Marahuyo

Marahuyo

last updateLast Updated : 2022-02-26
By:   Janebee  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
84Chapters
21.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?

View More

Latest chapter

Free Preview

SIMULA

SIMULA Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita. Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng haciendang isinusumpa niya. " Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama. " Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglilikot...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jaylyn Damacio
anu po ibigsabihin ng title na marahuyo ?
2024-02-29 16:50:54
1
user avatar
janeebee
Sa mga nais pang magbasa ng iba kong nobela. Dito po kayo sa account ko na ito bumisita. Salamat po sa mga nagbabasa! -janeebee
2023-01-22 21:17:33
4
user avatar
Cali
One of my favorite story na binabasa dito. Super ganda…
2023-01-22 13:17:25
2
user avatar
myname
ito na muna bsahn ko libre
2022-10-02 21:27:10
3
user avatar
janeebee
Hello guys! Sa mga nais pang magbasa ng aking akda, sa account ko pong ito na ilalagay ang iba kong nobela. Salamat!
2022-06-27 19:57:54
2
user avatar
Janebee
Hello guys! Sa mga gusto pang magbasa ng aking akda, naroon po sila sa isa kong account ( pseudonym: janeebee. ) Maraming salamat!
2022-04-13 11:13:32
2
user avatar
akolangto
...............
2021-12-27 09:45:10
3
84 Chapters
SIMULA
SIMULA   Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita.   Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng haciendang isinusumpa niya.   " Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama.   " Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglilikot
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
KABANATA 1
KABANATA 1  " Manang Fe, bigyan niyo pa ako ng isang linggo, promise magbabayad ako agad. Wala akong matutuluyan ngayon kung paalisin niyo ako agad, " nagsusumamong pakiusap ni Catalina sa landlady niyang nagsisimulang ilabas lahat ng gamit niya sa apartment. " Maryosep naman, Cata! Pinagbigyan na kita nang ilang beses, huwag ka namang umabuso! Dalawang buwan ka ng hindi nakakapag bayad ng upa! Anong petsa na, hija?! " galit at dismayadong wika ng landlady saka siya hinarap. " Hindi ko na problema kung saan ka tutuloy ngayon. Malaki ka na, gumawa ka ng paraan! " " Pero magbabayad naman ako sainyo, Manang Fe. Wala lang talaga akong raket ngayon kaya wala akong maihulog. Promise po, mag a-advance ako sainyo ng bigay once na makahanap ako ng trabaho. " " Naku, hindi mo na ako madadaan sa ganiyan. Ilang beses mo na iyang sinasabi pero wala namang nangyayari
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
KABANATA 2
KABANATA 2  Sa malaki at madilim na silid, prenteng nakaupo si Rostam sa kaniyang supa habang pinapatay-sindi ang cigarette lighter na hawak niya. Isang musika din ang bumabalot sa kabuan ng kaniyang kwarto na malaking tulong upang ang isip niya ang maging kalmado. Pasado alas tres na ng madaling araw pero di pa rin siya dinadalaw ng antok. Mukhang inaatake na naman siya ng kaniyang insomnia. Bumangon siya saka naglakad patungo balkonahe. Sinalubong siya nang sariwang hangin at isang malaki at bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa buong kalangitan. Inilabas niya ang isang stick ng sigarilyo, sinindihan bago ito inilagay sakaniyang bibig. Buong araw siyang nag trabaho nang walang halos pahinga, pero ni isa sa mga ginawa niya maghapon, wala pa ring lead sa hinahanap niya. Dismayado pero di na bago sakaniya na ganito matapos ang araw niya. Sa kalagitnaan ng kaniyang
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
KABANATA 3
KABANATA 3 Masikip, maliit at makalat. Iyon ang tatlong salitang mailalarawan ni Catalina nang siya'y dalhin ni Janice sa isang kwarto. Maraming babae ang nasa loob nito at abala sa kani-kanilang mga ginagawa kaya ilan lang ang bumati sa kaniya nang makapasok siya. " Girls, may bago tayong makakasama okay? Kayo na ang bahala sa kaniya mamaya at kung gusto niyo mag share na rin kayo ng mga experience niyo sa kaniya para may idea siya sa mga dapat at hindi dapat gawin sa oras ng trabaho. Maliwanag? " paalala ni Janice sa mga alaga niya bago lingunin si Catalina na nasa likuran niya. " Huwag kang mahihiya sa kanila, mababait ang mga iyan. Mamaya mag ready ka na rin dahil maaga tayong magbubukas ngayong araw. " Isang tipid na tango lang ang kaniyang tinugon dahil abala pa ang kaniyang mga mata sa paglilibot sa silid na titirhan niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang magig
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
KABANATA 4
KABANATA 4     Hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan kay Catalina ang sobreng natanggap kagabi. Wala siyang maisip na ibang taong puwedeng gumawa noon at napaka imposible para sakaniya na bigyan siya ng ganoon kalaking pera dahil lang sa natuwa ito sakaniya.   " Baka naman bilyonaryo kaya parang barya lang sakaniya yung ganiyang kalaking halaga, " ani Mariah na kasama niya sa pag iisip ng maaaring rason kung bakit siya nakatanggap ng ganitong kalaking pera. " Alam mo, kung ako sayo gastusin mo na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na marami kang utang na kailangan bayaran? Ayan, sinagot na ni Lord ang dasal mo. Isang bagsakan na lang para tapos ang problema mo. "   " No, hindi ko 'to gagalawin. Baka mamaya may kapalit 'tong binigay niya, ayokong magsisi sa huli, " sagot niya saka itinabi ang pera sa isang kahon. " Wala akong tiwala sa taong nagbigay niyan saakin. Paano kung iyang pera na 'yan
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more
KABANATA 5
KABANATA 5  Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya. " Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. " Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito. " Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may ha
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more
KABANATA 6
KABANATA 6 Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya. " Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. " " Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. " Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
KABANATA 7
KABANATA 7 " Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo. " Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. " " Kaya nakinig ka? " " Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? " Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
KABANATA 8
KABANATA 8  " Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa. " Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
KABANATA 9
KABANATA 9 Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro. " Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? " " Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila. " Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status