Ginawa ni Mallory ang lahat para matanggap siya ng kanyang pamilya. Simula't sapul ay sinunod niya lahat ng gustuhin ng mga ito ngunit dahil lang sa isang pagkakamali ay lalo siyang kinamuhian ng lahat. Upang makaligtas sa matinding kahihiyan ay ipinagkasundo siya sa lalaking hindi niya mahal. Ngunit anong gagawin niya kung ang lalaking ipakakasal pala sa kanya ay ang taong nang-insulto sa pagkatao n'ya? Ang masaklap pa ay fiancee pa pala ito ng kanyang kapatid. Paano niya ngayon haharapin ang gulong napasok n'ya?
View More"Where do you think you're going?" Nagitla ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa ‘kin si Caleb. "M-ma-maglalakad-lakad lang ako," pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko siyang ngumisi kaya natatarantang tumalikod ako at ibinaba ang malaki kong bag sa malapit na upuan. "Are you planning on running away again? Huh?" Tanong niya pero nanatili akong nakatalikod. "With my baby in your womb?" Marahan niyang hinila ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Tiningnan ko siya at umiwas ulit ng tingin sabay kagat ng labi ko. Bakit ba ako naiilang sa lalaking ito? At ano naman sasabihin ko sa kanya? Ayoko magpakasal. "Look, Mallory. The wedding is for formality only," umpisa nito habang matamang nakatingin sa akin. "Also for your old f art's sake because he's getting on my nerves everyday." Tumingin ako sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatitig siya sa labi ko. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang marahan niyang paglunok. "You know… you look ver
Mallory's POV "Mabuti naman gising ka na, Mallory." Napalingon ako sa nagsalita, si Lolo Victor pala. Binitawan ko ang hawak na kutsara at tinidor dahil lalo akong nawalan ng gana kumain nang makita ko na nakangiti ang matandang ito. Wala na ngang lasa mga pagkain dito, may bwisita pa. "Kumain ka ng marami, hija. Magpalakas ka para hindi malaglag ang bata sa sinapupunan mo at maging malusog. Huwag mo pabayaan ang pagbubuntis mo." Naikuyom ko ang kamao ko. Alam ko na ang patutunguhan ng sasabihin nito dahil sa tono pa lang ng pananalita niya. Mabait lang naman ito kapag may kailangan o may nagawa akong pabor sa kanya. "Iyan ang magiging alas ko para pakasalan ka ni Lewis. Sa wakas mababawi ko na rin ang mga nawala sa akin at dahil iyon sa iyo, Apo." Tumawa pa ito ng malakas at hinagod ang ulo ko nang makalapit siya sa akin. "May silbi ka rin naman pala kahit papaano," dugtong pa nito. Napangiwi at nagpanting ang tainga ko sa huling sinabi nito. Tumingin ako dito ng matalim at nagwi
"The alleged father cannot be excluded as the biological father of the tested child. Based on the analysis of STR loci listed above, the probability of paternity is---" What? Wait. Tama ba ang mga nakalagay na numero dito? Kunot ang noo na kinuha ko ang clipboard at umupo sa upuan ko kanina. Napahawak at nahilot ko rin ang sintido ko. 99.99%. Ibig sabihin ako nga ang ama. Akin nga ang batang iyon. Ibig...ibig sabihin, magiging tatay na ko? Wala sa sariling nailapag ko iyon sa harap ko at nahilamos ang mukha ko. Ilang beses ko rin na binasa at tinitigan iyon. Napatingin ako kay Zachariel nang tumikhim ito.
Caleb's POV Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba at takot para sa bata na nasa sinapupunan ng babae. Ang babaeng biglang naglaho na parang isang bula simula nang pumutok ang maselang video namin sa social media. Tinakbuhan at pinagtaguan pa nga niya ang mga tauhan ko. Hindi rin nagpakita ng dalawang buwan. Pinagmasdan ko ang babae at walang malay pa rin ito. Nakakaakit ang mukha nitong maamo at hindi mo maipagkakaila ang taglay nitong ganda na kay sarap titigan. Ganitong-ganito rin ang unang beses ko siyang makita na nakahiga sa kama ng inupahan kong suite room sa hotel resort sa North Luzon. Katatapos ko lang maligo nang may maaninag akong babae na nakahiga sa kama ko mula sa ilaw na nagmumula sa banyo. N
"Hija, hindi ka na ba namin mapipigilan?" tanong ni Tata Rico sa 'kin nang lumabas ako sa kwarto ko dala ang dalawang malaking bag. "Sigurado na po ako, Tata. Kailangan ko na pong bumalik ng Maynila," sagot ko rito saka yumakap dahil hindi ko naman sinabi sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko. "Ganun ba. Oh, sige. Basta mag-ingat ka d'on. Lagi mong tatandaan na kahit anong oras, pwede kang bumalik dito at sa iyo naman na itong lupa," sabi pa nito bago ito kumalas sa pagkakayakap. "Mukhang hindi ka na namin mapipigilan, hija. Mamimiss ka namin," malungkot na sabi ni Nanay Martha. Nangingilid din ang mga luha nito. "Mamimiss ko din po kayo, `Nay. Sa inyo ko lang naramdaman ang tunay na pamilya." Nagsimulang
Makalipas ang dalawang buwan ay tahimik ang mundo ko. Mas masaya pala kapag malayo sa mga taong nanakit at ayaw sa 'yo. Mas peaceful ang isip at buhay mo. Kahit may mga ilang tao ang nakakakilala sa akin at nangungutya ng dahil sa video scandal. "Hija, naibenta ko na ang mga naani nating mga gulay," bungad sa akin ni Tata Rico nang pumasok siya sa bahay na pinatayo ko sa nabili kong lupa dito sa North Luzon. Gamit ang maliit na ipon ko mula sa pagtatrabaho sa kumpanya ni Lolo Victor. "Sige po. Kumain na po muna kayo," sabi ko at ngumiti sa matanda. "Nanay Martha, nandito na po si Tata Rico." Tawag ko sa asawa ng matandang lalaki. "Sandali. Nariyan na," sagot nito mula sa kusina. "Tulungan ko na po kayo," sab
Nang makarating ako sa hotel resort ay sinalubong ako ng mga mapanghusgang mga tingin at ng mga ngiting mapang-uyam na unti-unting tumutunaw sa 'kin habang naglalakad. Don't mind them, Mallory. Huminga ako ng malalim at taas-noo na dumaan sa harap nila. Nagbingi-bingihan din ako sa mga usapan nila na panghahamak sa pagkatao ko dahil sa scandal video na kumalat. "Maganda at sexy sana kaso may scandal." "Ang ganda p're. Coca cola." "Paisa naman diyan. Kahit isang shot lang. Promise punla lahat sa labas." Ilan sa mga salitang naulinigan ko at mga tawanan ng mga ipokrito at i
Wala sa sariling bumalik ako ng Manila at umuwi sa mansion. But to my surprise, I saw my family gathered in the living room. Bihira lang itong mangyari. "Ma'am Mallory, kanina pa po nila kayo inaantay." Salubong sa akin ng isang katulong. Tumango naman ako rito bilang sagot. Nag-alala kaya sila na hindi ako umuwi buong gabi? Kapapasok ko pa lang ng salas at hindi pa nakakaupo nang sugurin ako ng sampal ni daddy na nanginginig ngayon sa galit. "Walang hiya kang babae ka! Napakalandi mo. Anak ka na nga ng nanay mo sa pagiging disgrasyada, magpapa-disgrasya ka rin?" Sabay isang sampal ulit sa kabila. "Lalandi ka na lang, iiskandaluhin mo pa ang pamilya ko at puputikan ang pangalan ko!" Sinampal n
Nakakarami na rin ako ng dirty martini mula nang dumating ako sa bar ng hapon. Ngayon ay malalim na ang gabi pero parang wala pa ring epekto sa akin ang mga nainom ko. Nandoon pa rin ang sakit. Naiisip ko pa rin siya. Silang lahat. 'Hindi ka kamahal-mahal kaya `wag ka nang umasa na mamahalin kita. Pinagsisisihan kong huli ko na nalamang nasa sinapupunan kita. Hindi ka na sana nabuhay.' 'You really are a disgrace to this family, Mallory!' 'Puro na lang kahihiyan ang dala mo sa pamilya ko. Wala ka talagang kwentang apo!' 'I really hate you as my sister, you slut. I will make your life miserable. I swear.'
'Babe it's been 1 week since the last time that we talk. Nung nagpunta pa ako diyan sa pad mo. And after that, wala ka nang paramdam. Galit ka pa rin ba kasi ayaw ko pumayag na may mangyari sa atin kahit three years na tayo? Okay ka lang ba? Please let me know naman para hindi ako nag-aalala sa 'yo ng ganito.' Chat ko sa boyfriend ko. Bumuntong hininga ako nang malalim at nilagay ang cellphone sa sling bag ko na ako mismo ang nag-design na Villanueva Bag at isa sa mga collections ko. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang lamesa ko sa dulo ng office na puno ng b****a. Wala naman iyon nang umuwi ako kagabi. Palagi na lang ganito ang umaga ko. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments