Share

KABANATA 6  

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin.

Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin.

“Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!”

Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!”

“Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid.

Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!”

Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito.

Pakiramdam ng babae ay makakalbo siya sa mga sandaling iyon. “Aray ko! Bitiwan mo na ako, miss!” nanginginig niyang pagmamakaawa. “Hindi ko na uulitin! Pangako!”

Napaupo sa sahig ang caregiver nang malakas siyang itulak ni Natalie. Akala niya ay matatapos na roon ang pagwawala ni Natalie. Ngunit nagulat siya nang pulutin nito ang pagkaing natapon sa sahig at saka iyon pinilit na ipakain sa kaniya.

“Ganito mo pakainin ang mga pasyente mo, ‘di ba?! Oh ito, kainin mo!”

Muntik nang masugat ang bibig ng caregiver dahil sa pamimilit ni Natalie. Hindi siya makapagsalita at sinusubukan niyang magmakaawa gamit ang kaniyang mata. Ngunit ayaw magpaawat ni Natalie. Malakas siyang sinampal nito.

“Ganito mo tratuhin ang kapatid ko, ‘di ba?! Masarap ba? Huwag kang mag-alala. Ipaparanas ko sa ‘yo mismo!”

Muling binigyan ni Natalie ng magkabilang sampal ang caregiver hanggang sa mapahiga na ito sa sahig. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang babae na makabawi. Agad niya itong hinatak patayo. “Tara! Puntahan natin ang medical director!”

“Huwag po!” Bakas ang takot sa mukha ng caregiver. “Nakikusap po ako! Huwag niyo po akong isumbong! Hindi ko na po uulitin! Napag-utusan lang po ako!” iyak nito.

Napatigil si Natalie sa narinig. Unti-unting nanliit ang kaniyang mga mata. “Sinong nag-utos sa ‘yo?”

“S-Si… Ma’am J-Janet po.”

Kaagad na kumulo ang dugo ni Natalie.

Ang madrasta niya na naman pala ang may kagagawan ng lahat!

Alam niyang ginawa iyon ni Janet dahil sa hindi niya pagsipot kay Mr. Chen. Pero bakit kailangan niyang idamay si Justin?

Labing apat na taong gulang pa lang ang kapatid niya. At higit sa lahat, may autism ito!

“Labas!” bulyaw niya sa caregiver.

Halos madapa na ang caregiver sa paglabas.

Nang makaalis ang caregiver ay agad na nilinis ni Natalie ang kalat sa loob ng silid. Nang matapos siya ay kaagad niyang nilapitan si Justin. Inabot niya ang kamay niya rito. “Tara, Justin. Linisan natin ikaw.”

Katulad ng dati, hindi na naman sumagot si Justin. Pero sanay na si Natalie roon.

Nanlaki ang mga mata ni Natalie nang maramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Justin sa kamay niya. Hindi niya maiwasang masiyahan. Napaluhod siya sa harap ni Justin at saka ito hinawakan sa magkabilang braso.

“Justin, naaalala mo na ba si ate?”

Ngunit wala siyang sagot na nakuha mula sa binatilyo. Pero hindi iyon sapat para maglaho ang saying nararamdaman ni Natalie sa mga sandaling iyon. Dahil makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nagkaroon ng pagbabago sa reaksyon ng kapatid niya. Isa iyong patunay na may epekto ang treatment dito.

Dinala ni Natalie si Justin sa banyo. Doon niya natuklasan na hindi lang dahil sa sabaw ito nabasa. Basa rin kasi ang pantalon nito ng ihi. Halatang pinabayaan lang ito ng caregiver.

Matapos niyang paliguan si Justin ay sinimulan niya naman itong pakainin. Masunurin naman itong sumubo habang nakakapit sa laylayan ng damit ni Natalie.

Ramdam ni Natalie ang takot nito dahil sa kaniyang akto.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya.

“Huwag kang matakot, Justin. Hindi kita papabayaan. Poprotektahan ka ni ate.”

Bago siya tuluyang umalis sa sanatorioum, nagtungo muna si Natalie sa opisina ng medical director para isumbong ang katiwalian ng caregiver kanina. Sinigurado naman ng medical director na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari sa kapatid niya at sa ibang mga pasyente. Pagkatapos ay nagmamadali siyang umuwi sa bahay nila.

Hindi niya papalampasin ang ginawang kasamaan ng kaniyang madrasta sa nakakabata niyang kapatid.

**

Nang sumapit ang gabi ay nagtungo si Mateo sa bahay ng mga Natividad. Sa kahabaan ng daan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Irene. “Mateo, nasaan ka?”

“Baka mahuli ako. Sobrang traffic kasi,” sagot nito.

“Mag-iingat ka. Hihintayin kita.”

“Salamat.”

**

Nang makarating si Natalie sa kanilang bahay ay nagmamadali siyang pumasok sa loob. Ni hindi niya na nga nabati ang katulong na nagbukas ng pinto.

Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang isang takore na may lamang malamig na tubig. Saka siya naglakad patungo sa living room. Sakto naman na pababa sina Janet at Irene. Tila ba may nakakatawang bagay silang pinag-uusapan.

Walang prenong naglakad si Natalie para salubungin ang mag-ina. Walang pasabi niyang isinaboy ang tubig sa dalawa.

“Ahhh!” hiyaw ng mag-ina.

Nanlaki ang mga mata pati ang butas ng ilong ng dalawa nang makilala kung sino ang nagsaboy sa kanila ng tubig.

“Natalie!” sigaw ni Janet. “Ang kapal ng mukha mong bumalik pa rito-“

Hindi na natapos pa ni Janet ang sasabihin niya nang muli siyang sabuyan ni Natalie.

Napasinghap si Irene. “Baliw ka ba?!”

Pero hindi nagpatinag si Natalie. Sinamaan niya pa ng tingin ang mga ito. Nanginginig siya sa galit. “Baliw? Pasalamat nga kayo at malamig na tubig lang ‘yon. Eh kayo? Talagang nagbayad pa kayo ng tao para lang maltratuhin ang kapatid ko!”

Hinila ni Janet ang anak palayo kay Natalie. “Pabayaan mo na siya at anong oras na. Magpalit ka na.”

Nagmamadaling umakyat si Irene patungo sa kaniyang kwarto. May date pa siyang dapat puntahan.

Pinalis ni Janet ang tubig na tumutulo sa mukha niya. Ang sama ng tingin nito kay Natalie. “Oo! Nagbayad ako ng tao para pahirapan ang kapatid mo. Eh ano naman? Tinakbuhan mo si Mr. Chen kaya dapat lang na pagbayaran mo ‘yon. Dapat naisip mo ang kapatid mo bago ka hindi sumipot sa tagpuan niyo ni Mr. Chen!”

Napaismid si Janet. Alam niyang nabayaran na ni Natalie ang bayarin para sa treatment ni Justin. “Saan mo nakuha ang pera? Paano?” Tumaas ang kilay niya. “Halata namang hindi ‘yon galing sa pagbebenta mo ng katawan mo. Pero kahit na! Wala kang nagawa para makatulong sa pamilyang ‘to! Wala kang konsensyang pokpok ka!”

Sa sobrang galit ay hindi na napigilang sampalin ni Natalie si Janet. “Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang!”

Napatda si Janet. Parang namanhid ang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Natalie. Muling umusbong ang galit sa puso niya. “S-Sinampal mo ba ako?”

Madali niyang sinugod si Natalie at sinabunutan. Hindi naman nagpatalo si Natalie at hinablot din ang buhok ng matanda. Hanggang sa napahiga na sa sahig si Janet.

Agad naman itong kinubabawan ni Natalie at pinagsasampal.

“Sa tingin mo ba ako pa rin ‘yong batang kinakaya-kaya mo noon?! Malaki na ako! At tumatanda ka na! Subukan mo uling galawin ang kapatid ko. Sisiguraduhin kong titriplehin ko ang balik sa’yo!”

“Tulong!” saklolo ni Janet.

Namataan niya ang isang katulong na nanonood sa gilid. “Anong tinatayo-tayo mo r’yan?! Tumawag ka nang pulis bago pa ako mapatay ng babaeng ‘to!”

Matapos ‘yon ay saktong dumating si Rigor. “Anong nangyayari rito?”

Nang makita niya ang posisyon ng dalawa ay agad siyang tumakbo at hinila si Natalie palayo kay Janet. Napaupo sa sahig si Natalie sa sahig dahil sa pwersa ng kaniyang ama.

“Hindi ka ba talaga nagtatanda, Natalie?! Paano mo nagagawang manakit ng mas nakakatanda sa ‘yo?!”

Umismid at saka ngumisi si Janet saka kumapit sa laylayan ng damit ni Rigor. “Parusahan mo ang babaeng ‘yan!”

Ngunit bago pa makakilos si Rigor at sinalubong na siya ni Natalie gamit ang kaniyang nagbabantang tingin.

“Ang kapal naman ng mukha mong sabihin mas nakakatanda ka pagtapos mong lokohin ang asawa mo, abandonahin ang mga anak mo, at ibenta ang anak mo para lang sa pera! Ipagpapasa-Diyos ko na lang lahat ng katarantaduhang ginawa mo. Karma na ang bahala sa ‘yo.”

Matapos niyang sabihin ‘yon ay nagmamadali siyang lumabas ng mansyon.

Habang tumatakbo siya palayo sa mansyon, nakasalubong siya ng isang itim na Bentley Mulsanne.

Unti-unting siyang napatigil sa pagtakbo. Maya-maya pa’y napalingon na siya at tinanaw ang sasakyang pumarada sa harapan ng mansyon.

Pamilyar ang sasakyang iyon.

Saan niya nga ba nakita ‘yon?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (25)
goodnovel comment avatar
Maila Famanila Pacheco
nakaka excite ang mga susunod na kabanata
goodnovel comment avatar
KingJay Bergantin
ang ganda tlga
goodnovel comment avatar
Leanne Fortaleza Naing
nakakagigil ang mga bwesit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 7

    Dahil sa lakas ng kutob niya, naglakad pabalik si Natalie. Nang makalapit siya ay agad niyang natanaw si Irene na nakabihis ng magarang bestida at heels. May kolorete rin sa mukha nito. Kakalabas lang nito ng mansyon. Bumukas ang pinto ng sasakyan. At mula roon ay lumabas si Mateo na may hawak-hawak na pumpon ng bulaklak. Kulay pulang mga rosas ang mga ito— simbolo ng pag-ibig. “Ang ganda,” nakangiting ani Irene matapos niyang tanggapin ang bouquet. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa braso ng binata. Inalalayan naman siya ni Mateo pababa. Pinagbuksan niya pa ito ng pinto at saka inalalayang makapasok sa loob ng sasakyan. Matapos ay sumakay na rin si Mateo at pinaharurot ang sasakyan palayo. Nang malapit nang dumaan sa harapan ni Natalie ang sasakyan ay agad siyang tumalikod para itago ang kaniyang mukha. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib. Kaya pala pinagbihis si Irene ng kaniyang ina kanina dahil may importanteng lakad ito. At iyon ay ang pakikipag-date kay Mateo Ga

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 8

    Buong araw na nanatili si Natalie kina Nilly. Nang sumapit ang gabi ay saka niya naisipang umalis. May part-time job kasi siya ngayong gabi. Simula tumuntong siya sa edad na labingwalo, hindi na siya binibigyan ni Janet ng pera. Kaya naman napilitan siyang suportahan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga part-time jobs at scholarships. At nagawa niya lang na galawin ang perang binigay sa kaniya ni Mateo para lang may maipambayad siya sa pagpapagamot ni Justin. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi niya iyon gagastusin. Sa Michelle’s ang part-time ni Natalie ngayon. Kilala ang Michelle’s bilang isang luxury club para sa mga mayayamang negosyante sa San Jose. Nagtatrabaho siya rito bilang massage therapist at acupuncturist. Talagang pinag-aralan niya ang trabahong ito dahil malaki at mabilis din ang kitaan niya rito. Dahil sa abala siya sa kaniyang internship, kaya siya nag-apply bilang temporary employee lang. Binabayaran siya ng kaniyang mga kliyente sa oras na ginugugol ni

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 9

    “Huwag kang humarang, Isaac,” utos ni Mateo sa assistant saka binalingan si Natalie. “Anong kailangan mo?” “Pinatanggal mo ba ako sa trabaho?”“Oo.” Binawi niya ang tingin sa babae at hinarap muli si Isaac. “Nasagot ko na ang tanong niya. Tara na.”“Opo, sir.”“Sandali!” Patakbong humarang si Natalie sa harapan ni Mateo. “Nagkamali ako.” Kinagat niya ang kaniyang labi at sinserong tumingin sa lalaki. Alam niyang mali talaga siya. Gusto niyang gamitin ang pagiging kasal niya kay Mateo para makapaghiganti sa kaniyang pamilya. Pero nakalimutan niyang hindi niya kayang banggain ang isang Mateo Garcia. Iyon ang pagkakamali niya. “Nagmamakaawa ako sa ‘yo! Bawiin mo ang sinabi mo sa kanila. Napakahalaga ng trabahong ‘to para sa ‘kin.”Sa kaniyang taon sa medical school ay nag-iintern pa rin siya. At bilang isang intern doctor, hindi siya sumasahod. Kaya naman umaasa siya sa part-time job niya para maitawid ang araw-araw. Namuo ang luha sa mga mata ni Natalie. “Hindi dapat ako lumi

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 10

    Dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho, wala nang ibang pagpipilian si Natalie kundi ang muling maghanap ng bagong trabaho. Kailangan niyang makapaghanap sa lalong madaling panahon. Kaso lang ay hindi siya makahanap ng oras para mag-job hunt dahil sa sobrang hectic ng schedule niya. Sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang kinakain kundi tira-tirang tinapay sa tuwing tinatamaan siya ng gutom. Halata na nagbawas siya ng timbang dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng kaniyang mga kinakain. Nang matapos ang kaniyang night shift ay nagpatuloy si Natalie sa paghahanap ng trabaho. “Natalie,” tawag sa kaniya ni Marie saka siya tinapik sa balikat. “Gusto ka raw makausap ni Mr. Olivarez.”Natigilan si Natalie. “Bakit daw?”“Hindi ko alam eh. Magdo-donate pa ako dugo. Puntahan mo na lang siya.”“Sige.”Kunot noong nagtungo si Natalie sa opisina ni Mr. Olivarez, ang kanilang chief instructor. Kumatok siya sa pinto. “Pinatawag niyo raw po ako?”“Oo.” Nag-angat ng tingin si Mr. Olivar

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 11

    Pumasok si Natalie sa kwarto ni Antonio. Naupo siya sa silyang katabi ng kama nito. Kaagad naman siyang binati ni Antonio ng malawak na ngiti. “Kumusta na ang paghahanda mo, Natalie? Nakapag-impake ka na ba?” tanong ng matanda. Kumunot ang noo ni Natalie. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. Wala naman siyang alam na dapat siyang mag-impake. At kung para saan ‘yon. Nang mapansin ng matanda ang pagkalito sa mukha ng dalaga ay nag-alala siya. “Bakit? Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Mateo? Nako ‘yong batang ‘yon talaga!”Ang siste pala ay may malapit na kaibigan si Antonio na magdiriwang ng kaarawan. At dahil hindi siya makakapunta dahil sa kalagayan niya, inutusan niya si Mateo na isama si Natalie sa pagdalo bilang proxy niya. At isa pa, napansin niya kasi na may distansya sa pagitan ng mag-asawa. Kaya naman sa ganitong paraan ay umaasa siyang kahit papaano ay magkalapit ang mga ito. “Makinig ka sa ‘kin, Natalie. Hindi man gusto ni Mateo ang napapangunahan at nauutusan siy

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 12 

    “Bitiwan mo siya,” kalmadong utos niya kay Isaac. “Y-Yes, sir.” Agad na tumalima si Isaac para ibaba si Natalie. Sa kabila ng paggalaw sa kaniya, nanatiling walang malay si Natalie. Kumunot ang noo ni Mateo. Nag-aalala siya at baka may natamong sugat ang dalaga. Pinasama ito ng lolo niya. At kapag may nangyari rito, at nagsumbong ito, siya ang malalagot sa lolo niya. Napabuntong hininga si Mateo at saka lumuhod para buhatin si Natalie. Ipinasok niya ito sa loob at saka maingat na ipinahiga sa kama. Matapos niya itong ihiga ay naililis ang bestida nito dahilan para makita niya ang sugat sa mga tuhod nito. Anong nangyari kay Natalie?Sandaling napatda si Mateo sa nakita. Natamo ba nito ang mga sugat na ‘to kagabi?Hindi niya namalayan na napatitig na siya sa mukha ng dalaga. Napansin niya ang malalantik at makakapal nitong kilay, ang maamo nitong mukha, at ang bahagyang nakangusong mapupulang labi nito, na para bang binubulungan siya nito sa kaniyang pagtulog. Bahagyang n

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 13

    “Garcia?” Bakas ang pagkamangha sa boses ni Roberto. Napatingin pa siya kay Mateo. “How interesting?”“So, what brings you here with Xicheng today?” dagdag niya. “Kinausap po ako ni Lolo Antonio para samahan si Mateo sa pag-attend ng birthday niyo, Mr. Wang,” pag-amin ni Natalie. “Maraming salamat sa pagdalo, hija. At dahil narito ka ngayon, may naihanda ka bang regalo para sa ‘kin?”Mahinang natawa si Mateo nang marinig ang tanong ng matanda nang maisip kung anong klaseng regalo ang bitbit nito ngayon. Sigurado siyang hindi naman iyong kasingmahal at kasinghalaga ng mga natanggap na regalo ni Roberto kanina. Ang ipinag-aalala niya lang ay baka madungisan ang tingin sa kaniya ng matanda sa ibibigay na regalo ng babae. “Mayroon po.” Confident na tumango si Natalie. Napataas ng kilay si Mateo at saka bahagyang pinisil ang kamay niya. Binabalaan niyang maging maingat ito sa mga kilos niya. “Don’t mess this up,” mahinang banta niya. Binawi ni Natalie ang kamay niya at saka

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 14

    “Alam ko!”Walang oras ang dapat masayang. Bawat segundong dumadaan ay nagpapataas ng panganib sa buhay ni Roberto. “Kahit magpatawag kayo ng doktor ngayon, matatagalan pa. Bigyan niyo ako ng dalawang minuto, pangako, magiging okay siya!” taranta at nag-aalalang ani Natalie. “Bitiwan mo na ako! Wala na akong oras para magpaliwanag pa!” Tumutulo na ang pawis sa gilid ng mukha ni Natalie dahil sa kaba. Sa mga oras na ‘yon ay pinili ni Mateo na magtiwala sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Kaya sa wakas ay binitawan niya ang kamay nito. Halata ang ginhawa sa mukha ni Natalie.“Paabot ng kutsilyo. Nasa mesa.”“Okay.”Mabilis na inabot ni Mateo ang kutsilyo kay Natalie. “Nababaliw na ba kayo?!” takot at gulat na sabat ni Charles. “Nasa peligro ang buhay ni Mr. Wang! Talaga bang hahayaan mo ang babaeng ‘yan na gumawa ng kung ano?!”“Huwag kang makialam!” tarantang bulyaw ni Mateo sa kaniya. “Akin na ang ballpen mo!” Walang pag-aalinlangang inabot ni Mateo ang ballpen mu

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 296

    Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 295

    Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 294

    Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 293

    Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 292

    Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 291

    Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status