KABANATA 6
Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya." Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong nakaraan lang, galit na galit ka dahil sa inalok ko sayo. Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon? "" Kung ayaw mo, edi 'wag na. Dami pang sinasabi. " Tumayo na si Catalina mula sa pagkakaupo niya at handa na sanang lumabas pero hindi man lang siya pinigilan ni Rostam. Nakatiningin lang ito sa kaniya at inaabangan ang sunod na gagawin niya.
Napabuga sa hangin si Catalina bago bumalik sa pagkakaupo sa supa. Inayos ang sarili saka kinuha ang wine glass. " Magkano ba ang io-offer mo saaking pera? "
" Kung magkano ang gusto mo, " anito.
" Kahit umabot ng ten digits ang number? "" Sure. Basta tutupad ka sa deal na pagkakasunduan natin, " ani Rostam at ibinaba ang wine glass sa mesa. " Sa katunayan, may mas maganda akong offer sayo. Tatanggapin mo ba? "
" Iparinig mo muna. " Diretsong ininom ni Catalina ang alak bago ito ibinaba sa mesa. " Hayaan mo munang tignan ko kung maganda nga 'yang offer mo. "Muling sumilay ang ngiti sa labi ni Rostam. Umalis siya sa pagkakasandal sa supa dahil lalo siyang ginaganahan sa nangyayari." Hindi ba't marami kang tinatakbuhang utang? Hayaan mong ako ang mag bayad no'n, " anito, " Hiwalay ang perang ibibigay ko sayo sa perang pambayad utang mo. Walang kang matitirhan, hayaan mo akong bigyan kita ng bahay at lupa--"" Sandali, sandali! Nalulula ako sa mga sinasabi mo, " pigil ni Catalina dahil hindi niya kinakaya ang sinasabi ng kausap niya. " Seryoso ka ba d'yan? Grabe ka naman kung mag bigay. Hindi ka naman siguro nag j-joke? "Imbis na sumagot si Rostam, may inilabas siyang papel mula sa loob ng suit niya. Isang tseke. Inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa upang ipakita ito kay Catalina na hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig niya. Pakiramdam niya, isa lang itong panaginip." Name your price. "" Teka, hindi pa ako nakakapag desisyon, " wika ni Catalina habang pinagmamasdan ang tseke sa ibabaw ng mesa. Binalik niya ang tingin kay Rostam na naghihintay. " Hindi ba't isang gabi lang naman ang hinihingi mo? "" May sinabi ba ako? Sa pagkaka alala ko, hindi ko pa binabanggit ang kondsiyon ko, " anito na kinakabog ng d****b niya. " Pero para malinawan ka, hindi lang naman isang gabi ang hinihingi ko sayo. "" Kung gano'n ano? "" Anak. "Tila nabingi ang tainga ni Catalina. Saglit na tumigil ang tibok ng puso niya at nakaramdam ng pagtaas ng balahibo sa katawan." A-anong sinabi mo? Anak? " sa wakas, may lumabas na ring salita sa kaniyang bibig matapos ang ilang segundong katahimikan. " Gusto mong bigyan kita ng anak? "" Gano'n na nga. Hindi lang naman isang gabi ginagawa ang bagay na 'yon para makabuo, hindi ba? " katwiran ni Rostam." Oo tama ka naman pero anak talaga? Seryoso ka? Kung gano'n hindi lang pakikipag sex ang habol mo saakin, kundi pati egg cell ko? " sunod-sunod niyang tanong. " Bakit? A-anong dahilan? Bakit ako? "" Bakit hindi? " tanong nito pabalik.Naiwang naka-awang ang bibig ni Catalina. Hindi alam ang sasabihin niya dahil buong akala niya, isang gabi lang ang ibibigay niya pero hindi pala.
" Excuse me, " ani Rostam nang mag ring ang cellphone niya. Umalis siya sa kaniyang kainuupan at naglakad papunta sa isang gilid para sagutin ang tawag." Anak... " bulong ni Catalina sabay sulyap sa lalakeng kasama niya. Ni pangalan nito hindi niya alam pero nakuha niyang makipag usap at makipag kasundo sa estrangherong ito. Para sakaniya, isang malaking desisyon ang gagawin niya sapagkat ang halaga ng perang ibibigay sakaniya ay buhay ng isang bata. Gusto nito ng isang anak habang siya, pera at matitirhan ang kailangan niya. Wala sa isip niya ang bumuo ng isang pamilya at ni minsan hindi rin niya pinangarap mag magkaroon ng isang anak. Sa sitwasyong ito, ano nga ba dapat ang gawin niya? Dapat nga ba siyang pumayag sa kasunduang ito kung sa huli, pareho naman silang makikinabang?" Hey--"" Kung papayag ako, paano ko masisiguradong tutupad ka sa pinangako mo? " tanong ni Catalina saka tumayo upang makita nang maayos ang kausap niya.
" Ibibigay ko agad sayo yung perang kailangan mo at yung bahay na titirhan mo, " anito, " Bukas na bukas, mapapasayo agad ang mga 'yon kung makikipag deal ka na saakin ngayon. "Ilang segundo ang tinagal bago siya makasagot." Sige, payag na 'ko, " at sa pagkakatong ito, dito magsisimulang gumulo pa lalo ang buhay niya sa kamay ng isang taong hindi naman niya lubos na kilala.
***" Mami-miss ka namin, beb! " ani Mariah habang nakayakap kay Catalina na hindi mapigilan ang mapa-ngiwi dahil sa pag d-drama ng mga kasama niya. Maski si Janice, nagpupunas ng kunwari niyang luha sa pisngi." Hindi pa ako mamamatay para magpaalam kayo ng ganiyan, " aniya sa mga kasama." Pero mag aasawa ka na! " ani Mariah, " I'm so proud of you, beb! Wala ka pang isang buwan dito, may nabingwit ka na. Gwapo na, mayaman pa. Sana maging masaya ka sa piling niya at huwag mo kaming kalilimutan ah? Bisita ka rin dito minsan. "Pilit ang ngiting tumango si Catalina at hinayaan na lang niyang isipin ang gustong isipin ng mga kasama niya. Wala siyang balak sabihin sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit siya aalis ngayon sa club. Ang tanging alam lang nila ay sasama na siya sa lalakeng nakilala niya kagabi. Nabigla ang lahat sa naging desisyon niya pero suportado naman ang mga ito sa kaniya.
" Catalina, nasa labas na yata ang sundo mo, " wika ng isa sa mga kasamahan niya na galing sa labas. " Ang gara ng kotse, ang sarap sakyan pati yung nagmamaneho."Nang sandaling marinig nila 'yon, agad silang nagmadali patungo sa labas ng bahay para makita ang taong tinutukoy ng kasama nila. Naiwan si Catalina sa sala na iiling-iling sumunod palabas.
" Oh my gosh, gwapo nga mga beb! Ilang taon na kaya 'to? " komento ni Mariah nang makita ang isang lalakeng nag aabang sa labas ng sasakyan. Ngumiti ito sakanila kaya mas lalong nagkagulo ang mga kababaihan. Agaw atensyon sila sa mga tao sa kalsada pero di nila ito pinansin dahil ang tanging atensyon nila ay nasa binata.
" Miss Catalina, ready na ba kayong umalis? " tanong nito nang makita ang taong pakay niya. Naglakad ito palapit sa kaniya na mas lalong kina-ingay ng mga babae na animo'y mga high school student na nakakita ng gwapo sa eskwelahan. " Wala kang dalang gamit? Ilalagay ko na sana sa compartment ng sasakyan. "" Ah wala akong dala. Sarili ko lang, " ani Catalina sabay lingon sa mga kasamahan niya. " So uhm, pano ba 'yan? Mauna na 'ko sainyo. Kita na lang siguro tayo kung may time kayo. Thank you ulit sa experience. "" Hoy beb, balik ka dito minsan ah! Pero hindi na bilang stripper, customer na namin. Invite mo rin kami sa wedding if ever, " wika ni Mariah at ganoon rin ang sinabi ng ilang mga nakasama niya. Puro ngiti at tango na lang ang tinutugon niya sapagkat batid niyang malayo mangyari ang mga ito sakaniya.
Sa buong byahe, hindi masyadong umiimik si Catalina dahil iniisip pa rin niya ang desiyong ginawa niya kagabi. Wala namang pagsisisi subalit di niya maiwasang tanungin ang sarili kung tama nga ba itong gagawin niya." Kailangan mo ng salbabida? " tanong ng lalakeng sumundo sakaniya kaya naputol ang kaniyang pag iisip. " Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo. "" Edi wow, " ani Catalina saka niya binalik ang tingin sa bintana. " Malay ko ba kasi kung tama nga ba ang naging desiyon ko. Feeling ko, masyado akong nag padalos-dalos kagabi at hindi ko na inisip kung ano ba kahihinatnan ko sa deal na 'to. "" Ngayon mo pa 'yan inisip kung kailan nasa sasakyan ka na, " natatawang wika nito. " Huwag kang mag alala, na sa tamang lugar ka. May isang salita si Boss, lahat ng pinangako niya sayo mangyayari 'yon sa isang sabi pitik lang ng daliri niya. "" Mukha nga, " pagsang-ayon naman niya sabay lingon sa driver seat. " Ano pala pangalan mo? "" Lorenzo. Puwede mo akong tawaging Enzo or gwapo, kung saan ka komportable," hindi malaman ni Catalina kung seryoso o nagbibiro ba ito sakaniya kaya tumango na lang siya at namahimik na pero itong si Lorenzo, panay ang kausap sakaniya kaya nawalan na siya ng oras para mag isip-isip. Namalayan na lang niya na nasa labas na sila ng isang Hacienda kung saan nanggaling siya noon." Tara na sa loob, " ani Lorenzo nang pagbuksan siya ng pinto mula sa passenger seat. Agad naman siyang bumaba at ngayon lang siya nagkaroon ng interes upang tignan ang kabuuan ng lugar na kinatatayuan nila. Sobrang lawak, maraming mga punong nakatayo sa paligid na nagbibigay ng sariwang hangin sa kanila. Mayroon ding malaking water fountain sa gitna na mas lalong nagpaganda sa labas ng Hacienda. Sa sobrang lawak ng lupain, puwede ka pang mapatayo ng isa pang bahay." Oh, nandito na pala ang bisita natin, " bigla silang sinalubong ng tatlong lalake nang sila'y makapasok sa loob. " Hi Miss Catalina, long time no see! "Isang tipid na ngiti lang ang sinukli ni Catalina sa mga ito dahil isa pa rin estranghero sa kaniya ang mga tao dito. Dumiretso sila sa kusina upang kumain ng tanghalian at kagaya noong unang kain niya dito, ganoon pa rin karami ang putaheng nakahain sa mesa. Mukhang araw-araw, laging may pyesta dahil sa dami ng ulam na pagpipiliin niya." Mauna na raw tayong kumain sabi ni Boss. Busy pa sa taas, " anunsyo ni Lorenzo saka nilingon si Catalina na sakto ring nakatingin sa kaniya. " Mamaya ka na raw niya kakausapin. Medyo hindi maganda mood ngayon. "Imbis na mag usisa pa, tango na lang ulit ang binigay niya bago ituon ang buong atensyon sa pagkain ng tanghalian. Wala naman siyang pakialam kung bakit wala ito sa mood ngayon sapagkat ang tanging dahilan kung bakit siya narito ay ang pinagkasunduan nilang dalawa.
Matapos ng tanghalian, inihatid muna siya ni Lorenzo sa kaniyang magiging kwarto na nagamit na niya noong unang punta niya rito. Halos lumuwa nga ang kaniyang mata nang makita ang malaking pagbabago ng silid kung nasaan siya. Marami ng gamit sa loob, mga damit, sapatos at kung anu-ano pang mga bagay na tiyak magagamit niya sa tamang oras. Nilibot niya ang buong kwarto at pati na rin ang banyo na kung saan, nandoon na rin lahat ng kailangan niyang gamit. Kompleto na lahat, wala na siyang kailangang hanapin pa.
" Grabe, bigatin nga talaga siya, " hindi niya maiwasang i-komento matapos niyang makita ang lahat ng gamit dito sa loob. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama at napatitig sa kisameng nasa harap niya.Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon, dati pinangarap lang niya mahiga sa malambot na kama, magkaroon ng sariling kwarto, at magpatayo ng sariling bahay sa sariling lupa. Akala niya imposible nang mangyari pa 'yon dahil nga sa sitwasyon niya pero ito siya ngayon, isang araw lang natupad na lahat ng inaasam n'ya noon. Subalit bakit di niya magawang sumaya? Bakit walang tuwa sa puso niya gayong nasa kamay na niya ang lahat ng kailangan at gusto niya.
" Pa, sorry pero mukhang hanggang dito na lang talaga ako, " bulong niya saka ipinikit ang mga mata at hinayaang dalawin ng antok ang sarili.
Nagising na lamang siya nang maalimpungatan at natatarantang bumangon dahil sa paninibago sa kwarto. Ilang segundo siyang natulala bago mapagtanto ang sitwasyong kinalalagyan niya. Napasapo na lang siya sa noo at napatingin sa bintanang nasa gilid niya. Kulay kahel na ang kalangitan. Nakabawi na rin siya ng tulog kaya puwede na siyang maligo upang maging presko naman ang kaniyang katawan at kung maaari, pati na rin ang kaniyang isipan.
Halos kalahating oras siyang nagtagal sa banyo dahil sa tuwa at pagkamangha sa bathtub na pinagbabaran niya. Kung di lang siya nakarinig ng katok sa pinto, hindi pa aiya aahon kaya minadali na niya ang pagbibihis bago ito labasin." Uhm sorry po kung natagalan, naliligo kasi ako, " ani Catalina sa babaeng sumalubong sakaniya nang buksan ang pinto." Pinabababa kayo ni Señor, kailangan niyo na raw kumain ng hapunan, " anito.
" Oh, sige pakisabi na lang ho na susunod na ako. Magsusuklay lang ako saglit ng buhok tapos bababa na ako. Salamat ho, " aniya saka isinara ang pinto. Inalis niya ang tuwalyang nakapulupot sa buhok niya upang mabigyan ng hair blower para mabilis ang pagkaka tuyo nito." Oh, nandiyan na si Miss, Catalina. Puwede na tayong kumain! " wika ng kulot na si Baron nang dumating siya sa kusina. Naupo siya sa dati niyang puwesto at iginala ang tingin sa buong mesa nang mapansin na kulang na naman sila. Halos lahat ng kasama niya kanina sa tanghalian, nandito pwera sa dalawang tao." Nasaan yung Boss niyo? Hindi ba ulit siya sasabay? " takhang tanong niya." Hindi, umalis siya kanina kasama si Lorenzo, " sagot ni Dario sakaniya. " Alam mo sobrang busy kasi ni Boss. Madalang lang siya kumain kasabay namin at di na bago 'yon saamin. Isang beses sa isang buwan nga lang 'yon maupo sa puwesto niya kaya masanay ka na simula ngayon. "Napatingin si Catalina sa isang bakanteng upuan na nasa pinaka harapan at duluhan. Hindi na siya nagtangka pang magtanong kahit sa loob-loob niya, marami pa siyang gustong malaman sa taong ito.
Lumipas ang mga araw, walang Rostam Lombardi ang nagpapakita sa kaniya. Hindi niya alam kung pabor ba 'yon sapagkat ang dahilan kung bakit siya narito ay yung kasunduan pero ilang araw na ang nagdaan, ni anino nito ay di niya mamataan. Madalas lang siyang nasa kwarto at babad sa bago niyang kinahihiligan na pagbabasa ng libro. Kapag tinamaan ng pagka inip, lalabas siya ng silid at lilibutin ang buong Hacienda. Malawak nga talaga ang tinutuluyan niya subalit hindi mo naman madama yung sigla at kulay sa buong bahay. Masyadong tahimik at nakakaburyo. Wala rin naman siyang balak makipag usap o kwentuhan sa mga lalakeng kasama niya dito dahil wala pa rin siyang tiwala sa mga ito. Kilala na niya sa pangalan pero hanggang doon nga lang.
Sa kalagitnaan ng kaniyang paglilibot sa hardin, nakakita siya ng isang pahingahan kaya naglakad siya patungo doon upang maupo at pagmasdan ang ilang mga bulaklak na nakapalibot dito. Hindi niya maiwasan ang mamangha sapagkat sa nakikita niya, mukhang hindi napapabayaan ang mga halaman at bulaklak dito. Maganda ang mga tubo." Hindi ako magsasayang ng oras para kolektahin ang mga kalat nila. Wala na silang kinalaman saakin dahil sila na mismo ang pumutol ng koneksyon nila sa pamilya."Sa pag mumuni-muni ni Catalina, nakarinig siya ng pamilyar na boses malapit sa gawi niya. Sinubukan niyang hanapin 'yon pero di niya makita kung saan ito naka pwesto.
" Wala akong pakialam kung sumabog man ang ulo niya sa harap ko. Bakit ako tutulong sa taong tinalikuran ako? " rinig pa niya, " Hindi ako gumagamit ng emosyon sa pag d-desisyon. Business is business. Matagal na siyang tumiwalag kaya kung maubos man ang miyembro ng pamilya niya, hindi ko na 'yon problema. "
Natigil siya sa paglalakad dahil sa huling sinabi ng taong 'yon. Alam niyang wala siya sa posisyon para marinig ang bagay na 'yon kaya bago pa man siya mahuli, umatras na siya at nakahada nang umalis nang maramdamang may nakaharang mula sa likuran niya." Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam at sa pagkakataong ito, muli na namang papasok si Catalina sa panibagong gulo.---KABANATA 7" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi
KABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa
KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro
KABANATA 10Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya." Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon
KABANATA 11" Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo." Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "" Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina." Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? "" Malamang sa kalsada. Ma
KABANATA 12Isang buwan na ang nakalipas magmula noong dumating si Catalina sa probinsya at tumira sa dating bahay nina Mariah. Maganda at maayos ang naging daloy ng buhay niya sa mga nakalipas na araw na kung ikukumpara sa siyudad, mas gusto na niyang dito tumira.May ilan na rin siyang mga kapitbahay na nakakausap at tumutulong sakaniya kung paano mamuhay sa probinsya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na maninirahan siya rito." Kailangan mo ring kausapin ang mga halaman mo na parang mga tao. Ako na nagsasabi sayo, maganda ang aanihin mo sa oras na mag bunga ang mga tinanim mo, " wika ni Nanay Cel, ang matandang babae na parang naging Ina na rin ni Catalina dahil sa pag aasikaso nito sakaniya. Halos magkatabi lang rin ang bahay na tinitirahan niya at sa lahat ng tao dito sa nayon, ito ang madalas niyang nakakasama." Talaga ho? Subok niyo na siguro ka
KABANATA 13 " Catalina? Catalina, bumangon ka na diyan, aba? Gusto mo bang mahuli tayo sa pila? " Naimulat si Catalina ang kaniyang mata sa sunod-sunod na pag yugyog sakaniya ni Nanay Cel. Napakalakas din ng boses nito kaya gising na din agad ang diwa niya. " Bumangon ka na d'yan, Cata. Gumayak ka na at marami ng tao sa barangay, " ani Nanay Cel na inabutan din siya ng isang tasa na may lamang mainit na gatas. " Ito, inumin mo muna at kumain ka ng biscuit. Siguradong tanghali na tayo matatapos doon. Mamaya wala pala silang libreng pakain doon, hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. Apektado rin ang bata. " " S-sandali lang, Nay Cel. " Bumangon siya sa kama at naglakad papunta sa sala. Nagpalinga-linga siya na tila ba may hinahanap sa paligid niya. " Nasaan si Bobot? " Nagsalubong ang kilay ng matanda. " Aba, ang aga-aga, si Bobot ag
KABANATA 14 Pinagmasdan ni Catalina ang nilutong ulam ni Nanay Cel na inihahain sa mesa. Maganda at mukhang masarap kung titignan pero hindi ito kaaya-aya sa pang amoy niya kaya inilayo niya ito sa kaniyang harapan at tumayo. " Saan ka pupunta, Cata? Kumain ka muna ng umagahan, " tawag nito pero nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay at nagtungo sa manggahan para maupo sa duyan. Umaga pa lang pero yung pagod niya, kagabi pa. Hindi na siya makakilos nang natural kapag kasama si Nanay Cel dahil batid niyang bawat kilos na ginagawa niya ay minamanmanan nito. Gustong-gusto na niya itong komprontahin pero natatakot siya sa pwede niyang malaman. Pakiramdam niya kahit saan siya magpunta, may mga matang nakatingin sakaniya. " Cata, ano ba't nariyan ka? Hindi ka pa ba kakain? " Napaangat ang tingin niya kay Nanay Cel na sinundan pala siya sa labas.
WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang
KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "
KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n
KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M
KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot
KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im
KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "
KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami
KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or