Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 5

Share

KABANATA 5

Author: Janebee
last update Last Updated: 2021-11-24 08:00:57

KABANATA 5

Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya.

" Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. "

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito.

" Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may hawak na baril. Naka-alerto sa posibleng gulong mangyari dahil nababatid nitong hindi lang isang simpleng mamamayan si Rostam.

" Sino ba ang may sabing nangha-haras ako, hijo? " tanong ng matanda saka tumawa habang pinagmamasdan si Catalina. " Maayos akong nakikipag usap sakaniya. Ikaw nga itong bigla nalang sumingit at parang ikaw pa ang may ganang magalit. Kung ako sayo hijo, umalis ka na lang dito kung pinahahalagahan mo ang buhay mo. Hindi mo naman siguro gustong sumabog ang bungo mo at magkalat ang dugo at utak mo dito? "

" Dahan-dahan sa pananalita, magulat ka baka bumalik sayo ang sinabi mo, " ani Rostam.

Hindi maintindihan ni Catalina kung ano na ang nangyayari kaya inangat nalang niya ang ulo upang malaman ang dahilan ng biglaang pananahimik ng matanda. Laking gulat na lamang niya nang may nakapalibot sa kanilang mga naka itim na lalake habang nakatutok ang baril sa matanda at sa driver nito na bakas din ang gulat sa mukha.

" Tanda, mukhang di mo yata nakikilala ang kausap mo, " ani Lorenzo saka sinipa ang tungkod na dala nito sapagkat alam niyang may nakatagong button sa hawakan para magbigay ng signal sa mga tao niya. " Wala pa rin kayong pinagbago. Isa pa rin kayong tigang na matandang hukluban. "

" Sino ba kayong mga tarant*do kayo? " nanggagalaiting tanong ng matanda saka tinapunan ng tingin si Rostam na madilim ang mukhang nakatingin sakaniya. " Sino ba kayo? Anong kailangan niyo saakin? "

" Kooperasyon mo lang ang hihingin namin, " ani Lorenzo sabay senyas sa mga kasama na lagyan ng posas ang dalawa, " at ilang impormasyon patungkol sa Lombardi Clan na pinaglingkuran mo noon. "

Mula sa pagkakakunot ng noo nito, napalitan ng ngisi at tawa ang matanda matapos marinig ang apelyido na matagal na niyang ibinasura sa isipan niya. " Ang mga p*tanginang 'yon ba ang dahilan nito? Wala kayong makukuhang impormasyon saakin, simasayang niyo lang ang oras niyo! "

Sinubukan nitong magpumiglas mula sa pagkakahawak sakaniya ng mga tao ni Rostam pero tinapalan lang ang bibig niya ng tape at nilagyan ng plastic bag ang ulo bago ipasok sa sasakyang dala-dala nila. Si Lorenzo na ang nagmaneho ng sasakyan para sila'y dalhin sa Hacienda at doon ituloy ang pagtatanong sa taong matagal na nilang hinahanap.

Sa kabilang banda, naiwan naman si Catalina at Rostam sa parking lot habang pinagmamasdan ang sasakyan palayo sa kanila.

" What the hell, " ang nasabi na lamang ni Catalina sabay lingon sa kasama niyang naglalakad papunta sa itim na kotse nito. " Teka lang, sandali! "

Tumigil si Rostam sa paglalakad saka nilingon ang dalaga na nagmamadaling magpunta sa kaniya.

" What? "

" Anong what? Ano 'yon? A-anong balak nyong gawin sa matanda? " tanong niya at hindi maitago sa mukha nito ang kaba.

" Bakit parang concern ka pa kung anong mangyayari sa kaniya? " nagsalubong ang kilay ni Rostam dahil taliwas ito sa inaasahan niyang reaksyon ng dalaga. " Hindi ba pabor sayo ang ginawa ko? "

" Huh? Teka, bakit nadamay ako? " takhang tanong niya sabay turo sa sarili. " Okay wait, pwede bang pakilinaw saakin ang nangyayari ngayon? Feeling ko kasi hindi lang naman ito tungkol sa panghaharas at paniningil na ginawa niya saakin. "

Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya sa mukha ng dalaga na nag aabang ng isasagot niya.

" Ano? Bakit di ka makasagot diyan? "

" Kailangan ba? " tanong nito saka binaba ang tingin sa balikat ng dalaga. " Ano ba ang gusto mong makuhang sagot? "

Napansin ni Catalina kung saan nakatingin ang mga mata nito kaya agad niyang hinati at hinawi ang buhok papasok para takpan ang magkabila niyang balikat.

" Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo pero kagaya niya, magbabayad ako sayo. Matatagalan nga lang pero pangako, ibibigay ko siya nang buong-buo, " aniya habang pilit inalis ang kaba at takot sa kaniyang isip.

" Wala kang dapat bayaran, " sagot ni Rostam na ikinakunot ng kaniyang noo. " Wala ka namang perang hiniram saakin. "

Natigilan si Catalina sa narinig.

" Anong ibig mong sabihin? "

Ngumisi si Rostam. " Kung tutuusin, ako pa nga ang nagbigay ng pera sayo. Bakit hindi iyon ang ginamit mo para bayaran ang halaga ng sinisingil niya sayo? "

" Teka, teka! Ikaw 'yon?! " Umawang ang bibig niya sa sinabi ni Rostam. " Seryoso ka ba? Anong trip mo? Bakit mo 'ko binigyan ng ganoong kalaking pera? "

" Hindi ba sinabi sayo ng Manager mo? "

" At sa tingin mo maniniwala ako doon? " tanong pabalik ni Catalina. " Tapatin mo nga ako, ano bang pina-plano mo? Hindi ako tanga para paniwalaan yung sinabi mong natuwa ka lang saakin kaya binigyan mo ako ng ganoong kalaking pera. "

Sa pagkakataong ito, iniharap na ni Rostam ang buong katawan niya sa dalaga dahil may kung ano sa sinabi nito ang mas nag pa-interes sakaniya. " Gusto mo talaga malaman ang dahilan? "

" Iyong totoong dahilan, " paglilinaw niya.

" Okay sure, " anito habang sinisimulang tunawin si Catalina gamit ang mga mata niya. Ngumisi siya bago ilabas sa bibig ang katotohanan. " I want to have sex with you. Gano'n lang ka-simple. "

***

" P*ta! Huwag kang madaya, Baron! Nagtatago ka ng baraha, eh! " ani Dario sabay bagsak ng baraha niya. " Kaya pala sunod-sunod na nananalo ang kumag! Ayusin mo, pre! "

Isang malakas na halakhak ang pinawalan ni Baron matapos mabuking ang pinakatatago niyang sikreto kapag dating sa paglalaro ng baraha.

" Sira! Hindi ka lang marunong dumiskarte! " anito saka inilabas ang isa pang baraha na itinago niya sa kaniyang kulot na buhok. " Napakalaki talaga ng naitutulong saakin nito. Ultimo mga babae niyo, kaya kong itago dito! Wala 'to sa bulsa ng pusang robot at sa bag nung batang gala! "

" Ang dami mong dada! Sabihin mo, madaya ka lang! " ani Dario na nagsimula ng magbalasa ng baraha. Nilingon niya si Lorenzo na nakatayo lang sa isang gilid at pinanonood ang ginagawa nila. Tinanungan niya ito. " Tignan mo 'tong isa, mas problemado pa yata sa Boss natin. "

" Ako na naman ang napansin niyo. " Itinaas ni Lorenzo ang kaniyang gitnang daliri para ibigay sa mga kasama niya. " Umayos kayo. Maabutan kayo ni Bossing diyan na nagsusugal, mayayari tayo. "

" Hindi 'yan. Wala namang magsusumbong, eh. Last game naman na 'to, tapos wala na. Di rin naman makausap nang matino yung matandang hukluban at ang alalay niya, " ani Dario habang pinamimigay ang baraha sa mga kalaro niya. " Hintayin na lang natin si Boss--"

Natigil ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Rostam. Ang una nila agad na napansin ay ang sugat sa labi nito na mukhang galing sa isang malakas na suntok dahilan kaya ito pumutok.

" Boss, nandiyan na pala kayo, " pagbati ni Baron at ng iba nitong tao saka pasimpleng tinakpan ang mesa na puno ng pera at baraha. " Napano labi niyo, Bossing? Mukhang mabangis na insekto ang h*****k ah? "

Napatiim-bagang si Rostam at muling idinampi ang hinlalaki sa kaniyang putok na labi. Biglang bumalik sa kaniyang isip ang pagdapo ng kamao ni Catalina sa mukha niya at hindi mapigilan ang sarili na matawa.

Nagkatinginan ang mga tao niya dahil sa pagtataka. Walang ideya kung bakit itong natatawa gayong putok ang labi nito na malayong-malayo sa reaksyong inaasahan nila.

Tumikhim si Lorenzo. " Ah Boss, yung dalawa nating bisita, hinihintay ka na kanina pa. "

Doon natauhan si Rostam at mabilis inalis ang ngisi sa labi niya. Tumikhim siya at binaling ang atensyon sa kanilang bisita na nakaupo at nakatali sa silya. Naglakad siya palapit sa mga ito at kinuha ang isang baso na may lamang alak para ibuhos sa mukha ng dalawa dahilan kaya ito'y nagising. Tinaggal na rin ni Lorenzo ang tape sa bibig ng mga ito kahit walang kasiguraduhang ito'y kanilang mapakikinabangan.

" Wala akong balak dungisan ang kamay ko ngayon, " panimula ni Rostam sabay hila ng isang silya sa gawi niya. " Maliban kung iyon ang hihilingin niyong gawin ko. Hindi ko 'yon tatanggihan. "

" Para saan ba lahat ng ito? Ano bang silbi ng ginagawa niyo kung matagal ng patay ang namumuno dito? " tanong ng matanda sakaniya. " Nasa impyerno na ang mga Lombardi, at wala na kayong mababago doon kahit na anong gawin niyo! "

" Diyan kayo nagkakamali. " Naupo si Rostam sa silyang hinila habang hindi inaalis ang tingin sa matandang naging miyembro din noon ng grupong kinabibilangan nila. " Hindi pa patay lahat ng Lombardi, dahil narito pa ako sa harapan mo. Buhay na buhay. "

Bakas ang gulat sa mukha ng matanda nang marinig ang sinabi ni Rostam. Hindi agad siya nakapagsalita nang unti-unting mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Sa tindig at sa pananalita ng lalake sa harap niya, ngayon alam na niya kung sino ito sapagkat ganitong-ganito rin ang dati niyang Boss. Rostam Lombardi, ang anak ng dati nilang pinaglilingkuran sa Lombardi Clan na sa pagkaka alam niya, matagal ng nabuwag.

Ano kaya ang dahilan ni Rostam at tila binubuhay niya ang dating samahan na pinamunuan ng namapayang Ama? Bakit niya hinahanap isa-isa ang mga dating naging miyembro ng nasabing samahan?

***

" Ha?! Sinabi niya 'yon?! " hindi makapaniwalang tanong ni Mariah kay Catalina matapos nitong i-kwento ang naging paghaharap nila ng lalakeng nagbigay ng malaking halaga kapalit ang puri niya. " Baka naman binibiro ka lang niya? Sinuntok mo naman agad. "

" Hindi magandang biro 'yon para saakin, " aniya habang tinatanggal ang makeup sakaniyang mukha. " Tama nga ang hinala ko sa pera na 'yon, galing sa masamang tao. Mabuti na lang at di ko talaga siya ginalaw kundi, mapapasubo ako nito. Anong akala niya, papayag ako sa proposal niya? Asa siya! "

" Gwapo ba? " tanong ni Mariah na nagpatigil sa kaniya.

" Oo gwapo pero--"

" Gwapo naman pala, patulan mo na! Sayang ang genes! " ani Mariah sabay hampas sa balikat ni Catalina, " Hindi ba't isang gabi lang naman ang hinihingi niya sayo? One night stand, tapos nag offer kamo siya ng pera kapalit ng isang gabi mo? "

" Ganoon na nga pero di ko na pinakinggan iyong sunod na sasabihin niya dahil matapos ko siyang suntukin, nilayasan ko na, " taas noong wika niya. " Napaka siraulo ng lalakeng 'yon. Ang dami-daming babaeng dito sa club, ako pa napag trip-an niyang alukin ng one night stand. "

" Baka kasi type ka? "

" At sa ganoong paraan niya idinaan ang love confession niya? Sinong tanga ang papayag sa gano'ng alok? "

" So tanga na ba ako? " nakangusong wika ni Mariah. " I mean, di na bago saakin yung mga ganiyang proposal. Karamihan sa customers dito, ganiyan ang alok sa mga stripper gaya natin. Siyempre dahil sa trabaho nga natin, mababa talaga ang tingin saatin ng karamihan dahil pagbibigay ng aliw sa kalalakihan ang ginagawa natin, Catalina. Normal na 'yang mga ganiyang alok kaya sanayin mo na sarili mo. "

Natahimik siya at tila nagising sa sinabi ni Mariah. Nawala sa isip niya na iba na nga pala ang mundong kaniyang ginagalawan kaya kahit anong pandidiri niya, hindi nito mababago ang katotohanan na isa nga siyang kalapiting mababa ang lipad.

" Kung ganoon, dapat ba tanggapin ko yung proposal niya? " tanong niya.

Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ni Mariah saka siya tinapik sa balikat bago ito lumabas ng silid nila.

Napabuga na lang siya sa hangin at napatitig sa sarili sa salamin. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nag alok sakaniya ng ganitong klaseng kasuduan pero hanggang ngayon, di niya pa rin alam ang dapat na gawin. Para sa kaniya, isa itong kalokohan at kahibangan subalit kung ito ang magliligtas sa kaniya mula sa pagkakabaon sa lupa, dapat bang tanggapin ang tulong mula sa isang estranghero na puri niya ang kapalit?

Lumipas ang mga araw, tuloy pa rin ang buhay ni Catalina sa club kung saan siya nag t-trabaho. Ganoon pa rin ang kanilang sistema at habang tumatagal, unti-unti na rin siyang nasasanay sa paligid niya. Nakukuha na niyang mag tiis sa nakikita at magpanggap na pipi at bulag para sa ikatatagal ng trabaho niya.

Isang gabi, dumating na nga ang kinatatakutan niya dahil isa na siya sa mga magbibigay aliw sa entablado at pikit matang haharapin ang mga parokyano. Kabado siya pero wala siyang nakikitang ibang paraan para takasan ang realidad na pinasok niya.

" Girls, in five minutes mag p-perform na kayo sa stage. Be ready ha! " ani Janice saka ibinigay ang kalahating maskara na isusuot nila bilang bahagi ng palabas. Buntong hininga itong tinaggap ni Catalina dahil labag sa loob niya ang gagawin niyang ito. Maayos na siya sa pag s-serbisyo ng mga pagkain at inumin sa parokyano pero dahil ito ang patakaran, wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Wala siyang ibang pagpipilian.

" Sandali, hindi ka kasama sa mag p-perform sa stage ngayon, " laking gulat ni Catalina nang hawakan ni Janice ang kamay niya upang pigilan siya sa pag akyat sa entablado nila. " May customer na naman ang interesado sayo, Catalina. Pinupupunta ka sa VIP room. "

Ang akala niya ligtas na siya pero hindi pa pala. Iyong kaba niya, mas nadagdagan lang dahil sa narinig kay Janice.

" Ngayon na? " tanong niya.

" Oo ngayon na, huwag kang mag alala mabait yung nag request sayo. Ang dami ngang pinadalang foods and drinks kanina bago ka niya ipatawag, " anito pero hindi naman nabawasan ang kaniyang kaba.

Bagsak ang balikat niyang sumama kay Janice patungo sa VIP room kung saan, may naghihintay na parokyano sa pagdating niya.

" Relax ka lang ah? Enjoy-in mo lang ang gabi na 'to dahil baka sa isang iglap, magbago ang takbo ng buhay mo, " ani Janice bago kumatok sa pintong hinintuan nila. Hindi niya magawang ngumiti dahil ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa VIP room. Hindi niya alam kung ano ang nag aabang sakaniya pag pasok niya.

Nang siya'y tumuloy na sa loob, sinalubong siya ng madilim na kwarto. Tanging LED lights lang ang nagsisilbing liwanag para maaninag niya ang bawat sulok ng silid na pinasukan niya. May malaking supa at isang mesa na puno ng iba't-ibang putahe na galing sa menu nila. May dalawang tequila at dalawang wine glass na nasa gitna mg mesa.

" I'm glad you came. " Napatingin si Catalina sa likuran niya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Hindi na siya nagulat nang makita ang mukha ng parokyanong nag request sakaniya.

Napalunok si Catalina at iniyukom ang kamao niya. Sa ilang araw na nagdaan, desedido na siya sa gagawin niya. Nasa impyerno na siya kaya bakit nga ba di niya pa sulitin ang pananatili niya? "Iyong offer mo, pwede ko pa bang tanggapin ngayon? "

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Rostam dahil gaya ng kaniyang inaasahan, walang makaka-hindi sa halaga ng perang isusugal niya kapalit ang isang gabing pagsasaluhan nila.

--

Related chapters

  • Marahuyo   KABANATA 6

    KABANATA 6Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya." Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong

    Last Updated : 2021-12-01
  • Marahuyo   KABANATA 7

    KABANATA 7" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi

    Last Updated : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 8

    KABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa

    Last Updated : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 9

    KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro

    Last Updated : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 10

    KABANATA 10Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya." Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon

    Last Updated : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 11

    KABANATA 11" Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo." Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "" Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina." Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? "" Malamang sa kalsada. Ma

    Last Updated : 2021-12-03
  • Marahuyo   KABANATA 12

    KABANATA 12Isang buwan na ang nakalipas magmula noong dumating si Catalina sa probinsya at tumira sa dating bahay nina Mariah. Maganda at maayos ang naging daloy ng buhay niya sa mga nakalipas na araw na kung ikukumpara sa siyudad, mas gusto na niyang dito tumira.May ilan na rin siyang mga kapitbahay na nakakausap at tumutulong sakaniya kung paano mamuhay sa probinsya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na maninirahan siya rito." Kailangan mo ring kausapin ang mga halaman mo na parang mga tao. Ako na nagsasabi sayo, maganda ang aanihin mo sa oras na mag bunga ang mga tinanim mo, " wika ni Nanay Cel, ang matandang babae na parang naging Ina na rin ni Catalina dahil sa pag aasikaso nito sakaniya. Halos magkatabi lang rin ang bahay na tinitirahan niya at sa lahat ng tao dito sa nayon, ito ang madalas niyang nakakasama." Talaga ho? Subok niyo na siguro ka

    Last Updated : 2021-12-04
  • Marahuyo   KABANATA 13

    KABANATA 13 " Catalina? Catalina, bumangon ka na diyan, aba? Gusto mo bang mahuli tayo sa pila? " Naimulat si Catalina ang kaniyang mata sa sunod-sunod na pag yugyog sakaniya ni Nanay Cel. Napakalakas din ng boses nito kaya gising na din agad ang diwa niya. " Bumangon ka na d'yan, Cata. Gumayak ka na at marami ng tao sa barangay, " ani Nanay Cel na inabutan din siya ng isang tasa na may lamang mainit na gatas. " Ito, inumin mo muna at kumain ka ng biscuit. Siguradong tanghali na tayo matatapos doon. Mamaya wala pala silang libreng pakain doon, hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. Apektado rin ang bata. " " S-sandali lang, Nay Cel. " Bumangon siya sa kama at naglakad papunta sa sala. Nagpalinga-linga siya na tila ba may hinahanap sa paligid niya. " Nasaan si Bobot? " Nagsalubong ang kilay ng matanda. " Aba, ang aga-aga, si Bobot ag

    Last Updated : 2021-12-05

Latest chapter

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status