at lutang na tumango ang babae. “Oo.”“Ano nang gagawin mo ngayon?” Nag-alangan si Natalie. Napakagulo ng utak niya ngayon. Nabigla siya sa rebelasyong buntis siya. Nabuo ‘yon noong gabing may nangyari sa kanila ng misteryosong lalaki sa Golden Palace Hotel. Dahil sa sobrang kabat at takot ay hindi na siya nakapag-take ng contraception. Na-disappoint siya sa kaniyang sarili dahil bilang doktor ay napakalaking kapabayaan no’n. Mas lalong nanlamig ang tingin ni Mateo nang mapansin ang katahimikan ng asawa. “Talaga bang naiisip mong ipagpatuloy ang pagbubuntis mo?”Sa kabila ng relasyon nilang dalawa, hindi m
Nitong mga nakaraan, laging malalim ang iniisip ni Natalie dahil sa kaniyang pagbubuntis. Kaya naman hindi niya magawang magpokus sa mga ibang bagay. Kahit ang paghahanap niya ng trabaho ay naging mas mahirap. Nagsimula na rin ang mood swings niya. At lagi siyang pumupunta sa bahay nina Nilly. Nang makauwi si Nilly ay napatayo si Natalie sa tuwa. “Buti naman at nandito ka na. Nagugutom na si baby eh.”“Sakto. Gutom na rin ako,” nakangiting sagot ni Nilly. “Tara kain?”“Tara!”Nagtungo silang dalawa sa plaza kung saan may mga night stalls ng sari-sari, pagkain at kagamitan. May mga high-end restaurants din sa palibot nito. Pinag-uusapan pa nilang dalawa kung saan sila kakain nang biglang may tumapik sa balikat ni Natalie. “Nilly, Natalie, what a coincidence!”Nakilala nila ito bilang isa sa mga kaklase nila noong high school at college. Ngumiti si Natalie ngunit nanatili siyang tahimik. Habang si Nilly naman ay tinaasan siya ng kilay. “Coincidence? Normal lang naman na rumam
Hindi man magsalita si Mateo, alam n ani Isaac na hindi na ito natutuwa sa pagdaan ng mga oras. Likas na maikli ang pasensya ng boss niya at hindi ito sanay na naghihintay. Dalawang tasa na ng matapang na kape ang naubos nito ngunit imbes na maging aktibo ito---tila lalong lumalim ang inis sa bawat galaw ng kamay ng malaking orasan na nakasabit sa pader.Hindi maisatinig ni Isaac pero hindi niya maiwasang magtanong. “Ano bang ginagawa ni Natalie? Sinasadya ba talaga niyang subukin ang pasensya ni sir?”Palubog na ang araw at humahaba na ang mga anino sa lobby ng family court, wala pa ring pinagbago, mabigat at tahimik pa rin ang atmospera doon. Paminsan-minsan ay sinisira ng malakas na pag-ring ng telepono ni Natalie ang katahimikan. Ngunit, ganoon pa rin. Wala pa ring sagot.**Alas singko na ng matapos ang kabuuan ng operasyon.“Naku po!” bulong ni Natalie sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis. Pagkatapos ay tinungo ang opisina para kunin a
Maagang nagising si Natalie. Magiging abala siya buong maghapon kaya napagpasyahan niyang simulant ang araw ng mas maaga kaysa nakasanayan niya. Abala siya sa pagsuot ng uniporme sa trabaho nang mag-vibrate ang telepono niya. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, saglit siyang natigilan bago sagutin ang tawag.“Hello?”[Natalie,] mahinahon na bungad sa kanya ni Jose Panganiban sa kabilang linya. [May oras ka ba mamayang hapon? Kung oo,Kung oo, pwede na nating puntahan ang family court para tapusin ang proseso.]Parang malamig na simoy ng hangin ang mga salitang iyon kay Natalie. Alam niyang mabilis na abogado si Jose Panganiban pero hindi niya inakalang mabilis din pala ito.“Ang bilis naman.”Sa palagay ni Natalie ay naging epektibo ang pag-arte ni Irene kagabi kaya hindi na nag-aksaya ng oras pa si Mateo at sinimulan na ang lahat. Ang isiping iyon ay nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit maagap naman niyang napigilan.Sa mahinahong tono, may sagot si Natalie. “Sure, may
“Magalit ka na lang, saktan mo ako. O maglabas ka ng sama ng loob, murahin mo ako---matatanggap kong lahat ‘yon. Pero hindi ito. Huwag ito, Nat. Hindi ko kakayanin! Hindi ko tatanggapin! Please, huwag mong gawin sa akin ito!” Nanginginig na pakiusap ni Drake. Puno ng desperasyon ang bawat salitang binitawan.“Drake,” malumanay na sagot ni Natalie. Nagningning ang mga mata dahil sa luhang hindi niya pinapayagang bumagsak habang magkatitig sila. “Kumalma ka muna. Pakinggan mo ako, okay?”Ang pagkakasabi ni Natalie ay banayad, halos nakakaaliw ngunit hindi rin makaila na naroon ang distansya. Labis itong naghatid ng kirot sa puso ni Drake ngunit tumango pa rin siya kahit alanganin. Pilit niyang pinipigilan ang bagyo ng damdaming nag-aalimpuyo sa loob niya.Sa hindi kalayuan, isang itim at magarang sasakyan ang nakaparada sa kanto. Mababa ang huni ng makina, ang nakasakay ay nagmamasid lang. Nasa likuran si Mateo---ang kanyang matalas na mga mata ay naka-focus sa dalawang pigurang nakatay
Biglang tumigas ang mga matalim na linya sa mukha ni Mateo at ang dati niyang matatag na tingin ay nagpakita ng alinlangan. Ang mga sinabi ni Irene sa kanya ay may bigat at bumalot sa kanya kaya saglit siyang nagdalawang-isip. Madali ang magsinungaling, ngunit kapag tungkol kay Natalie ang usapan, tila imposible para sa kanya ang maging mapanlinlang.“Irene,”mahinahon niyang simula, kalmado ang boses ngunit mahina. “Minsan siyang naging asawa ko. Kung may mangyari sa kanya o kung maging mahirap ang buhay niya, hindi ko pwedeng balewalain ‘yon. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”Natigilan si Irene, ang hininga at tila naputol habang ang mga salita ni Mateo ay parang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Ang katapatan ni Mateo ay parang espadang matalim na humiwa sa kanyang humihinang kumpyansa.“P-pero…paano naman ako?” Nagawa niyang itanong sa nanginginig na boses, hayag ang kanyang kahinaan.Napabuntong-hininga si Mateo, parang pagod na ito. “Irene, ikaw ang pinili ko.
Magkaibang-magkaiba ang dalawang babae. Kung anong ikinakalma, ikinahinahon at itinatag ni Natalie, ay siyang kabaligtaran naman ng galit na galit na reaksyon ni Irene. Hinahayaan lang ni Natalie na maglabas ng sama ng loob ang babae. Sa totoo lang, nauunawaan niya kung ano ang pakiramdam ng makita ang kasintahan kasama ang ex nito---ngunit hindi din naman siya santo. May hangganan ang kanyang simpatya.“Hindi ako lapit ng lapit sa nobyo mo,” paliwanag ni Natalie. Nanatili pa rin siyang kalmado. “Sa maniwala ka o hindi, nagkataon lang talaga.”“Ha!” Muling tumawa ng mapait at nakakainsulto si Irene, napailing din ito at muling tumaas ang boses dahil hindi pa rin ito naniniwala. “Talaga lang, ha? Kung ganoon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ang tagal mong pirmahan ang mga papeles ng diborsyo kung wala ka talagang pakialam at talagang nagkataon lang ‘to.”Natigilan si Natalie, nabigla siya sa narinig at nalipat ang mga nagtatanong niyang mata kay Mateo.“Irene, kasalanan ko ‘yon,”
Hindi nagkamali si Mateo, makalipas ang limang minuto, muling bumalik si Natalie. Ang una niyang tinapunan ng tingin ay si Mateo. Naabutan pa niyang tila pinariringan ng lalaki si Drake kaya agad itong tumigil at ibinaling ang tingin palayo.Sunod naman pinuna niya si Drake. “Bakit narito ka pa? Hindi ba kailangan niyo ng umalis? Sige na, umalis ka na.” Malumanay na wika ni Natalie, ang tono ng pananalita niya ay ganoon pa din. Malamig at may distansya.Nagdalawang-isip si Drake ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Nat. Ihahatid ko lang si Jean pauwi sa kanila. Babalik ako kaagad para sayo. Pangako. Please, huwag kang magalit o masyadong mag-isip ng kung ano-ano, ha? Wala lang ‘to.”Ngumiti si Natalie ng bahagya, ang ekspresyon ay hindi mabasa. “Sige.”“Hintayin mo ako,” paalala pa ni Drake bago umalis dahil nauna na sa paglalakad si Jean.Habang lumalayo ang dalawa, naiwan ang nakakabagabag na katahimikan. Saglit lang ang ginawang pagtapon ng tingin ni Natalie sa papal
Samantala, balot ng nakakailang na katahimikan ang paligid sa labas ng conference room na iyon. Nakapwesto malapit sa may pintuan si Mateo at nakasandal sa pader. Ang matalas niyang mata ay nakatuon sa nakasarang pinto. Habang nasa di kalayuan naman sina Jean at Drake, lahat sila ay hindi mapakali. Isang napakabigat na tensyon ang nasa pagitan nila.Nabasag lamang ang katahimikan ng mag-ring ang telepono ni Jean. Sinagot naman niya iyon kaagad. “Ma? O-opo, tapos na po ang dinner party. Pauwi na po ako.”Matapos niyang ibaba ang tawag, bumaling siya kay Drake ng may alinlangan sa mukha. “Drake, si mama ‘yon. Sabi niya, kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi.”Tinapunan siya ng mabilis na tingin ng lalaki, pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa pinto. “Mauna ka na, mag-taxi ka na lang, hihintayin ko si Natalie.”Inaasahan na ni Jean ang bagay na ‘yon pero nag-atubili pa rin siya ng kaunti. “S-sigurado ka ba?”Tumango si Drake, may tatag sa boses nito. “Oo, kailangan ko siyan
Ilang hakbang lamang ang pagitan nina Drake at Jean at ang kanilang kaswal na paglalapit ay parang isang malinaw na larawan na nagsasabi ng napakaraming bagay. Naestatwa sa kinatatayuan si Natalie, ngunit matagumpay niyang naitago ang sorpresa sa likod ng mahinahong anyo.“N-nat?” nauutal na sambit ni Drake, halatang kinabahan ito. Makikitaan ng sari-saring emosyon ang kanyang mukha habang pasimpleng lumalapit kay Natalie.“Kaibigan mo ba siya, Drake?” Magalang ngunit mausisang tanong ni Jean.Nag-atubili si Drake, ang mga mata niya ay sandaling nagpalit-lipat kina Natalie at Jean. Tila hindi alam kung sino ang unang aatupagin. Pagkatapos ng ilang sandali, umiling si Drake. “Jean, hindi ko lang siya basta kaibigan…siya si Natalie…siya ang babaeng gusto ko.”Saglit na natigilan ang lahat at mistulang nabitin sa ere ang kumpirmasyong iyon ni Drake. Hanggang sa tumaas ang kilay ni Jean dahil sa pagkagulat. Si Natalie naman ay nanatiling kalmado, bagamat may bahagyang pagdilim sa kanyang
Parang tumigil ang mundo ni Mateo dahil sa narinig. Ang tibok ng puso niya ay tumigil. Agad niyang binitawan ang kamay ni Natalie. Ang pagkabahala ay malinaw na nakaukit sa kanyang mukha. Nilapitan niya ang babae upang matingnan niya ng malapitan ang kalagayan nito.“Nat, masakit ang tiyan mo? Gaano kasakit? Sabihin mo sa akin, tatawag na ba ako ng ambulansya---”Bago pa siya makatapos, bigla na lang tumalikod si Natalie at naglakad palayo. Tsaka pa lang napagtanto ni Mateo na naisahan siya nito. Matalino si Natalie, dapat sana ay naisip niya iyon.“Natalie, sandali!” tawag niya ng may halong kaba at pagkamangha ngunit tuloy lang ito sa paglalakad.Sa isang iglap, hinabol ni Mateo si Natalie at niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Saglit na natigilan ang babae ngunit mabilis namang nakabawi. Tinulak niya kaagad ito palayo.“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?”Hindi sumagot si Mateo, bagkus ay hinila ulit palapit si Natalie. Inilagay pa niya ang kamay sa mga mata nito, maingat ngunit m