Home/Mga Resources/Arrogant CEO Loves Me Review & Hotchapters: Ang Nakakakilig na Resulta ng One-Night Stand nina Dana at Dylan

Arrogant CEO Loves Me Review & Hotchapters: Ang Nakakakilig na Resulta ng One-Night Stand nina Dana at Dylan

Oras ng paglikha: Nobyembre 21 2023Oras ng pag-update: Enero 14 2025410

Ang "Arrogant CEO Loves Me!" ay isang nobelang Filipino na tungkol sa romansa na sulat ni Klary Ash na tumatalakay sa buhay ni Dana na dinidibdib ang pride nya at ang pangarap niyang hindi mamamatay na isang virgin. Pero nagbago ang lahat nang makatagpo nya si Dylan Lagdameo na kilala bilang Devil CEO na kinatatakutan ng marami dahil sa galing niyang mang-manipula ng mga tao. Sa kabila nito, ang di inaasahang pagtatagpong ito ang magbubukas ng pinto sa kwento ng pag-ibig na magsisimula sa isang maka-laglag panty na titig ni Dylan kay Dana.

 

Ang nobelang ito ay binubuo ng 252 na mga kabanata, at kasalukayang may mahigit 300K na mga taga-subaybay.

 

Abangan ang mga kapana-panabik na mga eksena at katuwa-tuwang tagpo nina Dana at Dylan sa kwento ng "Arrogant CEO Loves Me!"

 

Balangkas ng Kwento

 

Si Dana ay isang dalagang may sakit na Leukemia, sa kagustuhan niyang mabuhay na masaya at matupad ang pangarap niyang wag mamatay na virgin, nagpunta siya sa isang bar kasama ang kaibigan niyang si Odette. Sa isang hindi inaasahang mangyari, muntik na siyang magahasa. Mabuti na lang at may isang gwapo at mabangong lalaking tumulong sa kanya.

 

Hindi masyadong maala ni Dana ang mga pangyayari noong gabing iyon dahil sa alak na hinala niya ay nilagyan ng droga. Pero tanda niya na ramdam niya ang init na nararamdaman ng katawan niya na nagtutulak sa kanya na bumigay na sa libog na tumama sa kanya. At, ayun na nga. Natupad na ang hinihiling niyang madiligan bago siya mamatay at sa wakas ay naranasan din niyang makipagsex.

 

Kaya nga lang, isang malaking sampal ng realidad ang inabot ni Dana kinabukasan nang mapagtanto niya na ang lalaking naktalik niya kagabi ay si Dylan Lagdameo, ang mayaman at manipulative na CEO ng Sky Castle Empire at fiancé ng ate niyang si Celine.

 

Mga Pangunahing Tauhan

 

Dana Servantes

Si Dana ay isang 21-taong-gulang na babae na nagmula sa pamilyang may-ari ng malaking kumpanya sa larangan ng pharmaceuticals sa Pilipinas. Siya ay itinuturing na "black sheep" sa mata ng kanyang pamilya, isang lihim na anak sa labas ng kanyang ama. Itinatago siya sa publiko at laging ipinamu-mukha sa kanya na wala siyang lugar sa pamilyang Servantes.

 

Bukod pa rito, si Dana ay nagtatago ng maraming lihim at nakikipaglaban sa mga hamon ng kanyang personal na buhay at pamilya sa tulong ng kanyang lola at mga kaibigan.

 

Dylan Lagdameo

Si Dylan Lagdameo ay ang CEO ng Sky Castle Empire at fiancée ng ate ni Dana na si Celine. Siya ay sikat at kinahuhumalingan ng marami dahil sa angkin niyang kagwapuhan at yaman. Pero, marami rin ang may ayaw at takot sa kanya dahil sa kanyang antipatikong pag-uugali at walang kaabog-abog na pang-mamanipula ng mga tao. Kaya naman tinagurian siyang Devil CEO sa kanilang siyudad.

 

Siya ang lalaking nakatalik ni Dana noong gabing nakainom ito ng alak na may droga.


 

Arrogant CEO Loves Me Review & Hotchapters: Ang Nakakakilig na Resulta ng One-Night Stand nina Dana at Dylan 

Sikat ng Kabanata


Kabanata 7

 

Nakita ni Dylan si Devin na umiiyak at lumapit ang bata sa kanya. Nataranta siya kung paano patatahanin si Devin, lalo na nang malaman ni Dylan na "dede" pala ang hinahanap nito.

 

Kabanata 9

 

Nagulat si Dana nang may isang babaeng nagpakilala bilang ina ni Dylan na sapilitang pumasok sa condo nya para magmasid-masid o kaya naman ay mangilatis.

 

Kabanata 12

 

Nakikinig si Dylan sa usapan ni Dana at ng isang lalaki sa kabilang table na para bang nakiki-chismis. Pilit niyang iniintindi kung tungkol saan ang usapan ng dalawa at kinikilatis niya kung sino ba ang lalaking iyon.

 

Tema

 

Ang pangunahing tema ng kwento ay umiikot sa mga komplikadong ugnayan sa pagitan nina Dylan at Dana na magbubukas sa isang yugto ng pag-ibig na resulta ng isang mapusok na pagkakamali. Kasabay nito ang pagtuklas ng mga masalimuot na bahagi ng kanilang sariling buhay at pag-usbong ng mga sikretong magiging sentro ng kanilang mga buhay sa kabuuan ng kwento.

 

Libreng basahin ang buong nobela sa GoodNovel app!

Basahin agad
   

May Akda

 

Si Klary Ash ay isang Pilipinang manunulat na kilala sa kanyang mga kwentong pagibig. Siya ang may akda ng serye ng "Arrogant CEO Loves Me!" na binubuo ng limang libro.

 

Bukod sa seryeng nabanggit, siya rin ang sumulat ng "His Beautiful Destruction", "The Doctor is In Love", "Maybe Someday", at marami pang iba.

 

Istilo ng Pagsulat

 

Ang kwentong ito ay isinalaysay sa ikatlong panauhan na sumusunod sa perspektibong ng bidang si Dana. Ang istilo ng pagsulat sa kwento ay nagtatampok ng paggamit ng mga pangungusap na kung saan nararamdaman ng mga mambabasa ang diwa ng mga karakter sa pamamagitan ng mga detalyadong paglalarawan ng kanilang kilos at damdamin, lalo na sa mga maiinit na eksena nina Dana at Dylan. Ang mga salita ginamit ng manunulat ay nagbibigay-buhay sa mga sitwasyon at gumagawa ng malalim na karanasan para sa nagbabasa.

 

Konklusyon

 

Ang "Arrogant CEO Loves Me!" ay isang nakakakilig na kwento na may kasamang kapana-panabik na drama at komedya. Siguradong magugustuhan ito ng mga mambabasa na mahilig sa mga gwapo at preskong lalaki na magpapakilig sa inyo habang nagbabasa kayo. Kaabang-abang rin ang mga umaatikabong pangyayari na siguradong susundan nyo kada pahina.

 

Tuklasin kung paano uusbong ang pagibig sa gitna ng kanilang komplikadong relasyon, gulo na dulot ng kanilang pamilya, at mga lihim na makaaapekto sa takbo ng kanilang buhay sa mga pahina ng "Arrogant CEO Loves Me!" ni Klary Ash.

 

Libreng basahin ang buong nobela sa GoodNovel app!

Basahin agad
  

FAQs

 

Q:Tungkol saan ang nobela Arrogant CEO Loves Me?

A: Ang Arrogant CEO Loves Me ay umiikot sa komplikadong relasyong mabubuo matapos ang isang mainit gabing pagtatalik sa pagitan nina Dana Servantes at Dylan Lagdameo.

 

Q: Anu-ano ang mga libro sa Serye ng Arrogant CEO Loves Me?

A: Book 1: Arrogant CEO Loves Me!

Book 2: 3 Points I Love You!

Book 3: My Sweet Enemy

Book 4: My Sassy Girl!

Book 5: I Love You PARE!

 

Q: Sinu-sino ang maaaring magbasa ng Arrogant CEO Loves Me?

A: Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga maseselang salita at eksena na angkop lamang para sa mga mambabasa na may edad 18 pataas.

I-scan ang code para mabasa sa App
Popular Novels You May Like
MGA TAG NG MGA KAUGNAY NA AKLAT at NOBELA
MGA KAUGNAY NA ARTIKULO
Carrying the Child of a CEO Mainit na mga Kabanata: IsangNakakaakit na Nobelang Romansa
- By: GoodNovel

Siping ang mundo nina Andrew Hernandez at Nicole sa kanilang paglalakbay sa pag-ibig, pagtatraydor, at mga di-inaasahang kaganapan sa Carrying the Child of a CEO ni B.NICOLAY/Ms.Ash. Tuklasin ang isang kuwentong puno ng pagnanasa, mga lihim, at ang kapangyarihan ng mga desisyon.

Woman in Mr. Monteverde's Dream Reviews & Hot Chapters: Pangarap ng Pag-ibig ng Isang Bilyonaryo
- By: GoodNovel

Woman in Mr. Monteverde's Dream ay isang kuwento ng pag-ibig na nag-uugnay sa isang guwapong bilyonaryo at isang simpleng guro. Si Dylan Alexander L. Monteverde, isang bilyonaryo na nagmahal sa isang babae na nakikita lamang niya sa kanyang mga panaginip.

Mr Dickson's Hidden Wife Reviews & Hot Chapters: Lihim Na Pagnanasa ni Athena at Hades
- By: GoodNovel

Sumisid sa mapangahas na romansang SPG ni Igbyrey, “Mr. Dickson's Hidden Wife” at ang mga tauhang bumabalot sa misteryo at pagnanasa.

Arrogant CEO Loves Me Review & Hotchapters: Ang Nakakakilig na Resulta ng One-Night Stand nina Dana at Dylan
- By: GoodNovel

Ang Arrogant CEO Loves Me ay umiikot sa di inaasahang relasyon na mabubuo sa pagitan nina Dana Servantes at Dylan Lagdameo.

Carrying the Child of a CEO Pagsusuri ng Libro: Ang Buhay Sekretarya ni Claire
- By: GoodNovel

Samahan natin si Claire sa kanyang buhay sekretarya upang mapalapit kay Zekiel, na ama ng kanyang mga anak sa nakakaantig na kwento ng Carrying the Child of a CEO.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status