Halos mahukay na ang baldosa sa pagpaparoo’t parito ni Don Genaro Samonte. Pilit niyang hinahanap sa kailaliman ng kanyang isip ang paraan kung paano makakasuhan ang mga Sandoval.
“Wala tayo kahit na circumstantial evidence man lang. Wala rin tayong testigo. Paano tayo maghahain ng kaso?”
“Puwede tayong kumuha ng false witness,” sagot ni Don Genaro sa abogadong hinarap, “magbabayad ako!”
“Mas maganda ho sigurong magpa-imbestiga muna kayo. Huwag muna ninyong pairalin ang inyong galit. Matatalo tayo kung emosyon ang paiiralin natin at hindi ang katwiran.”
Natigilan ang don.
Simula nga ng mabalitaan at matiyak niyang nakapaskel sa kung saan-saang lugar ang larawan ng kanyang anak' na may babalang Wanted for e****a, at mag-viral pa sa social media ang ganoon ding larawan at impormasyon, ay hindi na niya nagawang mag-isip nang wasto. Pagkapoot at suklam ang naghari sa kanyang kalooban. Nais niyang manakit, saktan ang mag-amang Gaspar at Tony Sandoval.
“Bakit hindi muna ninyo subuking makipag-usap kay Senyor Gaspar? Hindi rin naman kayo siguradong mga Sandoval nga ang may kagagawan ng mga krimeng sinasabi ninyo.”
“Wala akong puwedeng pagbintangang iba.”
“OK. Mag-hire kayo ng private investigator ipapiga n’yo lahat ng impormasyong puwedeng makuha para makakuha tayo ng mga ebidensiya at testigong magtuturo na ang mga Sandoval nga ang mastermind sa lahat ng mga paninirang puring ginagawa sa inyong pamilya.”
“OK.”
“Kapag sapat na ang ebidensiyang nakuha natin ay magpa-file na tayo ng kasong libel laban sa pamilya Sandoval.”
Ramdam ni Don Genaro ang bigat ng problemang ipinasan ni Senyor Gaspar sa balikat niya.
“Kasalanan ito ni Sophie!”
…….Masaya si Sophie.
“Ella, pasado ako sa interview! Hihintayin lang daw nila ang desisyon ng Padre de pamilya ng mga Madrid!” malakas ang tinig na pagbabalita niya habang papasok sa kabahayan. Nais niyang mai-share agad sa kaibigan ang kaligayahang nararamdaman.
Wala sa kabahayan si Ella.
“Ella! Ella!”
Dinaanan niya ang kusina komedor at banyo, bago tumuloy sa silid tulugan.
“Ella?”
Wala si Ella.
…….Kinakabahan si Ella. Natatakot. Pero kailangang ituloy niya ang naiplanong pakikipagkilala sa unico iho ng mga Sandoval.
“Sino po sila?” tanong ng kasambahay na nasa loob ng bakuran ng mga Sandoval.
“Ella Caprichoso. I have an appointment with Mr. Tony Sandoval.”
“Wala po siya rito.”
“Ganoon ba? Napaaga ‘ata akong masyado. Hindi bale, maghihintay na lang ako.”
“Hindi ko kayo puwedeng papasukin. Magagalit ang mga amo ko.”
“Ok lang. Naiintindihan ko. Dito lang ako sa labas ng gate maghihintay.”“E…”
“Puwede mo ‘kong iwanan dito. Huwag kang mag-alala, I can manage.”
Nahihiyang ngumiti ang kasambahay kay Ella, bago tumalikod at iniwan siya.
Wala siyang appointment kay Tony. Pero alam niya na ang oras na iyon ang pagdating ng lalaking gusto niyang makaharap.
Ilang linggo rin niyang pinag-aralan ang kilos at habit ng lalake, mula sa oras ng pag-alis nito hanggang sa oras ng pagbalik. Nag-hire din siya ng imbestigador na nagreport sa kanya ng mga everyday routine ng lalake upang makatiyak na tama nga ang kanyang ginagawang pagmamanman.Ilang saglit pa’y dumarating na nga ang sasakyan ng lalaking punu’t dulo ng mga pagdurusa ng kanyang kaibigan.
Napakunot ang noo ni Tony ng mapansing may babaing nakatayo sa harapan ng kanilang gate. Binusinahan niya ito. Ngunit kasabay ng pagpindot niya sa busina ay nakita niyang bumaluktot ang mga tuhod ng babae. Bumagsak sa sementadong driveway.Sunud-sunod ang ginawang pagbusina ng lalake, bago ito lumabas ng sasakyan.
At hindi niya naiwasan ang humanga sa magandang anyo ng babaing nakahandusay.
“Perfect,” ang kanyang nasabi, “pati hubog ng katawan, sakto!”
Binuhat niya ito. Isinakay sa kotse.Nagbubukas na ng gate ang kasambahay.
“I’m so sorry kung naabala kita,” hinging paumanhin ni Ella, “hindi pala ikaw ‘yung Tony Sandoval na hinahanap ko. Mali ang impormasyong nakuha ko.” “Well, palagay ko’y may dahilan kaya ka nagkamali.” Tumawa si Ella, “talagang may dahilan” ang nasa isip niya. “Malay mo, baka ako ‘yung lalaking inilalaan ng tadhana para sa iyo, kaya kailangang magkakilala tayo.” pagbibiro ni Tony. “Bakit gusto mo na ba ako agad? Balak mo akong ligawan?”Ganting biro ng babae. “Sasagutin mo ba agad ako ng oo?”Nagkatitigan ang dalawa. Mata sa mata. Dikawasa’y sabay na humalakhak. Iyon ang unang pagkakataong nakarinig ng masayang halakhak ng babae si Tony na hindi ang kapangitan niya ang pinagtatawanan. Ang kaisa-isang pagkakataong hindi nilait ng magandang babae ang anyo niya. “Hindi ka ba naiilang sa pagmumukha ko?” hindi niya natiis na hindi itanong. Kumunot ang noo ng tinanong. “Bakit naman ako maiila
Malalim na ang gabi. Hindi magkandatutong isinuksok ni Ella ang susi sa seradura ng pinto. "Siguradong nag-aalala na si Sophie." Pakikipag-usap niya sa sarili. Malalaki ang mga hakbang na tinawid ang kabahayan at tuluy na kumatok sa kuwarto Nakalabi, nagmamaktol si Sophie, habang nakatingin kay Ella, na pinagbuksan niya ng pinto. Naiinis siya dahil madalas na niyang hindi nakakasabay sa hapunan ang kaibigan. Malungkot ang kumain nang nag-iisa. Agad ngumiti ang bagong dating, sabay sa paghalik sa pisngi ng kaibigan. “Ano'ng balita?” tanong agad. “Bakit ang tagal mong dumating? Kanina pa ‘ko hintay ng hintay sa ‘yo.” ganting tanong ni Sophie. Hindi agad nasagot ni Ella ang kaibigan. Nakatutok ang kanyang tingin sa maletang nasa ibabaw ng kama. “Aalis ka? Lilipat ka na ba? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama sa iyo? Nagtatampo ka ba dahil hindi agad ako nakakauwi pag umaalis ako?” Mas
Hindi na nagkaroon ng pagkakataong itanong ni Sophie kay Ella ang dahilan kung bakit hindi agad ito nakauwi noong araw na ginabi siya sa paghihintay sa kaibigan. Excited nilang pinag-usapan ng gabing iyon ang Pamilya Madrid. Nasentro ang kanilang pagkukuwentuhan sa nag-iisang anak na binata ng mga Madrid. Nilagyan nila ng mukha sa kanilang mga imahinasyon ang lalaking hindi pa nila nakikilala. Na dinala ni Sophie hanggang sa kanyang panaginip.Napanaginipan niyang napakaguwapong lalake ni Victor Madrid. May magandang pangangatawan at maginoong pag-uugali. Nililigawan siya nito. Pinagsisilbihan at nireregaluhan. Hanggang sa naging magkatipan sila. Magkahawak kamay silang namamasyal. Nagsusuyuan. Pakiramdam niya’y nasa ulap siya, lalo ng yakapin na siya nito.At napapikit siya ng hahagkan na siya… PAK! Napadilat si Sophie. “Bakit ka ba namamalo?” tanong niya, kasabay sa paghaplos sa hita niyang pinalo ng
Honda Civic SiR ang kotseng minamaneho ni Victor Madrid.“Manual driving lang. Lumang modelo, “ nasa isip ni Sophie, “middle class, hindi rich. Pero kung makaasta ang lalaking ‘to, feeling super rich. Kayabang! ”Hindi mahalaga kay Sophie kung middle class man o super rich ang paglilingkuran niya bilang nurse.“Ang importante ay magbabayad sila nang tama at hindi manggugulang. “Makintab at halatang alagang-alaga ang sasakyan. Malinis ang mga upuan at walang kahit anong mantsa na mapapansin sa loob. Makinis ang pagtakbo at walang ingay na maririnig mula sa makina nito.Tahimik si Sophie, habang patingin-tingin sa kanya ang nagmamanehong si Victor. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatutok sa kanyang mukha, at nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang inis sa bawat galaw at ekspresyon ng mukha nito. Inis na nagsimula sa unang sandali pa lang ng pagkikita nila.&ldquo
Gumagapang at umaalipin na sa kanyang kamalayan ang matinding takot. Bawat aninong kumikilos ay nagpapanginig sa kanyang laman at nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.“Ano ’yon?” Nanginginig ang tinig na tanong ni Sophie sa sarili, ng mapansin ang aninong wari ay biglang nagtago sa dilim.Luminga-linga siya. Hinanap ang posibleng pinuntahan ng anino.“Baka holdaper ‘yun. Baka terorista! Baka…”Muli may aninong kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinundan niya iyon ng tingin.May kumalabog mula sa hood ng sasakyan.BOG!“EEEEEEEEEEEEEEE!”…….Nakarating sa kinaroroonan ni Victor ang malakas na hiyaw.“Si Nurse Sophie kaya ‘yun?”Nanainga. Hinintay kung may maririnig pang sigaw.…….“EEEEEEEEEEE…”Nakapikit nang mariin ang mga mata ni Sophie, habang patuloy sa pagsigaw.D
Pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal kay Sophie. “Hindi ako makahinga. Bitiwan mo ‘ko!” Habang pilit niyang kinakalas ay lalong humihigpit ang kapit ng mga kamay sa kanyang leeg. “Masama kang tao. Papatayin kita. Dadahin kita sa impiyerno!” “Wala akong kasalanan sa ‘yo!” “Ikaw ang pumatay sa Akin!” “Baliw! Multong baliw! Wala akong kasalanan sa ‘yo… “ Ubos lakas, puno ng panggigigil na kinapitan ni Sophie ang mga kamay na sumasakal sa leeg niya. Puwersahang kinalas. “Walaaaa… !“ ang malakas na sigaw. SPLAKK! SPLASHH… Malakas na humampas ang kanyang kamay sa gilid ng bathtub. Nagising si Sophie. Nagkandasamid at inubo dahil sa tubig na malakas at biglaang pumasok sa kanyang bibig, nagtuluy-tuloy sa baga niya. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo sa tubig. Lumuhod. Nagkakandaiyak na isinuka ang tubig na nainom. Hina
Nagmamadaling nagpaalam si Tony Sandoval kay Ella ng matanaw ang private investigator na kinontrata niyang maghanap kay Sophie Samonte.“Babalik ako agad. Kakausapin ko lang itong P. I. ““P. I.? ““Yeah. May ipinahahanap kasi akong tao. I’ll be back. “Sinundan ni Ella ng tingin ang nagmamadaling makaalis, habang sa kanyang isip ay nagtutumining ang hinala na ang kaibigan niyang matalik ang taong ipinahahanap nIto.“Kailangang marinig ko ang pag-uusapan nila.“ Ang nasa isip niya. “Nang biglang bumalik si Tony.“Baka matagalan ang discussion namin ng P. I. Would you mind kung ipahatid na muna kita sa bahay n’yo?”Hindi agad nakasagot si Ella.Sinenyasan ni Tony ang kanyang personal bodyguard na lumapit sa kanila ni Ella“May ipag-uutos po kayo, Boss?“ tanong nito, ng makalapit.
Dinampot ni Victor ang cellphone niyang nasa kama.LOWBAT!Mabilis na nagdesisyon.“’Yung landline sa ibaba ang gagamitin ko.”Nagtutumuling lumabas ng silid. Ngunit sa pagliko niya sa hagdan ay nabangga ang nagmamadali ring nars na kanyang isusuplong.HULOG!Nanlalaki ang mga mata, natigilang nakatingin si Victor sa babaing gumugulong, pababa ng hagdan, na walang patid ang paghiyaw.“EEEEEEEEEE…”Hanggang sa ito ay kumalabog at tumigil sa sahig. Walang malay tao.Mabilis ang mga pangyayaring hindi niya inasahan.Siya ang nagplanong magsuplong at ipakulong ang nars na pinaghihinalaang gumagawa ng masama.Ngunit tila siya pa ngayon ang mapaparusahan.May kaba sa dibdib na nilapitan niya si Sophie.Hindi gumagalaw ang nars. Duguan.Suminsin ang tibok ng pusong tinanaw ni Victor ang pinakaita
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at