CHAPTER 09Yaya Lingling and the Billionaire's twin“Can we sit here beside you? If not then…it's okay.” sambit sa isa sa kambal, hindi ko lang alam kung sino sa kanila ang naka-away ko I mean not my enemy pero nakasagutan ko sa mall noong kailan lang. Magkapareho kasi ang mukha kaya hindi ko ma identify. Oh wait may nunal siya, samantalang ang isa ay wala pero nakalimutan ko kung sino nga ang nakaharap ko noon.“Ayaw niya yata eh, let's find-" “Yeah sure…I'm not the owner of this chair, so yeah…pwede kayo umupo.” saad ko agad at umusog pa ng konti, nasa simbahan kami kaya kailangan na bawasan ko ang sungay ko nang kaunti. Lalo at may ka maldita ang mga batang ito, same yata kami.“Kilala mo ba ang mga iyan?" bulong na tanong ni nanay sa akin na nasa tabi ko lang sa bandang kanan nakaupo.“Medyo po-" “Medyo?" “Yeah…hindi ko po sila lubos na kilala, pero sila yong sinabi ko sa inyo noon na nag-aagawan kami ng toy na favorite ko. Isa sa kanila ang gumawa.” balik bulong ko sa kanya.
CHAPTER 10Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I'm sorry to hear that. Hindi ko alam.” saad ko sa kanila. Nagkibit-balikat si Amalthea. "It's okay, ngayon mo lang nalaman so your reaction was still valid. So, dahil alam mo na, is there any possible way na maging nurse ka muna ng daddy namin? We mean, tagabantay muna sa kanya?” "Hindi ako nurse at hindi naman ako nag-aaral na maging nurse para mag-alaga ng mga may sakit.” “We know-" Sabay-sabay nilang sagot. “And then, bakit ako?" “Hindi rin namin alam, bakit hindi ka ba naghahanap ng trabaho?" hindi ko alam kung sino matanda sa aming tatlo at kung magsalita sila ay parang matatanda na. “Naghahanap pero hindi bilang nurse- anong nakita niyo sa akin at gusto niyo na ako ang kinausap niyo? Pwede naman kayong kumuha ng totoong nurse?" tanong ko. Wala si nanay dahil nasa kabilang table ito. Ako ang kailangan ng mga bata kaya binigyan niya ako ng time para kausapin muna sila. “He doesn't like someone who takes good care of him
CHAPTER 11Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Okay lang iyan. Naiintindihan naman ng mga bata kung ayaw mo." "Pero nanay…sa isang iglap bigla akong naawa sa mga bata na iyon, mukha namang nagsasabi sila ng totoo, kita mo iyon nay, umalis sila na bagsak ang balikat nila? Nanay! I don't know what to do anymore." halos mahagulhol na ako sa kakaiyak sa kwarto pagkarating namin. Sobrang confident pa ako na hindi ako mag-aalaga sa kanilang ama pero ang makita ang mga mukha nila na bagsak na umalis sa restaurant kanina ay bigla akong natauhan at nakonsensya, ang masaklap pa ay wala akong cellphone number sa kanila. Tama ba ang desisyon ko sa buhay? I don't know na what to do."Paano mo nasabi na hindi mo na alam ang gagawin mo?" “Kasi nanay, kawawa sila dahil wala na silang mommy at ang daddy nalang nila ang meron sila. Tapos…tapos…ako na…” "Ang bilis mo naman ma attached sa mga bata.”Tumigil ako sa kakaiyak at hinarap si nanay, "Talaga po? Hindi kaya, naawa lang po ako sa kani
CHAPTER 12Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Magkakilala kayo?" tanong ni Manang Lo sa amin. Umiling ako sa kanya dahil ayoko na malaman niya na ako ang dahilan kung bakit hindi siya nakakalakad. Nasa office chair niya ito nakaupo ang lalaki na humabol sa akin na pagmamay-ari ng kumpanya na kung saan ako mag-a-apply sana. Naka blue polo shirt ito at kitang kita ko ang bakat ng kanyang mga braso. Sa kabilang side ng kanyang table ay nakita ko ang wheelchair na alam ko na sa kanya mismo. Paano kaya siya na aksidente? Gusto ko agad itanong sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. “Okay- I want to talk to her alone at tatawagan nalang kita Manang Lo kapag tinawag na ang mga bata.” anito sa malamig na boses na halos kinilabutan ako. “Sige po sir, kumare…punta muna tayo sa kusina? Maghahanda ako ng pagkain niyo?” aniya kay nanay. Napatingin si nanay sa akin at tumango ako sa kanya at ngumiti.“Ayos lang po nanay." Alam ko na alam n'ya ang naging reaksyon ko kanina, kaya hindi k
CHAPTER 13Yaya Lingling and the Billionaire's twin“Employment contract -" "Yes…if okay sa'yo na maging Yaya sa mga anak ko, since may nangyari sa akin kaya halos hindi ko maasikaso ang mga anak ko lalo at aalis muna pansamantala ang Yaya nila, so, is that okay with you Miss Montaño, for one year na maging Yaya ng mga anak ko? Sorry this is urgent at marami akong tinatrabaho sa ngayon sa kumpanya kaya hindi ko masyadong maasikaso ang mga bata but…kung ayaw mo naman then hindi kami namimilit pero sana pumayag ka.” ayaw akong pilitin pero nagbabakasakali."At ito ang magiging salary ko?” tanong ko rito sa nakasulat sa papel, ang laki niya magpasahod pero kailangan ko munang kausapin si nanay. Baka kung ano pa ang nakalagay dito na hindi tugma sa trabaho ko. May nakasulat naman dito kung ano ang gagawin ko sa mga anak niya. “So, what is your decision?" tanong nito habang naghihintay ng sagot ko, napunta na naman ang mga mata ko sa braso niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Gusto
CHAPTER 14Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Dito ang magiging kwarto mo." turo ni Manang Lo sa akin. Dahil nasa pangalawang palapag ang kwarto ng mga kambal ay nandito rin ako. Bale, napapagitnaan ang kwarto ko sa kambal at sa ama nila. Pagsilip ko sa loob ay malinis naman ito, meron itong single sofa at malinis na bedsheet, parang ngayon palang pinalitan na dumating ako. Sa gilid nito ay may maliit na table at nakapatong ang isang lamp. May aircon din ang kwarto ko, hindi ko alam kung swerte ko ba ngayong araw na ito at feeling ko isa pa rin akong princess na maayos ang treatment.Kahit hindi ako sanay na wala si nanay ay dapat kong panindigan ang buhay ko rito. “Maraming salamat po, Manang Lo." tumingin ito sa akin at alam ko na nagtataka rin siya sa akin. Hanggang sa nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko sa cabinet at kahit magtanong siya ay hindi ko rin siya sasagutin.“Walang anuman at kung may kailangan ka pa ay sabihin mo lan
CHAPTER 15Yaya Lingling and the Billionaire's twin Pagkatapos kong ilagay sa walk in closet ang mga damit ko ay nagpahinga na muna ako saglit, marahil ay nanibago ako sa bagong bahay kaya hindi ako mapakali. Kaya kinuha ko ang cellphone ko para magbasa ng mensahe at magreply habang nakahiga sa kama. Sinilip ko ang oras at malapit na mag-alas kwarto kaya agad akong naghanda sa aking sarili para lumabas na ng kwarto. Hindi naman ako bisita rito para matulog lang o nakakulong. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sinilip muna sa labas ng pasilyo. Sobrang tahimik naman ng bahay na ito. Parang walang taong nakatira. Bumaba ako ng hagdan at pumunta ng kusina. Maingat din ang galaw ko na para bang isa akong magnanakaw dahil sa bagal ko kumilos. Pagkarating ko sa hamba ng pintuan ay naabutan ko si Manang Lo at isa pang medyo ma-edad na babae at busy sila sa kusina. Si Manang Marivic ang naalala ko na pangalan niya.Nakita nila ako kaya ngumiti ako.“Hello po-" "Hello ganda, anong a
CHAPTER 16Yaya Lingling and the Billionaire's twin Pagkatapos kong kumain ay nagpahanda na ako ng bowl para kay boss. Baka nagugutom na iyon at ayaw lang mag-tawag, baka gusto niya ring bumaba pero di niya magawa dahil nga sa kalagayan niya na gagamit pa ng wheelchair para umakyat at bumaba. Paano siya umakyat sa kwarto niya? Well, may sarili lang naman silang elevator sa bahay nila. Hindi ko na rin ina-alam pa kung kakagawa lang ba niyang elevator o matagal na at baka makonsensya pa ako dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi siya nagkaganyan kahit wala naman akong kasalanan. Tsk“Iyan lang muna,balikan mo nalang kung nakukulangan pa siya at saka first time niyang kumain nyan kaya tikim nalang muna ang ihain mo sa kanya." si Manang Marivic at agad akong tumango sa sinabi niya at nagpaalam muna na ihahatid ko ang pagkain ni boss Kale. Dahan-dahan kong binitbit ang tray at naglakad patungo sa kwarto ng aking amo. May tubig na raw sa kanyang maliit na ref na nasa loob kaya hindi na
CHAPTER 116 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Maagang umalis hija kaya kami na lang ng driver ang sumundo muna sa inyo." Sagot ni Manang Marivic na maitanong ko sa kanya kung bakit hindi si Kale ang sumundo sa kanyang mga anak. Kaya pala, maagang umalis, marahil, importante ng meeting niya. Ten o'clock kasi ang dating ng eroplano at ngayon ay kakasundo lang sa amin ni Manang kasama ang driver pauwi ng bahay.. “Ganoon po ba Manang, ayos lang po, ang mahalaga narito po kayo.” Wika ko. "Oo, ewan ko ba sa batang iyon at focus na naman sa trabaho, kahapon lang siya umuwi ng bahay para sabihin na babalik na kayo kaya nagpa-general cleaning siya sa kwarto ng mga bata at kwarto mo-” kwarto ko? Ah, okay. Mananatili pa pala ako ng ilang days sa bahay nila hanggang sa maka-adjust ang mga bata at babalik na ako sa condo unit ko para doon manatili habang ako ang mag-aasikaso ng isa sa negosyo ng mga magulang ko rito sa Maynila, ang kilalang mall na pagmamay-ari ng mga mahal ko sa
CHAPTER 115 Yaya Lingling and the Billionaire's twin It's been two days na hindi nagparamdam si Kale kundi sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng tawag. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa Manila pagkatapos sabihin ng mga kuya ko ang tungkol kay Jeniza. Umuwi na rin sa ibang bansa ang mga kapatid ko at ako at ang mga bata ay nasa probinsya pa. Bukas pangalawa ay babalik na ang mga bata sa Manila at gusto nila na kasama ako kahit hindi na ako magiging Yaya sa kanila dahil malaki na raw sila. Kaya na nila mag-isa, pero ayaw na nila na mawalay sa akin. Ganoon din naman ako sa mga bata, kaya sasama ako sa kanila. Gusto ko ring malaman kung ano ang ginawa ni Mr Callisto sa Manila. Is he okay now? Tinawagan ko si Manang Marivic pero hindi raw sa bahay umuuwi si Kale. Isa lang din ang naisip ko, may hotel business siya baka doon muna siya namalagi. “Ang lungkot mo talaga ngayon apo." Narinig kong sabi ni Lola. Lumingon ako sa kanya na malapit na matapos ang ginawa niyang croc
CHAPTER 114Yaya Lingling and the Billionaire's twin Mahigit 30 minutes na yata akong nakadungaw sa kanya dahil nagbabakasakali na ulitin niyang sabihin sa akin ang narinig ko na pagpropose niya. Tama ang narinig ko at hindi ako nagkamali na lumabas mismo iyon sa bibig niya. Pero, niloloko ko lang yata ang sarili ko dahil wala na akong naririnig simula nang sabihin niya ang narinig ko na pakakasalan ko raw siya. Nakapamewang ako na masamang nakatingin sa kanya. “Alam mo…basta…I hate you. Sa panaginip ka lang nagsasalita eh. Make sure mo lang na maganda ako diyan sa panaginip mo, dahil kung hindi…hay naku…I hate you na talaga boss gulay. Makaalis na nga, baka hindi ako makapagpigil at mahalikan pa kita riyan…” Halos pukpukin ko ang sarili ko dahil kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko at naiisip sa taong tulog. Baka talagang inaantok na ako kaya ako ganito. Walang lingon akong lumabas ng kanyang kwarto at nagmamadaling pumunta ng aking silid, tulog pa rin ng mahimbing ang mga ba
CHAPTER 113 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Tumayo ka kasi ng matuwid para makalakad ka ng maayos, ang bigat mo kayang tao ka." “Shit!" Ayan tuloy, kamuntikan na naman kaming matumba sa damuhan, buti nalang at bermuda itong tinatapakan namin dahil kung semento ito, for sure, kinabukasan marami itong pasa sa katawan. May mga pasa na rin yata ako pero hindi ko na pinapansin. "Sha...an ba tha...yo pupunta?” "Eh di sa kwarto mo kung saan ka matutulog. Alangan namang iuwi kita sa Maynila na ganyan ka– lasing…” sagot ko sa taong pasuray-suray na ang lakad. “Ah, thanks lady-" kanina baby ngayon naman lady, ang dami namang girlfriend ang lalaking ito, iba-iba ang endearment na ginagamit, tse. Kung hindi lang malambot ang puso ko ay baka iniwan ko na ito sa gazebo hanggang sumapit ang umaga. O di kaya hinayaan na matulog sa bermuda. “Umayos ka sa paglalakad, inalalayan lang kita kasi walang ibang tutulong sa'yo dahil ako lang ang gising sa mga oras na ito kaya umayos ka
CHAPTER 112 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Patulog na ako na may narinig akong maingay sa labas ng kwarto ko. Natutulog na ngayon ang mga bata. Dito ko sila gustong patululugin sa aking kwarto dahil ang ama nila ay iyon, naglalasing kasama ang mga kuya ko pagkatapos naming kumain ng hapunan. Konti lang ininom ni daddy dahil may trabaho pa ito kinabukasan. Nasa gazebo sila nag-iinuman at ngayon ay wala ng maingay akong naririnig sa labas lalo, sabagay, malapit na mag-alas onse ng gabi. Alam ko na hindi si Yaya nanay ang nasa labas dahil maaga itong natutulog. Oh, baka si boss gulay ang nasa labas ng kwarto ko at bago matulog ay silipin niya muna ang mga anak niya kung mahimbing na bang natutulog. Pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isa sa kasambahay namin. “Good evening po ma’am Chaldenne." “Yes po-" “Pwede po ba na kayo nalang po ang gumising kay sir….sir…ano na ang pangalan niya ma’am? Basta si sir pogi po,” sir pogi? Kilala niya ang mga pangala
CHAPTER 111 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Talaga po?" “Oo….noong sinabi ni mama, doon namin nalaman na anak pala ni uncle mo ang asawa ni Mr. Callisto." “So ibig niyo pong sabihin, cousin ko siya?" “Oo apo…." sagot naman ni granny sa akin. Nasa sala kami ngayon at umiinom ng tsaa. Samantalang si daddy at si boss Kale ay nasa library office ni daddy. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ang mga kapatid ko ay mamaya pa ang dating at ngayon ay nasa meeting palang. Kaya ito kami ni mommy, granny sa sala habang ang mga bata ay nasa kwarto ko dahil may online class. Pinayagan naman sila ng kanilang guro na online class na muna sila habang nasa probinsya sila namamalagi. At nang malaman ko ang tungkol sa asawa ni boss Kale na kadugo lang pala namin sa side ni daddy ay hindi ako makapaniwala, magpipinsan pa raw kami. “And still, I feel sad for her mommy and granny. May sakit na nga ang tao at lumalaban para sa kanyang mga anak, pero anong ginawa noong babae na itinurin
CHAPTER 110 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Mommy Lingling! Daddy! We miss you so much!" “Be careful kids!" Paalala ni Kale sa kanyang mga anak. Nauna na itong naglakad patungo sa loob para dalhin ang ibang mga gamit namin at ang mga bata ay nag-uunahan na bumaba sa hagdan. Kakauwi lang namin galing sa Maynila, pagkahupa ng bagyo ay agad kaming nag-book ng ticket para makauwi na agad habang maganda pa ang panahon, ang tatlong kuya ko ay mamayang gabi pa sila dadating, may business meeting daw muna silang pupuntahan sa Maynila at si Carpo naman ay tinamad nh sumama sa amin at may family dinner din sila ng kanyang pamilya. Hindi na ako umangal pa at may kasama naman ako, si Kale. “Hi babies! I miss you both!” pinigilan ko na hindi matawa pero hindi ko mapigilan na nilampasan ng mga bata ang kanilang daddy Kale at tumakbo sila patungo sa akin, naiwan sa ere ang mga kamay ni boss na handa na sanang yakapin ang kanyang mga anak, well, mas namiss nila ako, sorry ka na lang
CHAPTER 109Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hoy Mr Callisto! Nanigurado lang ako at baka may agenda kang gagawin habang dito ka natutulog.” wika ko sabay pinagcross ang mga braso sa dibdib ko at mataray na nakatingala sa kanya. "Silly, I'm here to sleep kaya makakaasa ka na hindi ka mabubuntis, hindi pa ako nakapagpaalam sa mga magulang mo para hingin ang kamay nila para ligawan ka at isa pa, may taong may gusto sa'yo-”Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Huh? Sino? Wala akong maalala na may nagkagusto sa akin.”"Akala mo lang iyon, marami nga akong kaagaw eh," aniya sa mahinang boses pero naririnig ko naman. Naglakad ito sa patungo sa single sofa at umupo. Don't say, diyan siya matutulog. Lumipat ang tingin ko sa kama at kasya naman kaming dalawa. Matutulog lang naman siya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sofa at pinikit ang mga mata. “Matutulog kang nakaupo?" Tanong ko na siya namang mabagal na pagdilat ng kanyang kanang mata para tingnan ako na nakatayo sa harapan n
CHAPTER 108 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kakarating lang namin sa airport kaso nga lang malakas ang ulan, mabuti nalang at nakarating kami na walang nangyari sa amin sa himpapawid. Balita ko kanina na nasa loob pa kami ng airport na cancel ang ibang flights. Timing na pagdating namin ay mas lalong lumakas ang ulan. “Hindi muna tayo makakauwi sa probinsya dahil isa sa flight natin ang cancel, kaya dito na lang muna tayo sa Manila magpalipas ng gabi.” Mungkahi ni Kuya Deion. "Are we going to book a hotel or uuwi kayo sa mga bahay niyo rito? Kaming apat ay sa hotel muna na malapit, since palakas ngayon ang ulan at baha na rin sa ibang kalsada at baka hindi na rin tayo aabot na ligtas,” sabi naman ni kuya Dazton. “Ako? Kung saan kayo, doon na rin ako, ayokong matulog lang sa kalsada kung ma trap ako dahil sa baha na iyan." Carpo said. “May malapit na hotel dito, doon na kami ni Miss Montaño." Sabay kaming napalingon kay Kale dahil sa sinabi nito. “Sa amin siya sasa