Share

KABANATA 2

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Nagmadaling umuwi si Natalie. Ang nadatnan niya sa salas ng bahay ay isang may kalbo at may edad na lalaki. Naroon din ang ama niya, madrasta, at si Irene. Mukhang galit ito at inaaway ang half-sister niya.

“Irene, papakasalan kita! Sa kahit anong simbahan pa ‘yan. Name it! Pero bakit mo naman ako pinaghintay buong gabi?” reklamo pa nito.

Pinabayaan lamang ni Irene na sigaw-sigawan siya ng lalaki. Kahit ganoon ang hitsura ng lalaki ay masasabing playboy ito. Sandamukal ang mga babae nito!

Malas lang ni Irene dahil natipuhan siya ni Kalbo. Mabuti na lamang at mahal na mahal siya ng mga magulang at pinagpalit sila ni Natalie ng posisyon. Si Natalie ang pinadala para makasiping ni Mr. Chen at hindi siya.

Nandilat si Irene nang makita si Natalie. Tinakasan nito si Mr. Chen kagabi!

“Mr. Chen,” hinimas-himas ni Janet ang braso ng lalaki para kumalma ito. “Pasensya na po kayo. Alam niyo naman ang mga bata sa panahon ngayon, may katigasan ang ulo.”

“Tama po ang asawa ko, Mr. Chen. Pasensya na po kayo sa anak namin. Huwag na po kayong magalit,” dagdag naman ni Rigor.

“Hindi! Dahil hindi ako sinipot ng magaling niyong anak, maghanda na kayong makulong kapag hindi niyo nabayaran ang mga utang niyo sa takdang panahon!”

Tinalikuran nito ang pamilyang kausap at tinungo ang pinto nang makasalubong nito si Natalie.

“Napakaganda mo naman, hija. Anong pangalan mo?”

‘Hala! Hindi nga si Mr. Chen ang kasama ko kagabi!’

Napakagat-labi si Natalie sa kumpirmasyon na iyon.

‘Binigay ko ang sarili ko sa maling tao. Ang malala pa, libre!’

Biglang pumasok sa eksena si Janet at inakbayan pa si Natalie. “Mr. Chen, ito nga pala ang isa ko pang anak, si Natalie. Hindi naman sa pagmamayabang pero siya ang pinakamaganda dito sa San Jose! Syempre, mana sa akin!”

Maganda si Irene kaya siya natipuhan ni Mr. Chen. Pero kung ikukumpara kay Natalie, walang panama si Irene.

Halatang nagandahan si Mr. Chen kay Natalie. Hinagod pa nito ng malaswang tingin ang kabuuan ni Natalie. “Oo, maganda nga. Maganda!”

“Wala pong boyfriend si Natalie. Tingin ko nga, bagay siyang maging Natalie Chen. Hindi ba?”

“Maganda siya. At bagay nga siya sa akin!” Napaisip si Mr. Chen. “Sige. Kukunin ko siya mamayang gabi. Huling pagkakataon niyo na ito!”

Labis ang tuwa ni Janet. “Of course, Mr. Chen.”

Nang makaalis na si Mr. Chen ay hinarap ni Natalie ang ama. “Papa, ibebenta niyo na naman ako?!”

Bago pa man makasagot ang ama ay sinagot na ni Janet ang akusasyon niya.

“Anong pinagsasabi mo diyan, Natalie? Pinalaki ka namin nang maayos. Kayo ng kapatid mo. Ngayon na kailangang-kailangan ng pamilyang ito ng tulong mo, hindi mo mapagbigyan? Aba! Dapat nga ay magpasalamat ka at gusto ka pang pakasalan ni Mr. Chen! Irene! I-lock mo sa kwarto niya si Natalie! Huwag na huwag mong hahayaang makatakas ‘yan!”

Napangiti si Irene. “Akong bahala, ma!”

“Pa!” Tiningnan ni Natalie ang ama. “Tulungan mo naman ako! Sabihan mo silang hindi tama ang ginagawa nila!”

Umaasa pa din si Natalie na pakikinggan siya ng ama. Maiintindihan niya kung ang pagmamaltrato sa kaniya ay galing sa madrasta at kay Irene. Hindi nila kadugo ito. Si Irene ay half-sister niya lamang. Pero si Rigor ay dugo at laman niya.

Ngunit tinalikuran lamang siya ng ama. Hindi nito pinansin ang pagsusumamo ni Natalie.

“Natalie, huwag ka ngang makasarili. Gusto mo bang makulong si papa? Halika na. Doon ka sa kwarto mo hanggang kunin ka dito ng batang-batang mapapangasawa mo.” Nangaasar ito. Alam ni Natalie dahil wala itong ginawa kundi inisin siya.

Wala nang magagawa pa si Natalie sa ngayon. Ngunit hindi rin siya papayag na pagkaisahan siya. “Bitawan mo ako! Kaya kong puntahan ang sarili kong kwarto, Irene.”

Hindi pa rin siya tinantanan ni Irene. Sinundan siya nito hanggang sa pangalawang palapag ng bahay nila, hanggang sa makapasok si Natalie sa kwarto niya.

Pumasok din si Irene.

“Natalie, kumalma ka. Sundin mo sina papa. Isipin mo si Justin. Matagal na ang huling treatment niya. Kung ako sa iyo, tanggapin mo na lang,” aniya bago lumabas.

Narinig ni Natalie ang ginawa nitong pagkandado sa pinto.

Tama si Irene. Dapat isipin niya si Justin. Walang ibang taong tutulong sa kanila.

Napapikit si Natalie.

“Mama, tulungan niyo po ako. Anong gagawin ko? Hindi ko po ito gusto. Itong gamitin ang katawan ko para lamang makawala sa pesteng sitwasyon na ito!”

Walong taong gulang lamang si Natalie noong namatay ang ina. Habang si Justin ay isang taong gulang pa lamang noon. Bago pa man mag-isang linggo nang mamatay ang ina ay ipinakilala na ng ama si Janet bilang madrasta nila. Kasama na noon si Irene na mas matanda sa kaniya ng dalawang taon.

Ang buong akala ni Natalie ay anak ni Janet si Irene sa ibang lalaki. Hindi pala ganoon iyon. Buhay pa ang ina nila ay kinakaliwa na ito ng ama. Anak ni Rigor si Irene. Ang salawahan nilang ama ay may dalawang pamilya.

“Ma, anong gagawin mo kung narito ka?”

Biglang nagka-ideya si Natalie. Agad niyang hinanap sa mga drawer ang isang leather box. Nakita naman niya ito. Niyakap niya ang box na para bang tao ito. “Ma, pasensya na. Huwag po sana kayong magagalit sa akin.”

Sa loob ng leather box na iyon ay isang napakagandang jade bracelet. Kasama nito ang isang sticky note na may mga numerong nakasulat. Matagal na ang numerong iyon at hindi na rin siya sigurado kung gumagana pa ito.

Mabuti na lang at hindi kinuha nina Irene at Janet ang cellphone niya.

“Sana gumagana pa ang number na ito. Sana…sana…”

Nag-ring ito!

Matagal na nang huling tinawagan niya ang numerong iyon at hindi niya sigurado kung natatandaan pa siya ng tinatawagan niya.

[Hello? Sino ‘to?]

“Hello, pwede po ba kay Mr. Antonio Garcia. Ako po si…natatandaan niyo pa po ba si Emma Natividad? Ako po si Natalie, anak po niya ako.”

[Natatandaan ko si Emma. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?]

“Pwede ko po ba kayong puntahan?”

[Sige. Ite-text ko sa iyo ang address ng bahay ko. Okay ka lang ba?]

Tila naramdaman nito na nasa alanganing sitwasyon siya.

[‘Yon pa rin ba ang bahay niyo? Gusto mo bang puntahan kita?]

“Nako. Hindi na po. Ako na po ang pupunta sa inyo.”

Natuwa si Natalie. May pag-asa pa para sa kaniya!

Nagmadali niyang isinilid sa belt bag niya ang bracelet at kinuha ang mga kumot sa aparador. Ang mga kumot na iyon ang gagamitin niya para makaalis sa bahay na iyon.

Mabuti na lamang at nasa second floor lamang siya kaya hindi naman masyadong mataas ang kailangan niyang babain. Nagawa ni Natalie ang lahat ng iyon dahil tiyak niyang nagkukulong na sa kwarto ang kaniyang ama at madrasta. Sigurado rin siyang abala na si Irene sa kaniyang cellphone.

Papunta siya sa bahay ni Antonio Garcia.

**

Tinulak ni Isaac ang malaking pintuan ng opisina ng presidente ng kompaniya. “Sir, tumawag si Sir Antonio. Tinatanong niya kung gusto mo raw bang bumalik mamayang gabi. Anong sasabihin ko?”

Napaisip si Mateo sandali. “Sige.”

Sa San Jose na talaga siya nakatira dahil mas malapit sa opisina nila. ‘Yon nga lang ay hindi na rin mabuti ang lagay ng kaniyang Lolo Antonio kaya lagi siyang pinauuwi nito sa ancestral house nila sa Tarlac.

“Oo nga pala, Isaac. Kamusta na iyong pinapa-check ko sa inyo? May balita na ba sa investigation?”

“Iniimbestigahan pa rin kung sino ang naglagay ng gamot sa inumin mo,” sagot ni Isaac. Naunahan lang siya ni Mateo dahil sasabihin din naman talaga niya ang update na iyon.

“‘Yong babae, nakita na namin siya. Isa siyang artist. Gumagawa siya ng mga alahas. Papunta sana siya sa kwarto na nakapangalan sa isang Mr. Chen. Sigurado ako na wala siyang kinalaman sa nangyari sa iyo.”

Bumalik sa alaala ni Mateo ang mga kilos ng dalaga. Something does not add up. “Hmm, do we have a name?”

“Irene Natividad.”

Inabot ni Isaac ang cellphone niya ay ipinakita ang larawan ni Irene.

Dahil madilim at wala siya sa tamang wisyo ay hindi niya sigurado kung ang babaeng nasa larawan at ang kaulayaw ng gabing iyon ay iisa. Maganda naman ito.

Hindi na maganda ang kalusugan ng Lolo Antonio niya at ang tangi nitong hiling galing kay Mateo ay ang makita siyang lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya habang buhay pa ito.

Ang lolo lang niya ang tanging pamilya na meron siya. Kaya gagawin niya ang lahat para sa ikasisiya nito.

Pero wala naman siyang nobya.

Sino naman ang pakakasalan ni Mateo?

May fiancee naman siya noong bata pa siya. Pero nawalan sila ng contact. At isa pa, matagal na panahon na iyon.

At ngayon, biglang lumitaw ang Irene Natividad na ito. Inosente at ang unang babaeng naikama niya.

Si Irene nga ang granddaughter-in-law na magugustuhan ng Lolo Antonio niya.

Tapos na ang paghahanap ni Mateo.

“Isaac, puntahan natin ang bahay ng mga Natividad. Gusto kong makausap ang mga magulang ni Irene.”

**

Sa bahay ng mga Natividad…

“Ma, wala po si Natalie sa kwarto niya!” sigaw ni Irene.

“Ano?! Na naman?! Ano ‘to?! Naglolokohan ba tayo?!” singhal ni Mr. Chen sa mag-asawa.

“Mr. Chen, maniwala po kayo. Hindi po namin alam na makakatakas si Natalie!” Halos mangiyak-ngiyak si Janet sa pagkapahiya at galit.

“Wala na! Hindi ako aalis sa bahay na ito na walang babaeng dala! Sumama ka sa akin!”

Hinila nito nang marahas si Irene.

“Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!”

“Ahhh! Mama! Papa!” palahaw ni Irene.

“Mr. Chen! Pakiusap po. Hahanapin namin si Natalie!” iyak ni Janet.

Ngunit tinulak lang ng lalaki si Janet papalayo.

Panay pa rin ang piglas ni Irene hanggang sa makarating sila sa may gate kung saan naghihintay ang sasakyan ni Mr. Chen.

Siya namang pagdating nina Isaac at Mateo.

“Sir, ito na ‘yon.”

Agad na bumaba si Mateo ng sasakyan. Doon niya nakita na hinahatak ni Mr. Chen si Irene papunta sa sasakyan niya. Kasunod ay ang mga magulang nito na umiiyak.

Hindi na napigil pa ni Mateo ang sarili. Walang pwedeng gumalaw sa pag-aari niya!
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (74)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
ILANG BESES NA AKO NAKABASA NG GANITONG KWENTO PINAMBAYAD UTANG!!
goodnovel comment avatar
Jubelyn Ragmac
700 plus na po ako pabalik po
goodnovel comment avatar
Jubelyn Ragmac
pa update po nag reset po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 562

    Kung talagang dahil kay Natalie ang lahat ng ito, dapat pa lang noong umpisa pa lang ng kontrata, hindi na pumayag si Mateo na makipag-collaborate sa Pascual Tech. Malabo pa rin kay Drake ang dahilan hanggang ngayon.“Hindi siguro.”[Hindi mo ‘yan masasabi ng sigurado. Alam kong nagdududa ka din.] Kontra ng business partner niya. [Pag-isipan mo—sino ang unang kumalas sa kontrata natin? Hindi ba si Mateo? Inuulit ko, baka hindi mo ako narining noong una. At higit sa lahat, siya lang siguro ang may kapangyarihang gumawa ng ganitong klaseng galawan. Malawak ang kapit niya, Drake.]Natahimik si Drake. May punto ang business partner niya. Mukhang may saysay ang sinasabi nito. At gaya niya, importante ang negosyo nila. Marami ang nakaasa sa kanila kaya hindi pwedeng basta-basta na lang siyang sumuko at bumagsak.“Pero hindi ko iniisip na ganoong klase ng tao si Mateo…”Pak! Isang malakas na kalabog mula sa likuran ang kumuha ng atensyon ni Drake.Napalingon siya, nagulat at nakita si Amanda

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 561

    Tahimik na pinisil ni Natalie ang kanyang mga palad. Ginagawa niya iyon sa tuwing nakakaramdam siya ng matinding kaba. Sa hindi maipaliwanag na dahilan—kinakabahan siya. Sobrang lamig ng kanyang mga kamay—parang yelo, tumagos hanggang buto niya.Isa lang sa mga sinabi ni Mateo ang hindi niya kayang balewalain, na kapag buhay at kamatayan na ang pinag-uusapan, walang mabuti o masama. Pantay-pantay ang lahat ng buhay. Kung ililigtas ba nila si Rigor o hindi—wala iyong kinalaman sa kung dapat ba siyang patawarin.Totoong magkaibang usapin iyon. Pero kahit ganoon…may tanong pa rin na bumabagabag sa kanya. “Dapat ba talaga siyang iligtas?”**Samantala, simula nang tuluyang tuldukan ng Garcia Group of Companies ang pakikipag-partner sa kanila at tumangging makipagkita si Mateo, sunod-sunod na ang naging problema ni Drake sa kompanya.At sa akala niyang hindi na lalala pa—isang panibagong dagok ang dumating sa kanya. Noong nakaraang araw, natanggap nila ang balita mula sa isang malaking kom

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 560

    “Buti naman.” Sa wakas, nakahinga ng maluwag si Natalie—parang may bigat na naalis sa dibdib niya. Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.Habang sinusulat ni Dr. Cases ang mga tala sa maternity record ni Natalie, kaswal ang tono ng boses niya, para bang nagkukuwentuhan lang silang magkaibigan habang umiinom ng tsaa. “Natalie, anim na buwan ka ng buntis. Papasok ka na sa third trimester. Napag-isipan mo na bang mag-leave?”“Maternity leave?” Sandaling natigilan si Natalie. Hindi pa niya talaga iyon naiisip. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon, hindi pa ‘yon sumagi sa isip niya.Napatingin si Dr.Cases sa tiyan niya, tila naintindihan ang nasa isip niya. Tsaka muling nagsalita. “Dapat lang. Hindi mo naman kailangan magtrabaho para suportahan ang pamilya Garcia, hindi ba? Mabigat sa katawan ang last trimester—mas lalaki pa ang tiyan mo, mahihirapan kang gumalaw, baka mamaga pa ang mga paa mo. Hindi ba mas mabuting magpahinga na lang sa bahay?”“Hindi na kailangan, kaya pa nama

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 559

    Kinahapunan, bumalik na si Drake sa opisina. Hindi na niya pinaalam sa ina ang balak niya dahil tiyak niyang pagtatalunan lang nila ang desisyon niyang iyon. Naniniwala si Amanda na mas kailangan niya ng pahinga at taliwas iyon sa paniniwala ni Drake.Agad siyang sinalubong ng mga kasosyo sa negosyo at ng kanyang sekretarya para iulat ang mga nangyari habang wala siya. Hindi pa siya nakakaupo ay agad na siyang nakatanggap ng hindi kanais-nais na balita.“Nag-terminate na ng partnership ang Garcia Group of Companies sa atin.”“Garcia Group? Ibig sabihin…si Mateo dahil siya lang naman ang mag-isang nagdedesiyon sa kompanyang iyon. Pero bakit? Ang kasunduan ng project na iyon ay napagkasunduan namin mismo ni Mateo sa isang personal na pag-uusap. Oo, totoo—may tensyon sa pagitan namin sa personal na aspeto, lalo na dahil kay Natalie—pero ni minsan ay hindi naming hinayaang makaapekto iyon sa negosyo.”Kumunot ang ang noo ni Drake sa pag-iisip niyang iyon. “Maayos naman ang takbo ng partne

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 558

    “Mr. Garcia!” Galit na galit na lumapit si Marie kay Mateo, puno ng tapang at paninindigan ang postura niya. Dahil sa nakita niya kanina, mas nanaig ang pagiging kaibigan niya kaysa ang pagiging tagahanga niya. “Hindi ka pwedeng basta na lang umalis ng ganyan!”“Ano raw?” Bahagyang tinaas ni Mateo ang isang kilay, halatang naiinis pero parang natatawa. “At bakit naman hindi ako pwedeng umalis?”“Si Natalie...” Itinuro ni Marie ang direksyon ng opisina.“Asawa mo siya! Tapos aalis ka kasama ang kerida mo sa harap mismo niya? Anong klaseng tao ang gagawa ng ganoon?”Ang tinutukoy na ‘kerida’ nito syempre ay si Irene. Usap-usapan na iyon sa loob ng matagal na panahon pero ngayon lang niya narinig na may lantarang tumawag ng ganoon sa babae. Agad nagdilim ang mukha ni Mateo. Nawala ang kahit anong bakas ng biro doon. “At sino naman ang nagbigay sayo ng karapatang bastusin siya?”Napaatras si Marie sa tindi ng titig niya, pero sa halip na tuloy-tuloy na umatras, lalo pa siyang binigyan ng

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 557

    Nakakunot ang noo ni Mateo, malamig at malalim ang tingin kay Natalie. At bigla, walang babala, nagtanong siya, “tungkol sa liver transplant… natanong mo na ba si Justin?”Hindi agad nakaimik si Natalie. Hindi niya inaasahang iyon ang unang lalabas sa bibig nito. Hindi rin niya inaasahan na makikialam ito sa isyung pampamilya nila. Hindi na bago ang ganitong eksena kay Mateo, ilang beses na rin siyang naipit sa gulo nila. Pero iba na ngayon. Malinaw kung saan siya pumapanig.Pagkalipas ng ilang segundo, bahagya siyang natawa. “Ako ang legal guardian niya. Ako ang nagdedesisyon para sa kanya, Mateo.”Nanatiling kalmado pero matigas ang tono ni Mateo. “Alam ko na lampas na siya sa labing-apat na taong gulang. At sa ganyang edad, may karapatan na ang isang bata ayon sa batas. At dahil malusog siya—sa pisikal at mental—pwede siyang maging donor.”Bawat salitang binitawan niya—rasyonal, lohikal. Pero bawat isa, pabor kay Irene. Malamig ang ngiting ibinato ni Natalie habang lumilingon kay I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status