Sa isang mundo na kung saan ang pera at kapangyarihan ang magtatakda ng kapalaran ng bawat tao, magtatagpo ang mga landas ng dalawang indibidwal na sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakasundo. Ito ang kuwentong kinagisnan sa romance novel na Arranged Marriage with the Ruthless CEO na isinulat ni Lin Kong.
Isang kuwento ng pagkawala, pagkakasundo, at pangalawang pagkakataon sa pag-ibig na bibihag sa inyong mga puso’t isipan. Ang romance novel na ito ay magbubukas ng pintuan para sa mga nais makadama ng tunay na pag-ibig sa gitna ng kaguluhan sa buhay.
Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Natalie ay nananatiling matatag at determinadong babae. Noong nagpaulan ata ng kamalasan sa buhay, salong salo lahat ni Natalie, at sa kasamaang palad, siya ay napunta sa pinakamasalimoot na kapalaran. Dahil sa kawalang-kakayahan ng kanyang ama, at sa pang-aapi ng kanyang madrasta, si Natalie ay napilitang pumasok sa isang arranged marriage kay Mateo Garcia. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinarap niya ang mabibigat na panghuhusga at pagmamaltrato ni Mateo, matapos nitong malaman na hindi na birhen si Natalie bago ang kanilang kasal, na kalaunan ay naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Itinanghal na isa sa mga pinakamakapangyarihan sa San Jose, si Mateo Garcia ay kilala bilang isang mabagsik na CEO, na kalaunan naging asawa ni Natalie. Sa simula ng kanilang relasyon, naging mapanghusga siya nang matuklasan niyang hindi na birhen ang kanyang asawa bago pa man sila ikasal. Labis niya itong dinamdam, na naging sanhi ng pagkasira ng imahe ni Natalie, na siyang kalaunan hahantong sa kanilang hiwalayan. Gayunpaman, ang paghihiwalayang ito ang nag udyok ng pagbabago sa pagkatao ni Mateo, na siyang dapat ipinakita kay Natalie matapos nilang magkita makalipas ang ilang taon.
Matapos napilitang magpakasal kay Mateo Garcia, isang makapangyarihang CEO sa San Jose, tila naging masalimuot at puno ng kalungkutan ang buhay ni Natalie. Wala mang magawa dahil sa estado sa buhay, naging mapait ang kanilang relasyon. Lalong lalo na sa panahong natuklasan ni Mateo na hindi na birhen si Natalie bago pa sila ikasal, na naging dahilan nang pandidiri at pagkagalit nito sa babae. Sa kabila ng lahat ng ito, napagtanto ni Natalie na siya ay buntis, ngunit matapos niya manganak, pinirmahan niya na lamang ang annulment papers at umalis. Pagkalipas ng ilang taon, nang naging personal na doktor na si Natalie at dala-dala niya ang kanyang anak, nagtagpo ang landas nila ni Mateo na hindi niya nalalaman na siya ang tunay na ama.
Kung labis mong nagustuhan ang mga love story novels at ang may akda, Si Lin Kong ay isang mahusay na manunulat na kilala sa kanyang pangalang “Jiangmin.” Madalas niyang tinatalakay ang mga relasyong komplikado, masakit, at madamdamin na nagbibigay inspirasyon at lakas na magpatuloy sa ating mga buhay sa gitna ng mga problema. Kagaya na lamang sa Arranged Marriage with the Ruthless CEO, na kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa paggawa ng mga katauhan na may kanya-kanyang prinsipyo’t lalim. Ang kuwentong ito ay mababasa mo lamang sa GoodNovel.com, na kilala bilang isa sa mga nangungunang plataporma para sa mga online romance novels at iba pang genre na tiyak nagbibigay ng de-kalidad na mga kuwento para sa mga mambabasa sa buong mundo.
Sa ika-12 na Kabanata ng nasabing romance novel, naranasan natin ang unang matinding harapan nina Natalie at Mateo. Dito, nalaman ni Mateo na hindi na birhen si Natalie bago pa man sila ikasal, sanhi ng masidhing pagtatalo sa pagitan nilang dalawa. Bukod pa rito, ipinakita rin ni Mateo ang kanyang tunay na mapanghusgang pagkatao at ugali bilang isang ruthless CEO, at hindi binigyan ng pagkakataon si Natalie na ipaliwanag ang kanyang sitwasyon, at sa halip ay binusisi na lamang ito ng mga mapanakit na mga salita. Ang eksena ay nagpapakita ng malalim na sakit na naramdaman ni Natalie at kung paano nagsimulang masira ang pundasyon ng kanilang ipinagkasundong kasal. Ang kapangyarihan ni Mateo at ang kahinaan ni Natalie sa relasyon ay malinaw na ipinakita sa kabanatang ito na nagtatakda ng tono para sa mga susunod na pangyayari.
Ang ika-211 na Kabanata ng romance novel na ito ay ipinagkaloob bilang isa sa pinakasukdulang bahagi sa relasyon nina Natalie at Mateo. Sa kabanatang ito, nagkakaroon ng hindi sinasadyang pagbubunyag na ang anak pala ni Natalie ay maaaring tunay na anak ni Mateo. Nangyari ito nang nagkaroon ng lubhang sakit ang bata kung saan kinakailangan ito ng blood transfusion. Dito nalaman na ang dugo ni Mateo ay tugma sa bata, na naging isang malaking kaganapan sa panahong iyon, kasabay sa pagdulot ng emosyonal na harapan sa pagitan ng dalawa. Ang dating malupit na CEO ay nakita nating biglang lumiwanag—isang lalaking naguguluhan at nagnanais na malaman ang katotohanan. Ang mga titig, mga hindi nasabing salita, at ang tensyon sa pagitan nila ay nagpapakita ng natitirang damdamin na hindi pa rin naglalaho sa kabila ng mga taon. Ang kabanatang ito ay nagtatakda ng yugto para sa posibleng pagkakasundo at pagpapatawad.
Dinadala sa iba’t ibang damdamin ang mambabasa sa kuwento ng "Arranged Marriage with the Ruthless CEO"—mula sa galit at pagkadismaya hanggang sa pag-asa at galak. Kahit may kabilisan ang mga pangyayari sa kuwento ay napapanatili parin ito ang atensyon ng mambabasa. Ang madamdamin na paglalarawan ni Lin Kong, lalo na sa pag-unlad ng relasyon nina Natalie at Mateo, ang siyang nagbibigay lalim sa kuwento. Ang pagbabago ni Mateo tungo sa isang taong naghahanap ng pagmamahal at pagpapatawad ay nakakapawi ng galit sa umpisa. Gayundin, ang paglago ng pagkatao ni Natalie mula sa pagiging isang mahina at napilitang makipag-asawa, tungo sa isang malaya at matatag na babae ang naging magandang halimbawa sa pagbabago sa sarili. Ang mga salitaan sa pagitan ng mga katauhan sa kuwento ay natural, at ang mga eksena ay mabisang inilalarawan, na epektibong nagdadala sa mambabasa sa mundo ng San Jose at sa buhay ng mga pangunahing katauhan.
Ang Ruthless CEO Love Story na ito ni Lin Kong ay isang nakakabighaning romance novel na lumalakbay sa tema ng sapilitang kasal, pagpapatawad, at pangalawang pagkakataon sa pag-ibig. Ito ay masalimuot na kinukuwento ang dalawang taong pilit naghiwalay ng hindi nagkakaintindihan at pagmamataas, ngunit maaaring magkatagpo muli sa tamang panahon at sa tamang sitwasyon. Ang mapusok na relasyon nina Natalie at Mateo, pati na rin ang misteryo ng kanilang anak, ay nagpapakita ng isang mahusay na balangkas ng kuwento na naghahatid ng mga hindi inaasahang landas, kasukdulan at pagpapasiya. Kung ikaw ay mahilig sa romance novels na puno ng emosyon, muling pag-uugnayan at problemang may makabuluhang resolusyon, ang Arranged Marriage with the Ruthless CEO ay tiyak na mabibigay kasiyahan sa iyong hilig sa pagbabasa!
Ang kuwentong ito ni Lin Kong ay mababasa mo lamang sa GoodNovel.com. Ang GoodNovel ay nangungunang plataporma para sa mga online romance novel at iba pang mga genre, na nagbibigay ng mga kuwentong magpapalawak ng iyong kagustahan sa pagbabasa. Ito ay nagtatampok ng libu-libong orihinal na kuwento mula sa mga talentadong manunulat tulad ni Lin Kong at iba pa. Maaari mong i-download ang GoodNovel app sa iyong smartphone o tablet, o bisitahin ang kanilang website.
Oo, ang Arranged Marriage with the Ruthless CEO ay talagang nararapat sa iyong oras lalo na kung ikaw ay mahilig sa mga best romance novels na tumatalakay sa pagbabago sa sarili, at nagbibigay inspirasyon sa ating buhay. Ang kuwentong ito ay nagtatampok ng isang matatag na babaeng si Natalie na nakikipaglaban para sa kanyang karapatan at dignidad, at isang lalaking mataas ang tingin sa sarili na unti-unting natututong magmahal at magpatawad. Ang magandang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, makabuluhang character development, at ang makatarungang resolusyon ay nagbibigay ng makabuluhang karanasan sa pagbabasa na magbibigay-inspirasyon at magpapasaya sa iyong puso.
Tuklasin ang pagmamahalang walang katulad sa tagalog romance novel na Arranged Marriage with the Ruthless CEO, na mababasa mo lamang sa GoodNovel!
Siping ang mundo nina Andrew Hernandez at Nicole sa kanilang paglalakbay sa pag-ibig, pagtatraydor, at mga di-inaasahang kaganapan sa Carrying the Child of a CEO ni B.NICOLAY/Ms.Ash. Tuklasin ang isang kuwentong puno ng pagnanasa, mga lihim, at ang kapangyarihan ng mga desisyon.
Woman in Mr. Monteverde's Dream ay isang kuwento ng pag-ibig na nag-uugnay sa isang guwapong bilyonaryo at isang simpleng guro. Si Dylan Alexander L. Monteverde, isang bilyonaryo na nagmahal sa isang babae na nakikita lamang niya sa kanyang mga panaginip.
Sumisid sa mapangahas na romansang SPG ni Igbyrey, “Mr. Dickson's Hidden Wife” at ang mga tauhang bumabalot sa misteryo at pagnanasa.
Ang Arrogant CEO Loves Me ay umiikot sa di inaasahang relasyon na mabubuo sa pagitan nina Dana Servantes at Dylan Lagdameo.
Samahan natin si Claire sa kanyang buhay sekretarya upang mapalapit kay Zekiel, na ama ng kanyang mga anak sa nakakaantig na kwento ng Carrying the Child of a CEO.