Share

Kabanata 3

Author: noowege
last update Last Updated: 2023-03-21 03:27:34

“Huwag na lang kaya ako magdamit, Tiyang?” Binaba ko ang panghuling naka-hanger na damit. Anak ng tinapa! Wala na bang mas iikli pa sa mga damit na dala niya?

Inangatan niya ako ng kilay at namaywang.

“Kinulang ka ba sa buwan noong pinagbuntis ka kaya kinulang ka rin sa utak, Lurena?”

Napakamot ako sa buhok. Mamayang gabi na ang sinasabi niyang bidding. Hindi naman ako kagandahan, baka walang mag-bid sa akin. Pero one hundred percent sure akong intact pa ang nilulumot kong hymen. Iyon naman yata ang habol nila. Hindi ang itsura.

“Hindi pwedeng ganda lang ang panlaban dito, Lurena. Kailangan sexy rin. Bigatin ang mga dalang alaga ng ibang manager mamaya. May model pa nga.”

Namilog ang mata ko. “Ano yong sinabi mo, Tiyang? Maganda ako?”

Bumagsak ang balikat niya. “Akala ko pa man din doon ka nagulat sa word na 'model'.”

“Di nga, Tiyang. Maganda talaga ako?”

Ngumuso siya. “Ikaw ang pinaka bansot sa lahat ng isasalang ngayon.”

Napabusangot ako. Grabe siya!

Hapon na nang magsimula nang magsidatingan ang mga isasalang sa bidding. At tama si Tiyang. Ako nga ang pinakabansot. Ang tatangkad ng mga babaeng iyon. Ako hanggang leeg lang. Iyong ibang manager nang makita ako parang kung sinong tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Nawalan na ako ng lakas ng loob na sumama sa bidding. Pero kailangan kong magbakasakali. Kailangan na kailangan ko ang pera.

Nagsimula na akong make-up-an kinagabihan. Hindi naman masiyadong makapal ang make-up ko dahil iyon ang sabi ni Tiyang sa make-up artist. Pagkatapos ilang saglit ay pinasok na ng bakla ang dressing room para i-announce na lumabas na kami at magsisimula na ang bidding.

Ipinasok kami sa mga silid na may dingding na babasagin. At suot ko nga ang maikling damit at heels na kanina ko pa kinaiinisang suotin. Wala akong marinig sa labas. Tahimik dito sa loob.

Ilang saglit ay tumunog ang speaker doon. Pinapalabas na ako.

Naguguluhan na sumunod ako. Mukhang ang bilis yata. Ang bakla na pumasok kanina sa dressing room ang sumalubong sa akin. May dalawang lalaking nasa likuran niya. Malalaki ang katawan.

“Siya na ba?” Tanong no'ng lalaking kalbo na malaki ang katawan.

Namilog ang mata ko at agad namutla. Tayka! Dalawa? Virgin ako tapos biglang dalawa?

“Oo siya po. Kayo na ang bahala sa kaniya. Enjoy your night, Sir!”

Tumango ang dalawa at agad nang lumapit sa akin. Napangiwi ako nang tingnan ko ang bagay sa bandang zipper nilang dalawa. Jusko! Ang laki. Kayanin ko kaya?

“Tara na, Ma'am,”ani isang lalaki.

Sumunod ako sa kanila. Dinala nila ako sa labas. Sumakay kami sa elevator papuntang parking lot. Iche-check in yata nila ako sa hotel.

Pikit mata akong sumakay sa kotse nang pagbuksan ako ng isa. Biglang may tinawagan ang isang lalaki sa frontseat.

“Yes, Sir. Parating na kami.”

Mas lalong namilog ang mata ko. Tayka! Ilan ba sila? Akala ko dalawa lang kanina? Bakit may Sir pa?

“K-Kuya, ilan ba kayo?” Medyo pahiya akong nagtanong.

Nilingon ako ng isa. Kumunot ang noo niya.

“Sa condo? Kayo lang ni Big Boss. Aalis kami agad kapag nahatid ka na namin.”

Napanganga ako at medyo gumihawa ang pakiramdam sa narinig. Akala ko talaga more than one ang sisira ng puri ko. Isa lang pala. Hirap na nga akong tanggapin na ibibigay ko ang virginity ko sa random guy. Ano pa iyong marami sila?

Dumating kami sa isang napakalaking building. Nalula ako sa tayog ng building. Dito talaga siya nakatira?

Mabilis kaming nakaakyat at isang swipe lang ng card ay nagbukas ang malaking pinto. Ako lang ang pinapasok dahil nanatili ang dalawa sa labas. Saktong pagkapasok ko ay nagsara ang pinto. Gulat na napalingon ako sa pinto at pakiramdam ko umurong ang dugo ko sa kaba. Gusto ko nang pihitin ang doorknob para lumabas pero sumagi sa isipan ko ang tungkol sa kapatid ko. Kailangan niyang magamot. Ito na lang ang natatanging paraan.

Bumuntong hininga ako at humarap. Kailangan kong tatagan ang loob.

Hindi masiyadong maliwanag ang paligid. Tanging lampshade lang ang liwanag doon. Napakalaki ng loob, mukhang times three ang laki nito sa bahay namin. Condo unit pa lang ito.

Naalala ko ang mga babae sa club na pinagtatrabahuan ni Tiyang. Sumasayaw ang mga iyon para maakit sa kanila ang mga parokyano. Iyon din ba ang gagawin ko? Sana pala nag-rehearse ako kasama ng mga p****k na iyon. Kung alam ko lang na magagamit ko ang procedure na iyon.

“Come here,”aning baritunong boses.

Sa boses pa lang alam ko nang malaking tao ang may-ari. Sana lang hindi rin malaki ang bagay sa gitnang hita niya.

“Ah, o-okay po!”

Biglang natigilan ako. Ang dilim. Saan nga pala siya?

“Saan ka po?” Bahagya akong nagbitiw ng tawa.

Nagulat na lang ako nang may kamay na humawak sa baywang ko mula sa likod. Unang langhap sa amoy niya, amoy alak na agad. Sa nipis ng tela ng damit ay halos ramdam ko ang balat niya.

“I'm here.” His husky voice rang in my ears.

Pinihit niya ako paharap. At isang marahas na halik ang agad sumalubong sa akin. Hindi na ako nakaangal nang kabigin niya ang pang upo ko para mabuhat at dalhin kung saan. Huli na nang mapansin kong nakalapat na ang likod ko sa malambot na kama.

Naalala ko agad ang sinabi ni Tiyang.

“Dalhin mo ito at isuot. Mapoprotektahan ka nito.”

Tapos ay may binigay siyang pakete na may nakatatak na 'trust'. Inipit ko lang iyon sa bra ko kanina bago magsimula ang bidding. Ngayon ay binuksan ko at nang mabuksan ko ay isang makunat na bagay ang nakuha ko sa loob. Ano ba to? Agimat? Isusuot ko para maprotektahan mula sa lalaking ito?

Pahaba ito. At hindi ko alam kung ginagago ako ni Tiyang. May oras pa talaga siyang magpadala ng balloon sa oras ng kagipitan? Pero sinunod ko pa rin. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay kaya sinuksok ko na lang ulit sa bra ko. Bahala na!

Panay pa rin siya halik at sa isang kurap lang ay natanggal niya na lahat ng saplot ko. Madilim at wala akong masiyadong maaninag. Ang alam ko lang ay matigas ang katawan niya at mahaba ang ano niya. Doon ako naiyak.

Ilang segundo lang ay umalingawngaw ang tili ko sa buong silid. Ang sakit walang hiya!

Kinabukasan ay syempre natagpuan ko ang sariling wala nang saplot. Iritado ko na nilingon ang lalaking nasa tabi ko. Padarag kong tinanggal ang binti niya sa akin. Ginawa pa akong patungan. Akmang tatayo na ako pero natigilan nang makita ang buong itsura niya.

“A-Ang gwapo!”

Seryoso? Ito ang sumira ng puri ko? Kahit yata di na siya magbayad ng babae. Paniguradong maraming pipila.

Tulala ako sa mukha niya habang dinadampot ang mga damit na nagkalat. Pero na-realize kong masiyadong maikli ang damit na iyon kaya walang paalam na naghanap ako sa condo unit niya. At nang makahanap ng damit ay sinuot agad. Sa kaniya iyon at sobrang laki sa akin.

Natigilan ulit ako nang makita ang mukha niya. Parang pamilyar ang mukha niya. Pero di na ako nag-aksaya ng oras na mag-isip. Baka magising pa tsaka maabutan pa ako at malaman niyang ninakaw ko ang damit niya. Iniwan ko na lang ang maikling damit na sinuot ko kagabi. Nasa sasakyan na ako pauwi nang maalala ang itsura niya.

Tama! Nagkita na kami. Nakita ko na siya sa club na pinagtatrabahuan ni Tiyang. Siya iyong lalaki sa elevator.

Pero ngayo'y kakalimutan ko na ang mukhang iyon. Dahil parte na lang siya ng nakaraan ko. Nakuha niya man ako ay hanggang doon na lang iyon. Ngayo'y hindi ko alam kung balang-araw ay kaya akong tanggapin ng lalaking makikilala ko at mamahalin ko.

Isang buwan na rin ang nagdaan at maayos na ang kapatid ko. Bumalik si Papa sa pagtatanim. Hindi na ako dumaan sa club na pinagtatrabahuan ni Tiyang. Ayoko lang na maalala ang mga nangyari noon. Sinikap kong makahanap ng bagong trabaho na mas malaki ang sahod. Pinangako ko sa sariling kakalimutan ko ang lahat at magbabagong buhay.

“Sigurado ka bang ayaw mong tanggapin ang 50,000?”ani Tiyang nang bisitahin niya ako sa apartment ko.

Umiling ako.

“Tama na iyong napagamot ang kapatid ko at may nagamit si Papa para sa palayan.”

Malaki ang binayad ng mayamang iyon. Hindi ko aakalaing napakalaki ng halaga na ibibigay niya para lang sa isang gabi.

Ayoko nang tumanggap ng pera na galing doon. Maalala ko lang ang nangyari. Kumapit ako sa patalim at kinakahiya ko iyon.

Umalis din si Tiyang at natanaw ko ang kotse na kulay puti na ginagamit niya ngayon. Ang pera na parte niya ay binili niya ng sasakyan.

Bumuntong-hininga ako at napansin ko ang kalendaryo sa pinto. Isang buwan na ang nakararaan pero hindi pa rin pala ako inaabutan ng buwanang dalaw. Ipinagsawalang bahala ko iyon at sinara ang pinto.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku buntis kana
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 4

    That was three months when I suddenly notice the changes. Parati akong nagsusuka at may mga pagkain na ayaw kong maamoy at kainin. Napakatamad ko rin gumalaw-galaw at gusto na lang na matulog. Pero paano iyon kung kailangan kong kumita ng pera? May maintenance pang gamot ang kapatid ko. Hindi pwedeng hindi ako makapagpadala.“Magpa-check ka na. Jusko, Lurena!”si Tiyang sa kabilang linya.Tinawagan ko siya matapos mapansin ang kakaibang nararamdaman sa katawan. “Naku! Baka buntis ka na. Baka nagbunga ang-”“Tiyang, hindi mangyayari iyon! Isang beses lang iyon.”“Ano bang alam mo? Ni wala ka ngang boyfriend. Hindi mo malalaman iyan kung di mo ipapa-check up iyan bukas.”Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho pagkatapos ng pinag-usapan namin ni Tiyang. Nang pauwi na ay lutang na lutang pa rin ako. Kung anu-ano ang iniisip ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Hindi pwedeng parati na lang akong nag-o-overthink dito. Dyusko naman! Mamamatay ako kakaisip. Pero paano kung buntis

    Last Updated : 2023-03-21
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 5

    Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang tinitingnan lahat ng furniture at iba pang gamit na nakikita ko sa malaking bulwagan ng mansyon niya. Tiningnan ko ang presyo ng mga gamit na nakikita ko doon. Nalula ako sa presyo ng ashtray na nasa center table ng sala. “30,000? Seryoso?!” Natakpan ko ang bibig ko at napatingin sa paligid. Baka may nakarinig.Napatingin ulit ako sa cellphone ko at palipat lipat ang tingin sa inosenteng ashtray na nasa table ngayon. Parang gusto ko tuloy itong ibulsa mamaya. “Baby, ang yaman-yaman ng Daddy mo. Parang gusto ko na magpa-ampon.” Iyong bonsai naman ang napag-trip-an ko. As usual presyong ginto rin ang bosai na iyon. Tumatagingting sa 45,000 pesos lang naman. Naiiyak na ako sa mga presyo. “Miss?”Nagulat ako at muntik pang mabitiwan ang 2k second hand touch screen phone ko. Partida may tawad pa yan, sa online ako bumili. “Oh, pasensya na. Hindi kita agad napansin.” Alanganin akong natawa.“Kakain na raw. Handa na ang hapag.”Namilog ang mata ko.

    Last Updated : 2023-03-21
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 6

    “Wow!” Nanlaki ang mata ko nang maglapag ng sinigang na baboy si Tiyang. May nose pack pa siya at may curler pa ang buhok. Agad akong kumuha ng sandok at binuksan ang kaldero niya. Sobrang init pala ng takip kaya nabitiwan ko at tumilapon. Ang ingay tuloy.“Ang tanga naman ng takip,”ani Tiyang na may bitbit na pitsel ng juice. “Akalain mo 'yon di niya sinabing ang init niya pala?”Napanguso ako. Napaso na nga ako may gana pa siyang kutyain ako.Sumibat ako sa mansyon. Paano ko natakasan? I have my own ways. Syempre, magaling nga akong tumakas sa mga inutangan ko dati, e. Ito pa bang si Mr. Mondejar? Maliit na bagay.“Hoy buntis, hinay-hinay naman diyan. Akala ko ba galing ka sa malaking mansyon at nagkita kayo ng ama ng bata? Ba't mukha kang ginutom ng ilang taon kung lumamon diyan?” Kunot pa ang noo ni Tiyang.“Wala sa mansyon ito, Tiyang. Puros steak, at kung anu-anong salad lang ang nakakain ko doon. Na-miss ko 'to!”Ngumiwi siya. “Wow! Nahiya naman ang galunggong at tuyo ko sa st

    Last Updated : 2023-03-25
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 7

    Hindi nila ako pinapatulong sa mga gawain sa bahay. Kaya nakikipagdaldalan na lang ako sa kanila. Tsismosa iyong mas bata na katulong na nagngangalang Maribel. Kaya hindi ako na-bored.“Kaya ganoon si Sir, Ma'am. Kasi kulang sa sèx iyon. Kita mo mukha no'n? Akala mo kakain ng tao. Takot nga kami do'n, e. Nagulat pa nga kami noong makabuntis iyan, e. Pero seryoso, Ma'am, siya ba talaga kajugjogan mo no'ng gabing iyon? Baka kasi namamalikmata ka lang. Feeling ko kasi allergy sa pokemon si Sir.” Mahabang lintanya ni Maribel. Dinaig pa ang mga rapper, di man lang yata huminga tuloy-tuloy lang ang salita.“Pokemon? Iyong anime?” Kumunot ang noo ko. May allergy pala sa ganoon? Napabuntong hininga si Maribel. “Pokemon po iyong pussy!”“Pussy as in pusa? Akala ko ba sa pokemon lang siya allergy?”Nasapo ni Maribel ang noo niya. “Pasensya na po, ah. Pero para kang wifi namin sa amin. Loading.”Nagsalubong ang kilay ko. Abala sila ngayon. Kahit wala naman si Hades ay nandiyan ang mayordoma na

    Last Updated : 2023-03-28
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 8

    Agad akong lumapit sa table ni Hades. Nanatili ang mabigat niyang titig sa akin. Kaya lang wala akong pakialam doon. Dali-dali kong inilabas ang mga pagkain na dala ko. At mukhang habang padami nang padami ang inilapag ko sa mesa niya ay parang nagle-level up ang reaksyon sa mukha niya. Mukhang iritado na siya ngayon.“What the hèll are you doing, Lady?”Natigilan ako at napatingin sa ginagawa. “Hindi mo ako nakikita, Hades? Naglalapag ako ng pagkain mo.”Tumiim ang bagang niya. “I'm not eating while at work.”Namilog ang mata ko. “Kaya mo 'yon, Hades? Grabe! Ang lakas ng sikmura mo. Hindi ka nagkaka-ulcer?”Napamura siya. Agad kong tinaas ang hintuturo sa harapan niya. “Wag kang magmura, naririnig ka ni Baby.” Inilapag ko na ang iba pa.Parang pinapatay niya na ako sa mga titig niya. Pero titig lang 'yan. Di niya pa naman ako tinututukan ng patalim, e. Tsaka ba't ba galit na galit siya e, nagdadala lang naman ako ng pagkain niya? Dapat nga magpasalamat pa siya, e.Kumikinang sa panin

    Last Updated : 2023-03-29
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 9

    “Ayos lang ako, Papa. Kayo diyan? Si bunso?”“Ayos lang. Nasaan ka ba ngayon? Nasa kay Suzy ka pa rin ba ngayon? Sinasabi ko sa'yo huwag na huwag kang lalapit-lapit sa tiyahin mo na 'yan. Baka mamaya niyan malalaman ko na lang sumasayaw ka na rin sa bar?”“Papa naman! Wala ako kay Tiyang. Nandito ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Sa restaurant!”“Siguraduhin mo lang, ah. Pag nalaman ko, naku...”“Sige po, Papa. Babye na. Mahal ang landline nakikitawag lang ako.”“Okay sige. Ingat ka diyan!”Napabuntong hininga ako at napabaling sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Inventory niya ngayon kaya busy. Late na pero di pa umuuwi. Ang cute na nga ang sipag-sipag pa nitong si Baby Harry.“Salamat.” Naglapag ako ng bente pesos sa counter top. “Utang na lang ang kulang.”Napatingin ako sa labas. Gabi na. Tumingin din ako sa wall clock. 9 na pala. “Wala pa si Hades,”napanguso ako. Wala akong pera, e. Di ko pala kayang bayaran ang cake sa coffee shop na ito. Nagtututuro kasi ako ng kung anu-anon

    Last Updated : 2023-04-01
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 10

    Nagmamadali ako sa pagbaba. Kinakabahan din at the same time. Magkikita na rin kami ng Papa ni Hades. At kanina pa ako hindi mapakali. Ini-imagine ko na istrikto rin ang Papa niya. Kasi nga istrikto si Hades. Sa hagdan ay natigilan ako nang matanaw ang lalaking nakatayo sa may sala. Mas lumapad ang balikat nito sa sout na tuxedo. Mas nadepina rin ang height nito sa slacks nitong sout. Nang humarap ay napanganga ako nang mapagtanto na si Hades ito. Para siyang prinsipe na naghihintay sa kaniyang prinsesa dahil sa ayos niya. Wow! Mas lalo lang siyang makalaglag panty ngayon na bihis na bihis siya. Napansin kong umawang ang bibig niya nang magtama ang mata namin. Nabahala tuloy ako. Bakit ganiyan siya makatingin? May dumi ba ang mukha ko?“May problema ba, sa ano, sa mukha ko?” Binalingan ko iyong make-up artist.Umiling siya. “Wala naman, Ma'am. Walang problema sa itsura niyo ngayon. Maganda po kayo.”Nahiya tuloy ako sa sinabi niya. Kapag talaga may pumupuri sa akin nanlalambot ako.

    Last Updated : 2023-04-04
  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Kabanata 11

    “Hi.” At ngumiti siya.Kahit ang boses ay parang anghel. Hindi ko akalaing pati ako ay mapapatulala. Agad siyang lumapit sa ina niya para bumeso at sunod ay ang ama ni Hades na agad namang lumambot ang awra nang lumapit sa kaniya si Obrey.“Hello,”ani Mr. Mondejar na nagbitiw ng simpleng ngiti.Napalunok ako. Nakikita ko kung papaano mangislap ang mga mata ng mag-asawa sa harap ni Obrey. Obviously they're really fond of her. Sino ba naman kasi ang hindi lalambot sa isang tulad ni Obrey?Pero tayka nga. Bakit ba nakaramdam ako ng insecurities dito? E di ko naman type si Hades. Tsaka nandito lang ako para sa million ko. Napanguso ako. Syempre makinis iyan, araw-araw ba namang magpahilod sa mga spa, e. Kumpara naman sa akin face towel lang panghilod ko. Napabuntong hininga ako at napalingon ako sa long table ng party. Ang daming pagkain doon. May chocolate fountain pa. Kanina nanghihina ako, ngayong nakita ko ang sandamakmak na pagkain biglang nagkaroon ako ng energy. Ilang beses akong

    Last Updated : 2023-04-09

Latest chapter

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Epilogue

    HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 13

    “Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 12

    Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 11

    Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 10

    “Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 9

    Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 8

    Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 7

    Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p

  • Mafia Ang Nabingwit Ko   Special Chapter 6

    Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status