KABANATA 4
Hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan kay Catalina ang sobreng natanggap kagabi. Wala siyang maisip na ibang taong puwedeng gumawa noon at napaka imposible para sakaniya na bigyan siya ng ganoon kalaking pera dahil lang sa natuwa ito sakaniya.
" Baka naman bilyonaryo kaya parang barya lang sakaniya yung ganiyang kalaking halaga, " ani Mariah na kasama niya sa pag iisip ng maaaring rason kung bakit siya nakatanggap ng ganitong kalaking pera. " Alam mo, kung ako sayo gastusin mo na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na marami kang utang na kailangan bayaran? Ayan, sinagot na ni Lord ang dasal mo. Isang bagsakan na lang para tapos ang problema mo. "
" No, hindi ko 'to gagalawin. Baka mamaya may kapalit 'tong binigay niya, ayokong magsisi sa huli, " sagot niya saka itinabi ang pera sa isang kahon. " Wala akong tiwala sa taong nagbigay niyan saakin. Paano kung iyang pera na 'yan, nakaw pala tapos naghahanap lang siya ng kasama sa kulungan, diba? No thanks. Hindi na baling maghirap ako dito sa ginagawa ko, basta huwag lang ako madamay sa gulo. "Napakamot sa ulo si Mariah. " May punto ka naman. Pero sayang 'yan kung itatabi mo lang. Baka mamaya may kumuha pa niyan dito. "
" Okay lang, at least di ako ang makikinabang kaya kung sakaling galing ang pera na 'yan sa masama, malinis ang konsensiya ko, " sagot ni Catalina saka tumayo at inayos ang pagkakatali niya sa buhok. " Kailangan ko ring makausap si Janice tungkol dito para kapag bumalik ulit iyong customer na 'yon, makita ko siya at matanong kung anong trip niya. "Natatawang umiling si Mariah dahil hanggang ngayon, hirap pa rin siyang malaman kung paano ang takbo ng utak ng dalagang kasama niya. Hindi niya mahulaan kung ano sunod na lalabas sa bibig nito sapagkat hindi nagtutugma ang ekspresyon ng mukha niya sa sasabihin niya.Lumabas si Catalina ng bahay para magtungo sa kalsada at magpunta sa club na katapat lang ng tinutuluyan nila. Tatawid lang siya ng kabilang kalsada at hayon na, nasa trabaho na siya. Ala-dyes pa lang ng tanghali kaya tulog pa ang karamihan sa mga kasama nila, umaga na kasi kung mag sara ang night club kaya hapong-hapo ang lahat. Panigurado mamaya, sasabak na naman sila giyera.
" Good morning, Maam, " nakangiting bati sakaniya ng janitor na abala sa pagliligpit ng mga kalat sa bawat mesa." Good morning din po. Nakita niyo ho ba ngayon si Janice? " tanong ni Catalina saka tinulungan ang matanda na ilagay sa basurahan ang mga kalat na dala niya." Naku hija, salamat pero h'wag ka na tumulong at baka madumihan ka pa, " anito sakaniya saka itinuro ang isang pinto kung saan ang pahingahan ni Janice. " Nariyan siya sa loob at mukhang tulog pa dahil di ko pa nakikitang lumalabas mula kanina. Katukin mo na lang. "" Sige po, salamat, " aniya saka naglakad papunta doon sa itinurong silid at nakahanda na sana siyang kumatok nang makarinig ng ungol mula sa loob. Ibinaba na lang niya ang kamay saka tumalikod para lumayo sa kuwarto." Oh, bakit di ka pumasok? Wala ba diyan sa loob? " takhang tanong sakaniya ng janitor." Busy po. Mamaya na lang ako babalik, pasabi na lang po na galing ako dito. Salamat, " hindi na siya nag tagal pa sa loob at naglakad na palabas ng establisyemento. Bigla siyang napangisi. " Wala siyang kapaguran. Araw-araw ba siyang may performance? "Tatawid na sana siya sa kabilang kalsada nang maaninang ang isang sasakyan na nakahinto sa tapat ng tinutuluyan niyang bahay. Bumaba ang isang pamilyar na matandang lalake at sa tindig pa lang nito, kilala na niya kung sino iyon.
" Patay tayo n'yan, " bulong sa sarili at di na nagdalawang isip umalis sa kaniyang kinatatayuan para maghanap ng maaaring pag taguan. Sa dami ng taong pinagkakautangan niya, isa ang lalakeng 'yon sa di niya makakalimutan dahil bukod sa malaki itong magpatong ng interes, pati ang kaluluwa mo ay kasama sa sisingilin niya.***Sunod-sunod na pinaputukan ni Rostam ang human shooting range na nasa kaniyang harapan. Halos pamuno na ito ng butas at wala ng espasyo para sa panibagong bala na kaniyang kinakasa." Boss, may gustong kumausap sayo, " ani Lorenzo na nasa likuran niya dala ang cellphone na panay ang tunog kanina pa.
" Mas importante ba 'yan sa ginagawa ko? " tanong ni Rostam saka muling nagpaputok patungo sa tina-target niya.Napakamot sa ulo si Lorenzo. " Boss, sa tingin ko oo. Baka kasi kung di mo siya kausapin, gumawa na naman siya ng gulo. "
Mariing napapikit si Rostam saka binaba ang baril na kaniyang hawak. Inalis ang suot na ear protector bago kuhanin ang cellphone kay Lorenzo.
" What? " bungad niya sa kabilang linya." Anong what? Nasaan ka ba?! Ayaw ako papasukin ng mga tauhan mo sa Hacienda! Ano, isinama mo na ako sa blacklist? " nag aalburotong tanong ng isang babaeng kausap niya. Hindi sila magkausap ng personal pero damang-dama ni Rostam ang apoy na lumalabas sa bibig nito patungo sa kaniyang tainga.
" Ano bang kailangan mo? " tanong niya saka lumabas ng shooting range." Kailangan ko ng pera, " hindi pagdadalawang isip na sagot nito sa kaniya, " Ngayon na mismo. Kung hindi mo kaya ibigay saakin ng cash, sa bank account mo na lang i-transfer. "" Paano kung sabihin kong hindi ko kaya sa dalawa? "" Wow, ako pa ang niloko mo? Ako na ate mo? " sarkastiko itong natawa, " Pumatay nga ng tao, nakaya mo. Tapos sasabihin mong di mo kaya mag bigay ng pera. G*go ka ba? "Hindi na siya nag abalang sumagot dahil binabaan na niya ng tawag ang kapatid niyang ilang segudo lang ang tanda sakaniya. Nagtungo siya sa opisina at naglabas ng pera para ibigay sa kapatid niyang nasa labas ng gate. Inilagay niya ito sa puting sobre bago iabot kay Lorenzo.
" Kung pinahahalagahan niya buhay niya, h'wag na kamo siyang babalik pa dito dahil ako mismo tatapos sa kaniya, " aniya ngunit batid niyang kahit anong gawing paalala at pagbabanta sa kapatid, babalik at babalik pa rin ito para manggulo at humingi ng pera sakaniya. Kapag hindi naman nasunod ang gusto, gagawa't gagawa ito ng paraan para may pumansin at makuha ang kaniyang nais.Lombardi. Pamilya ng mga sakim at sa oras na hindi umayon sa kanila ang plano, handang hamakin ang lahat masunod lang ang gusto.
***
" Hoy hija, saan ka ba galing at anong oras ka na nakauwi? " tanong ni Janice kay Catalina nang magkasalubong sila sa labas ng bahay. Kababalik lang niya galing sa mga lugar na pinuntahan niya para magpalipas ng oras at pagtaguan ang pinagkakautangan niya.
" Nagtago lang ako kay kamatayan, " aniya saka pumasok sa loob para hanapin si Mariah. Nakita niya ito sa kusina kaya agad niya itong nilapitan. " Mariah, iyong dumating kanina--"" Sira ka, saan ka ba nanggaling? Pinakaba mo kami! " anito nang makita si Catalina, " at oo, may mga dumatig kanina at hinahanap ka! Sinisingil ka nang napaka laking halaga, beb! Jusmiyo, hindi mo naman kami in-inform na pupunta pala 'yon dito ah. Kinabahan kami. "" Pasensya na pero wala rin akong idea kung paano nila ako nahanap dito. I'm sorry kung may ginawa silang hindi maganda sainyo, " aniya saka nilingon ang mga babaeng kasamahan niya. " Nakita ko na kasi sila kanina sa labas kaya di na ako tumuloy dito sa loob. Ngayon lang ako nakabalik dahil kung saan-saan ako nagpupupunta kanina para matakasan lang sila. Baka mamaya pag-uwi ko kasi, nandito pa mga 'yon."" Huwag kang mag alala, hindi naman namin sinabi yung totoo na nandito ka. Hindi kami nagsalita at sinabi namin na di ka namin kilala, " sabi ng isa kaya bigla siyang nakahinga nang maluwag. " Pero mukhang hindi siya naniwala dahil babalik daw siya dito. "" Sh*t, " napamura nalang siya saka naupo sa silya. Isang malalim na buntong hininga lang ang kaniyang pinawalan habang nag iisip ng paraan para siya'y tigilan." Paano kung ibayad mo na lang sakaniya yung perang natanggap mo kagabi? " suhestiyon ni Janice, " Para tapos ang problema mo, hindi ba? Marami naman 'yon, siguradong may matitira ka pa. "
" Hindi ko gagalawin 'yon. Ibabalik ko yung pera na 'yon sa nagbigay saakin, " aniya, " Wala akong tiwala sa nag abot noon saakin. Feeling ko isa lang 'yon pain at hinihintay niyang gamitin ko 'yon para sa pansarili niyang interes, so hindi. Hindi ko 'yon gagalawin. "" Kung ganoon anong balak mo? Nakakatakot pa naman yung matanda kanina. Parang miyembro ng kung anong sindikato, " ani Mariah na agad sinang-ayunan ng mga nakakita." Bahala na, " ang tanging nasabi na lang ni Catalina dahil wala siyang ka-plano-plano talaga. Puro pagtatago lang ang mga solusyon na ginagawa niya dahil iyon lang ang kaya.Nang sumapit ang gabi, panibagong pakikipag sapalaran na naman kay Catalina ang kahaharapin niya sa club. Maaga pa lang pero marami ng parokyano ang nagsisidatingan sa loob.
" Itali mo kaya ang buhok mo ngayon para maiba sa style mo kagabi? " ani Mariah matapos kulutin ang dulo ng buhok ni Catalina. " I mean, since naka off shoulder ka naman, itodo mo na. Ilitaw natin iyang collarbone mo para dagdag sa atraksyon. "" Wow, ano ako lugar? Tapos sila turista? " Iiling-iling na wika ni Catalina saka tumayo sa kinauupan niya sabay ayos ng kaniyang buhok. " Okay na ako dito sa hitsura ng buhok ko. Thank you ulit. "" Teka, yung hikaw pa! " tawag ni Mariah kay Catalina dahil tuluyan na itong lumabas sa silid para magsimulang mag trabaho ngayong gabi. Napabuga na lang siya sa hangin saka ikinabit ang hikaw sa magkabila niyang tainga. " Nope, hindi bagay saakin. Huwag na ipilit, Mariah. "Sinalubong ng ingay at dami ng tao si Catalina nang siya'y makaalis sa kwarto kung saan sila nag aayos ng mga sarili nila. Iilan na lang ang bakanteng mesa dahil unti-unti na itong pinupuno ng mga parokyanong handa na ring mag liwaliw hanggang umaga." Catalina, padala nga 'to sa table number four, " tawag sakaniya nung bartender saka ibinigay ang dalawang bucket of ice. Agad naman niya itong sinunod at inihatid ito sa nasabing mesa. May musika na ring tumutugtog na nagpapadagdag sa ingay at kulay ngayong gabi." Lap dance! Lap dance! " Naagaw ang atensyon ni Catalina sa grupo ng mga kalalakihan na nagsisimula ng maging wild. May ilang babae na ang nandoon sa kanilang mesa upang gawin ang hinihiling ng kanilang mga parokyano.Bigla siyang napalunok at agad na inalis ang tingin sa puwestong iyon. Gusto niyang kumilos at gumawa na naman ng eksena pero hindi niya ginawa dahil ito ang trabaho nila. Ito na ang mundong titirhan niya dahil wala na siyang pag-asa pang nakikita para magkaroon ng malinis na pera. Kailangan lunukin ang pride at magpakatatag dahil ito na lang siya.
Walang pera, walang tirahan, walang magulang at walang kaibigan kaya kahit nakakasuka ang mga nakikita niya sa paligid, tiis lang ang kailangan dahil sabi nga sakaniya ni Mariah, darating din ang araw na masasanay ka.Itinuon niya ang buong atensyon sa pag s-serbisyo sa mga parokyano at habang palalim nang palalim ang gabi, lalong dumadami ang tao sa loob. Nasa ikalawang palapag siya ngayon at damang-dama niya ang dagundong ng musika sa paanan niya pati na rin ng mga tao na nagtatalunan sa kanilang kinatatayuan para enjoy-in ang pinatutogtog ng DJ sa harap." Catalina! " Napatigil siya sa pagbaba ng hagdan nang marinig ang boses ni Janice sa kung saan. Hinanap niya ito at naroon ito sa dulo ng pasilyo kaya bumalik siya sa itaas para puntahan ito na panay ang senyas sakaniya na bilisan niya." Bilisan mo, ang bagal mo! " anito saka hinila ang kaniyang braso para ilapit sakaniya. " Hindi ba't gusto mo makita yung taong nagbigay sayo ng pera kagabi? Ayun! Nasa ibaba! "Sinundan niya ng tingin ang hintuturo ni Janice pero sa dami ng tao, hindi niya matukoy kung sino ang tinuturo nito.
" Ang daming tao, sino dyaan? "" Iyong malapit sa exit! Iyong mga nakatayo tapos may sigarilyo sa bibig! " ani Janice sabay hawak sa ulo niya para i-dungaw sa ibaba. " Ano nakita mo na? Iyong lalakeng mga naka suot ng itim na suit! "Pinaliit ni Catalina ang mata niya para madaling mahanap ang tinutukoy ni Janice at doon, namataaan niya sa ibaba yung mga lalakeng nakatayo at nag uusap-usap. Hindi pa man nagtatagal ang mga tingin niya, bigla na lang silang lumabas sa pintuan kung saan ang exit kaya parehong nataranta ang dalawa.
" Habulin mo at mag pasalamat ka! " sabi ng katabi niya at iyon nga ang ginawa niya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para habulin yung mga lalakeng tinutukoy ni Janice.
Nang makalabas siya sa establisyemento, nakita niya ang mga ito na naglalakad patungo sa parking lot kaya mabilis siyang tumakbo para maabutan ang mga ito." Excuse me! Sandali lang--" bago niya pa matuloy ang pagkuha sa atensyon ng hinahabol niya, biglang may isang sasakyan ang huminto sa harap niya dahilan ng pag tigil niya. Bumukas ang driver seat at bumaba ang isang lalake para buksan ang pinto ng back seat.Lihim siya napamura nang makita ang matandang lalakeng bumaba ng sasakyan dala ang tungkod nito habang malaki ang ngiti nang magtama ang mga mata nila. Wala rin palang silbi ang pagtatago niya kaninang umaga." Long time no see, Catalina. Kumusta ka? " anito sakaniya.Hindi niya agad magawang sumagot dahil na blangko ang isip niya. Hindi siya makagalaw dahil sa takot na baka mahampas na naman siya ng tungkod nito.
" Akalain mo nga naman, dito rin pala ang bagsak mo? " natatawang wika nito habang pinagmamasdan ang kabuuan niya at ang club na nasa likuran niya. " Hindi ko akalaing magiging mababa pala ang lipad mo. Magkano ba ang isang gabi sayo? "Naiyukom niya ang kamao at pinigilan ang sariling makipagsagutan sa matanda dahil sa likod nito, may taong nagbabantay at may baril na hawak-hawak. Ilang beses na siyang natutukan nito pero ganoon pa rin kalaki ang takot niya oras na marinig ang pagkasa.
" Magbabayad ako, " sagot na lamang niya nang hindi pinuputol ang tingin sa matanda. " Pangako, magbabayad ako sayo. Oras na makuha ko ang sahod ngayong linggo, ibibigay ko 'yon sainyo nang buong-buo. "Sarkastiko itong tumawa. " Hija, hindi mo na ako madadaan sa ganiyan. Maraming beses ko ng narinig 'yan pero wala naman akong napapala. Tumatakas at nagtatago ka lang. "
" Hindi ako nagtatago sainyo. Naghahanap lang ako ng ibang pagkakakitaan para makapag bayad ako! " aniya sabay turo sa club. " Tignan niyo ayan, may katibayan naman ako. Nag t-trabaho na ako kaya may ipambabayad na ako sainyo. Please, bigyan niyo pa ako ng huling pagkakataon. "" Hindi mo na kailangan ng huling pagkakataon, Catalina. Sobra-sobra na ang binigay ko sa'yo, " sabi ng matanda saka inangat ang tungkod niya para itusok sa noo ng dalaga. " Alam mo, madali lang akong kausap. Pwede namang kalahati na lang ang ibayad mo para di ka na mahirapan kung papayag ka lang sa sasabihin ko. "" Hindi ako papayag, " agad niyang wika sabay tabig ng tungkod na naka tukod sa kaniyang noo at taas noong sumagot sa matanda. " Buong-buo kong ibibigay ang pera na hiniram ko sainyo. Walang labis at walang kulang. "
Muli itong humalakhak na animo'y may nakakatawa sa sinabi niya. " Catalina, huwag mo akong yabangan dahil wala ka namang ipagmamayabang. Huwag masyadong malaki ang tingin sa iyong sarili kung isa ka na lang kalapating mababa ang lipad. "Bigla siyang nanliit sa narinig. Wala na, naapakan na naman ang buong pagkatao niya.
" Kung makapag salita ka, akala mo'y may ipambabayad ka na. May pera ka na ba? May ibibigay ka na ba? " muli nitong itinukod ang tungkod sa noo niya para siya'y maitulak palayo at laking pagtataka niya nang may maramdamang kamay na humawak sa kaniyang likuran upang siya'y alalayan.
" May maitutulong ba ako dito? " boses ng isang lalake ang kaniyang narinig. Lumingon siya dito at halos manigas siya sa kinatatayuan nang makita ang taong nasa kaniyang likuran. Si Rostam Lombardi.---KABANATA 5Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya." Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. "Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito." Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may ha
KABANATA 6Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya." Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong
KABANATA 7" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi
KABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa
KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro
KABANATA 10Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya." Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon
KABANATA 11" Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo." Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "" Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina." Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? "" Malamang sa kalsada. Ma
KABANATA 12Isang buwan na ang nakalipas magmula noong dumating si Catalina sa probinsya at tumira sa dating bahay nina Mariah. Maganda at maayos ang naging daloy ng buhay niya sa mga nakalipas na araw na kung ikukumpara sa siyudad, mas gusto na niyang dito tumira.May ilan na rin siyang mga kapitbahay na nakakausap at tumutulong sakaniya kung paano mamuhay sa probinsya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na maninirahan siya rito." Kailangan mo ring kausapin ang mga halaman mo na parang mga tao. Ako na nagsasabi sayo, maganda ang aanihin mo sa oras na mag bunga ang mga tinanim mo, " wika ni Nanay Cel, ang matandang babae na parang naging Ina na rin ni Catalina dahil sa pag aasikaso nito sakaniya. Halos magkatabi lang rin ang bahay na tinitirahan niya at sa lahat ng tao dito sa nayon, ito ang madalas niyang nakakasama." Talaga ho? Subok niyo na siguro ka
WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang
KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "
KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n
KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M
KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot
KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im
KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "
KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami
KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or