/ Romance / ANG TAKAS / CHAPTER 10: BANGUNGOT

공유

CHAPTER 10: BANGUNGOT

last update 최신 업데이트: 2021-11-19 18:24:47

Gumagapang at umaalipin na sa kanyang kamalayan ang matinding takot. Bawat aninong kumikilos ay nagpapanginig sa kanyang laman at nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.

“Ano ’yon?” Nanginginig ang tinig na tanong ni Sophie sa sarili, ng mapansin ang aninong wari ay biglang nagtago sa dilim.

Luminga-linga siya. Hinanap ang posibleng pinuntahan ng anino.

“Baka holdaper ‘yun. Baka terorista! Baka…”

Muli may aninong kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinundan niya iyon ng tingin.

May kumalabog mula sa hood ng sasakyan.

BOG!

“EEEEEEEEEEEEEEE!”

…….

Nakarating sa kinaroroonan ni Victor ang malakas na hiyaw.

“Si Nurse Sophie kaya ‘yun?”

Nanainga. Hinintay kung may maririnig pang sigaw.

…….

“EEEEEEEEEEE…”

Nakapikit nang mariin ang mga mata ni Sophie, habang patuloy sa pagsigaw.

Dikawasa’y marahang dumilat, habang sa kanyang utak ay naglalaro ang mga nakakatakot na pangitain.

“No! Hindi!”

Nakikita niya sa ibabaw ng hood ang anyo ng ina ni Tony Sandoval. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Wala akong kasalanan! Hindi ko sinadya ang mga pangyayari!”

“You are so selfish,” ang tila narinig niyang sinabi nito, “Wala kang inintindi kung hindi ang sarili mo lang. You killed me. You killed me!”

“NOOOOO!”

…….

Tumatakbo na si Victor. Habang naglalaro sa kanyang isip ang mga panganib na maaaring kinasuungan ng Nurse.

“My God! Baka nilalapa na ng kung anong hayup ang babaing ‘yun. Baka nililingkis na ng sawa!”

Nalimutan ang galit kay Sophie, guilt feeling ang nangingibabaw sa kanyang isip at damdamin nang mga sandaling iyon.

“Kung bakit naman kasi naisip-isip kong dalhin siya sa lugar na ito at buwisitin. Hindi ko dapat pinapanaig ang aking pride. Dapat sana’y idiniretso ko nang pauwi ang sasakyan.”

Binilisan pa niya ang pagtakbo.

…….

Takot na takot, mariing muling ipinikit ni Sophie ang mga mata. 

“Wala akong kasalanan. Wala akong kasalanan!”

Lalo pa niyang idiniin ang pagkakapikit nang makarinig ng katok sa bintana ng sasakyan. Isinubsob ang mukha sa nakakuyom na mga palad.

“Layuan n’yo akooo!” 

Lumakas ang katok. Narinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan.

“Nurse Sophie…”

Hindi na siya makahinga sa sobrang takot na nadarama.

“Nurse Sophie, buksan mo’ng pinto!”

Sa iniwan niyang awang ng bintana nagmula ang tinig. 

Isinubsob ni Sophie ang mukha sa manibela ng sasakyan. Umiiyak na sa takot.

“Sige, kasalanan ko na. Kasalanan ko naaa!” sigaw niya.

Naghahagilap ng batong maihahagis kay Sophie si Victor.

“Tigilan n’yo na ako. Patawarin n’yo na ako!”

Kasabay sa pag-iyak ang pagsigaw, na hindi pa rin inaalis ang mukha sa pagkakasubsob sa manibela.

“EEEEEEEEEEEEE…”

Ang makabasag eardrum na tili, nang maramdaman ang batong ipinukol sa kanya ni Victor.

 “Nurse Sophie Samonte! Ano ba? Si Victor Madrid ito!”

Natigilan ang nars. Nakiramdam. Iniangat ang mukha mula sa pagkakasubsob sa manibela. Marahang idinilat ang isang mata. Kumakalabog ang d****b na tiningnan ang awang sa bintana.

“Victor…Madrid?”

“Buksan mo ‘tong pinto,” sumisigaw na utos ni Victor, “dalian mo, ginaw na ginaw na ako!”

Nanginginig ang kamay pati na ang buong katawan, nagmamadaling sumunod sa utos ang babae, at mabilis na umusog sa passenger’s seat matapos buksan ang pinto ng sasakyan.

Matuling sumakay ng kotse ang lalake. Pinagkiskis ang mga palad upang mabawasan ang ginaw na nararamdaman.

Habang pinakakalma ni Sophie ang sarili. Inhale…exhale. 

At pinipigilan ang sariling mapatingin sa dilim.

Patigil na ang ulan.

“Pagtulungan nating iahon sa lubak ang sasakyan,” biglang sabi ni Victor na hindi tumitingin sa kinakausap, “ikaw dito sa manibela at ako ang magtutulak!”

Hindi nagsalita, hinintay ng nars na makababa ang katabi. 

…….

Naiahon nila ang kotse sa lubak.

Si Victor ang nagmaneho ng sasakyan patungo sa tahanan ng mga Madrid. 

Wala si Amanda Madrid.

Walang paalam na niwan ni Victor ang kasamang dumating.

“Asikasuhin mo ang babaing ‘yan.” utos nito sa kasambahay na sumalubong sa kanila.

“Opo,” ang sagot nito, habang pinagmamasdan ang palayong amo, “saan po kayo inabot ng malakas na ulan,” tanong nito pagharap kay Sophie, “at saka bakit po puno ng putik si Sir Victor?”

“Saan ang CR,” tanong ng nars bilang pag-iwas sa tanong,” ginaw na ginaw na ako. Gusto ko nang magpalit ng damit.”

“Doon ka na po magpalit sa silid na inilaan para sa iyo,” tugon ng kasambahay, “may CR din po doon. Tara, sasamahan po kita.”

Sumabay si Sophie sa hakbang ng kasambahay, sa pag-akyat ng hagdan, hanggang sa tumigil ito sa harapan ng saradong pinto.

Binuksan iyon ng kasambahay. Nagpaunang pumasok sa loob .

“Ito po ang iyong magiging silid habang narito ka sa bahay ng mga Madrid,” pagbibigay alam nito, “CR po iyong saradong pinto na nasa kaliwa,” dagdag pa, “bababa na po muna ako sa kusina. Babalikan na lang po kita kapag nandito na si Madam Amanda.”

“Wala si Mrs. Amanda Madrid?”

“Sinundo po ng kanyang mga amiga. May konsiyerto po sila.”

“Singer siya?”

“Hindi po. Konsiyerto po sa madyong ang tinutukoy ko.”

“Ah!”

Nginitian ni Sophie ang kasambahay na nakangiting muling nagpaalam sa kanya.

.......

May bathtub sa CR, bukod sa shower at iba pang gamit sa banyo. May water heater din.

Tinimpla niya ang init ng tubig na lumalabas sa gripong kanyang binuksan. Hinintay na mangalahati ang laman ng bathtub bago sumakay doon. Nahiga. Iniunan ang ulo sa labi ng bathtub. Ipinikit ang mga mata.

Napakasarap sa pakiramdam  ang mala-hiningang tubig na yumakap sa kanyang kahubaran. Naramdaman niyang unti-unting nawawala ang stress sa kanyang katawan at isipan. 

“Relax, Sophie. Relax! Everything will be fine.”

Pilit niyang binubura sa isip ang tumatakot na ekspiriyensang kanyang naranasan, kaninang nag-iisa siya sa ilang na lugar.

“Wala kang nakitang multo kanina, Sophie, " pakikipag-usap niya sa sarili, "mga anino lang ‘yun ng mga sanga at dahon ng mga punong nasa kapaligiran ng lugar na iyon,” pagkokondisyon pa sa sariling isip, “nakita mo naman na nabakling sanga lang ng punungkahoy ang kumalabog sa hood ng kotse…hindi multo! Ang hilig mo kasing manood ng mga horror movies, ayan tuloy ang napala mo.” Pangangaral pa sa sarili.

Ipinagpatuloy ang nakapikit na pagkokondisyon sa sarili.

“Relax, Sophie…Relax!” 

Unti-unti siyang na-relax. Nakatulog. Nanaginip.

Kaharap niya ang mama ni Tony Sandoval sa kanyang panaginip. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito habang ang mga mata ay galit na pinandidilatan siya.

“You killed me!” sinasabi nito sa kanyang panaginip.

“I did not!” tanggi niya.

“You’re so selfish! Kung hindi sa pagiging makasarili mo, dapat sana’y buhay pa ako ngayon. Sariling kapakanan mo lamang ang inisip mo. Papatayin kita!”

“Huwag!”

Sa panaginip ay naramdaman niya ang mahigpit na pagsakal sa kanya ng mama ni Tony. Hindi siya makahinga. 

Bukas pa ang gripo ng bathtub. Pataas nang pataas ang tubig nito. 

Kumilos ang mga kamay ni Sophie. Wari ay may pilit itong inaalis na nakasakal sa leeg nito.

Pumasag ang katawan na tila ba ibig makawala sa kung anong pumipigil sa dito.

Naalis sa pagkakaunan sa labi ng bathtub ang ulo ni Sophie. Lumubog sa tubig.

…na kung hindi maaagapan at maiaahon agad, siya ay malulunod.

...Na posibleng maging sanhi ng kanyang kamatayan.  

               

                      *******

댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pati sa panaginip dinadala ka ng iyong bangungot
댓글 모두 보기

관련 챕터

  • ANG TAKAS   CHAPTER 11: DADALHIN KITA SA IMPIYERNO

    Pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal kay Sophie. “Hindi ako makahinga. Bitiwan mo ‘ko!” Habang pilit niyang kinakalas ay lalong humihigpit ang kapit ng mga kamay sa kanyang leeg. “Masama kang tao. Papatayin kita. Dadahin kita sa impiyerno!” “Wala akong kasalanan sa ‘yo!” “Ikaw ang pumatay sa Akin!” “Baliw! Multong baliw! Wala akong kasalanan sa ‘yo… “ Ubos lakas, puno ng panggigigil na kinapitan ni Sophie ang mga kamay na sumasakal sa leeg niya. Puwersahang kinalas. “Walaaaa… !“ ang malakas na sigaw. SPLAKK! SPLASHH… Malakas na humampas ang kanyang kamay sa gilid ng bathtub. Nagising si Sophie. Nagkandasamid at inubo dahil sa tubig na malakas at biglaang pumasok sa kanyang bibig, nagtuluy-tuloy sa baga niya. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo sa tubig. Lumuhod. Nagkakandaiyak na isinuka ang tubig na nainom. Hina

    최신 업데이트 : 2021-11-20
  • ANG TAKAS   CHAPTER 12 : VICTOR JUDGEMENTAL

    Nagmamadaling nagpaalam si Tony Sandoval kay Ella ng matanaw ang private investigator na kinontrata niyang maghanap kay Sophie Samonte.“Babalik ako agad. Kakausapin ko lang itong P. I. ““P. I.? ““Yeah. May ipinahahanap kasi akong tao. I’ll be back. “Sinundan ni Ella ng tingin ang nagmamadaling makaalis, habang sa kanyang isip ay nagtutumining ang hinala na ang kaibigan niyang matalik ang taong ipinahahanap nIto.“Kailangang marinig ko ang pag-uusapan nila.“ Ang nasa isip niya. “Nang biglang bumalik si Tony.“Baka matagalan ang discussion namin ng P. I. Would you mind kung ipahatid na muna kita sa bahay n’yo?”Hindi agad nakasagot si Ella.Sinenyasan ni Tony ang kanyang personal bodyguard na lumapit sa kanila ni Ella“May ipag-uutos po kayo, Boss?“ tanong nito, ng makalapit.

    최신 업데이트 : 2021-11-23
  • ANG TAKAS   CHAPTER 13 : SUMAGOT KA, ELLA

    Dinampot ni Victor ang cellphone niyang nasa kama.LOWBAT!Mabilis na nagdesisyon.“’Yung landline sa ibaba ang gagamitin ko.”Nagtutumuling lumabas ng silid. Ngunit sa pagliko niya sa hagdan ay nabangga ang nagmamadali ring nars na kanyang isusuplong.HULOG!Nanlalaki ang mga mata, natigilang nakatingin si Victor sa babaing gumugulong, pababa ng hagdan, na walang patid ang paghiyaw.“EEEEEEEEEE…”Hanggang sa ito ay kumalabog at tumigil sa sahig. Walang malay tao.Mabilis ang mga pangyayaring hindi niya inasahan.Siya ang nagplanong magsuplong at ipakulong ang nars na pinaghihinalaang gumagawa ng masama.Ngunit tila siya pa ngayon ang mapaparusahan.May kaba sa dibdib na nilapitan niya si Sophie.Hindi gumagalaw ang nars. Duguan.Suminsin ang tibok ng pusong tinanaw ni Victor ang pinakaita

    최신 업데이트 : 2021-11-24
  • ANG TAKAS   CHAPTER 14 : NASAAN KA, SOPHIE??

    Animo palasong isinibat ang sasakyan ni Tony Sandoval. Walang pakialam sa yellow or red light, tuluy-tuloy ito sa pagtakbo, na tila ba walang pakialam sa mundo. Kahit pa ang sariling buhay ay hindi inalintana. Hindi iniiwasan ang ano mang bagay na nakaharang sa dinadaanan, bagkus ay binabangga iyon at pinatatalsik.Nakikipag-unahan siya kay kamatayan. Nais niyang makarating agad sa tirahan ng mga Caprichosa bago mahuli ang lahat.Pakiramdam niya ay nasa panganib ang buhay ni Ella. Kailangan niyang iligtas ito.Nag-aalala siya dahil sa malakas na kalabog at tili na kanyang narinig habang kausap niya sa phone ang babae. Ang malakas na kalabog na iyon (na hinihinala niyang katawan ni Ella na bumagsak sa sahig) ang dahilan kung bakit nag-aapura siyang mapuntahan ang babaing minamahal.Mahalaga sa kanya si Ella at hindi niya gustong may masamang mangyari sa babae. Ibig niyang mailigtas ito kung sakali man at may masamang pangyayari ng

    최신 업데이트 : 2021-11-25
  • ANG TAKAS   CHAPTER 15 : PAG-IBIG O PAGHIHIGANTI?

    Nagyuyukayok na si Victor sa pagbabantay kay Sophie Samonte. Pasaglit-saglit lamang ang kanyang naging pagtulog mula ng dalhin niya sa ospital ang nurse ng kanyang mama, talong araw na ang nakakaraan.Nasa comma ang babaing hindi sinasadyang nabangga niya at nahulog sa hagdanan.Inilapat ni Victor ang likod sa sandalan ng silyang inuupuan. Ipinatong ang throw pillow sa ibabaw at doon ipinahinga ang ulo. Pumikit upang pagpahingahin din ang mga matang pagod at nahihirapan na.Nakatulog.Nagsisimulang magkamalay si Sophie. Naaninagan niya ang mukha ng lalaking nakaupo sa silya, sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Sa kisame nakaharap ang ulo nito.Nakanganga. Nakapikit. Tulog.“Si Victor Madrid?”Pagtataka niya.Inilibot niya ang mga mata sa paligid.“Ospital? Nasa ospital ako? Bakit ako nasa ospital?” Pabulong, sunud-sunod na tanong sa wala.Noon lamang niya napansin ang dextros

    최신 업데이트 : 2021-11-27
  • ANG TAKAS   CHAPTER 16: AKO O ANG KAIBIGAN MO?

    Nagmamadali, puno ng pag-aalalang sumugod sa ward na kinaroroonan ni Ella ang mag-asawang Caprichosa.Halos magsara na sa pamumugto ang mga mata ni Ella, dahil sa walang tigil na pag-iyak, hanggang sa mga sandaling iyon ng pagpasok nila sa kuwartong kinaroroonan nito.“Bakit ka umiiyak, anak?” Tanong ng ina, kasabay sa pag-upo nito sa kama at paghawak sa kamay ni Ella.Halos madurog naman ang puso ni Bern, habang pinagmamasdan ang nakahahabag na anyo ng nag-iisang anak nila ni Angelie.“Ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon?” Tanong nito na ang tinutukoy ay si Tony Sandoval.Nasa tinig ni Bern ang galit sa bawat bagsak ng pananalitang nagmumula sa bibig. Galit na parang bombang maaaring sumabog kapag may nagkamaling pumindot ng detonator nito.Kinatakutan ng anak ang maaaring gawin ng ama, kung sakali at hindi mabubura sa utak nito ang masamang hinalang iniisip, tungkol sa lalaking nat

    최신 업데이트 : 2021-11-28
  • ANG TAKAS   CHAPTER 17 : MAY ARAW KA RIN, NURSE SOPHIE

    Padating si Amanda.“Maghanap-hanap ka na ng ibang maaaplayan bilang private nurse. Dahil siguradong sisisantahin ka ni Mama, once na isumbong ko ‘yang pag-aamne-amnesyahan mo.”Hindi nagsalitang bumaba ng kama si Sophie.Sinalubong ni Victor ang ina. Humalik sa pisngi nito bilang pagbati.“Magandang umaga po, Ma’am Amanda.” Pagbati naman ni Sophie na sinabayan ng bahagyang pagyukod ang pagsasalita.“Ano na naman ‘yang kalokohang nasa isip mo, Victor?” Tanong ni Amanda sa anak, matapos tanguan at ngitian si Sophie, “Yang mga ngiti mong ‘yan ang mga ngiting nagbabadya ng kalokohang nasa utak mo.”Makahulugang tingin na sinabayan ng pilyong ngiti ang itinapon ni Victor kay Sophie.“May isusumbong lang ako sa ‘yo, mama.” Saad niya, hinihintay ang magiging reaksyon ng nurse na inaasar.Blanko ang expression ng mukha n

    최신 업데이트 : 2021-11-29
  • ANG TAKAS   CHAPTER 18 : THE BETRAYAL

    Hindi matanggap ni Sophie na nagawa siyang ipagkanulo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Na ipinahamak siya nito gayong hindi lang pagiging kaibigan ang naging turing niya dito, kundi bilang kapatid at minahal nang higit pa sa isang kapatid.At ang tanong na “bakit?” ay paulit-ulit na humahampas sa kanyang isip.“Saan ako nagkulang bilang kaibigan? Saan ako nagkamali?”Napakaraming tanong ang nagsusumiksik sa kanyang utak, ngunit isa man ay hindi niya mabigyan ng kasagutan.“Napakaraming taon na kaming magkasama, ipinagtatanggol ang isa’t-isa. Ano ang dahilan at ipinagkanulo niya ako sa mga Sandoval? Tinakot kaya siya? Pinahirapan?”Ang dahilan na hindi sana niya gustong isipin man lang…“Pera? Binayaran ba siya ng malaking halaga ng pamilya Sandoval? “Pag-iyak na lamang ang nagagawa niya upang mabawasan man ang hindi mabuburang sakit ng kalooban.

    최신 업데이트 : 2021-12-01

최신 챕터

  • ANG TAKAS   CONCLUSION : THE WEDDING

    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung

  • ANG TAKAS   CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS

    Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki

  • ANG TAKAS   CHAPTER 116 : UNDECIDED

    Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko

  • ANG TAKAS   CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT

    Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma

  • ANG TAKAS   CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET

    CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.

  • ANG TAKAS   CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS

    Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama

  • ANG TAKAS   CHAPTER 112 : LOVE IS FORGIVING

    Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug

  • ANG TAKAS   CHAPTER 111 : COMPASSION

    Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa

  • ANG TAKAS   CHAPTER 110 : ANG PAG-ATRAS SA KASAL

    Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at

앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status