Home / Romance / ANG TAKAS / CHAPTER 9: GUILTY

Share

CHAPTER 9: GUILTY

last update Huling Na-update: 2021-11-18 17:37:58

Honda Civic SiR ang kotseng minamaneho ni Victor Madrid. 

“Manual driving lang. Lumang modelo, “ nasa isip ni Sophie, “middle class, hindi rich. Pero kung makaasta ang lalaking ‘to,  feeling super rich. Kayabang! ”

Hindi mahalaga kay Sophie kung middle class man o super rich ang paglilingkuran niya bilang nurse. 

“Ang importante ay magbabayad sila nang tama at hindi manggugulang. “

Makintab at halatang alagang-alaga ang sasakyan. Malinis ang mga upuan at walang kahit anong mantsa na mapapansin sa loob. Makinis ang pagtakbo at walang ingay na maririnig mula sa makina nito.

Tahimik si Sophie, habang patingin-tingin sa kanya ang nagmamanehong si Victor. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatutok sa kanyang mukha, at nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang inis sa bawat galaw at ekspresyon ng mukha nito. Inis na nagsimula sa unang sandali pa lang ng pagkikita nila.

“The feeling is mutual.” Ang nasa isip niya.

 

“Bakla ka ba?” Bigla ay tanong ng nagmamaneho.

Walang sagot na tinanggap ang nagtanong. Nanatiling nakatingin sa malayo si Sophie. Ipinaparamdam niya sa katabi ang kaayawan niyang makipag-usap.

“Ang kapal kasi ng mukha… I mean ng make up mo, e. Bakla ang alam kong magaling sa pagme-make up ng sobrang kapal.” Pangungulit nito.

Tahimik pa rin si Sophie.

Pakiramdam niya ay iniinis siya ng kumakausap sa kanya. Binubuwisit, hanggang sa ma-provoke siyang magalit. 

“Nagtataka ako sa ate ko,” sa pinupuntahan ng sasakyan nakatutok ang mga mata ng nagsasalita, “ayaw nu’n sa babaing maarte at makapal mag-make up pero ikaw ang kinuha niyang nurse ng aming ina.”

 Saglit na tumahimik, bago muling nagsalita.

“At lalong ayaw nu’n sa bakla, kasi na-trauma ‘yun ng malaman na bakla pala ‘yung boyfriend niya noon, na later on ay natuklasan niyang ginagamit lang pala siya para maging close sa ‘kin. Ako pala ang totoong gusto at hindi siya!”

Humalakhak ang nagmamaneho bago nagpatuloy. 

“Tapos ngayon, bakla ang kinuhang nurse ni mama. Minsan,  weird din ‘yang si ate, e. ” umiiling-iling na sabi. 

“Baka naman ikaw ang bakla?” Biglang sabi ni Sophie na hindi tinitingnan ang kinakausap.

“Ako, bakla?” 

Malakas na humalakhak ang nagmamaneho. Dikawasa’y itinabi ang sasakyan at itinigil. Nakangising tinanong si Sophie.

“Gusto mong subukan kung hanggang saan ang pagiging lalake ko?”

Sinalubong ng tingin ni Sophie ang mga matang malisyosong nakatingin sa kanya. Matapang na nakipag-eyeball to eyeball.

“Ano’ng gagawin mo, babastusin mo ako? Bababuyin? ‘Yun ba ang paraan mo ng pagpapatunay ng iyong pagkalalake?”

Natigilan si Victor. Hindi niya inasahan ang umuuyam na tanong na iyon mula sa iniinis. At lalong hindi niya inasahan ang tapang na nasa mga mata nito.

“At pumapatol ka pala sa bakla. Ano, piniperahan mo sila?” Dugtong ng babae sa unang mga tanong.

“So, umaamin ka na bakla ka nga?” 

“Ano ngayon sa ‘yo kung bakla ako?” Ganting tanong ni Sophie sa kausap, na naghahanap ng paraan kung paano makakalusot sa pang-iipit niya dito, “bigot!”

“Baygat…,” inis na ginaya ni Victor ang pagbigkas ni Sophie ng “bigot”, “baygat, baygat ka d’yan. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng baygat?”

“Ikaw, bigot ka! Masyadong maliit ang utak mo. Prejudiced ka sa mga bakla.”

“Ano naman ang ibig sabihin ng predyudayst?”

“Huwag mo akong gawing diksyunaryo!”   

Nangmamaliit na tiningnan ni Victor nang pailalim ang kausap.

“Ang sabihin mo lumulusot ka lang,dahil hindi mo talaga alam ang meaning…”

“Ihatid mo na ako sa bahay ni Mrs. Amanda Madrid, mister whoever you are.” Putol ni Sophie sa pagsasalta ng lalake.

“Victor Madrid is my name.”

Umismid ang babae.

 “Sorry, hindi ko kasi matanggap na kapatid ka ng well-mannered at very sophisticated na si Ms. Amelia Madrid, e,” ginantihan niya ng pailalim na tingin ang kausap bago nagpatuloy,  “baka naman ampon ka lang. Pinulot sa kung saang basurahan at binihisan. ‘Yun nga lang, ang unggoy bihisan mo man ng ginto unggoy pa rin!”

“Hoy, Legit akong Madrid!” Pagtatanggol ni Victor sa sarili.

Gusto niyang ipaglaban ang kanyang pagiging Madrid. Hindi niya matatanggap na may nagdududa sa kanyang pagiging dugong Madrid.

Magsasalita pa sana siya nang mapansing may ka-video call ang kanyang kausap.

“Ms. Amelia Madrid, hello po.”  

Agad na inagaw ni Victor ang cellphone na hawak ni Nurse Sophie.

Ka-video call nito ang ate niya.

“Hi, Ate!” pagbati agad niya sa kapatid, kasabay sa masayang pagngiti.

“O, nasaan si Nurse Sophie?” tanong nito.

Parang kinikiliting pinipigil ni Sophie ang mapahalakhak.

“Hah! Takot ka pala sa ate mo, ha? Lagot ka sa akin ngayon.” Ang nasa isip niya.

“Malapit na kami sa bahay, ‘Te. Tatawagan ka daw ulit ni Nurse Sophie pagdating namin sa bahay. ‘Bye, ate kong sobrang ganda!” 

Pahablot na kinuha ni Sophie ang cellphone sa kamay ng lalake. 

“Takot ka pala sa ate mo.” May uyam na sabi.

“Hindi ako takot sa ate ko. Mataas lang ang respeto ko sa kanya. Iba ang takot sa respeto.”

“Respeto? Marunong kang magrespeto? “

Nang-aasar ang halakhak na lumabas sa bibig ng babae. Dikawasa’y tinitigan ang inaasar.

Nakipagtitigan ito sa kanya.

Naglabanan ang mga mata ng dalawa. 

Si Victor ang sumuko. Ini-start ang sasakyan at tahimik na pinaandar.

Nasisiyahang humalukipkip si Sophie. Inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Pumikit. 

Winner! 

“Hay, grabe! Ansakit sa bangs ng lalaking ito. Sayang,  ang guwapo pa naman!” Ang nasa isip.

“Kabisado kaya ng lokang ito ang pasikut-sikot ng Palawan? Kung iligaw ko kaya? Ang iniisip naman ni Victor.

Nilingon niya ang babae. 

“Prenteng-prente ang baliw. Akala mo kung sinong donyang ginawa talaga akong personal driver niya!”

Nanggigigil sa inis, hindi idiniretso ni Victor ang sasakyan sa kanilang bahay, na malapit na sa kinaroroonan nila. 

Kung saan-saan niya ito pinaikut-ikot. Nagpasikut-sikot sa kung saan-saang masisikip at makikitid na daan. 

Dumilat si Sophie. Kinabahan ng mapansing ilang at walang bahay na matanaw sa kinaroroonan nila. 

“Malayo pa ba tayo sa bahay n’yo? “ 

Napangiti nang lihim si Victor. Nakaramdam ng pagkapanalo ng mapansin ang takot sa boses ng nurse. 

Itinabi niya ang sasakyan. Pinatay ang makina. 

Dumidilim ang paligid. 

“Bakit mo inihinto ang kotse? “ tanong ni Sophie na pinigil ang takot na nararamdaman.

Na hindi naman nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng unico hijo ng mga Madrid. 

Hindi sumagot, bumaba ito ng sasakyan. Binuksan ang hood at nagkunwaring may tsini-check sa mga parts nito. 

Nakalatag na ang maitim na ulap sa langit.

“Siguradong malakas na ulan itong babagsak na ‘to,” tumingala siya sa langit, “malas talaga itong…”

Pinigil ng nars ang magsalita ng masama. Tinanaw ang lalaking tsini-check ang makina ng kotse. 

“Halimaw talaga sa kaguwapuhan ang impakto!”

GRRRR…

Nanggigigil na siya sa sobrang inis na nararamdaman. 

“Paano ba naging ganyan kaguwapo ang lalaking may napakasamang asal? ‘Kainis. Sobrang nakakainis!”

Isinara ng pinagmamasdan niya ang hood ng kotse. 

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay.

“Bumaba ka muna, itulak mo ‘tong sasakyan.”

“Huwattt?” Nabiglang tanong ni Sophie pagkarinig sa utos ni Victor Madrid. 

Humarap ito sa kanya. Ipinatong ang braso sa sandalan ng inuupuan. 

“Ang sabi ko, bumaba ka muna. Itulak mo ang kotse at iistart ko para umandar. Okay?”

Mabagal at sarkastiko ang pagsasalita ng kanyang kausap, na tila ba Ipinararamdam kanya na siya ay tanga. 

Saglit siyang natigilan. Hindi matanggap ang ganoong pagtrato nito sa kanya. 

Magsasalita sana siya upang sitahin ito, subalit agad siyang binara ng sisitahin sana. 

“Ayaw mong magtulak? Bahala ka!”

May pinindot na button si Victor. Umayos ang sandalan ng upuan upang mahigaan

“Matutulog na muna ako,”ang sabi, “ maghintay ka kung may madadaan na puwedeng tumulong. O, maglakad-lakad ka at maghanap ka ng bahay na puwede mong katukin at humingi ka ng tulong. “

“Impakto ka talaga!” 

Sarkastikong ngiti ang naging tugon sa sinabi ni Sophie. 

GRRRRR!

“Bababa na po! Magtutulak na po!” 

Gigil na bumaba ang dalaga. Nagdadabog na pumunta sa likuran ng sasakyan. 

“Ang daming arte, e, susunod din naman pala!” nagtatawang wika ng binata. 

Naramdaman niya ang pagkilos ng kinasasakyan,  ngunit hindi niya ito ini-start. 

Paulit-ulit na itinulak ang kotse.

“Ganyan,  magdusa ka!” pakikipag-usap ni Victor sa wala. 

Hanggang sa mapagod ang nagtutulak ng sasakyan. Lumapit ito sa bintana ng driver’s seat. 

“Ano? Bakit hindi pa umaandar?” Ang tanong. . 

“Ewan ko ba dito! Ngayon lang ako itinirik ng kotse kong ito, e.”

“Ano’ng ibig mong sabihin,  malas ako?“

“Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako!” 

“Sabihin mo bulok ang kotse mo!”

“Hoy, Miss Nars, hindi ko ipagpapalit kahit sa pinakamahal na pangarerang Mustang ang kotse kong ito.”

“Wala ka kasing perang pambili!”

Nagtawa si Victor.

"Magtulak ka na lang,” utos nito, “dali na!”

Authoritative ang tono ng pag-uutos. Nagpaparamdam ng kapangyarihan sa inuutusan.

GRRRRR! 

“Sumosobra na talaga ang lalaking ‘to!” 

“Ang hina mo naman kasi magtulak, e. Lakasan mo!” bulyaw ng lalake sa kanya. 

Intimidating na ang dating ni Victor kay Sophie. 

Nanginginig sa Inis na tinitigan ni Nurse Sophie Samonte ang mukha ng nagmamayabang. . 

“Ang sarap mong bigyan ng isang pamilyang sampal!”

Ikinuyom niya ang kanyang palad. Pinigil ang sarili sa paghahangad na manuntok. 

Tinungo ang likuran ng kotse. 

“O, itutulak ko na po,” malakas na sigaw, “i-start mo na po!” sigaw ulit na puno ng panggigigil.

“Naging sobrang galang pa ngayon ng loka. “ pakikipag-usap ni Victor sa hangin. 

Ibinuhos ni Sophie ang lahat ng kanyang galit at inis sa itinutulak.

“AAAHHHH…”

Umikot ang gulong ng sasakyan. Nakalayo ito ng mahigit sa isang dipa mula sa kinaroroonan ng tumulak. 

“Ang lakas!” Nasambit ni Victor. 

Pagod. Mabagal ang mga hakbang na lumapit sa kotse si Sophie. Binuksan ang pinto.

“Bakit hindi pa umaandar?” Ang tanong na pigil ang nagwawalang galit sa d****b.

“Ayaw talaga, e.”

“Hindi mo ini-start!”

“Ano’ng hindi?” 

“Bumaba ka d’yan. Ikaw ang magtulak, ako magi-start.”

Natigilan si Victor. Siguradong mabibisto siya kung marunong magmaneho ang kausap niya. 

Naisip ni Sophie na tawagan si Amelia Madrid. 

“Huwag mo ng tangkaing tumawag sa kahit sino. Walang signal sa lugar na ito!”

“Kaya mo dito dinala ang sasakyan. Kaya dito mo itinigil.” Ang gusto niyang sabihin, ngunit mas pinili ang manahimik. 

“Huwag mo akong titigan nang ganyan, Miss,” saway ni Victor ng titigan niya ito nang masama, “Sorry, pero hindi ako magkakagusto sa ‘yo.“ panggagalit pa nito sa kanya.

“Ang taas ng pangarap mo. Ilusyunado! Hindi ang klase ng pagkatao mo ang gugustuhin ko!” sunud-sunod na panlalait ni Sophie sa nagpapagalit sa kanya.

“Talaga lang, ha? Baka kainin mo ‘yang sinabi mo. Wala pang babaing naka-resist sa gandang lalake ko! ” Pambubuwisit pa rin nito.

Tinapunan siya ng umiinsultong tingin ng kausap. 

“In your dreams!” ang sabi, bago muling hinarap ang cellphone na hawak. 

Pinagmamasdan siya ni Victor, habang kanyang sinusubukan kung paano makakasagap ng signal ang teleponong hawak.

Wala itong maaninag man lang na mukha sa makapal na make up ng pinagmamasdan. Ang maliwanag lang niyang nakikita ay ang mata nitong animo nasapak ng kung ilang ulit, dahil sa naghalo-halong kulay itim, berde at violet na kulay ng eyeshadow nito. Hindi rin niya naiwasang pagmasdan ang nguso nitong tila nakagat ng kung ilang putakte o bubuyog kaya parang namumusarga.

“At napakapula ng lipstick ng buruka!” 

Isinuksok ng babae ang cellphone sa bulsa ng polo shirt, na nakapatong sa T-shirt na suot. Nilapitan siya. 

“Bumaba ka muna. “ Ang sabi.

Hindi siya tuminag. 

“Please lang… “ Nakikiusap ito. 

“Itulak mo na lang itong kotse.” Utos niya na ang balak ay paandarin na ang sasakyan.

Bigla, kinuwelyuhan siya ng nakikiusap. 

Hindi niya inasahan ang mga sumunod na pangyayari. 

Nahatak at nailabas siya ng nars sa sasakyan, at mabilis itong nakaupo sa driver’s seat. 

Ini-start ang makina ng kotse.  

“Patay!” 

Umistart ang kotse. 

Bistado ang kalokohan n’ya.

“Sakay na.” utos ni Sophie,na paismid ang sarkastikong ngiti sa kanya. 

“Doon ka sa passenger’s seat.  D’yan ako!” utos ni Victor. 

May galit sa pag-uutos, bilang pagtatakip sa pagkapahiyang naramdaman. 

“No way!” sagot sa kanya ng kanyang inutusan.

Nag-isip siya ng paraan kung paano mapapalipat ng upuan ang nagmamatigas na babae. 

“Akin ang kotseng ‘yan, kaya wala kang karapatang manehohin ‘yan nang wala akong pahintulot! “

“Ah, sa iyo pala ito. Ok, good.”

Tinapakan ni Sophie ang pedal ng clutch. Pinihit sa quadra ang kambyo, tinapak-tapakan ang pedal ng gasolina, Inihahanda sa pagpapatakbo ang kotse. 

Kinabahan si Victor. 

“Ano’ng gagawin mo sa kotse ko?”

“Ibabangga ko!” Sigaw ng babae sabay sa pagpapatulin ng sasakyan. 

“Huwaaaaaggg!”

Halos malagot ang litid at lumuwa ang mga matang hiyaw ni Victor. 

Hindi niya mapapayagang mawasak ang kotseng pinakamamahal niya. Ni hindi niya iyon ipagpapalit sa ano mang pinakamahal na kotse sa mundo. 

Hindi napigil ang pag-iyak na naisubsob ang mukha sa sariling mga palad.

Hindi niya kayang tingnan ang kung ano mang magaganap sa sasakyang kay tagal na niyang minamahal at inaalagaan. 

Biglang bumuhos ang malakas na ulan.  

“Mapapatay kitang bakla, ka! Mapapatay kitaaa!” 

Nakaramdam ng panghihinang napaluhod si Victor sa lupang nagsisimula ng magputik. 

“Hindi kita mapapatawad kapag nasira ang kotse ko. Sophie Samonte.“ tinanaw niya ang lugar na pinuntahan ng sasakyan, “isinusumpa ko ang araw na dumating ka sa buhay ko, Nurse Sophie Samonte! “

Impit ang sigaw na sumabay sa angil ng malakas na hangin.

Inihinto ni Sophie ang sasakyan, matapos iyong pabagalin. Hindi niya naiwasan ang mag-alala sa lalaking iniwan.

“Siguradong b**ang b**a na iyon sa lakas na ito ng ulan.”

Nilingon niya ang pinanggalingan. 

Nakukurtinahan ng masinsing patak ng ulan ang kanyang tinatanaw. Ibinukas niya ang bintana at pilit inaninag ang lalaking inaalala, hindi alintana ang ulan na humampas at bumasa sa kanyang mata. 

Narinig niya ang tinig nitong inihatid ng hangin sa kanyang kinaroroonan.

“NURSE SOPHIE SAMONTEEE…”

Mahina ang dating ng tinig. Malayo.

“Diyos ko! Baka kung ano na ang nangyayari sa taong ‘yun.”

Matindi na ang kanyang pag-aalala. May takot nang nadarama.

“Hindi ko makakayang dalhin sa konsensiya ko kung magkakasakit ang Victor Madrid na iyon. Lalo pa kung…” hindi na niya sinalita ang nasa isip.

Kailangan niyang balikan agad ang lalaking kanina lamang ay kaaway niya.

Pinihit niya ang kambiyo. Iniatras ang sasakyan. 

Hindi inalintana ang patuloy na paglakas ng ulan. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho nang paatras, kahit halos hindi niya makita ang tinutungo ng sasakyan.

BLAG! ISPLAK! 

Nalubak ang sasakyan. Malakas na sumabog at kumulapol dito ang putik nang bumagsak sa lubak ang gulong nito. 

“Malas naman talaga!” Inis na nasambit.  

Pinihit-pihit niya ang kambiyo. Ang manibela. Tinapakan ang clutch, ang pedal ng gasolina. Pinilit maiahon ang kotse sa pagkakalubak nito.

Nagpatung-patong ang mga isipin sa kanyang utak. Mga pag-aalalang hindi mapigilan, na habang naiisip niya ay lalong nagiging matindi at mas nakakatakot na trahedya ang Nadaragdag sa utak niya.

“Diyos ko naman! Hanggang ngayon ay dinadala ko pa sa konsensiya ko ang pagkakamatay ng mama ni Tony. Huwag naman sanang madagdagan ng panibagong guilt ang konsensiya ko. Huwag naman sanang…”

KZZZZTTT…

Gumuhit ang matalim na liwanag na dulot ng pagkidlat.

BOOOM!

Dumagundong ang malakas na kulog.

Napaiyak si Sophie Samonte nang hindi maiahon ang sasakyan sa kinalubakan. Pinagbabayo ang manibela nito.

Magkakahalong alalahanin ang nasa isip niya’t damdamin. 

Guilt. Galit sa sarili. Pagsisisi, at kawalang pag-asang makaahon sa sitwasyong kinalagyan. 

“AHHHHHHHH!” 

Nanghihinang sumubsob siya sa manibela ng kotse. Umiyak.

Patuloy ang malakas na ulan,  ang pagkulog at pagkidlat. 

Kinakain na ng sobrang takot ang kanyang d****b. Estranghero siya sa kinaroroonan. Ilang at walang gaanong bahay sa kapaligiran.

"Paano kung may terrorist dito? Kung may biglang humablot sa akin dito at tortyurin ako? Reypin kaya?"

Nanginginig ang mga kamay na tiniyak niyang naka-lock ang mga pinto at mga bintana nt sasakyan. 

"Ano ba 'tong nagawa ko? Napakagaga ko talaga. Napakatanga!"

Nawala ang tapang ng babaing, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ng takot sa pag-iisa. 

Nag-iisa rin si Victor sa ulanan. 

"Hayup kang Sophie Samonte ka.  Malas mo lang pag nakita kita."

Tumindig ito mula sa kinaluhuran. Tumingin-tingin sa paligid, at nagsimulang humakbang. 

Maglalakad siya pauwi sa kanilang tahanan. 

"Paano ko ipaliliwanag kay mama kung bakit ako naglakad at nag-iisa?  Ano'ng isasagot ko kapag itinanong kung nasaan si Nurse Sophie Samonte? "

Napaisip. 

"Nasaan na nga ba kaya ang baliw na babaing 'yon? "

                           ***                                         

  

     

 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yan ang napapala mo sophie sa padalos dalos mong desisyon
goodnovel comment avatar
Tats Moslares Zitro
enjoy reading
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ANG TAKAS   CHAPTER 10: BANGUNGOT

    Gumagapang at umaalipin na sa kanyang kamalayan ang matinding takot. Bawat aninong kumikilos ay nagpapanginig sa kanyang laman at nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.“Ano ’yon?” Nanginginig ang tinig na tanong ni Sophie sa sarili, ng mapansin ang aninong wari ay biglang nagtago sa dilim.Luminga-linga siya. Hinanap ang posibleng pinuntahan ng anino.“Baka holdaper ‘yun. Baka terorista! Baka…”Muli may aninong kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinundan niya iyon ng tingin.May kumalabog mula sa hood ng sasakyan.BOG!“EEEEEEEEEEEEEEE!”…….Nakarating sa kinaroroonan ni Victor ang malakas na hiyaw.“Si Nurse Sophie kaya ‘yun?”Nanainga. Hinintay kung may maririnig pang sigaw.…….“EEEEEEEEEEE…”Nakapikit nang mariin ang mga mata ni Sophie, habang patuloy sa pagsigaw.D

    Huling Na-update : 2021-11-19
  • ANG TAKAS   CHAPTER 11: DADALHIN KITA SA IMPIYERNO

    Pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal kay Sophie. “Hindi ako makahinga. Bitiwan mo ‘ko!” Habang pilit niyang kinakalas ay lalong humihigpit ang kapit ng mga kamay sa kanyang leeg. “Masama kang tao. Papatayin kita. Dadahin kita sa impiyerno!” “Wala akong kasalanan sa ‘yo!” “Ikaw ang pumatay sa Akin!” “Baliw! Multong baliw! Wala akong kasalanan sa ‘yo… “ Ubos lakas, puno ng panggigigil na kinapitan ni Sophie ang mga kamay na sumasakal sa leeg niya. Puwersahang kinalas. “Walaaaa… !“ ang malakas na sigaw. SPLAKK! SPLASHH… Malakas na humampas ang kanyang kamay sa gilid ng bathtub. Nagising si Sophie. Nagkandasamid at inubo dahil sa tubig na malakas at biglaang pumasok sa kanyang bibig, nagtuluy-tuloy sa baga niya. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo sa tubig. Lumuhod. Nagkakandaiyak na isinuka ang tubig na nainom. Hina

    Huling Na-update : 2021-11-20
  • ANG TAKAS   CHAPTER 12 : VICTOR JUDGEMENTAL

    Nagmamadaling nagpaalam si Tony Sandoval kay Ella ng matanaw ang private investigator na kinontrata niyang maghanap kay Sophie Samonte.“Babalik ako agad. Kakausapin ko lang itong P. I. ““P. I.? ““Yeah. May ipinahahanap kasi akong tao. I’ll be back. “Sinundan ni Ella ng tingin ang nagmamadaling makaalis, habang sa kanyang isip ay nagtutumining ang hinala na ang kaibigan niyang matalik ang taong ipinahahanap nIto.“Kailangang marinig ko ang pag-uusapan nila.“ Ang nasa isip niya. “Nang biglang bumalik si Tony.“Baka matagalan ang discussion namin ng P. I. Would you mind kung ipahatid na muna kita sa bahay n’yo?”Hindi agad nakasagot si Ella.Sinenyasan ni Tony ang kanyang personal bodyguard na lumapit sa kanila ni Ella“May ipag-uutos po kayo, Boss?“ tanong nito, ng makalapit.

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • ANG TAKAS   CHAPTER 13 : SUMAGOT KA, ELLA

    Dinampot ni Victor ang cellphone niyang nasa kama.LOWBAT!Mabilis na nagdesisyon.“’Yung landline sa ibaba ang gagamitin ko.”Nagtutumuling lumabas ng silid. Ngunit sa pagliko niya sa hagdan ay nabangga ang nagmamadali ring nars na kanyang isusuplong.HULOG!Nanlalaki ang mga mata, natigilang nakatingin si Victor sa babaing gumugulong, pababa ng hagdan, na walang patid ang paghiyaw.“EEEEEEEEEE…”Hanggang sa ito ay kumalabog at tumigil sa sahig. Walang malay tao.Mabilis ang mga pangyayaring hindi niya inasahan.Siya ang nagplanong magsuplong at ipakulong ang nars na pinaghihinalaang gumagawa ng masama.Ngunit tila siya pa ngayon ang mapaparusahan.May kaba sa dibdib na nilapitan niya si Sophie.Hindi gumagalaw ang nars. Duguan.Suminsin ang tibok ng pusong tinanaw ni Victor ang pinakaita

    Huling Na-update : 2021-11-24
  • ANG TAKAS   CHAPTER 14 : NASAAN KA, SOPHIE??

    Animo palasong isinibat ang sasakyan ni Tony Sandoval. Walang pakialam sa yellow or red light, tuluy-tuloy ito sa pagtakbo, na tila ba walang pakialam sa mundo. Kahit pa ang sariling buhay ay hindi inalintana. Hindi iniiwasan ang ano mang bagay na nakaharang sa dinadaanan, bagkus ay binabangga iyon at pinatatalsik.Nakikipag-unahan siya kay kamatayan. Nais niyang makarating agad sa tirahan ng mga Caprichosa bago mahuli ang lahat.Pakiramdam niya ay nasa panganib ang buhay ni Ella. Kailangan niyang iligtas ito.Nag-aalala siya dahil sa malakas na kalabog at tili na kanyang narinig habang kausap niya sa phone ang babae. Ang malakas na kalabog na iyon (na hinihinala niyang katawan ni Ella na bumagsak sa sahig) ang dahilan kung bakit nag-aapura siyang mapuntahan ang babaing minamahal.Mahalaga sa kanya si Ella at hindi niya gustong may masamang mangyari sa babae. Ibig niyang mailigtas ito kung sakali man at may masamang pangyayari ng

    Huling Na-update : 2021-11-25
  • ANG TAKAS   CHAPTER 15 : PAG-IBIG O PAGHIHIGANTI?

    Nagyuyukayok na si Victor sa pagbabantay kay Sophie Samonte. Pasaglit-saglit lamang ang kanyang naging pagtulog mula ng dalhin niya sa ospital ang nurse ng kanyang mama, talong araw na ang nakakaraan.Nasa comma ang babaing hindi sinasadyang nabangga niya at nahulog sa hagdanan.Inilapat ni Victor ang likod sa sandalan ng silyang inuupuan. Ipinatong ang throw pillow sa ibabaw at doon ipinahinga ang ulo. Pumikit upang pagpahingahin din ang mga matang pagod at nahihirapan na.Nakatulog.Nagsisimulang magkamalay si Sophie. Naaninagan niya ang mukha ng lalaking nakaupo sa silya, sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Sa kisame nakaharap ang ulo nito.Nakanganga. Nakapikit. Tulog.“Si Victor Madrid?”Pagtataka niya.Inilibot niya ang mga mata sa paligid.“Ospital? Nasa ospital ako? Bakit ako nasa ospital?” Pabulong, sunud-sunod na tanong sa wala.Noon lamang niya napansin ang dextros

    Huling Na-update : 2021-11-27
  • ANG TAKAS   CHAPTER 16: AKO O ANG KAIBIGAN MO?

    Nagmamadali, puno ng pag-aalalang sumugod sa ward na kinaroroonan ni Ella ang mag-asawang Caprichosa.Halos magsara na sa pamumugto ang mga mata ni Ella, dahil sa walang tigil na pag-iyak, hanggang sa mga sandaling iyon ng pagpasok nila sa kuwartong kinaroroonan nito.“Bakit ka umiiyak, anak?” Tanong ng ina, kasabay sa pag-upo nito sa kama at paghawak sa kamay ni Ella.Halos madurog naman ang puso ni Bern, habang pinagmamasdan ang nakahahabag na anyo ng nag-iisang anak nila ni Angelie.“Ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon?” Tanong nito na ang tinutukoy ay si Tony Sandoval.Nasa tinig ni Bern ang galit sa bawat bagsak ng pananalitang nagmumula sa bibig. Galit na parang bombang maaaring sumabog kapag may nagkamaling pumindot ng detonator nito.Kinatakutan ng anak ang maaaring gawin ng ama, kung sakali at hindi mabubura sa utak nito ang masamang hinalang iniisip, tungkol sa lalaking nat

    Huling Na-update : 2021-11-28
  • ANG TAKAS   CHAPTER 17 : MAY ARAW KA RIN, NURSE SOPHIE

    Padating si Amanda.“Maghanap-hanap ka na ng ibang maaaplayan bilang private nurse. Dahil siguradong sisisantahin ka ni Mama, once na isumbong ko ‘yang pag-aamne-amnesyahan mo.”Hindi nagsalitang bumaba ng kama si Sophie.Sinalubong ni Victor ang ina. Humalik sa pisngi nito bilang pagbati.“Magandang umaga po, Ma’am Amanda.” Pagbati naman ni Sophie na sinabayan ng bahagyang pagyukod ang pagsasalita.“Ano na naman ‘yang kalokohang nasa isip mo, Victor?” Tanong ni Amanda sa anak, matapos tanguan at ngitian si Sophie, “Yang mga ngiti mong ‘yan ang mga ngiting nagbabadya ng kalokohang nasa utak mo.”Makahulugang tingin na sinabayan ng pilyong ngiti ang itinapon ni Victor kay Sophie.“May isusumbong lang ako sa ‘yo, mama.” Saad niya, hinihintay ang magiging reaksyon ng nurse na inaasar.Blanko ang expression ng mukha n

    Huling Na-update : 2021-11-29

Pinakabagong kabanata

  • ANG TAKAS   CONCLUSION : THE WEDDING

    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung

  • ANG TAKAS   CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS

    Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki

  • ANG TAKAS   CHAPTER 116 : UNDECIDED

    Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko

  • ANG TAKAS   CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT

    Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma

  • ANG TAKAS   CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET

    CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.

  • ANG TAKAS   CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS

    Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama

  • ANG TAKAS   CHAPTER 112 : LOVE IS FORGIVING

    Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug

  • ANG TAKAS   CHAPTER 111 : COMPASSION

    Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa

  • ANG TAKAS   CHAPTER 110 : ANG PAG-ATRAS SA KASAL

    Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status