KABANATA 10
Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya.
" Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.
Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon
KABANATA 11" Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo." Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "" Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina." Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? "" Malamang sa kalsada. Ma
KABANATA 12Isang buwan na ang nakalipas magmula noong dumating si Catalina sa probinsya at tumira sa dating bahay nina Mariah. Maganda at maayos ang naging daloy ng buhay niya sa mga nakalipas na araw na kung ikukumpara sa siyudad, mas gusto na niyang dito tumira.May ilan na rin siyang mga kapitbahay na nakakausap at tumutulong sakaniya kung paano mamuhay sa probinsya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na maninirahan siya rito." Kailangan mo ring kausapin ang mga halaman mo na parang mga tao. Ako na nagsasabi sayo, maganda ang aanihin mo sa oras na mag bunga ang mga tinanim mo, " wika ni Nanay Cel, ang matandang babae na parang naging Ina na rin ni Catalina dahil sa pag aasikaso nito sakaniya. Halos magkatabi lang rin ang bahay na tinitirahan niya at sa lahat ng tao dito sa nayon, ito ang madalas niyang nakakasama." Talaga ho? Subok niyo na siguro ka
KABANATA 13 " Catalina? Catalina, bumangon ka na diyan, aba? Gusto mo bang mahuli tayo sa pila? " Naimulat si Catalina ang kaniyang mata sa sunod-sunod na pag yugyog sakaniya ni Nanay Cel. Napakalakas din ng boses nito kaya gising na din agad ang diwa niya. " Bumangon ka na d'yan, Cata. Gumayak ka na at marami ng tao sa barangay, " ani Nanay Cel na inabutan din siya ng isang tasa na may lamang mainit na gatas. " Ito, inumin mo muna at kumain ka ng biscuit. Siguradong tanghali na tayo matatapos doon. Mamaya wala pala silang libreng pakain doon, hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. Apektado rin ang bata. " " S-sandali lang, Nay Cel. " Bumangon siya sa kama at naglakad papunta sa sala. Nagpalinga-linga siya na tila ba may hinahanap sa paligid niya. " Nasaan si Bobot? " Nagsalubong ang kilay ng matanda. " Aba, ang aga-aga, si Bobot ag
KABANATA 14 Pinagmasdan ni Catalina ang nilutong ulam ni Nanay Cel na inihahain sa mesa. Maganda at mukhang masarap kung titignan pero hindi ito kaaya-aya sa pang amoy niya kaya inilayo niya ito sa kaniyang harapan at tumayo. " Saan ka pupunta, Cata? Kumain ka muna ng umagahan, " tawag nito pero nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay at nagtungo sa manggahan para maupo sa duyan. Umaga pa lang pero yung pagod niya, kagabi pa. Hindi na siya makakilos nang natural kapag kasama si Nanay Cel dahil batid niyang bawat kilos na ginagawa niya ay minamanmanan nito. Gustong-gusto na niya itong komprontahin pero natatakot siya sa pwede niyang malaman. Pakiramdam niya kahit saan siya magpunta, may mga matang nakatingin sakaniya. " Cata, ano ba't nariyan ka? Hindi ka pa ba kakain? " Napaangat ang tingin niya kay Nanay Cel na sinundan pala siya sa labas.
KABANATA 15Nakaharap si Catalina sa isang malaking salamin habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuoan. Malaki na ang kaniyang tiyan, ramdam na rin niya ang pagsipa ng bata sa loob nito na minsan, ayaw niyang maramdaman dahil sa nerbyos. Natatakot kasi siya na baka bigla itong lumabas gayong normal naman ito kapag malapit na ang kabuwanan ng isang buntis. Kakaiba sa pakiramdam sa tuwing itong gumagalaw sa sinapupunan niya, may takot pero mayroon ding kasamang saya at tuwa. Minsan nga nagiging emosyonal siya sa tuwing nagpaparamdam ang bata na animo'y sabik na sabilk ng lumabas. Hindi niya alam kung bakit pero nitong mga nagdaang buwan, nagiging iyakin siya sa maliliit na bagay. Ultimo ang panonood ng pelikula na may nakakaiyak na eksena, nadadala siya na hindi naman niya ugali noon." Señora, narito na ang pagkaing pina-deliver niyo. Dadalhin ko na lang ba diyan sa kwarto niyo? " tanong ni Manang Co
KABANATA 16Sa isang ilegal na pasugalan, hindi mawawala ang mga taong sakim sa pera. Walang kasiguraduhan kung su-sweritihan o mamalasin ka pero may mga taong walang-wala na nga, nakukuha pang itaya ang lahat sa pag-aakalang laging nakapanig sa kanila ang swerte." Huli na 'to, kapag natalo pa ako p*tangna barili niyo na lang ako, " wika ng isang negosyante matapos ibaba ang mamahaling relo sa ibabaw ng mesa. Wala na siyang poker chips sa harap dahil napunta na ito sa kalaban niyang hindi maiwasang matawa sa kalagayan niya. Halos wala na itong natirang alahas sa katawan dahil isinugal na nito ang lahat kay Rostam." Sigurado ka ba sa sinabi mo? Baka pagsisihan mo 'yan. Wala ng bawian, " aniya bago muling maglapag ng poker chips na itataya niya sa huling round na ito. Puno na ang mesa niya at wala ng espasyo para sa ibang gamit na isinusugal ng kalaban. Kanina, puro pa ito ng yabang a
KABANATA 17Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng Hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita.Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng Haciendang isinusumpa niya." Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama." Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglili
KABANATA 18Mula sa itaas, pinagmamasdan ng Lombardi Clan ang tatlo sa hardin na halos kalahating oras nang lumipas pero hindi pa rin umaalis ang mga ito sa kanilang pwesto. Naroroon sila sa pahingahan, nakaupo at nag uusap habang ang batang babae na si Azalea ay patuloy na nalilibang sa ganda ng tanawin sa hardin." Magkakabalikan kaya sila? " tanong ni Esteban habang abala sa pagsusuklay ng kaniyang buhok na bagong tabas." Sira, bakit naging sila ba ni Boss? " ani Dario, " Hindi ko akalaing darating ang araw na magtatago tayo mula sa bisita. Ganoon ba tayo ka-pangit para di ipakita kay Miss Catalina at sa anak nila? "" Mga g*go, monster nga raw tayo sabi noong bata, " ani Baron na nakapanghalumbaba sa railings habang pinagmamasdan ang tatlo sa hardin. " Nakikita ko na ang future ni Azalea. Mas malala ito sa inaasahan ko dahil kung pagsasamahin natin ang ugali ni
WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang
KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "
KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n
KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M
KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot
KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im
KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "
KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami
KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or