Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 3

Share

KABANATA 3

Author: Janebee
last update Huling Na-update: 2021-11-22 13:56:37

KABANATA 3

Masikip, maliit at makalat. Iyon ang tatlong salitang mailalarawan ni Catalina nang siya'y dalhin ni Janice sa isang kwarto. Maraming babae ang nasa loob nito at abala sa kani-kanilang mga ginagawa kaya ilan lang ang bumati sa kaniya nang makapasok siya.

" Girls, may bago tayong makakasama okay? Kayo na ang bahala sa kaniya mamaya at kung gusto niyo mag share na rin kayo ng mga experience niyo sa kaniya para may idea siya sa mga dapat at hindi dapat gawin sa oras ng trabaho. Maliwanag? " paalala ni Janice sa mga alaga niya bago lingunin si Catalina na nasa likuran niya. " Huwag kang mahihiya sa kanila, mababait ang mga iyan. Mamaya mag ready ka na rin dahil maaga tayong magbubukas ngayong araw. "

Isang tipid na tango lang ang kaniyang tinugon dahil abala pa ang kaniyang mga mata sa paglilibot sa silid na titirhan niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang magiging sagot. Kailangan niya ng pera at matitirhan kaya wala siyang choice kundi mag tiis.

" Hello beb! Ang pretty mo naman, anong name mo? " may biglang lumapit sa kaniya matapos siyang iwan ni Janice na marami pang gagawin sa labas. Wala pa siyang kilala sa mga magiging kasama niya at sa tingin niya, hindi naman siya mahihirapan makisalamuha dahil mukha namang tama si Janice, mababait ang mga ito.

" Catalina, " aniya saka nilahad ang kamay para sana makipag shake hands pero tinawanan siya ng babaeng kaharap niya.

" Ano ba, ang formal naman masyado. Okay na ako sa beso-beso, " anito saka nakipag besohan sa kaniya. " Anyway, ako pala si Mariah. Nice to meet you, Catalina. Ilan taon ka na? "

" Twenty-six. Ikaw ba, ilan taon ka na? "

" Thirty-one and four years na akong nandito. Na-stuck na at mukhang dito na ako tatanda, " anito saka sila naglakad patungo sa terrace ng bahay. " Pwede ko bang malaman kung bakit mo pinasok 'to? Bukod sa inalok ka ni Mamita, may malalim ka rin bang rason? "

" Kailangan ko ng pera at matitirhan, " ani Catalina saka nagpakawala nang malalim ba buntong hininga. " Baon din ako sa utang at napalayas ako sa apartment na tinitirhan ko dahil di na ako nakakapag bayad. So ayon, kailangan ko gumalaw bago pumanaw. "

Bahagyang natawa si Mariah sa huling sinabi ni Catalina. " Alam mo, gusto ko yung pagiging positibo mo. Imbis na magpaka lugmok ka sa problema, tagalang kikilos ka para humanap ng solusyon. "

" No choice, wala naman kasing ibang gagawa noon kundi ako lang. "

" Bakit? Wala ka bang boyfriend or partner para tumulong sa mga gastusin mo? "

" Wala at di rin ako naghahanap. Iyong parents ko naman, wala na silang paki alam saakin dahil matagal na akong lumayas sa puder nila, so sarili ko lang ang aasahan ko. "

Hindi maiwasan ni Mariah ang pumalakpak. " Grabe, hindi ko akalain na malalim ang pinanghuhugutan mo. Matapang ka pero huwag mo gawing bato ang puso. "

Isang tipid na ngiti na lang ang sinagot niya. Hindi naman siya ganoon katigas para maging bato ang puso niya, pero hangga't maari, umiiwas na siya sa mga taong posibleng maging dahilan ng pagkawarak niya muli.

***

Isang abandonadong gusali ang pinasok nina Lorenzo at Rostam nang sila'y makababa sa sasakyan. Mausok at napakarumi ng paligid dahil sa mga b****a na nakatambak sa isang gilid. Masukal din ang daan dahil sa mga giba-gibang istraktura pero nagpatuloy pa rin sila sa pag pasok sa pagbabaka sakaling narito ang taong hinahanap nila.

" Boss, tutuloy ba tayo sa loob? Baka patibong lang 'to, " nag aalangang wika ni Lorenzon na alerto sa paligid nila. Ilalabas niya sana yung baril niyang nakatago pero pinigilan siya ni Rostam.

" Wala tayong ilalabas na kahit na anong armas, " aniya saka tumingin sa hagdan patungo sa pinakataas ng gusali. " Hangga't wala silang ginagawa saatin, wala rin tayong gagawin. Hindi puwedeng bumaliktad ang plano. "

Tumango si Lorenzo bilang pagsang-ayon bago sila pumanhik sa itaas. Maingat ang kanilang ginagawang paghakbang sa bawat baitang dahil ano mang oras, maaaring may umatake sa kanila sa kung saan.

Nang sila'y makarating sa isang pinto, si Lorenzo ang kumatok nang tatlong beses pero walang sumagot. Nilingon niya si Rostam at naghintay ng senyas bago niya pwersahang buksan ito. Nang tumango ito, nilabas niya ang kaniyang baril na kanina pa niya gustong gamitin saka pinaputukan ang doorknob para sila'y makapasok sa loob.

Magulo at mabahong silid ang bumungad sa kanila pero wala silang taong nakita. May ilang bote ng alak at upos ng sigarilyo na nagkalat sa lapag na mukhang bago lang dahil ang ilan sa mga ito ay umuusok pa.

" Boss, mukhang natakasan tayo--" hindi na natuloy ni Lorenzo ang kaniyang balak sabihin nang makaramdam ng presensya mula sa likuran niya. Agad siyang kumilos para makalayo sa kaniyang kinatatayuan saka tinutukan nang baril ang isang taong naka unipormeng pula habang may malaking bag na dala sa likod niya.

" P-pasensya na po! Maling lugar yata ang napasukan ko, " natatarantang wika nito saka itinaas ang magkabilang kamay.

Dismayado namang binaba ni Lorenzo ang kaniyang baril saka natatawang huminginng pasensya sa lalakeng napagkamalan niya.

" Pasensya na po talaga, may nag order kasi sa saamin at ito yung address na nakalagay kaya dito ako nagpunta. Mukhang naloko po yata ako nila, " anito habang nagkakamot ng ulo saka ibinaba ang malaking bag na dala-dala niya.

Tumingin si Lorenzo sa kaniyang Boss at sa mga sandaling ito, alam nilang pareho ang nasa isip nila.

" Marami ba silang in-order sayo? " pagsakay ni Lorenzo sa panloloko ng nagpapanggap na delivery man sa harap nila.

" Naku, marami ho silang pagkaing pinahanda. Nagmadali pa nga ako sa pag drive papunta dito dahil gutom na gutom na raw sila, " anito saka tumingin kay Rostam at Lorenzo na nakatingin sa bag na dala niya. Ngumiti ito, " Baka ho gusto niyo na kayo na lang ang kumuha? Mainit-init pa 'to dahil bagong luto. Ano ho? "

Wala pa man silang isinasagot, binuksan na nito ang dala niyang bag at gaya nga ng inaasahan, sunod-sunod silang pinaputukan ng baril. Nakapagtago silang dalawa sa isang mesa habang patuloy pa rin silang pinauulanan ng bala.

Dumako ang tingin ni Rostam sa isang bote ng alak na halos kalahati lang ang nabawas. Mabilis niya itong idinampot at naghanap ng tamang tyempo bago ito ibato. Sumenyas siya kay Lorenzo na kuhanin ang atensyon ng lalake para maisagawa ang plano. Agad naman itong tumango sakaniya saka lumipat ng kabilang pwesto na nakakuha ng atensyon sa lalakeng ito. Nang makita ito ni Rostam, mabilis niyang hinagis sa kinatatayuan ng lalake ang bote ng alak saka pinaputukan kaya nagdulot ito ng apoy na agad kumalat sa katawan nito.

Nagsisisigaw ito habang pilit pinapatay ang apoy sa katawan niya na unti-unti rin namang nawala kinalaunan.

Umalis si Rostam sa kaniyang pinagtataguan upang harapin ang lalakeng halos mawalan ng malay dahil sa naranasan niyang pagsilip sa impyerno.

Tinulungan ni Lorenzo itong makaupo sa isang silya para makausap nila ito nang maayos ngunit wala pa man silang itinatanong, nagsalita na ito agad.

" Wala kayong makukuhang sagot saakin, " anito sa pagitan ng pag hingal, " Kung may balak kayong patayin ako, gawin n'yo na ngayon. "

" Joseph Navar, " nang banggitin ito ni Lorenzo, nawala ang ngisi sa mukha nito. " May isang anak, isang asawa at dalawang kalaguyo. Iyong isa, pinsan ng asawa mo habang yung isa, teacher ng anak mo. Tama ba 'ko? "

" Huwag nyong idadamay ang pamilya ko dito, " anito saka binaling ang tingin kay Rostam. " Wala ka rin palang pinag-kaiba sa Ama mo. Pareho kayong mga Demonyo. "

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam bago pulutin ang isang piraso ng bubog na galing sa bote na inihagis niya kanina. " Mali ka, dahil mas Demonyo ako sakaniya. "

Tumawa ito, " Kung sabagay, tama ka. Pareho nga dapat kayong nasa impyerno ngayon, nauna lang ang Ama mo pero h'wag kang mag alala, susunod ka na rin sakaniya. "

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rostam sapagkat hindi na bago ito sa pandinig niya. Gamit ang isang kamay, hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka isinubo sa bibig ang kapirasong bubog na dinampot niya kanina. Pwersahan niya itong ipinalunok bago bitawan si Joseph na pilit isinusuka ang ipinalunok sa kaniya.

Wala namang komento si Lorenzo sa nakita dahil mukhang wala na naman silang mapapala sa taong sadya nila. Sa organisasyon na kanilang kinabibilangan, madalas ang pagiging tapat ay ang magdadala sayo sa kapahamakan. Ang pananahimik ay tanda ng katapatan sa iyong pinaglilingkuran kaya kahit anong hirap ang pagdaanan mo, walang kahit na anong impormasyon ang dapat makalabas mula sayo.

***

Pinagmasdan ni Catalina ang sarili sa harap ng malaking salamin. Halos di niya makilala ang hitsura dahil kung gaano kakapal ang makeup niya, ganoon naman kanipis ang damit na suot niya.

" Pretty mo beb! Bagay na bagay sayo 'yang dress! " puri ni Mariah sakaniya matapos siyang maayusan. Napahawak siya sa balakang dahil masyadong hapit na hapit ang dress na suot niya.

" Hindi ba masyado namang revealing ang suot ko? " takhang tanong niya saka nilingon ang ibang damit na nakasampay sa gilid nila. Sinubukan niyang mamili pero walang pinagbago, puro manipis at maiiksi ang lahat ng nandito.

" Beb, okay lang 'yan bagay nga sa'yo, eh. Tsaka 'wag kang mag alala, kapag mas revealing, mas maraming customer ang mag t-tip sayo, " ani Mariah saka siya nilagyan ng malaki at bilog na hikaw sa magkabilang tainga. " Oha, ayan complete package na! Ang taray ng mukha mo, smile naman! "

Pinilit ni Catalina ang ngumiti bago muling tignan ang sarili sa salamin. Bukal sa loob niyang pasukin ang trabahong ito pero parang gusto nalang niyang umatras bigla dahil aminado siyang kabado oras na magsimula silang mag trabaho.

" Beb, sa umpisa lang 'yan okay? Normal lang na kabahan ka dahil first time mo ito, pero promise kapag kumita ka na, mawawala lahat ng kaba mo dahil sa laki ng puwedeng ibigay sayo kapag natuwa yung customer sa'yo, " pagpapalakas nang loob ni Mariah nang mapansin ang malalim na iniisip ni Catalina. " Hindi ako magtatagal ng four years dito kung pangit ang sistema nila. Basta lagi mong tatandaan yung mga bilin ko sayo, okay? Kaya mo 'yan! "

Ngumiti siya saka nagpasalamat kay Mariah dahil sa mga paalala nito sakaniya. Kung tutuusin nga, mabait naman ito dahil paulit-ulit nitong pinapaalala yung mga karapatan niya oras na may di siya nagustuhang trato mula sa mga parokyano. Na-ikwento na rin nga sakaniya ang ilang karanasan niya sa loob ng apat na taon na pag t-trabaho dito sa club.

" Okay girls, be ready! Mag s-start na tayo in ten minutes! Marami tayong customers ngayon at karamihan ay big time kaya gawin niyo ang best niyo para ma-entertain niyo sila, okay? Punta lang ako sa kabila," anunsyo ni Janice at nagmadali ring umalis para puntahan naman ang iba niyang mga alaga.

Huminga nang malalim si Catalina at pinagmasdan ang mga babaeng kasama niya. Mukhang sanay na sanay na ang mga ito dahil karamihan sa kanila, nakukuha pang mag hagikhikan sa kabila ng haharapin nila sa labas. Nakukuha pang mag tawanan at kwentuhan habang siya, mamamatay na sa kaba.

" Kaya mo 'to, Catalina, " bulong niya sa sarili. Makalipas ng ilang sandali, pinalabas na sila at dahil bago pa lamang siya, kabilang siya sa mga babaeng mag s-serbisyo ng mga inumin at pagkain sa bawat mesa na may mga parokyano. Iyong iba naman, magsasayaw sa entablado para magbigay aliw sa mga manonood.

Sumalubong sa kaniya ang malakas na musika na nagmumula sa DJ na nakapwesto sa gilid at harap ng entablado. Malilikot ang mga ilaw na sinabayan ng ingay at sayawan ng mga tao na animo'y ito na ang huling sandali nila. Mayroon din namang mga may mga sari-sariling mundo sa mesa na abalang nilulunod ang mga sarili sa alak.

" Catalina, serve daw tayo sa table thirty, " kalabit sakaniya ng kasama kaya agad siyang sumunod dito para kuhanin ang inumin at pagkain na dadalhin nila sa nabanggit na mesa. Siya ang nagdala nung mga pagkain habang yung kasama niya ang yung tequila at isang shot glass na ni-request sa kanila.

Nang sila'y makarating sa nabanggit na mesa, puro kabataan ang bumungad sakanila. Hindi maiwasang magsalubong ang kilay ni Catalina dahil sa naabutan niya pero sa halip na makialam, ginawa na lang niya ang trabaho para maging maayos ang unang gabi niya.

" Hey baby girl, " biglang sumitsit yung isang lalake sa gilid niya. Pasimple itong umakbay sakaniya na kinatuwa ng mga nasa mesa.

" Ninja moves ang g*go! Hoy may girlfriend ka baka nakakalimutan mo! " katyaw ng barkada nito saka kinuhanan sila ng litrato. Hindi niya mawari kung nag papaalala ba ang barkada niya o sinasakyan ang kalokohan nila.

" Dito ka muna Baby, " sabi nito sakaniya. Tumingin si Catalina sa kasama niya na gaya niya, pinaupo na rin sa mesa. Wala siyang nagawa kundi ang maupo sa tabi ng lalakeng tuwang-tuwa sa nangyayari.

Halos lahat ng nasa mesang ito, parang mga uhaw sa atensyon dahil sa lakas ng boses nila na nakakaagaw ng atensyon sa ibang mesa. Nasasapawan na nga nila ang ingay ng musika dahil sa lakas ng hiyawan nila ng lalakeng kanina pa naka akbay sakaniya.

" Baby, ano gusto mong game? " tanong nito sakaniya nang mapagkasunduan ng lahat na sila'y maglaro.

" Kayo ang bahala, hindi naman ako mahilig maglaro, " aniya saka kinuha ang shot glass na naka ikot na pala sakaniya. Nang maubos, sinalinan niya ito ng alak saka inabot sa katabi niyang lasing na.

" Aba, di pala naglalaro ang baby ko. Seryosohan pala ang gusto, " anito saka tinungga ang bigay niya. " Paano na 'yan? Playboy ako pero sa kama, seryoso ako. "

Tumaas ang kilay ni Catalina at hindi nagdalawang isip na patulan ang kausap niya.

" Seryoso ka nga sa kama pero napapaligaya mo ba sila, Totoy? " tanong ni Catalina na nagpawala ng ngiti sa lalakeng kausap niya. Nagsigawan ang mga barkada nito na tila natuwa sa narinig kay Catalina. " No offense ha? Pero sa liit mong 'yan, duda ako sa sinasabi mo. Mag aral ka nalang muna tsaka mo ako balikan dito. "

Tumayo na siya at nakahanda na sanang mag martsa paalis nang hilahin siya pabalik ng lalake at sinalubong nang marahas na h***k. Bigla siya nakaramdam ng kuryente sa katawan at dahil sa gulat, hindi agad siya nakakilos ngunit nang maglakbay ang mga palad nito sa kaniyang harapan, doon siya natauhan at agad na sinipa sa pribadong parte ang lalake. Napatayo ang mga kasama niya sa mesa at naagaw rin ang atensyon ng mga nasa gawi nila.

" Manyak kang siraulo ka, " ani Catalina sabay punas ng bibig niya. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo sa pwesto nila. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa pangalan niya at dire-diretso siyang naglakad patungo sa banyo.

Nagkulong siya para ikalma ang sarili. Sobrang nag iinit siya at gustong basagin ang mukha ng lalakeng bigla na lang h*****k sakaniya. Binalaan na siya ni Mariah na may posibilidad na may ganito siyang maranasan sa pag ta-trabaho niya pero hindi niya pa rin maiwasang magulat at mainis. Ganito na nga ba ang magiging buhay niya? Hanggang dito na nga lang ba talaga siya?

Ilang minuto siyang nanatili sa banyo bago mapagdesisyunang lumabas at muling salubingin ang ingay ng mga tao.

" Catalina! " Napalingon siya sa kaniyang gilid nang marinig ang boses ni Mariah. " Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap! "

" Ah nag banyo lang ako. Bakit? "

" Kanina ka pa pinahahanap ni Mamita, " at nang sabihin 'yon ni Mariah, batid na niya ang dahilan kung bakit siya pinatatawag. Malamang, nakarating ang ginawa niya kaninang pamamahiya sa parokyano na minanyak siya. Malamang kagagalitan siya pero di niya pinagsisisihan ang ginawa nito sa lalake.

Bagsak ang balikat niyang naglakad patungo sa silid kung nasaan si Janice. Kumatok siya sa pinto bago pumasok.

" Pinatatawag n'yo raw ako, " aniya nang makapasok sa loob. Inaasahan niyang sibangot at dismayadong mukha ang sasalubong sakaniya pero hindi. Malaki ang ngiti nito na tila ba nanalo sa lotto.

" Oh my gosh, you did the right thing, hija! " anito sakaniya sabay yakap nang mahigpit sakaniya. " Hindi ako nagkamaling piliin ka! Mukhang ang laki ng dala mong swerte saakin! "

" Huh? Teka, ano bang sinasabi niyo? " takhang tanong niya.

Bumitaw sakaniya si Janice at may iniabot na puting sobre na kapansin-pansin na makapal ang laman.

" May natuwang customer sa'yo sa ginawa mo kanina at iyan daw ang premyo para sa'yo! " ani Janice na tuwang-tuwa pa rin hanggang ngayon. " Gwapo yung lalake, hija. Sayang nga lang at di ko naitanong ang pangalan pero madalas ko na silang makita dito. Ikaw ah, may secret admirer ka na agad kahit kasisimula mo pa lang! "

Hindi maipinta ang hitsura ng mukha ni Catalina sa mga narinig niya at mas lalo pa siyang nagtaka nang makita ang laman ng puting sobreng inabot sakaniya. Isang makapal na pera.

---

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dolores Rogelio Sanchez
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Marahuyo   KABANATA 4

    KABANATA 4 Hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan kay Catalina ang sobreng natanggap kagabi. Wala siyang maisip na ibang taong puwedeng gumawa noon at napaka imposible para sakaniya na bigyan siya ng ganoon kalaking pera dahil lang sa natuwa ito sakaniya. " Baka naman bilyonaryo kaya parang barya lang sakaniya yung ganiyang kalaking halaga, " ani Mariah na kasama niya sa pag iisip ng maaaring rason kung bakit siya nakatanggap ng ganitong kalaking pera. " Alam mo, kung ako sayo gastusin mo na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na marami kang utang na kailangan bayaran? Ayan, sinagot na ni Lord ang dasal mo. Isang bagsakan na lang para tapos ang problema mo. " " No, hindi ko 'to gagalawin. Baka mamaya may kapalit 'tong binigay niya, ayokong magsisi sa huli, " sagot niya saka itinabi ang pera sa isang kahon. " Wala akong tiwala sa taong nagbigay niyan saakin. Paano kung iyang pera na 'yan

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Marahuyo   KABANATA 5

    KABANATA 5Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya." Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. "Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito." Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may ha

    Huling Na-update : 2021-11-24
  • Marahuyo   KABANATA 6

    KABANATA 6Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya." Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • Marahuyo   KABANATA 7

    KABANATA 7" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 8

    KABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 9

    KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 10

    KABANATA 10Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya." Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 11

    KABANATA 11" Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo." Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "" Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina." Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? "" Malamang sa kalsada. Ma

    Huling Na-update : 2021-12-03

Pinakabagong kabanata

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status