ANG TAKAS

ANG TAKAS

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-03-31
Oleh:  Georgina de GuzmanTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
118Bab
19.3KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sophie Samonte escaped on the day of her wedding. Due to that, the groom, Tony Sandoval, and his family were put to shame. The father was so furious and the mother fainted. The mother was rushed to the nearest hospital but declared dead on arrival. The Sandovals want revenge. They want the Samonte family to suffer the same tragedy and shame that Sophie brought them. Ella, Sophie's best friend befriended Tony Sandoval. She plans to make the guy fall for her, and when emotionally attached, she will manipulate him., to help her best friend. But they both fall in love with each other. Meanwhile, Sofie applied and was hired as a private nurse of Ananda Madrid, a rich family in Palawan. There he met Victor Madrid. Their personality clashed and began no to like each other the since the first time they met. But cupid has his way to make them fall in love. Sophie's mother got sick, and she needs to go home, but the Sandovals are still hunting her. And her fear became a reality the moment she set foot at the airport. She was kidnapped and brought to Tony Sandoval, which made her choose... "Marry me or your mother will die."

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1: ANG KASAL

Nakahanda na ang lahat sa wedding reception ng kasalang Tony Sandoval at Sophie Samonte, na gaganapin sa ekslusibong hotel/resort/casino sa Metropolitan Manila. Halos magliyab sa liwanag ng hindi mabilang na ilaw ang kapaligiran. 

Nagpapaligsahan sa galing ng pagi-entertain ng mga bisita ang iba’t ibang entertainer na iba’t ibang talent ang ipinamamayagpag.

May dalawang babaing maganda at kaakit-akit ang hubog ng katawan ang nasa swimming pool, naka- costume ng sirena, at nagpapamalas ng iba’t ibang tricks at husay sa paglangoy, habang umiindak ng ballet ang mga batang nakasuot ng ballet costume na nakapaligid sa kanila. 

Kagustuhan ni Senyor Gaspar Sandoval ang dagdag na entertainment ng mga sirena, dahil napag-alaman niyang paborito ng kanyang mamanugangin ang pelikulang “Ariel.”

Milyones ang ginasta ng pamilya Sandoval sa marangyang kasalang Samonte-Sandoval.

Ah, hindi niya panghihinayangan kahit bilyon pa ang magasta niya sa kasal ng nag-iisang anak.

Ang panghihinayangan niya’y kung hindi magiging Sandoval ang maganda, matalino at pansining si Sophie Samonte. 

“Isang natatanging asset si Sophie,” sabi niya noon kay Tony, “maipagyayabang mo. Kahit idispley mo lang siya, e, matatameme na ang mga kakalaban sa negosyo natin. E, hindi lang naman siya basta maganda, very striking pa ang personality niya, napakatalino pa

Walang narinig na pagtanggi kay Tony Sandoval ng sabihin ng amang arranged na ang marriage niya kay Sophie Samonte. Ni hindi nga nito pinagtangkaang makilala man lang ang babae.

“Alam ko naman na para sa ikatatatag ng pamilya Sandoval ang dahilan kung bakit niya gustong maging asawa ko ang kung sino mang babaing ‘yun.” ang nasabi ni Tony noon, sa isang kaibigan.

Excited ang wedding planner at mga staff nito, na hindi mo mahahalatang pagod, sa pagsalubong sa mga bisitang nagsisimula ng magdatingan. Lahat ay may ngiti sa labi. Masaya ang bawat isa.

Ngunit hindi doon ang simula ng pagdiriwang.

Maingay, masaya ang kapaligiran sa tahanan ng mga Samonte. Masasayang halakhakan at batian habang hindi magkandaugaga ang mga kasambahay sa dami ng mga dumarating na bisitang nagmumula sa iba’t ibang panig ng mundo, na bawat isa ay may mamahaling handog para sa babaing ikakasal, ang nag-iisang anak ng mga Samonte.

Si Sophie Samonte

Na habang nagsisipagdiwang ang lahat sa kanilang bahay para sa kanyang nakatakdang kasal sa araw na iyon, ay animo naman ito namatayan na walang tigil sa pagpatak ang luha.

“Sophie naman,” nakikiusap ang kanyang maid of honor/best friend, “almost one hour ka ng late sa kasal mo.”

Maingat, marahang pinunasan ng maid of honor ang luha sa mukha ng kaibigan, “papangit ka niyan sa kai-stress, e. Stressed na stressed na rin ang papa at mama mo. Kanina pa daw tawag ng tawag sa phone ang parents ni Tony, bakit hindi ka pa daw dumarating sa simbahan,” mahinang sabi, “kailangan na nating umalis. Bumaba na tayo. Inip na ‘yung driver ng limousine ng mga Sandoval.”

Matigas ang ekspresyong tinitigan ni Sophie ang sariling repleksiyon sa salaming kaharap.

“Bakit kailangang magpakasal ako sa taong hindi ko naman gusto, at ni hindi ko man lang alam kung anong klase ng pagkatao mayroon?” ang tanong.

“OMG Sophie, alam mo naman ang dahilan.”

Malaki ang pagkakautang ng kanyang ama sa kaibigan nitong si Gaspar Sandoval, kaya’t hindi ito nakatanggi ng isuhestiyong ipakasal ang kanyang anak sa anak nitong lalake.

“Bakit ako ang kailangang maging pambayad utang?” garalgal ang tinig, puno ng pait.

“Sus, Ginoo! Bakit ngayon ka pa magrereklamo kung kalian kasubuan na? Kung kalian naghihintay na sa iyo ang iyong groom sa simbahan.”

“Ayokong pakasal!” kasabay sa paghablot ng belo sa kanyang ulo ay saad ni Sophie.

“Are you insane?”

“Hindi pa. Pero malamang na mabaliw akong tuluyan kung makakasal ako sa taong halos hindi ko kilala.”

Bata pa siya’y pinangarap na niyang makatagpo ang kanyang magiging hero. Iginuhit na niya ito sa kanyang imahinasyon at pinagpantasyahan ang maginoo, romantiko at mapagmahal na pagligaw nito sa kanya.

Ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso at magbibigay sa kanya ng mga nakakakilig na alaala.

Ang lalaking magmamahal sa kanya ng buong katapatan at mamahalin din niya nang walang hanggan.

Kumalansing ang mga hiyas na bato sa koronang nakakabit sa belo, ng ito ay ibinalibag ng bride sa dinding. Kumislap sa paligid ang sumabog na batong hiyas.

Hindi niya matanggap ang realidad na nagaganap sa kanyang buhay. 

“Tao ako at hindi hayup na puwede nilang I-match at ipa-breed sa kung kanino nila gusto!”

“Kalma ka lang, bes.” 

Nag-aalalang pagpapakalma ng kaibigan kay Sophie, nang mapansing nanginginig na ang mga kamay nito sa sobrang emosyon.

“Paano ako kakalma, ganitong buong future ko ang nakataya sa kasalang ito?”

“Nadi-develop naman ang love. Malay mo ma-develop ka rin sa pakakasalan mo.”

“Obsolete na ang film, kaya wala ng nagpapa develop. Hindi ako obsolete kaya hindi ako madi-develop.” 

“Bakit ba kasi hindi ka noon nagpakatanggi tanggi? Kung kailan andami ng taong nakasabit at mapapahiya…”

“Hindi ako kinunsulta sa kasalang ito!” sigaw ni Sophie na pumutol sa pagsasalita ng kaibigan.

“Ssshhh…” pagpapatahimik ni Ella sa kausap, “huwag kang sumigaw! Baka marinig ka ng papa mo, e, sugurin tayo rito!” 

Hininaan ang nanginginig, emotional na tinig, nagpatuloy ang bride sa pagrereklamo.

“Ako ba ang kumausap sa ‘yo para maging maid of honor ko?” tanong nito.

Ang papa at mama ni Sophie ang kumausap kay Ella tungkol sa pagme-maid of honor sa kasal nito. 

“Kami na ang kumausap sa iyo at sa iba pa, para hindi mawala ang focus ni Sophie sa pagri-review sa board exam niya. Huwag mo na siyang abalahin, okay naman na ang lahat. Ipadadala na lang namin sa ‘yo ang gown na isusuot mo sa araw ng kasal.” natatandaan niyang sinabi ng mga ito sa kanya.

 Biglang hinablot ni Sophie ang kamay ng kaibigan.

Nabigla, kinabahan si Ella.

“Bakit?”

“Tatakas tayo!”

 “Huwaaatt? Are you insane?”

Kilala niya ang pagiging impulsive ng kaibigan, na bagaman may mga pagkakataong nagkakaroon ng mabuting resulta ang mga pabigla-bigla nitong desisyon, may mga pagkakataon ding napapahamak ito sa ugaling iyon.

At ramdam niya na sa pagkakataong iyon ay malaking kapahamakan ang mangyayari kung matutuloy ang balak nitong pagtakas.

Ngunit desidio si Sophie. 

Binitawan ang kamay ng kaibigan. Hinubad ang suot na damit. Ikinaskas ang makinis na parte niyon sa mukha, pilit binubura ang make up.

Ibinalibag iyon matapos gamitin.

“Sus naman, Sophie, bakit mo ginanyan ang pangkasal mo?”

Hindi matanggap ng maid of honor ang ginawa ng bride sa damit pangkasal nito.

“Nanggigigil ako at wala akong mapagbuntunan ng panggigigil ko!”

HInayang na hinayang, dinampot ni Ella ang puting wedding gown na kumikinang sa dami ng swarovsky stones. Alam niyang pangarap at mananatiling pangarap lamang sa maraming babae, na nangangarap magpakasal, ang makapagsuot ng ganoong klase ng wedding gown.

“Napakamahal na wedding gown, ginawa mo lang na parang tissue paper.”

“Bitawan mo ‘yan,” utos ni Sophie, sabay sa paghablot sa damit pangkasal na hawak ng kaibigan.

Shocked. Nandidilat ang mga matang napasigaw si Ella.

“Huwaaagg!”

Pinagtatapakan ng kaibigan niya ang wedding gown na likha ng kinikilalang pinakamahusay na designer ng mga damit, sa Pilipinas.

“I hate this wedding gown! I hate the wedding. I hate… I hate..” hindi maisip ni Sophie kung ano pa ang kinasusuklaman niya, “I hate everything!” bigla ay sigaw, habang patuloy sa pagtapak at pagpadyak sa mamahaling wedding gown.

Hanggang mapagod. Hinarap ang kaibigan.

“Hubarin mo ‘yang suot mo, palitan mo ng kahit anong damit sa closet ko, ‘yong hindi pansinin!"

“Pero…” nagdadalawang isip si Ella.

“Wala ng pero-pero. Magpalit ka na ng damit. Go!”

Pinigil ang sarili na mataranta, mabilis na naghubad ng suot si Ella. Walang inaksayang sandali, humatak ng skinny jeans at t-shirt na may hood sa closet. Isinuot iyon. 

Alam niya, hindi iyon ang tamang pagkakataon upang makipagtalo sa kaibigan. Tiyak niyang lalo lang mag-aapoy ang galit nito kapag nakipag-argumento siya. 

Ilang sandali pa’y ready to go na sila.

“Ninenerbyos ako, Sophie. Baka mahuli tayo.”

“Kumalma ka para hindi ka mahalata! Itakip mo sa ulo mo ‘yang hood ng shirt. “

Hinatak ni Sophie ang kaibigan. Mabilis ngunit maingat na binuksan ang pinto. Malilikot ang mga matang sinuyod ng tingin ang kapaligiran ng daraanan nila. Inayos ang scarf na nakalagay sa ulo, upang hindi mapagtuunan ng pansin ng mga taong naroon ang kanyang mukha.

“Safe. Let’s go!”

Mabilis ngunit maingat, hawak kamay nilang tinawid ang sala, iniiwasang matingnan at mapatingin sa kanino man na naroon.

Halos hindi humihinga si Ella.

Hatak ang kaibigan, agad lumiko si Sophie sa kusina ng makita ang amang palinga-linga. 

Sa pinto sa kusina sila lumabas upang magtungo sa garahe.

Naniginginig na si Ella. Takot na takot.

“Kalma ka lang, kaya natin ‘to.”

Pagpapakalma ni Sophie sa kaibigang ramdam niya ang panginginig

 Mabilis na nilapitan ng dalawa ang kotseng pula na pag-aari ni Sophie, nang marating nila ang garahe.

“Sakay! Bilis!” utos ni Sophie sa kasama.

“Opo! Sasakay na po!” 

Mabilis na nakalabas ng garahe ang sasakyan. At ilang sandali pa’y matulin na nitong binabagtas ang lansangan.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Ella.

“Hindi ko alam.”

“OMG! Lumayas ka sa pamamahay n’yo nang hindi mo alam kung saan ka pupunta?”

Hindi kumibo si Sophie.

“Hindi tayo puwedeng umuwi sa bahay namin, dahil siguradong doon ka unang hahanapin ng mga magulang mo.”

“Mag hotel muna tayo.”

“May dala kang pera?”

“Credit card.”

“‘Yong extension sa credit card ng papa mo? Gusto mong madiskubre agad ng papa mo kung nasaan tayo?”

“Hindi ako tanga, uy! Magwi-withdraw ako sa atm, then, magtse-check in tayo sa hotel na malayo sa pinagwidrohan ko ng pera.”

“Planado!”

“Hindi. Ngayon ko lang naisip ‘yun. Alam mo naman ang utak ko, mabilis makaisip ng paraan.”

‘Yeah, I know. Mabilis kang mag-isip. Mabilis magdesisyon. Kaya malamang nito mabilis rin tayong malilintikan."

“Huwag ka ngang nega!’

Tumahimik si Ella. Ngunit ang puso niya’y hindi matahimik. Malakas, mabilis ang kalabog nito sa labis na kabang nararamdaman. Pakiwari niya’y umakyat na sa lalamunan ang kanyang puso. Hindi na halos siya makahinga.

                     *******

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Docky
hala ang ganda ......
2022-07-01 05:25:31
1
118 Bab
CHAPTER 1: ANG KASAL
Nakahanda na ang lahat sa wedding reception ng kasalang Tony Sandoval at Sophie Samonte, na gaganapin sa ekslusibong hotel/resort/casino sa Metropolitan Manila. Halos magliyab sa liwanag ng hindi mabilang na ilaw ang kapaligiran.  Nagpapaligsahan sa galing ng pagi-entertain ng mga bisita ang iba’t ibang entertainer na iba’t ibang talent ang ipinamamayagpag.May dalawang babaing maganda at kaakit-akit ang hubog ng katawan ang nasa swimming pool, naka- costume ng sirena, at nagpapamalas ng iba’t ibang tricks at husay sa paglangoy, habang umiindak ng ballet ang mga batang nakasuot ng ballet costume na nakapaligid sa kanila. Kagustuhan ni Senyor Gaspar Sandoval ang dagdag na entertainment ng mga sirena, dahil napag-alaman niyang paborito ng kanyang mamanugangin ang pelikulang “Ariel.”Milyones ang ginasta ng pamilya Sandoval sa marangyang kasalang Samonte-Sandoval.Ah, hindi niya panghihinayangan kahit bilyon pa ang magasta niya sa kasal n
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 2: GALIT AT KAHIHIYAN
  Umuugong ang bulung-bulungan sa simbahang kinaroroonan ng pamilya Sandoval. Inip na sa paghihintay sa bride ang lahat ng naroon. May ibang nag-aalala. “Baka naaksidente na ang bride.” “Susmaryosep, wala naman sanang masamang nangyari sa babaing yun!”  Hindi mapakali ang groom, panay ang punas nito ng panyo sa pinagpapawisang mukha. Ramdam ang pagkapahiya, dahil dalawang oras na ang nakalilipas sa takdang oras ng kasal, ay hindi pa rin dumarating ang kanyang pakakasalan. Biglang hinimatay ang mama ni Tony, matapos bulungan ng isa sa mga staff ng security force na siyang nagtsi-check sa pamamagitan ng pagtawag sa phone, kung saan na naroon ang babaing ikakasal. Nanlamig ang buong katawan ni Tony ng ibulong din sa kanya ng kanyang best man ang bagay na ibinulong ng security staff sa kanyang mama.  Wari ay gustong magwala sa galit ang papa niya.“Hindi ko matatanggap ang kahihiyang ito!” sa pagitan ng nagngangal
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 3: ANG TRAHEDYA
 Dead on arrival ang kanyang ina, ayon sa deklarasyon ng mga doktor na sumuri dito kapagdakang idinating ito ng ospital.Madalian naman ang pagpapa- cremate sa labi ng mama niya, upang maiwasan ng kanyang ama ang mga darating at makikiramay (daw). Iniwasan ng kanyang ama ang mga tanong at pag-uusisa tungkol sa hindi natuloy na kasalan.Trauma sa kanilang mag-ama ang pangyayaring naganap.“Malalampasan din namin ito.” Parang dasal na naibulong ni Tony.Nakabukol pa rin sa kanyang puso ang kahihiyang ibinigay sa pamilya nila, ni Sophie Samonte. Ang mga panlalait, pag-alipusta sa kanya ng mga miron sa simbahang pagdarausan sana ng kasal nila.…Ang kamatayan ng kanyang ina.…Ang inakala ng lahat na dahilan ng pagtakas ng bride.“Kasalanan ko ba kung naging ganito kapangit ang pagmumukha ko?”Nagtititigan sila ng sarili niyang repleksyon sa salaming kanyang kaharap. Nagtatanong sa isa
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 4: WANTED:SOPHIE SAMONTE
  Wanted: Sophie Samonte  Hinihingal ang nagmamadaling si Ella ng pumasok sa loob ng bahay. Agad pinuntahan sa silid na kinaroroonan ang kaibigan.“Wanted ka, Sophie!”Kunot ang noong napatitig si Sophie sa mukha ng nag-aalalang kaharap. Inis.  “Bakit ako magiging wanted,e, wala naman akong ginawang krimen?” ang tanong.“Nakapaskel sa mga pader at poste ang picture mo. Nakalagay wanted for estafa!” “What? Wala akong ini-estapang kahit sino!”Agad pumasok sa isip ni Sophie ang pangit na mukha ng lalaking tinakasan niya. Ang utang ng kanyang ama kay Senyor Gaspar Sandoval. “Si Tony. Ang mga Sandoval…”Mabilis nakabuo ng konklusiyon ang utak ni Ella mula sa mga salitang nasabi ng kaibigan.“Baka ginagantihan ka na ng mga Sandoval, dahil sa inabot nilang kahihiyan noong hindi mo siputin ang kasal mo k
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-20
Baca selengkapnya
CHAPTER 5: WALANG EBIDENSIYA
 Halos mahukay na ang baldosa sa pagpaparoo’t parito ni Don Genaro Samonte. Pilit niyang hinahanap sa kailaliman ng kanyang isip ang paraan kung paano makakasuhan ang mga Sandoval.“Wala tayo kahit na circumstantial evidence man lang. Wala rin tayong testigo. Paano tayo maghahain ng kaso?”“Puwede tayong kumuha ng false witness,” sagot ni Don Genaro sa abogadong hinarap, “magbabayad ako!”“Mas maganda ho sigurong magpa-imbestiga muna kayo. Huwag muna ninyong pairalin ang inyong galit. Matatalo tayo kung emosyon ang paiiralin natin at hindi ang katwiran.”Natigilan ang don.    Simula nga ng mabalitaan at matiyak niyang nakapaskel sa kung saan-saang lugar ang larawan ng kanyang anak' na may babalang Wanted for estafa, at mag-viral pa sa social media ang ganoon ding larawan at impormasyon, ay hindi na niya nagawang mag-isip nang wasto. Pagkapoot at suklam ang naghari sa kany
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-20
Baca selengkapnya
CHAPTER 6: TONY MEETS ELLA
  “I’m so sorry kung naabala kita,” hinging paumanhin ni Ella, “hindi pala ikaw ‘yung Tony Sandoval na hinahanap ko. Mali ang impormasyong nakuha ko.” “Well, palagay ko’y may dahilan kaya ka nagkamali.” Tumawa si Ella, “talagang may dahilan” ang nasa isip niya. “Malay mo, baka ako ‘yung lalaking inilalaan ng tadhana para sa iyo, kaya kailangang magkakilala tayo.” pagbibiro ni Tony.  “Bakit gusto mo na ba ako agad? Balak mo akong ligawan?”Ganting biro ng babae. “Sasagutin mo ba agad ako ng oo?”Nagkatitigan ang dalawa. Mata sa mata. Dikawasa’y sabay na humalakhak. Iyon ang unang pagkakataong nakarinig ng masayang halakhak ng babae si Tony na hindi ang kapangitan niya ang pinagtatawanan. Ang kaisa-isang pagkakataong hindi nilait ng magandang babae ang anyo niya. “Hindi ka ba naiilang sa pagmumukha ko?” hindi niya natiis na hindi itanong. Kumunot ang noo ng tinanong. “Bakit naman ako maiila
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-20
Baca selengkapnya
CHAPTER 7: HIRED
Malalim na ang gabi. Hindi magkandatutong isinuksok ni Ella ang susi sa seradura ng pinto. "Siguradong nag-aalala na si Sophie." Pakikipag-usap niya sa sarili. Malalaki ang mga hakbang na tinawid ang kabahayan at tuluy na kumatok sa kuwarto  Nakalabi, nagmamaktol si Sophie, habang nakatingin kay Ella, na pinagbuksan niya ng pinto. Naiinis siya dahil madalas na niyang hindi nakakasabay sa hapunan ang kaibigan. Malungkot ang kumain nang nag-iisa. Agad ngumiti ang bagong dating, sabay sa paghalik sa pisngi ng kaibigan. “Ano'ng balita?” tanong agad. “Bakit ang tagal mong dumating? Kanina pa ‘ko hintay ng hintay sa ‘yo.” ganting tanong ni Sophie. Hindi agad nasagot ni Ella ang kaibigan. Nakatutok ang kanyang tingin sa maletang nasa ibabaw ng kama. “Aalis ka? Lilipat ka na ba? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama sa iyo? Nagtatampo ka ba dahil hindi agad ako nakakauwi pag umaalis ako?” Mas
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-20
Baca selengkapnya
CHAPTER 8: I AM NURSE SOPHIE SAMONTE
  Hindi na nagkaroon ng pagkakataong itanong ni Sophie kay Ella ang dahilan kung bakit hindi agad ito nakauwi noong araw na ginabi siya sa paghihintay sa kaibigan.  Excited nilang pinag-usapan ng gabing iyon ang Pamilya Madrid. Nasentro ang kanilang pagkukuwentuhan sa nag-iisang anak na binata ng mga Madrid. Nilagyan nila ng mukha sa kanilang mga imahinasyon ang lalaking hindi pa nila nakikilala. Na dinala ni Sophie hanggang sa kanyang panaginip.Napanaginipan niyang napakaguwapong lalake ni Victor Madrid. May magandang pangangatawan at maginoong pag-uugali. Nililigawan siya nito. Pinagsisilbihan at nireregaluhan. Hanggang sa naging magkatipan sila. Magkahawak kamay silang namamasyal. Nagsusuyuan. Pakiramdam niya’y nasa ulap siya, lalo ng yakapin na siya nito. At napapikit siya ng hahagkan na siya… PAK! Napadilat si Sophie. “Bakit ka ba namamalo?” tanong niya, kasabay sa paghaplos sa hita niyang pinalo ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-10-20
Baca selengkapnya
CHAPTER 9: GUILTY
 Honda Civic SiR ang kotseng minamaneho ni Victor Madrid. “Manual driving lang. Lumang modelo, “ nasa isip ni Sophie, “middle class, hindi rich. Pero kung makaasta ang lalaking ‘to,  feeling super rich. Kayabang! ”Hindi mahalaga kay Sophie kung middle class man o super rich ang paglilingkuran niya bilang nurse. “Ang importante ay magbabayad sila nang tama at hindi manggugulang. “Makintab at halatang alagang-alaga ang sasakyan. Malinis ang mga upuan at walang kahit anong mantsa na mapapansin sa loob. Makinis ang pagtakbo at walang ingay na maririnig mula sa makina nito.Tahimik si Sophie, habang patingin-tingin sa kanya ang nagmamanehong si Victor. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatutok sa kanyang mukha, at nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang inis sa bawat galaw at ekspresyon ng mukha nito. Inis na nagsimula sa unang sandali pa lang ng pagkikita nila.&ldquo
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-11-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 10: BANGUNGOT
Gumagapang at umaalipin na sa kanyang kamalayan ang matinding takot. Bawat aninong kumikilos ay nagpapanginig sa kanyang laman at nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.“Ano ’yon?” Nanginginig ang tinig na tanong ni Sophie sa sarili, ng mapansin ang aninong wari ay biglang nagtago sa dilim.Luminga-linga siya. Hinanap ang posibleng pinuntahan ng anino.“Baka holdaper ‘yun. Baka terorista! Baka…”Muli may aninong kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinundan niya iyon ng tingin.May kumalabog mula sa hood ng sasakyan.BOG!“EEEEEEEEEEEEEEE!”…….Nakarating sa kinaroroonan ni Victor ang malakas na hiyaw.“Si Nurse Sophie kaya ‘yun?”Nanainga. Hinintay kung may maririnig pang sigaw.…….“EEEEEEEEEEE…”Nakapikit nang mariin ang mga mata ni Sophie, habang patuloy sa pagsigaw.D
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-11-19
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status