Share

KABANATA 3

Nagulat pa si Mr. Chen nang makita kung sino ang bagong dating.

“Mr. Garcia?”

Sa mundo ng negosyo, walang hindi nakakakilala kay Mateo Garcia. Siya ang nagpapatakbo ng pinakamalaking kompanya ng langis sa buong bansa. Masasabi na ring nasa mga palad ni Mateo nakasalalay ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.

Binitawan ni Mr. Chen ang palapulsuhan ni Irene. Ngunit hawak pa rin nito ang bestida niya. “A-Ano pong ginagawa niyo rito?”

Hindi sinagot ni Mateo si Mr. Chen. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Irene. Umiiyak pa rin ito dala ng marahas na paghatak sa kaniya ng lalaki.

Ito ang babaeng kasama niya kagabi.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Mateo. Dumapo ito sa panga ni Mr. Chen.

Napaupo ito sa lakas ng suntok ng binata.

“How dare you lay a hand on her?”

“Mr. Garcia, this is a misunderstanding! I can explain everything to you!” tiklop ang kaangasan ni Mr. Chen kay Mateo.

“Irene, sinaktan ka ba niya?”

Umiling si Irene. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. “H-Hindi. Wala naman.”

Binalik ni Mateo ang atensyon kay Mr. Chen. “Umalis ka na!”

“S-Salamat, Mr. Garcia!”

Mabilis na umalis si Mr. Chen at pinaharurot ang sasakyan sa takot.

Nagtinginan naman sina Janet at Rigor. Gaya ni Irene ay wala rin silang alam sa kung anong nangyayari.

Nilapitan ni Mateo si Irene at pinahid ang mga luha niya. “Tama na. Wala nang mananakit o mananakot sa iyo mula ngayon.”

“K-Kilala mo ako?”

“'yong nangyari kagabi…” Naging malambot ang pananalita ni Mateo nang mabanggit ang nangyari kagabi. “...sa Golden Palace, sa suite ko. Naalala mo ba?”

Naguluhan si Irene. Alinman sa nabanggit ng gwapong lalaki sa kaniyang harapan ay wala siyang maintindihan.

Ni hindi pa nga siya nakakatapak ng Golden Palace. At ngayon lamang niya nakita sa personal si Mateo Garcia.

Napatingin siya sa ama at ina. Kitang-kita niya sa mga mata nito na wala rin silang alam. Iisa lang ang alam ni Irene…

Hindi nga nagsinungaling si Natalie nang sinabi nitong sumipot siya kagabi. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya sa kwarto ni Mr. Chen napunta!

Si Mateo Garcia ang kasama niya kagabi!

Malamang ay hindi mamukhaan ng pinakamayamang lalaki sa bansa ang babaeng nakasiping niya. Kaya heto ito ngayon, iniisip nitong si Irene ang kasiping kagabi!

“Excuse me?”

“My name is Mateo… Mateo Garcia.”

“The Mateo Garcia?” Namilog ang mga mata ni Janet.

Si Mateo Garcia ay hindi mahilig sa publicity. Low-key lamang siya hangga’t maari. At kung hindi naman kinakailangan ay hindi ito nagpapakita.

Kaya naman ay hindi nila lubos akalain na ito na pala ang Mateo Garcia na kilala sa mundo ng negosyo. Ang akala nila kanina ay kapangalan lamang ito ng bilyonaryo.

Napakabata kasi nito at napakagwapo.

Namula si Irene at halos sumabog ang puso niya sa kaba!

‘Chance mo na ito, Irene! Besides, siya naman ang kusang nagpunta rito at nag-akalang ako ang kasiping niya kagabi. Tadhana na ang gumawa ng paraan para makaahon ako sa hirap!”

Napangiti si Irene sa posibilidad na swerte ang dala ng katangahan ni Natalie.

‘Galingan mo na lang ang pag-arte. For sure, hindi naman niya alam na si Natalie ‘yon.’

Tumango si Irene nang marahan. “P-Pasensya ka na. M-Maling kwarto ang napasok ko. Bakit ka nga pala nandito? Paano mo ako nahanap?”

Matamang tinitigan ni Mateo ang mukha ni Irene. Pinipilit niyang alalahanin ang mga kaganapan kagabi. Ngunit wala. Wala siyang maapuhap.

Hindi naman iyon ang mahalaga sa ngayon para kay Mateo.

“I guess you forgot. I told you last night that you’re mine. Kailangan ko ng mapapangasawa. Let’s get married, Irene.”

“Teka, tama ba ang dinig ko?” sabat ni Janet na gusto nang tumalon sa tuwa. “Pakakasalan mo si Irene dahil magkasama kayo kagabi?”

Hindi pinansin ni Mateo si Janet. Kay Irene nakatuon ang mga mata nito kay Irene. “Bakit hindi ka magsalita. Hindi mo ba gusto?”

“Gusto! Syempre gusto ko!” sigaw ni Irene. Nahalata niyang nagulat si Mateo sa inasal niya kaya ibinalik niya ang demure na sarili. “G-Gusto ko, Mateo. Gusto ko.”

“Very well, si Isaac na ang bahala sa preparations. Wala kang dapat alalahanin.”

“Talaga?”

Nahuli ni Irene ang mistulang nagpa-party sa tuwang ekspresyon sa mga mata ng mga magulang.

Wala na silang problema pagdating sa pera!

**

Natalie Garcia.

Iyon ang pangalang nakalagay sa jade bracelet na iyon. Marahang ibinalik ni Antonio ang alahas sa box.

“Para sa iyo talaga yan.”

“Po?”

Napabuntong-hininga si Antonio. Matagal na iyon pero sariwa pa rin sa alaala niya.

“Natalie, malaki ang utang na loob ko sa mama mo. Nang iligtas niya ako, binigay ko sa kaniya ang bracelet na iyan at nagkasundo kami na ipakasal ka kay Mateo. Lumipas ang mga taon at wala na akong balita sa inyo. Hindi ko naman inaasahan na mamamatay si Emma. Buti na lamang at nakita mo ito. Kasal ka na ba? O gusto mo na bang ituloy ang kasunduan namin ng mama mo?”

“Po?”

Bago mamatay ang ina ay nabanggit nga nito ang pagkakasundo sa kaniya. Ngunit hindi naman niya ito sineryoso.

“Nako. Hindi po. H-Hindi po tungkol sa kasunduan ang dahilan ng pagpunta ko rito. Nakakahiya man po… pero kakapalan ko na po ang mukha ko. Kailangang-kailangan ko po kasi…”

“Okay ka lang ba?”

Kailangan ni Natalie ng pera para sa pagpapagamot ng kapatid niya. Manghihiram siya ng pera kay Antonio. Naisip niya kasi na dahil iniligtas ng mama niya ito, baka sakaling pwedeng makahingi rin siya ng pabor dito.

Bago pa man masabi ni Natalie ang pakay ay may pumasok na tauhan ni Antonio. “Dumating na si Mateo, sir!”

“Ah! Perfect timing talaga itong apo ko na ito!”

Kapag nangako si Mateo sa lolo niya, tiyak na tutuparin niya. Ang pagbisita na lamang niya ang kaligayahan nito sa buhay.

“Nasaan si lolo?”

“Sa study po niya, sir,” sagot ng isang staff.

Dire-diretso na si Mateo sa study ni Antonio. “Lolo! I’m home! Anong dinner natin? Magchess tayo mamaya—”

Ngunit naputol ang anumang sasabihin sana niya ng makita si Natalie.

Napakaganda nito. Maamo ang mukha at malinis tingnan. Pamilyar ito kay Mateo, ‘yon nga lang ay hindi niya maalala kung saan sila nagkita.

“Mateo! I’m so happy! What are the odds na pareho na kayong nandito?”

“Sino po, lolo?”

“Siya si Natalie. Naalala mo 'yong fiancee mo?”

Halos mabulunan si Natalie. Kagabi lang ay may kasiping siya. Ngayon naman ay may fiance na siya. Maging ang reaksyon ni Mateo ay hindi mabasa ng kaniyang lolo.

“Mateo, si Natalie ang fiance mo na bigla na lang nawala. But she’s here now.”

Sa loob-loob ni Mateo, kung dumating si Natalie ng mas maaga ay baka pakasalan niya ito agad. Ngunit dumating din si Irene sa buhay niya.

Magpapakasal na rin sila.

“Lo, I can’t.”

“What?”

“May mapapangasawa na po ako, lolo. Kaya hindi po pwede.”

“Hindi ito magandang biro, Mateo!”

“I’m telling the truth, lolo,” matigas na sagot ni Mateo sa lolo niya. “Inuulit ko. Hindi ko siya papakasalan. At ikaw, sineseryoso mo talaga ang mga bagay na ganito?”

“Mateo! Watch your mouth!” singhal ni Antonio sa apo. Hawak nito ang dibdib. “Maayos kitang pinalaki, tapos lalaki ka lang palang suwail at ipapahiya mo lang ak–” tuluyan nang bumagsak ang matanda sa sahig.

“Lolo!”

Dahil sa nangyari ay agad nilang isinugod si Antonio sa pinakamalapit na ospital. Inasikaso siya agad ng mga doktor at mabilis na nabigyan ng karampatang lunas.

Minabuti ni Mateo na magpahangin sa labas. Doon niya nakita si Natalie. Sumama pala ito sa kanila.

“Mateo, kamusta siya?” puno ng pag-aalala ang mukha nito.

“Ayos na siya, pero may ugat na kailangang i-monitor. Sabi ng doktor niya, mukhang matatagalan pa bago siya bumalik sa dati.”

“Mabuti naman at ligtas na siya. Aalis na ako. Pakisabi sa lolo mo na hindi ako pumunta rito para sa kasunduan.”

Kumunot ang noo ni Mateo. “Then why are you at my lolo’s house?”

“Actually, nandoon ako para makiusap. May sakit ang kapatid ko at kailangan namin ng malaking halaga. Iyon sana ang sasabihin ko pero dumating ka. Hindi ko naman alam na ipipilit ni sir 'yong kasunduan. S-Sorry.”

Nanatiling tahimik si Mateo.

“Naghintay lang talaga ako rito para makibalita at para personal na ipaliwanag sa iyo at sa kaniya ang tunay kong intensyon. S-Sige. Aalis na ako.”

“Sandali.”

“B-Bakit?”

“That’s it? Sorry? You are liable for what happened to my grandfather. Masyado kasi siyang mabait kaya yan ang napapala ni lolo. Pero ako, hindi ako kagaya ng lolo ko.”

“H-Ha?”

“Papakasalan kita gaya ng kagustuhan ng lolo ko.”

Gustong bumaliktad ng sikmura ni Natalie. Inabot yata siya ng sobrang kamalasan ngayon. Kanina lang ayaw siya nitong pakasalan at halos hamakin siya nito.

Ngayon naman ay tila nag-iba ang ihip ng hangin.

“Magpapakasal tayo dahil iyon ang gusto ng lolo ko. Alam kong makakatulong iyon sa paggaling niya. Kapag maayos na siya ay maghihiwalay na tayo.”

“Ano?”

“I’m offering a marriage agreement, Natalie. What do you think?”
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jeen Albino
npakaganda ang kwento
goodnovel comment avatar
Marie Bersabe
very nice novel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status