"Hoy! Anong ginagawa mo Sayne, aber?"
Nabigla siya nang may dumapong mga palad sa balikat niya. Nang lingunin niya ay si Mia ito at may nagdududang mga tingin na binibigay. Nitong mga nagdaang araw ay masyado na siyang magugulatin marahil siguro sa kakainom niya ng kape.
"Ba't may pasilip silip ka pa r'yan? Sino hinihintay mo?" naniningkit ang mga matang saad nito.
"Ha? Ah, si ano —"
Hindi niya natapos ang sasabihin ng tinulak siya nito at pumasok ito sa loob ng conference room. Naiwan naman siyang 'di makapaniwala sa kaibigan at gusto niyang matawa rito dahil sa nangyari.
Kaya siya sumisilip sa conference room ay para hintayin ang lalaking iyon na lumabas para makausap niya at matanong kung bakit ganito ang reaksyon nito na para bang walang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nagtutulak sa kanya para gawin iyon.
Teka nga. May nangyari ba sa'min dalawa? Eh wala naman.
Kanina pa siya naghihintay na lumabas ito pero halos lahat na lang ata ng tao na nasa loob ay lumabas na at wala pa siyang nakitang Trick na lumabas mula sa pinto ng conference room. At ngayon ay mag-isa na lamang ito at pagkakataon niya na sana kung hindi lang umeksena ang baliw-baliwan na kaibigan niya.
Ilang minuto na siyang naghihintay hanggang matapos ang pag-uusap ng dalawa. Iyon ay kung may matino bang sinabi si Mia dito. Nabigla siya nang sumulpot sa harap niya ang lalaking minsang tumugon sa gusto ng kanyang katawan. Iyon ay kung natugunan ba talaga na hindi naman.
"Ah! Eh... Hi pala. Hi-hindi mo ba ako naaalala?"
Kumunot ang noo nito na para bang nagtataka sa tanong. Napangiting aso siya nang ma-realize niyang walang galang ang pagtanong niya na dapat ay meron dahil ito ang magiging prof nila."I mean. Gusto ko lang 'pong' ipakilala nang maayos ang sarili ko Doc," saad niya na may pagkadiin sa salita.
Dumapo ang mga tingin nito sa ID n'ya.
"Anesthesiology department ka diba?" tanong nito habang nasa ID niya pa rin ang mga mata nito.
"Yes po, Doc."
Tumango tango ito sa naging sagot niya at tumingin sa kanya nang diretso.
"Hmn. Pwede ka naman magpakilala mamaya sa —"
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
Kumunot ang noo nito sa naging tanong niya. Nagugulohan siya dahil wala talaga itong pinapakitang reaksyon na nagkita na nga sila noon.
"Bakit? Dapat ba kilala kita?"
Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa naging tanong nito. Biglang kumurot ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero 'yon ang naramdaman niya. Marahil nga baka nagkamali lang siya. Baka hindi talaga ito ang lalaking iyon. Baka nga nagkamali lang ang ala-ala niya.
"Doc Mañego?"
Pareho silang napalingon sa nurse na dumating at nakatingin kay Trick.
"Hmn. Bakit?" malamig na turing nito.
"Pinapatawag po kayo ni Chief Ferrer," nakangiting saad nito.
Ang bait ng pagkangiti nito na para bang may ibang balak kay Trick at iyon ang bagay na mukhang nagdulat sa pagkulo ng dugo ni Sayne.
Hindi niya alam kung bakit ngunit naiinis siya. Lumingon naman si Trick sa kanya at dumuko ng konti. Senyales na nagpapaalam na ito.
"'Dapat ba kilala kita?' Ano daw? Natural," pag gagaya niya sa sinabi nito nang makaalis na ito kasama ang nurse kanina. "Dapat kilala mo 'ko. Ako lang naman si Sionne Sayne Ricamonte. Ang pinaka competent na resident sa ospital na 'to n-na... m-muntik mong —"
"Hooooy Sayne! Anong pinagsasabi mo?" Sulpot ni Mia sa likod niya. Hindi niya napansing lumabas na ito kanina sa conference room.
Hindi niya ito sinagot at nauna nang maglakad.
"Ano 'yong kiss mark mo sa leeg?"
Nanlaki ang mata niya sa tanong nito. Paano nito nalaman ang tungkol do'n?
"A-anong k-kissmark?" utal-utal na tanong niya.
"'Yang tinatago mo sa turtle neck na damit mo? Ang init-init ta's naka turtle neck ka?"
"Wala ak—"
"Wag mo 'kong lokohin nakita ko kanina sa CR nang tingnan mo. Inaakala mo siguro mawawala agad 'yan ng isang araw ha," para nagliliwanag ang mukhang saad nito. "So, sino may gawa ng bagay na 'yan?" parang kinikilig na sabi nito.
Kung alam mo lang baka mapatay mo 'ko.
"Kagat ng lamok," palusot niya dito nagbabakasakaling maniwala ito sa sinasabi niyang walang kabuluhan. Ngumisi lang naman ito ng nakakaloko alam na niyang 'di nito kinagat ang sinabi niya.
"Wag mo kong lokohin. Iyan ba ay rason kung bakit ka nawala sa club noong isang gabi?"
Hindi niya naman alam kung sasagot ba siya ng matino sa tanong ni Mia dahil kahit anong palusot pa ang sabihin niya dito ay mukhang wala itong planong maniwala sa kanya.
Hindi naman nila napansin na nakarating na pala sila sa department nila habang kung ano-ano ang usapan. Napansin nilang wala ang mga kasamang doktor nila doon. Nang tanungin ni Mia ang head nurse ay sinabi nitong nasa meeting room na raw ang mga ito. Pumasok naman sila doon at nakita ang mga kasama. Ngunit wala pa ang professor nila.
Kumunot ang noo ni Sayne ng makitang nag me-make up ang dalawang 2nd year resident at panay usapan tungkol sa lalaking kinaiinisan niya.
Padabog siyang naupo sa tabi ni Dijoon na natatawa sa inasta niya.
Ilang minuto lang ay dumating na si Trick at ang cold ng awra nito dahil napatahimik niya ang lahat sa mismong pagsulpot niya pa lang.
"Anyone who wants to ask questions?" naglakad ito patungo sa unahan kung saan nasa kanang bahagi niya si Dijoon na katabi lamang ni Sayne kasama ang 1st year na pinagalitan niya kanina at ang 2nd year at 3rd year na kasama at sa kaliwa naman ay si Mia at ang dalawang 4th year residents.
Nagnakaw siya ng tingin kay Trick ngunit iniwas niya naman nang dumako sa kanya ang mga mata nito.
"Doc, bakit mo po naisipan sa anesthesiology department mag major gayong mas maganda po future niyo maging cardio surgeon o di kaya ay neuro surgeon dahil sa kakayahan niyo?"
"Anong pangalan mo?"
"Dave Shone Mendoza po. 1st year resident."
Tumango naman si Trick sa pagpapakilala nito.
"Paano mo nasabing pwedeng pwede ako sa mga field na ganon?"
"Nabasa ko po ang article tungkol sa inyo. Ikaw po ang pinaka-competent na doktor sa anesthesiology department sa John Hopkins Hospital. May isang article din po na nagsabi na minsan niyong ginawa ang surgery sa utak ng taong may hematoma at sa loob ng 30 minutes ay nagawa niyo."
"Quiet good at digging up, Doc Mendoza," nakangiting sabi ni Trick. Para namang may kung anong bagay ang kumiliti sa puso ni Sayne dahil sa ngiting iyon. Kahit hindi sa kanya nakatingin ang may-ari ng mga ngiting iyon ay ewan niya ba kung bakit parang natuwa siya.
Bigla naman silang napalingon nang bumukas ang pinto at ang nag-aalalang mukha ni Nurse Rose ang head nurse ng department ang sumalubong sa kanila.
"Doc, nag-aapoy po sa lagnat si Ma'am Cathy at ang taas ng heart beat rate niya," nakatingin kay Sayne na sabi nito.
Dali dali namang lumabas ang mga doctor sa kwarto at pumunta sa ward.
Hinawakan agad ni Sayne ang ulo ng pasyente at tama ang sinasabi ni Nurse Rose.
Ginamit niya naman agad ang stethoscope na nakakabit sa leeg niya at pinakinggan ang heart beat ng pasyente.
Nang tingnan niya ang pasyente ay parang namamanhid ang katawan nito at parang 'di nakakaramdam.
Lumapit naman si Trick sa pasyente at hinawakan ang braso nito.
"Nararamdaman mo ba ang paghawak ko?" tanong nito.
Umiling-iling si Cathy. Nagtinginan naman ang mga doktor sa nangyari.
"Anong gamot ang nilagay sakanya?" seryosong tanong ni Trick.
"Lidocaine po Doc. Intravenous Lidocaine for her treatment because she has ventricular arrhythmia. Doc Ricamonte prescribed her 10 mg of lidocaine an hour ago but the expected response wasn't reach, she was given second doze five minutes after."
Tiningnan naman siya ni Trick ng seryosong mukha ngunit wala siyang sinabi dahil tama naman ang ginawa niya.
"Give me her chart."
Inabot niya naman ang tablet kay Trick kung nasaan ang chart ng pasyente.
Ilang segundo iyong tiningnan at binasa ni Trick nang kumunot ang noo nito.
"Give her 10 mg of Dantrolene. She's experiencing malignant hyperthermia," kalmang saad nito.
Pagkasabi no'n ni Trick ay binigay niya kay Sayne ang tablet at naglakad na ito pabalik sa meeting room.
Kumunot naman ang noo ni Sayne dahil sa pagkabigla. Gayon din ang mga kasamang doktor. Hindi niya alam na ganon lang ito kadali mag suspect ng sakit sa pasyente.
"Excuse, Doc but Lidocaine don't trigger malignant hyperthermia how can you say na iyon nga ang nangyayari sa kanya dahil lang sa isang tingin niyo sa chart niya at paghawak sa braso," hindi makapaniwalang tanong ni Sayne.
"Says who I diagnosed the patient because of those reasons?"
Para namang namaang ang dila niya sa naging sagot nito.
"Next time, read carefully the chart of your patient, Doc Ricamonte. You may paralyze your patient for life."
Tumalikod na ito at pumasok sa kwarto. Para namang may kung anong bagay ang tumapak sa pride niya dahil sa sinabi nito.
Dali dali niyang tiningnan ang tablet at binasang mabuti ang chart ng pasyente.
"She has history of Malignant Hyperthermia Sayne. May sakit na gano'n ang ama ni Miss Cath," sabi ni Mia nang lumapit ito sa kanya at binasa rin ang chart.
"And then? Still Lidocaine can't cause MH," napupuno ng sabi ni Sayne. Kahit ang totoo ay naiinis din siya sa sarili dahil hindi niya nakita iyon sa chart. Dali dali din naman siyang sumunod kay Trick at sisiguraduhin niyang ipapamukha niya dito na wala siyang nagawang mali.
Padabog niyang isinara ang pinto nang makapasok siya sa office nito. Kumunot naman ang noo nito nang tiningnan siya.
"Local anesthetics like lidocaine do not trigger malignant hyperthermia. How can you easily say and diagnose that the patient you just see and observed for a minute has that disease?" naiinis na sabi niya dito.
Hindi ito sumagot sa sinabi niya at binigyan lang siya ng walang emosyong tingin.
"I don't care kung gaano ka ka-competent na doctor at galing sa pinaka-prestisyosong ospital but when it comes to my patients health pwede bang mag ingat ka na—"
"Have you ever treated someone who has ventricular arrhythmia?" tanong nito at hindi pinatapos ang sinasabi niya.
Napailing siya at natahimik. Miss Cathy is her first patient for that disease at grabe ang pag-aaral niya tungkol sa mga posibleng maging impact ng mga gamot na binibigay dito.
"I encountered 2 and she's the 3rd one and specifically... I encountered a case of malignant hyperthermia caused by intravenous lidocaine." walang emosyong sabi nito.
"I once have my own patient who was 42 year old a male admitted with ventricular arrhythmia. He was treated with large doses of lidocaine. His body temperature rose to a maximum of 41.7 degrees C, and generalized muscular twitching was observed before he lost consciousness. Serum and urinary myoglobin levels became elevated. This abnormally high fever was relieved only by dantrolene sodium. After we made a diagnosis of malignant hyperthermia and stopped the lidocaine infusion, the high fever resolved quickly. It is important to note that malignant hyperthermia can be caused by lidocaine and amide-linked local anesthetics and one thing, your patient has a history of that disease kaya 'di maiwasang ma-trigger iyon ng mga gamot na binibigay sa kanya. Read the chart of your patient carefully, Doc Ricamonte."
Napatahimik naman siya sa sinabi ni Trick. Aaminin niyang nagpadalos-dalos din siya sa paraan ng pagkausap dito without taking the gap na prof ito at resident lang siya.
"I'm sorry," plain na sabi niya without looking at him.
"Look Doc Ricamonte, I know you're the most competent and valued resident in this hospital because of your competency but why don't you trust your co-doctors and seniors. We're not treating patient here through pride and competency but trust and reliability."
"Why would I trust you when you easily forget people whom you almost had love before?"
Hindi siya makapaniwala sa lumabas na salita sa bibig niya. Naningkit ang singkit ng mata ni Trick sa kanya marahil ay nabigla rin sa mga salitang kanyang nasabi.
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo but looks like you're driven by your emotion right now. Kung wala ka ng sasabihin pwede ka nang lumabas." Pagkasabi nito sa kanya ay bumalik na ito sa mga papel na pinagkakaabalahan nitong basahin.
"Hindi mo ba ako naaalala o ayaw mo lang akong alalahanin. Simple lang naman ang gusto ko. Ang sabihin mo sa 'kin na naaalala mo 'ko noong gabing 'yon at tapos na."
"Ano bang meron sa gabing sinasabi mo at gusto mong maalala kita?" mukhang napupuno nang sabi ni Trick sakanya.
"Gusto ko lang manghingi ng sorry at magpasalamat. Sorry dahil nagawa ko ang bagay na 'yon. Dulot lamang iyon ng gamot at wala ng iba pa. At salamat dahil hindi mo pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Sorry at salamat kung ikaw man iyon. Ngunit kung hindi at nagkakamali lang ako, sorry sa abalang naidulot ko."
Pagkasabi niya sa mga salita na iyon ay nagpaalam na siya at lumabas sa kwarto.
A sweet and sorf murmur came from Sayne's lips nang maramdamang niyang may dumadaloy na kamay sa kanyang katawan. Sinubukan niyang buksan ang mga mata ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito. Only his rough breath gave her an idea that the person is a him.
“Just open the fridge kung nagugutom ka. Eat before you go home,” saad ni Trick bago ito tuluyang pumasok sa kwarto.Inikot ni Sayne ng tingin ang buong bahay. Trick seems to be the meticulous type of guy and a clean freak. Wala kang makitang kahit anong dumi o alikabok sa kahit saan mang banda ng bahay nito.“Malinis pa ‘tong bahay niya sa bahay ko,” bulong niya sa sarili.Kumuha siya ng tubig sa ref at pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa bahay ni Trick.The house is in modern design at medyo dull ang mga kulay sa loob. Kung ikaw ang tipo ng taong gustong gusto ang mga ganitong klase ng kulay ay tiyak na ikakatuwa ng mga mata mo ang pagtingin-tingin sa loob.Halatang mayaman ang may-ari dahil sa mga gamit at paintings na nakasabit sa mga dingding.Of course he’s rich. Who would when he finish his doctorate at States and the most co
"Wala ka bang katabi?"Nasa eroplano na sila patungong Palawan upang gawin ang InterCare Outreach Program na na-assign sa kanila.Mahina siyang umiling upang sagutin ito at naupo naman 'to agad sa tabi niya. Hindi niya nakaligtaan ang tinginan ng tatlong kaibigan niyang si Mia, Dijoon at Jion na binibigyan na naman siguro ng ibang ideya ang nangyayari."Are you always like that?""Like what?" balik niya kay Trick sa tanong nito and he's comfortably closing his eyes at nakasandig na sa upuan."Nakatulala," simpleng saad nito."I'm not," pagtatanggol niya sa sarili."Yes you are." Ngumisi pa ito nang sabihin iyon."Paano mo nasabing palagi? Are you always sneaking gaze at me?" pabiro ang tanong niyang iyon ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang binigay na ngiti nito.He's still closing his eyes while comfortably lying his ba
Chapter 7Kinaumagahan, huli na si Sayne nagising kay Trick. Nang tingnan niya ang higaan nito at wala na ito doon at tanging nakatuping higaan at ang damit nito na ibibihis ang nakita ay sigurado siyang naliligo ito at baka nasa banyo. Ngunit nang tingnan niya rin ang banyo ay bukas naman ang pinto.Saan ba siya naligo?Nang tingnan niya ang wristwatch ay 4:00 a.m pa lang. Eksaktong oras iyon na sinabihan siya ni Trick kagabi na bumangon. Saglit pa siyang humiga bago tuluyang napagdesisyunan na maliligo. Napangiti siya at nakahinga ng maluwag nang makitang puno ang lalagyan ng tubig sa banyo. Kaya excited siyang naunang maligo bago pa darating si Trick na tiyak niya namang hindi pa naliligo.Nasa kalagitnaan na siya ng pagliligo ng ma-realize niyang hindi niya nadala ang lotion body wash niya sa loob ng banyo. Napakagat labi siya dahil kahit ang bath robe ay nakalimutan niya. Nasanay kasi si Sayn
"May nangyari sa inyong dalawa ni Doc." Para namang 'di magkamayaw ang puso niya dahil sa kaba epekto ng sinabi ni Dijoon. Ilang segundo siyang tinitigan ni Dijoon marahil ay hinuhuli nito ang reaksyon niya ngunit hindi siya agad-agad nagbigay ng rason para makagawa ito ng eksaktong konklusyon. "Joke lang!" natatawang pahabol agad nito ng makompirma nitong walang makuha sa panghuli-huli nito sa kanya. Para naman siyang nabunotan ng tinik sa lalamunan sa sinabi nito at nakahinga ng maluwag. Alas 5 ng hapon natapos ang outreach program nila. Naging kilala sila sa mga tao roon dahil sa kagalingang taglay nila sa medisina lalong lalo na si Trick na hindi lang sa galing nito kundi pati na rin sa kakisigan nitong taglay. Marami rin kasing hindi makapaniwala na nasa early 30's pa 'to at isa ng ganap na professor at galing pa talaga sa prestisyosong paaralan sa ibang bansa. Nang pumasok si Sa
"It's probably because of the chickenpox," saad ni Sayne habang diretsong tumingin kay Trick.Nabasa niya ang pinapahiwatig ng mga mata nito. Naalala marahil ni Trick ang mga documents na binabasa tungkol sa mga health history ng lugar. Minsan niya rin iyong nabasa nang maiwan nito ang mga iyon sa kama at natingnan niya.Nang nakaraang 3 buwan ay naging uso ang chickenpox virus sa lugar at halos 35% ng population ang nagkaroon."It's the cause of Varicella Zoster Virus. Dahil virus 'yon imposibleng hindi magkaroon si Jaybee dahil nasa iisang lugar lang sila ng mga nagkaroon. He has Zoster Sine Herpete," Trick smirked after he fix the puzzle of the symptoms of their patients."Shingles? You mean the shingles without rashes then —""Chickenpox virus causes all forms of it," putol ni Mia sa sasabihin ni Jion."Could it be that the chickenpox virus remains in his nerve c
"Why would I be jealous? He's not even mine," saad ni Sayne habang diretsong nakatingin kay Trick na nasa kabilang side lang ng pinapalibutan nilang bonfire. Eksakto din na tumingin ito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang sa malamang ulit ay iiwas na naman siya ng tingin ngunit nang pagkakataon na iyon ay hindi niya ginawa. "Of course, you'll be jealous kasi may nararamdaman ka na." Konklusyon ulit nito. "Wala akong nararamdaman, Mia." "Gaga ka! Kung wala ba't umiba itsura mo nang buhatin ni Doc Trick kanina si Clarisse." Hindi siya sumagot dito. Hinuhuli talaga siya ni Mia upang umamin siya sa nararamdamang kahit siya ay 'di niya alam. "Alam mo, ikaw ha. Unang dating pa lang ni Doc Trick sa ospital alam ko nang may namamagitan sa inyong dalawa." "Namamagitan? Ang sagwa pakinggan Mia. Ano ba?!" Dinadala na lamang niya sa tawa ang mga pinagsasabi ng kaibig
Trick stand up from where he's sitting at naka-smirk na dahan-dahang lumapit kay Sayne. Alam niyang naguluhan si Sayne sa pag-amin niya pero lango pa ito sa alak at tiyak niyang malilimutan nito ang nangyari kapag may balak siyang gawin dito.Hinawakan niya ang kaliwang pisngi nito. Namumula ito. Marahil ay dahil sa alak na nainom dahil hindi naman maaaring dahil sa paghawak niya rito. Her face is so soft at parang ayaw niya na lamang bitawan ang pisngi nito. He ran his thumb on her cheek at inilapit niya ang bibig sa taenga nito at may ibinulong. Dahil kung ipagpapatuloy niya ang pagtitig kay Sayne ay 'di na niya mapigilan ang nararamdamang umuusbong sa kanya."Goodnight," Binuksan niya ang syringe na kanina niya pa hawak-hawak at itinurok sa braso nito. May laman iyong pampatulog."Trick..."Unang pagkakataon iyon na narinig niyang banggitin nito ang unang pangalan niya at 'di niya maiwasang matuwa. Iba
"Trick gising na," saad ni Sayne habang niyuyogyog ng marahan ang balikat ni Trick. Alam niyang gising na ito at nagkukunwari na lamang na natutulog."Hmm..."Nagpalit lamang ito ng puwesto at nakita niya kung paano bumahid ang ngiti sa labi ng lalakeng pinakamahal niya. He's still closing his eyes at komportableng komportable ang pagkahiga sa kama."Trick you have to go to work," kausap niya dito pero wala pa rin itong epekto para magmulat ng mata. Nabigla naman siya ng marahang hinila ni Trick ang braso niya at nahulog siya sa matipunong katawan nito."It's still to early. Cuddle with me for a little while," parang batang saad nito at niyakap siya. Hindi pa rin ito nagmulat ng mata.Trick is half naked under the blanket. Nakasuot lamang ito ng maong na jeans sa ilalim ng kumot dahil hindi ito nakapag bihis pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Funny how he managed to put his
Nagising naman si Sayne sa isang kwartong magara at hindi niya alam kung nasaan siya.Ang naaalala niyang huling nangyari ay may bumulong sa kanyang lalaki at pagkatapos niyon ay wala na.Napadpad na siya sa lugar na 'to at hindi niya alam kung paano at bakit siya nandito.Nabigla naman siya nang may pumasok na tatlong babaeng nakangiti siyang tiningnan at may dala itong mga damit at isang tool box."Anong ginagawa ko rito?Sino kayo?"Nginitian lang naman siya ng isang babae bago siya sinagot."Huwag po kayong mag-alala, ma'am.Hindi po kami masasamang tao.Ang katunayan nga po ay nautusan kaming pagandahin pa kayo lalo."Mas lalong naging magulo ang isipan ni Sayne.*Ano 'to?What the hell is happening to me?From getting kidnap to this?Ano ba talaga ang nangyayari?*Ayaw niya sanang pumayag pero mabuti ang pagkausap ng mga babae sa k
Mia and the squad were busy accepting patients and giving the people of the island diagnosis when Sayne suddenly approach her and took the stethoscope on her neck at ito ang nagcheck ng mga pasyente.Kahit nabigla sa ginawa ng kaibigan ay hinayaan niya lang iyon at tinuloy na rin ang pag-intertain ng iba't ibang mga taong lumalapit sa kanila para magpakonsulta.May isang lalaki naman na lumapit rito.The man is the definition of tall,dark and handsome at mukhang may intensyong gustong magpakilala kay Sayne kasabay ng pagpakunsulta rito.Halata sa katawan nito ang mabibigat na trabaho na ginagawa.He has a good fit and build at kung magdadamit lang ito ng maayos ay magmumukha itong professional sa itsura.Tinaasan siya ng kilay ni Sayne nang tingnan siya nito at nahuli siyang nakataas kilay na may halong ibang depinisyon ang mga tingin.Dahil mamaya pa naman magsisimula ang plano ni Trick ay mukhang magandang pandagdag pampatay oras muna ni Sayne ang
"Hey..."Iyon ang tanging saad ni Mia nang makalapit ito kay Sayne.Hindi alam ni Sayne kung bakit parang mas gusto niyang umiyak ngayong nasa harapan niya na si Mia at may masasabihan na naman siya ng lahat ng kanyang hinanakit.She wants to tell everything to Mia and rants everything to her.Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o saan siya magsisimula sa iistorya niya.Sayne really don't know.Humagulgol siya ng iyak sa balikat ni Mia nang yakapin siya nito. Her bestfriend as well keep on rubbing her back para patahanin siya.Hinayaan lang naman siya ni Mia sa kanyang pag-iyak at hindi na nagsalita pa.Dahil sa isip ni Mia hindi niya rin alam kung ano ang gagawin.Ito ang pinakanakakaawang naging sitwasyon ni Sayne na nakita niyang nangyari rito and this is her biggest heartbreak after her relationship with her stupid exes kaya hindi niya alam kung anong tamang sabihin gayong nasali lang siya sa plano ni Trick na gustong
"How's my acting?" Shannon asked to Trick and she playfully raise her eyebrows.Bumaling si Trick dito ng may nakakamatay na tingin."I hate it!" singhal niya."You hate that?" Hindi makapaniwalang sabi nito."Eh ,umepekto nga kay Sionne," dagdag reklamo pa niya.Nilabanan din nito ang tingin na binibigay niya at mukhang ayaw magpatalo sa kanya.Woman!"Yes, it's good but I hate it," nag-aalalang saad niya at sinundan ng tingin si Sayne.Dahil sa nakita niyang reaksyon nito ay gusto niya na lang tuloy na bawiin ang plano nila at magsorry dito.Kanina pa siya palaging nasa cellphone niya dahil sa nakapag-isip na siya ng taong tutulong sa kanya para sa magiging proposal niya kay Sayne.Para siyang na pressured sa sinabi ni Sayne noong isang gabi tungkol sa hindi pa nga sila kasal kung ano-ano na iniisip niya.Natakot
"Good morning,my love."Bumahid agad ang ngiti sa labi ni Sayne nang pagmulat na pagmulat ng kanyang mata ay ang gwapong mukha ni Trick ang sumalubong sa kanya.Trick is half naked at mukhang kakatapos lang nitong maligo."Ang aga mo naman na nagising.Nakaligo ka na.May lakad ka ba?"She scanned him from head to toe."No."Tinaasan niya ito ng kilay."So what's the rush at ganyan ka?""Gusto ko lang pag bigyan mo 'ko ng morning kiss gwapo na ako."Nagpigil tawa siya sa walang kwentang sinabi nito."You're like a baby.""Baby naman talaga.Baby mo," Trick stole a peck on her lips at nginitian siya nito."I went to the market kaya nang makarating ako dito ay naligo dahil nangangamoy akong isda," saad nito at lumabi pa sa kanya."You went there?Eh alam mo namang hindi advisable
"But, I'm hungry..."Napalingon si Trick sa kanya habang hinihila na siya nito papasok sa building ng kanilang hotel."Kakakain lang natin ah?"Napalabi siya sa sinabi nito.Trick smiled because of her reaction mukhang alam na nito kung ano ang gusto niya.Trick didn't argue with her anymore dahil kapag usapang pagkain ay dapat siya talaga masusunod."I'll order to this hotel cuisine.Mauna ka na lang sa kwarto,hmn?"Nakangiti naman siyang tumango sa sinabi nito at ginawa ang sinabi ni Trick.She waited for about 10 minutes bago rin dumating si Trick at hinintay nila magkasabay ng another 15 minutes ang pagkain.Trick's keeps on triggering her on her erogenous zone while they're waiting but she keep on stoping him at tawang-tawa naman siya sa reaction nito.Nang makarating ang pagkain ay napakunot noo si Sayne nang siya lang
Umiba ang itsura ni Trick nang marinig ang sinabi ni Dravin.Sayne knows na hindi maganda ang dulot noon dito lalo na't nang itinanong nito sa kanya kung ano niya ito ay hindi niya iyon sinagot ng totoo."And?" sagot ni Trick kay Dravin pagkalipas ng ilang segundong titigan nila.Kumunot ang noo ng panghuli na tila ba nagtaka. Mukhang hindi niya inaasahan na maging kalmado si Trick sa kanya."Look, man... She'll probably leave you kapag hindi mo nabigay ang gusto niya," nakangising saad ni Dravin at tumawa pa ng peke."Why would she leave me eh ako mismo ang gusto niya at bigay na bigay ko naman sarili ko?"Nagpipigil si Sayne sa pagngiti. She didn't expect that sarcastic answer of Trick na nagbigay kilig sa kanya.Tumaas ang kilay ni Sayne at tiningnan si Dravin at napagdesisyunang sagutin ito."Hindi kita iniwan dahil sa hindi mo nabigay
Nang magising si Sayne kinaumagahan ay may breakfast in bed nang nakahanda sa kanya and Trick seems not to be in the room.After few minutes nang magising siya ay bumalik naman itong karga-karga ang isang tourist guide book at nakangiting pinagmamasdan ito.Naupo ito sa kama kasama siya at binigyan siya ng isang peck bago ipinagmalaki ang dala-dalang mini guide."What's your plan?" tanong niya naman dito."I want you to incircle everything na gusto mong puntahan dito."Kinuha niya naman ang guide book ngunit hindi iyon binuksan."Hindi ba't nasa Palawan si Anthony? Why not dalawin ulit natin ang isla nila?"Kumunot ang noo ni Trick na para bang naguguluhan siyang tiningnan nito marahil dahil sa gusto niyang gawin."Anthony is now on States," sagot ni Trick. "Sabay kaming nagpunta roon dahil sa nagtatrabaho na ulit siya bilang doktor sa Joh