Dahil sa aksidenteng nangyari sa kapatid ni Lurena ay napilitan siyang sumalang sa bidding upang masalba ang buhay ng kapatid. Kaya lang dahil sa kapalpakan niya at napagkamalang balloon ang condom ay nagbunga ang isang gabing nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. Bago maipasa kay Hades ang titulo bilang mafia boss ay kailangan nito ng anak. At ngayong nalaman niyang buntis si Lurena ay talagang gagawin niya ang lahat para mapigilan ang dalaga na makalayo. Pero ang bata lang ba talaga ang kailangan niya? Paano kung dumating ang panahong hahanap-hanapin niya na rin pati ang ina ng anak niya?
View MoreTumingin ako sa labas ng sasakyan. Papunta na ito ng pier. Ngayon ang araw ng alis ko pauwi ng probinsiya. Siksikan sa loob at sobrang init habang panay ang kabig ko sa tiyan upang hindi masiko o masagi ng mga kasabayan ko ngayon sa sasakyan.
“Ano ba kasi ang ginawa mo sa condom na binigay ko? Ginawa mong balloon?”Sarap talaga sapakin ng tiyahin kong ito. Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil kailangan na kailangan namin ang pera ay baka hindi ako pumayag sa offer niya.“Sabi ko suotan mo ng condom. Ayan! Buntis ka na. Gaga ka talaga.”“Ni hindi ko nga alam paano ilagay iyon, e.”“Hindi mo medyas 'yon. Medyas niya 'yon!”Napakamot ako. “Akala ko akin.”Namura niya ako pagkatapos. Kaya pala pahaba. Malay ko ba? NBSB ako. First time ko iyon.“O, so paano na ngayon iyan?” Humina na ang boses niya.Alam niyang magagalit ang Papa ko kapag nalaman niyang nadisgrasya ako ng lalaking naka-one night stand ko lang. Si Papa na lang bumubuhay sa amin noong sumama si Mama sa ibang lalaki. Lumuwas ako dito sa malaking syudad para makapagtrabaho at mapadalhan sila sa probinsiya.Kumapit na ako sa patalim noong nabalitaan kong nadisgrasya sa motor ang kapatid ko. Ngayo'y comatose pa nga. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa katangahan. Ang tanga-tanga ko talaga!“Uuwi na lang ako.”“Sa Papa mo? Nababaliw ka na ba? Gusto mong atakihin sa highblood ang Papa mo?”singhal niya.“Hindi naman ako uuwi sa amin. Magtatrabaho ako sa kabilang bayan. Pero hindi ako magpapakita kay Papa.”“Ang tigas ng ulo mo. Iwan ko sa'yo. Sabi ko kontakin na'tin ang ama ng bata, e.”Ayan na naman siya. Kaya pinatayan ko na ng cellphone. Sabing hindi pwede, e. Ang kulit. Ayokong malaman ng lalaking iyon ang tungkol sa bata. Mayaman iyon, samantalang slap-soil lang ako. Maisipan pa no'n na kunin ang anak ko sa akin baka nga-nga na lang ako bigla.Ilang saglit nang makarating kami sa pier. Maraming tao sa labas na naghihintay rin sa barkong paparating maya-maya. Advance ng isang oras ang dating ko. Mas maigi na iyon kaysa ma-late ako.Tirik ang araw at sobrang init. Panay ang paypay ko sa sarili. Feeling ko warm up ito bago isalang sa empyerno. Noong papasukin na kami sa loob ay saka ako nakahinga ng maluwag. May mga upuan na rin naman doon. Nagsisimula na rin kasing sumakit ang puson ko.Maselan pa man din dahil two months pa lang. Tatlong buwan na rin ang lumipas noong may mangyari sa amin noong mayamang lalaki na boring ang life. Hindi ko akalaing mag-iiwan pa ng remembrance sa akin ang lalaking iyon. Hindi ko naman pinagsisihan ang mabuntis dahil twenty three na rin naman ako. Sakto na ang edad ko para lumandi.Pero, seryoso? Di ko man lang naranasan ang magkaroon ng boyfriend bago nabuntis?“Attention, attention.” Biglang tumunog ang mga speaker sa paligid.Napatingin ako sa relo ko. Wala pa naman ang barko.“There's a quick inspection. Kindly remain on your seats.”Napanguso ako. Akala ko bago kami sumampa ngayon saka ang inspection. Pero dito pa pala talaga sa waiting area iyon gagawin. Usually kasi bago kami aakyat ay inspection ng mga bagahi namin.“Ay anong mayroon?” Biglang nagsalita iyong babae.Napalingon din tuloy ako. Nakita ko ang mga matatangkad na lalaking naka-black uniform na pumasok sa waiting area. Nasa 20 lahat at ang iba ay hinarangan pa ang doble door palabas ng waiting area. Sampu ang agad lumapit sa mga pasahero.Napansin kong isa-isa nilang tiningnan ang mga ID ng mga nandoon. Hindi na nila hiningan ang mga lalaki pero ang mga babae na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin ang priority nila. Naglabas ng ID ang ibang babae na nasa edad 40 pero hindi na sila pinansin.“Anong ID ang kailangan?” Kinalabit ako ng babaeng katabi ko.“Hindi ko alam,”sagot ko sabay kuha ng pitaka ko kung saan nakalagay ang mga ID ko.Magtatanong na lang ako kung ano ang kailangan nilang ID. May napalapit sa aming isa na kasamahan no'ng mga nakauniporme. Matitikas ang pangangatawan. May sukbit na baril sa tagiliran. NBI kaya sila? Bakit ang dami naman yata nila?Usually sundalo ang mga nagche-check, e. Minsan dala-dalawa lang din ang nakatukang mag-check. May bitbit pang mga aso tapos pinapaamoy-amoy lang sa mga bags. Paano kaya kung may sipon ang aso? Paano niya naaamoy iyon?Napangiwi ako sa itsura ko sa ID no'ng ilabas ko na. Jejemon days pa ito noong kuhanan ako. May side bangs pa na akala mo rakista na natatae. Buti na lang natauhan na ako ngayon. Nag-improve na ang features ko at nawala na ang bakas ng pagka-jejemon.“Patingin ng ID, miss.” Nilahad ng mabangong lalaki ang kamay niya sa akin.May ugat-ugat pa ang braso at malalim ang boses. May black mask siyang suot kaya di ko nakita ang itsura. Matangkad din at maskulado. Napansin ko nga na titig na titig itong babaeng katabi ko sa kaniya. Sana lang mahigpit ang garter ng panty niya.Ilang segundo na tinitigan ng lalaki ang ID ko tapos ililipat ang tingin sa akin. Kumunot ang makinis niyang noo na tila naguguluhan.“Nasaan itong babae mong kapatid, miss?”Napanganga ako at ilang saglit ay alanganing tumawa.“Ah, ako po talaga iyan.” Di lang halata kasi medyo mukhang tao na ako ngayon.Sumeryoso ang mukha niya at binaba ang ID na hawak. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. My gosh! Itatanan niya na ba ako? Namilog ang mata ko. Di pa ako ready. Bakit ang bibilis ng mga lalaki na dumating sa buhay ko? Parang itong ama ng dinadala ko.Sumenyas siya sa mga kasamahan. Mas nagulat ako nang biglang pinalibutan na kami ng mga kasamahan niya. May pinindot siya sa bandang tainga niya bago nagsalita.“Nahanap na namin ang subject. Do you copy?”Naguguluhan na napalingon ako sa katabi kong babae. Puno ng pagtatanong ang mga mata ko. Anong subject? Math, English, Science? Nagkibit balikat ang katabi kong babae. Napansin kong nakatingin na rin sa amin ang lahat ng mga pasaherong nandoon. Karamihan ay nagbulungan pa.“A-Ano po ang kasalanan ko?” Kinakabahan na ako.“Sumama ka na lang sa amin, Miss Zabiral. Huwag kang mag-alala wala kaming gagawing masama.” Malumanay ang boses ng lalaking may baritunong boses.Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatangay sa hila ng lalaking may hawak sa braso ko. Dinala rin nila ang bagahe ko.Tila isang pulutong ng mga sundalo ang nakahilera na nakasunod sa likuran namin. Tagtatlong tauhan sa magkabilang side ang nakapwesto na humahawi sa mga taong sagabal sa daan. Dinaig pa ang mga artista na may mga body guard. Hindi ko maintindihan. Nababahala ako. Walang gustong magsalita.“Saan po tayo pupunta?” May alanganing ngisi sa labi ko nang balingan ang lalaking nakahawak pa rin sa braso ko.Sa mga oras na ito ay inaalalayan niya na akong pumasok sa itim na van. May mga kotse na nakapwesto sa unahan ng van at maging sa likuran.Tinanggal ng lalaki ang itim niyang mask bago nagsalita. Napanganga ako nang makita ang mapupula niyang labi. Hindi nga ako nagkamali. May itsura ang isang ito.“Kay Mr. Mondejar. Dadalhin ka namin sa kaniya.”Mondejar? Sino iyon? May atraso ba ako sa kaniya? Binawi ko ang braso ko sa kaniya nang may ma-realize. Bakit nga ba ako sumama sa mga 'to? Uuwi pa akong probinsiya.“Hindi ko po kilala iyon. Sorry, pero maiiwan ako ng barko kung sasama ako sa inyo.” Naglakas loob na ako. Halata naman na hindi basta-basta ang binanggit nilang Mondejar.Humarap siya nang maayos sa akin at namulsa.“Iyon nga ang dahilan kaya kami inutusan,”aniya.Iyon ang dahilan? Anong dahilan?“Pinapunta kami dito para pigilan kang makauwi. Hindi mo po pwedeng itakas ang anak ni Mr. Mondejar, Miss Zabiral.”Sinenyasan niya ang ibang tauhan. Nagulat ako nang hawakan ako ng dalawa sa braso at sapilitang ipasok sa sasakyan. Anak nino? Namilog ang mata ko at napahawak sa tiyan. Alam niya bang buntis ako?HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments