CHAPTER 02YAYA LINGLING AND THE BILLIONAIRE'S TWIN "This is mine." Binaling ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsasalita. Isang maliit na bata na nasa edad four to six years old at may mahabang buhok na straight at nakahead band na kulay pink, na may bilugang mata at mahabang pilikmata. Wow, totoong manika na ata itong nakikita ko eh. Kaso mataray na manika.Tinaasan ko siya ng kilay na masama ang tingin sa akin, pareho naming hawak ang teddy bear na kulay pink. "What? This is mine... ako ang unang kumuha nito!" taas-noo kong sinabi. "But I saw it first. Ikaw ang unang kumuha because you have a long braso, and look at mine, ang liit. But still…this is mine." mataray talaga nitong diin na siya ang una.Well…pumapatol ako sa bata."Alam mo pala eh na malaki ang braso ko, at fyi, ako ang unang nakakita nito, so, sa akin na ito mapupunta, ako dapat ang nagmamay-ari nito dahil ako ang unang kumuha." mayabang sabi ko, hindi pa rin namin binitawan ang kawawang teddy bear dahil
CHAPTER 03 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nakahinga nalang ako ng maluwag habang hinihingal na tumigil sa tapat ng elevator at hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito, mabuti nalang nakaalis na ako sa mga bata na iyon at nasa kamay ko na ang pinanggrocery ko kanina na iniwan sa bagger area. Bitbit ang mg supot at pagbukas ng pinto ng elevator ay agad akong pumasok dahil wala namang tao pagsilip ko ngunit halos mapasigaw nalang ako bigla na may biglang sumulpot palabas na nanggaling sa gilid na katapat ng number kaya nabitawan ko ang dalawang supot. Nagkabungguan pa kasi kami sa mismong tapat na nakabukas na pinto, tumama ang noo ko sa matigas niya na dibdib? "What the hell?" halos isigaw niya, baliw to. Umikot ang itim ko na mata dahil boses palang naiirita na ako. Nasa loob na ako ng elevator at siya naman ay nasa labas, may kausap yata sa phone. At nang nagkatinginan kami ay biglang luminaw ang mata ko dahil bigla siyang gumagwapo sa paningin
CHAPTER 04Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kahapon linggo ay naghahanap ako ng trabaho through online kaso di ko nagustuhan ang nakita ko. Kaya ngayon na lunes ay agad akong nagpaalam kay nanay at tulad sa nakikita ko sa iba, the way sila na mag-apply ng trabaho na kung saan pinupuntahan pa talaga nila ang building o kumpanya na may wanted na nakalagay, kaya ganito ang ginagawa ko. Maghahanap ng trabaho. Marami akong napag-tanungan, ngunit wala siyang magustuhan. Narinig ko na tumutunog ang cellphone ko na nilagay sa bag kaya agad itong kinuha at nakita ko ang pangalan ni nanay. “Hello nay!" masayang wika ko. “Ano, nakahanap kana ba?" “Wala pa po nay eh." “Kung ganoon, umuwi ka na lang kaya anak! Ako ang malilintikan sa ‘yo, saan ka na ba at ipapasundo nalang kita diyan ng taxi.” “Nanay! Huwag na po, paano ako maging independent nito kung hindi ko po susubukan. Dito lang naman ako nag-iikot sa may Pasig nay kaya huwag kang mag-alala.” "Nakung bata ka, kahit dalaga k
CHAPTER 05Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Miss, may hiring po kayo?” tanong ko sa babae bago ako talikuran. “Yes Miss, anong position po?” "Ahmmm, kung ano po ang available Miss, susubukan ko po.” sagot ko sa kanya. "Ok Miss, may hiring po sa 23 meron din sa room 30,” malayo ang isa, kaya uunhan ko muna ang malapit sa akin. “Sige Miss, saan po ako dadaan? Nakakalito po kasi eh.” Tanong sabay kamot ng ulo, ang daming kwarto kaya malilito ka talaga. “Diretso ka lang po diyan, lumiko ka sa left side at and magbilang po kayo ng limang kwarto sa right side, sa right side mismo, nariyan po ang room 23, may nakapila pa naman po, kung wala nang tao sa labas ay baka last interviewer na kaya pasok lang po kayo Miss.” saad nito. "Sige Miss, thank you.” "Alright po good luck!” masayang wika nito bago ako iwan dahil may pinapautos pa sa kanya ang head. Napanguso pa ako dahil nakalimutan ko nga palang itanong kung sino ang pangalan ng staff nila kanina na lalaki na n
CHAPTER 06 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umabot ng ilang minuto na tinititigan niya ang biodata ko. Hindi ko akalain na ganyan pala siya kabusisi sa mga papasok na trabaho sa kanya. Naninigurado at baka hindi tama ang nakalagay? Nakahanda ang matamis ko na ngiti at hindi na ito binago pa, habang nakatayo lang ako at nakaupo siya sa kanyang swivel chair. Medyo nangangalay na ang mga paa ko pero titiisin ko nalang lalo at hindi naman siya nagsabi na umupo ako. Ang damot naman ng upuan nito. Hindi ko naman akalain na ganito pala katagal. Tumingala siya sa akin at timing na nakangiti pa rin ako, kamuntikan ko na sana isarado ang bibig ko at baka may langaw na pumasok o di kaya lamok, wait meron ba iyan sa kanyang office? Wala naman siguro. “Lingling Montaño? Are you related to someone else?" “Po?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. "Uhmm…no po…I mean…si nanay ko lang po, ang kasama ko sa condo unit." related ko naman si nanay ah, tinitigan niya ako sa mata at t
CHAPTER 07 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Anong nangyayari sa iyo at noong isang araw ka pa balisa?” tanong ni nanay sa akin. “Ano ba talaga ang nangyari sa lakad mo noong nakaraan? Pinayagan kitang umalis dahil sa tingin ko ay kaya mo na pero nitong huling alis mo ay para kang takot ka o ano.” dagdag pa niya. Nasa kwarto ako at hanggang ngayon minsan lang akong lumalabas ng bahay. Nginitian ko si nanay at binalik ang attention sa binabasa ko na libro. "Wala naman nanay, nag-iisip lang po ako kung saan na naman ako maghahanap ng trabaho." saad ko kahit kalahati na rason ay hindi tungkol sa paghahanap ng trabaho. Naalala ko kasi palagi ang nangyari sa lalaki, hindi ko na alam kung kumusta na siya dahil pinigilan na ako ng ilang guard sa building niya nagtatrabaho na makalapit, basta umalis na rin ako no'ng dinala na ito sa hospital. “Iyan ba? Ano ba ang gusto mong trabaho? Nakapagtapos ka naman ng business course, may iba ka pa ba na gusto?” "Kahit ano nanay, na
CHAPTER 08Yaya Lingling and the Billionaire's twin Tatlong beses na tumutunog ang alarm clock at kanina ko pa pinapatay pero ngayon ay hindi na pwedeng ipagliban. “Ano na? Sasama ka sa akin o hindi? Kanina kapa ginigising ng alarm clock mo pero nariyan ka pa rin at nakabaluktot sa kumot mo.” see, kung ang alarm clock ay pwede akong gisingin pero matatahimik ko ngunit kasalungat naman kapag si nanay na ang gigising sa akin. “Sasama nanay, wait lang po at magbibihis na po ako.” sabi ko pero nakatihaya pa rin ako sa kama. “Bahala ka riyan, malapit na mag-alas otso at nariyan ka pa rin sa kama mo, nakapagbihis na ako at makakain, ikaw nasa panaginip mo pa,” agad kong dinilat ang aking mga mata at matamlay na bumangon. Hindi pa ako umalis sa kama at nakaupo lang. Malapad ang ngiti ko kay nanay dahil may naalala. Nasa kwarto ko ito at binubuksan ang glass window sa kwarto para magising na talaga ako. “Nanay ang ganda kaya ng panaginip ko, may trabaho na raw ako at ang bait-bait ng a
CHAPTER 09Yaya Lingling and the Billionaire's twin“Can we sit here beside you? If not then…it's okay.” sambit sa isa sa kambal, hindi ko lang alam kung sino sa kanila ang naka-away ko I mean not my enemy pero nakasagutan ko sa mall noong kailan lang. Magkapareho kasi ang mukha kaya hindi ko ma identify. Oh wait may nunal siya, samantalang ang isa ay wala pero nakalimutan ko kung sino nga ang nakaharap ko noon.“Ayaw niya yata eh, let's find-" “Yeah sure…I'm not the owner of this chair, so yeah…pwede kayo umupo.” saad ko agad at umusog pa ng konti, nasa simbahan kami kaya kailangan na bawasan ko ang sungay ko nang kaunti. Lalo at may ka maldita ang mga batang ito, same yata kami.“Kilala mo ba ang mga iyan?" bulong na tanong ni nanay sa akin na nasa tabi ko lang sa bandang kanan nakaupo.“Medyo po-" “Medyo?" “Yeah…hindi ko po sila lubos na kilala, pero sila yong sinabi ko sa inyo noon na nag-aagawan kami ng toy na favorite ko. Isa sa kanila ang gumawa.” balik bulong ko sa kanya.
CHAPTER 83Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Really kuya?" “Yes bunso, ayon sa nakalap namin na impormasyon tungkol sa lalaki niya ay may mga illegal ito na gawain sa ibang bansa." Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga iilang impormasyon na binigay ni kuya Danzekiel sa akin. Kakagising ko lang at ito agad ang nalalaman ko. “At ngayon, ginamit niya ang bruha na ito para lang mas lumago at maraming connection ang baliw na iyon kuya." Natawa siya sa ginamit ko na salita. “I must say yes or depende na rin kung in love na talaga siya dahil look alam mo na ganyan ang gawain ng partner mo and then nariyan ka pa rin sa kanya? Kabaliwan iyan.” Hindi ko rin kayang sagutin ang sinabi ni kuya. Marahil tama siya o may dahilan pa ang lahat kung bakit niya ginagawa ang mali."Sige kuya, thank you for telling me about this. Maging mapagmatyag na rin ako dito sa mga kinikilos niya at baka mamaya ano pa ang gagawin niya.”"Kailan mo sasabihin sa crush mo….I mean sa amo mo ang tungk
CHAPTER 82Yaya Lingling and the Billionaire's twin Bumangon ako dahil nagugutom. Madaling araw na at nagising lang dahil nagrereklamo ang tiyan ko. Kumain naman ako kanina pero hindi ko alam kung bakit umiiyak ang mga alaga ko sa tiyan. Nasa guess room natutulog si Yaya nanay, hindi ko siya pinatabi sa akin matulog dahil ayokong magkasakit siya at mahawa sa akin. Gabi na at hindi ko na muna pinauwi kaya bukas nalang. Tumatawag nga si mommy at daddy sa kanya at kinu-kumusta ako noong mag-isa nalang kami sa kwarto. Pinihit ko ang doorknob para makalabas ng kwarto at pumunta ng kusina, dahan-dahan ang kilos ko lalo at bababa pa ako ng hagdan, medyo mabigat pa ang pakiramdam ko pero carry na , hindi ko na gigisingin si nanay dahil alam ko na pagod din siya sa kababantay sa akin kanina. Naging pangalawang nanay ko na talaga siya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniiwan.“Where are you going?" Napalundag ako na may narinig na boses lalaki pagbaba ko mismo ng hagdan. Muntik na
CHAPTER 81Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kinapa ko kung nasaan ang cellphone ko nakalagay para matawagan si Yaya nanay. “Oh hija, bakit napatawag ka?”“Yaya nanay, come to my room please…I think I have a fever po.” “Nilagnat ka? Bakit naman, dahil ba yan kahapon sa school ng mga bata?" “Siguro po…" sagot ko sa kanya.“Sige, tatawagin ko lang ang driver para pupunta ako diyan," aniya at saka lang ako natauhan, pilit kong binubuksan ang mga mata ko kung totoo bang hindi ako nanaginip. “Sorry Yaya, nasa ibang bahay pala ako, akala ko nasa sariling room ako ngayon. Huwag ka na lang pumunta yaya. I can take care of myself naman po.” “No. Pupunta ako ngayon, wait lang kinuha ko lang ang mga gamot mo." Napangiti nalang ako kahit nasa kabilang linya ang kausap ko na alam ko na nagmamadali ang mga kilos ni Yaya. Dati ko pa kasi ginagawa ito na kapag may gusto ako o may sakit ay tinatawagan ko nalang si Yaya nanay. Malaki na ako pero bini-baby pa rin ako. “Thank you yaya-" “
CHAPTER 80Yaya Lingling and the Billionaire's twin "Do you?" “I did. Nag-sorry na ako sa mga bata, and we are both okay.” pilit kong pinapasok sa utak ko ang salitang sinabi niya. “Sincere ba ang sorry mo?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata sa tanong ko. “What do you mean? Of course, I apologized to them and were both okay na nga, and why I'm here because I know, I made mistakes with you too.”"Wala naman akong pakialam kung hindi ka humingi ng sorry sa akin boss, dahil una palang hindi ka sa akin dapat magsosorry kung di sa mga bata, sa mismong anak mo, kasi sila po ang nasasaktan sa ginagawa mo kaninang umaga. That's why I'm asking you kung sincere ba talaga ang sorry mo dahil kung paulit-ulit lang din ang paghingi mo ng sorry but still you're breaking their hearts, masasaktan at masasaktan pa rin sila boss Kale.”"Nag-sorry na nga ako. I already apologized! I said sorry to them na hindi na mauulit, don't you get it?” Pabulong ngunit may galit nitong banggit sa aki
CHAPTER 79 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nagpatuloy ang sack race na si Carpo ang kasama ko at ng mga bata. At nang mabalingan ko si Mr. Callisto ay galit itong nakatingin sa amin. Eh sa mabagal ka! Maraming paraan para madala sa hospital at iwan ang girlfriend mo dahil may kailangan kang asikasuhin at ito ang mga anak mo pero wala ka paggising nila. Hindi ka pa tumawag sa akin para masabi ko sa mga bata, sa iba kapa nagsabi kaya isa iyan na dahilan kung bakit ako galit. Dahil sa mga nalalaman tungkol kay Jeniza, naging praning ako at iyon ang bagay na hindi ko pinapahalata sa kanila at kanina tinawagan ko ang investigator ko para imbestigahan kung totoo ba na masakit ang tiyan ng babae na iyon, at kung malaman ko na nagsisinungaling lang ito para lang masira ang araw ng mga bata ay hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa bruha na iyon dahil sobra-sobra na siya. “Go! Tito pogi! Go Yaya mommy! Huwag po kayong magpatalo! Go! Tito pogi!” sigaw ni Lysithea habang nata
CHAPTER 78YLATBT “Hi Tito pogi!" magiliw na wika ni Amalthea na makita si Carpo. Pogi raw, saan banda? Well, may ibubuga din naman ang loko na ito. Mabuti nalang hindi na ganoon kabigat ang mga mukha ng mga kambal hindi tulad kanina na sobrang lungkot talaga. “Hi kids! I thought you guys don't know my name huh, ganyan dapat ang itatawag niyo sa akin, ako lang naman ang pinakapogi sa buong kamaynilaan, at dahil ganyan ang tawag niyo sa akin, may gift kayo sa akin pero sa birthday niyo at pasko ko pa ibibigay, how's that?" Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasabi ni Carpo. At ito namang mga bata naniwala sa kanya. “Yeheey, thank you po!" “Huwag mong pinapaasa ang mga bata, baliw na tao ito. Paano kung maniwala sila?” natawa ito. "What? Hindi ako tulad ng amo mo na mahilig mag-indian, believe me. I keep my promise bruh, kaya chill kalang, sige ka, gusto mo magkakawrinkles ka dahil probemado ka masyado." Masama ang tingin ko sa kanya ngunit ang lalaki na ito ay panay n
CHAPTER 77YLATBT Halos murahin ko na ang amo ko na hindi agad sinagot ang tawag. Ilang ring pa at kung wala pa rin akong marinig na sagot ay…ipapakidnap ko talaga si Kale Arcus Callisto kung saan man siya ngayon. Damn him, ang ganda ng awra ko ngayon, pero sa inis ko sa boss ko na iyon ay pakiramdam ko, ang pangit pangit ko na. Ibaba ko na sana ang tawag na may sumagot sa kabilang linya. “Hello-" sa wakas, buti naman at naisipan mo pang sumagot kang gulay ka. “Anong hello hello ka diyan ha? Saan ka na at bakit hanggang ngayon ay wala ka pa rin sa paaralan? Hoy! Naghihintay ang mga anak mo, mas inuna mo yan, hindi mo nga alam kung mahal ka ba talaga ng babae na yan o pinaglaruan ka lang, alam ko naman na may sakit ang girlfriend mo, eh nasa hospital na iyan ngayon, bakit hindi mo muna yan ipabantay muna sa mga nurse at doctor na nariyan? Kung kulang pa ang isa o sampung nurse, magsabi ka lang at padadalhan pa kita ng one hundred na doctor at nurse na galing sa ibang bansa. Kani
CHAPTER 76Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Tapos na kami Yaya, kumain ka na rin po, then aalis na po tayo pagkatapos naming mag toothbrush ng ngipin po ni kambal. Thank you po sa masarap na ulam Yaya Marivic. Akyat na muna kami sa taas po." Matamlay na wika ni Amalthea kaya nagkatinginan kami ni Manang Marivic at sabay ba malalim na napabuga ng hangin. Awang-awa sa mga bata. Umalis ang dalawa na mabigat ang mga paa sa paghakbang, ibang-iba kanina paggising at kausap ko habang inaayusan. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ulit ni Manang kaya matamlay din akong napatingin sa kanya. “Bakit ba kasi bigla nalang sumakit ang ng tiyan ni ma'am Jeniza, ano kaya kinain no’n kagabi?” aniya na mas lalong nagpakulo sa akin. Tama nga naman, sa daming araw bakit ngayon pa sumakit ang tiyan niya? Sisiguraduhin niya lang na masakit talaga ang tiyan niya at kung hindi at nagdadrama lang, baka hindi niya alam ang purwisyo na ginawa niya. Ako talaga ang makakalaban niya.“Baka k
CHAPTER 75Yaya Lingling and the Billionaire's twin Five thirty na ng umaga at ito ako malapit ko ng matapos na ayusin ang buhok ko, ginawa ko kasing centipede ang style, handa na at excited sa kanilang family day ng mga bata. Hindi ko sila kadugo at Yaya lang ako nina Amalthea and Lysithea pero ito ako at excited pa sa kanilang activities mamaya sa school, mamayang alas otso pa naman magsisimula pero maaga lang ako ngayon nagising. Ngayon ko naiintindihan kung bakit masaya ang mga magulang ko. Wala ako sa mood pero ang saya ng mga magulang ko noong may family day din sa school. Sana, hindi lang ako ang excited kundi ang mga bata rin. Memorable ito dahil hindi lang si boss ang pupunta, may Jeniza rin sila na kasama. Pagbibigyan ko siya na maging maayos ang pakikitungo niya sa mga bata, sana lang, galingan niya lang dahil kung hindi, makakatikim siya sa akin, ibalibag ko siya kung mag-iinarte lang siya sa campus. Dati ang mga magulang ko ang excited sa mga nangyayari sa akin noon