KINABUKASAN, Pagmulat ni Leigh ng kanyang mga mata laking gulat niya nang makita niya ang malalambing, cute at pamilyar na mga mukha sa pagdilat ng kanyang mga mata. Anong ginagawa nila rito? "Mommy! Si Ate Leigh gising na!" sigaw ni SaJun. Naibaling ni Leigh ang kanyang tingin sa babaeng na kakapasok lang ng kanyang k'warto. "Gising ka na pala, Leigh," nakangiting bati ni Tita Hany sa kanya na may ubod na lambing mga ngiti sa mga labi nito. "Paanong—" "Good Morning, Ate Cute!" Sabay-sabay na bati ng apat na kambal sa kanya na sina Cess, Pam, Geli at Vince. Naguguluhan ang dalaga sa kanyang nakita at kung totoo ba na narito silang lahat. Panaginip ba ang lahat ng ito? Biglang bumukas muli ang pinto para maibaling ni Leigh ang kanyang tingin doon at bumungad sa kanya ang isang lalaki. "Oh! P’kin, gising ka na pala,” nakangiting salubong bati ni Yeshun, ang kanyang tito. Nanlaki ang mga mata ni L
Huling Na-update : 2021-09-01 Magbasa pa