Ang Carrying the Child of a CEO ay isang nobelang kuwento ng bilyonaryong pag-ibig na sulat ni B.NICOLAY/Ms.Ash na tinatalakay ang kwento ni Claire Sanchez, na may dalawang bagay na gustong makamit-ang mabawi ang kumpanya ng kanyang yumaong ina at para makita ang isa sa kanyang kambal na anak na iniwan niya sa tapat ng gate Zekiel Gray dahil sa kahirapan. Ang tanging paraan para makamit ang mga ito ay ang mapalapit kay Zekiel, na ama ng kanyang mga anak, at maging sekretarya nito. Bagaman alam ni Claire na ang isang gabing pagtatalik na nangyari sa kanila limang taon nang nakalipas ay dala lamang ng kanilang kapusukan, lingid sa kanyang kaalaman na matagal na pala siyang hinahanap ni Zekiel.
Ang nobelang ito ay patuloy na akda ng manunulat na kasalukuyang may 326 na mga kabanata, na nakakuha ng star rating na 9.8/10 at 1.4M na pagbasa.
Saksihan ang kapana-panabik na buhay ni Claire bilang sekretarya ni Zekiel, upang makamit ang kanyang mga mithiin sa nakakabighaning kuwento ng Carrying the Child of a CEO.
May-Akda
Si Nicole Alejo ay isang Pilipinang manunulat na nag-akda ng makabagbag-damdaming istorya ng Carrying the Child of a CEO. Siya ay mas kilala sa ngalan na B.NICOLAY/Ms.Ash, kung saan nakitaan siya ng talento sa pagsulat ng mga kwentong romansa na bumibihag sa puso ng maraming mambabasa. Ilan pa sa kanyang mga gawa ay ang Miracle Twins, The Cold Hearted Girl is a Goddess, at ang The Mafia Queen (Second Generation).
Tema
Ang tema ng nobelang ito ay tumatalakay sa mga resulta ng mga hindi pinag-isipang mga aksyon at impluwensya ng alak. Hiyang-hiya at litong-lito si Claire at pinagsisisihan niyang nakipagtalik siya sa isang estrangherong lalaki dala ng kalasingan. Dahil dito, natatakot siyang mahusgahan ng ibang tao.
Tinatalakay rin sa kwento ang komplikadong relasyon, ang kanilang pagkakaibigan, at mga hamon sa pagpapanatili ng mga relasyon ng mga tauhan ng kwento sa gitna ng kanilang personal na mga suliranin. Binibigyang-diin ng tema ang samu't saring emosyon, ang epekto ng personal na mga pagpapasya, at ang pangangailangan ng suporta at pag-unawa sa magulong sitwasyon kanilang hinaharap. Bukod dito, ang tema ay sumasalamin din sa mga tema ng pagkilala sa sarili at pagbuo ng karakter ni Claire.
Mga Tauhan
Kilalanin ang mga pangunahing tauhan ng nobela na bumubuo sa kabuuan ng kwento:
Claire Sanchez
Si Claire ay isang dalagang nahaharap sa sunud-sunod na mga di-inaasahan at pinagsisisihan niyang mga pangyayari. Siya ay madalas gumawa ng mga desisyon nang hindi iniisip. Sa kasalukuyan, walang trabaho si Claire ngunit pinapangarap niyang maging isang propesyonal na designer.
Zekiel Gray
Si Zekiel ay isa sa mga best man sa kasal ng mga kaibigan ni Claire na sina Dylan at Bea. Siya ang estrangherong lalaking naka-talik ni Claire pagkatapos ng kasal. Siya ang ama ng kambal na anak ni Claire na bunga ng kanilang mapusok na desisyon sa isang mainit na gabi, limang taon na ang nakakaraan.
Balangkas ng Kuwento
Pagkatapos ng Isang Gabing Pagtatalik
Nagising si Claire matapos makipag-talik sa isang estranghero. Labis siyang naguluhan at nagsisisi, at sinisikap niyang buuin ang mga pangyayari noong nakaraang gabi. Natuklasan niya na ang lalaking kanyang nakasama ay ang best man sa kasal ng kanyang kaibigan na si Bea, at maaaring kaibigan ito ni Dylan, isang mayamang negosyante. Naaalala ni Claire na uminom siya nang marami noong reception ng kasal, at saka nalasing.Nagpahayag ng pag-aalala sina Bea at Dylan para sa kanya, ngunit pinaninindigan ni Claire na ipagdiriwang at magbibigay ng toast para sa kanilang kaligayahan. Pagkatapos nito, lumalabas si Claire sa reception at pumunta sa tabi ng dagat kung saan muli niyang natagpuan ang best man. Sa kabila ng pagkalasing niya, nagkaroon sila ng mainit na halik na nauwi sa kanila sa kama.
Kinaumagahan, nadama ni Claire ang pagsisisi at pag-aalala sa mga bunga ng kanyang mga kilos. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang kwarto at iniisip ang posibilidad ng pagbubuntis. Sa isang pagsisikap na itago ang kanyang ginawa, pumunta siya sa kuwarto ng CCTV at binura ang mga eksena ng kanyang pag-alis mula sa kuwarto ng VIP. Nag-aalala na malaman ito ni Bea at Dylan, humiling siya na linisin ang kanyang kwarto. Sobra ang pagkabahala at pag-aalala ni Claire tungkol sa nakakahiyang sitwasyon na nangyari sa kanya.
Pagkatapos ng Limang Taon
Binabalak mag-apply ni Claire sa kumpanya ni Zekiel Gray bilang sekretarya sa dalawang importanteng dahilan-una, upang mabawi ang kumpanya ng kanyang ina, at pangalawa, upang makita muli ang kanyang anak na iniwan niya sa harap ng gate ni Zekiel dahil sa kahirapan, na bunga ng isang mainit na one-night stand na namagitan sa kanila limang taon na ang nakalipas. Sa kabila ng mga plano ni Claire na mapalapit kay Zekiel, hindi niya na alam na matagal na rin pala siyang hinahanap nito.
Istilo ng Pagsulat
Ang nobelang ito ay inilalarawan sa pamamagitan ng halong pormal at introspektibong pagsusulat. Ang gamit na wika ay malayang pang-usapan na nagbibigay daan sa mambabasa na magkaroon ng isang silip sa mga saloobin at damdamin ng karakter. Habang ang pananaw naman sa pagsasalaysay ng kwento ay unang panauhan, na isinasalaysay sa perspektibo ni Claire. Ang perspektibong ito ay nagbibigay-daan sa mambabasa na direkta na makaranas ng mga iniisip at pag-unawa ni Claire.
Sikat na Kabanata
Sa ibaba ay dalawa sa mga kapana-panabik na mga pangyayari sa mga kabanata ng kwento. Tara na, at alamin ang mga ito:
Isa sa mga pangyayari o kabanata na hindi inaasahan ay ang pagbubuntis ni Claire. Ang hindi niya inaasahang pagbubuntis na ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa takbo ng kwento. Ito ang naging sentro ng kanyang mga karanasan at pinagdaanan na naghatid sa kanya ng mga bagong hamon at pagsubok. Isang buwan matapos ang kanilang isang gabing pagtatalik, naramdaman ni Claire ang pagkahilo at pagsusuka. Dito niya natuklasan na siya ay buntis matapos kumpirmahin ito sa pamamagitan ng pregnancy test. Naghalo ang iba't ibang emosyon na naramdaman niya.
Gusto niyang maging masaya pero hindi niya alam kung kaya niyang harapin ito nang mag-isa. Kaya't nagpasya siyang pumunta sa Paris upang humingi ng tulong mula sa kanyang mga kaibigan na sina Bea at Dylan tungkol sa kanyang pagbubuntis at upang itago ito sa kanyang mga magulang. Kaso, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, Si Zekiel ay dumating din sa Paris para sa isang sosyohan sa negosyo. Naguguluhan si Claire kung ipapaalam ba niya kay Zekiel na siya ang babaeng naka-talik niya noon at ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, o patuloy siyang magtatago at sasarilinin ang bunga ng kanilang mapusok na aksyon.
Konklusyon
Ang nobelang Carrying the Child of a CEO ay isang kapana-panabik na akda na nagbibigay sa mga mambabasa ng isang magandang karanasan sa pagbabasa. Ang kuwento nito ay nakakapukaw ng atensyon ng maraming mambabasa dahil sa magandang daloy ng kuwento at mga kahanga-hangang pangyayari na ipinapakita ng mga karakter na sinusundan nila.
Kaya't ano pa ang hinihintay mo? Tara na at huwag nang mag-atubiling basahin ang Carrying the Child of a CEO ni B.NICOLAY/Ms.Ash sa website ng GoodNovel.
FAQs:
Q:Tungkol saan ang nobela?
A: Ang nobelang Carrying the Child of a CEO ay tumatalakay sa kwento ni Claire Sanchez, na may dalawang bagay na gustong makamit-ang mabawi ang kumpanya ng kanyang yumaong ina at para makita ang isa sa kanyang kambal na anak na iniwan niya sa ama nitong si Zekiel Gray dahil sa kahirapan.
Q: Ilang kabanata mayroon ang nobelang Carrying the Child of a CEO?
A: Ang Carrying the Child of a CEO ay isang ongoing na nobelang may 326 na mga kabanata.
Q: Saan mababasa ang nobelang Carrying the Child of a CEO?
A: Maaaring mabasa ang Carrying the Child of a CEO sa GoodNovel website.
Siping ang mundo nina Andrew Hernandez at Nicole sa kanilang paglalakbay sa pag-ibig, pagtatraydor, at mga di-inaasahang kaganapan sa Carrying the Child of a CEO ni B.NICOLAY/Ms.Ash. Tuklasin ang isang kuwentong puno ng pagnanasa, mga lihim, at ang kapangyarihan ng mga desisyon.
Woman in Mr. Monteverde's Dream ay isang kuwento ng pag-ibig na nag-uugnay sa isang guwapong bilyonaryo at isang simpleng guro. Si Dylan Alexander L. Monteverde, isang bilyonaryo na nagmahal sa isang babae na nakikita lamang niya sa kanyang mga panaginip.
Sumisid sa mapangahas na romansang SPG ni Igbyrey, “Mr. Dickson's Hidden Wife” at ang mga tauhang bumabalot sa misteryo at pagnanasa.
Ang Arrogant CEO Loves Me ay umiikot sa di inaasahang relasyon na mabubuo sa pagitan nina Dana Servantes at Dylan Lagdameo.