Lumakas ang palakpakan sa paligid matapos ang speech ng Papa ni Hades. Pormal na umakyat si Hades sa stage at siya naman ang susunod na nag-speech. Kaya lang bago ko napakinggan ang speech ni Hades ay may humarang sa paningin ko. Ang flat na puson ni Obrey. Napanguso ako nang tumingala. May iritasyon sa mata niya nang salubungin niya ang tingin ko. Nakadungaw siya sa akin. Dahil bukod sa pandak ako, naka-upo pa e siya naman 'tong nagmistulang kapre na naka-heels.“Let's talk. In private,”aniya ng deretso sa akin.Napaangat ang kilay ko ng palihim. Aba! Ang sosyal ng pagkakasabi niya, ah. Parang gusto kong i-apply minsan kay Hades kapag kami lang dalawa.“Now.” Bahagya siyang huminto at ilang saglit ay nauna na siyang umalis.Wow, ah. Hindi marunong maghintay? Tumayo na ako at para sumunod kay Obrey. Mahirap na, favorite daughter pa man din iyon ng Papa ni Hades. Humantong kami sa pool sa likod. Hindi niya naman ako lulunurin dito, 'no? Gaya ng mga ginagawa ng kontrabida sa mga pelik
Importante pa ba kung magustuhan nila ako o hindi? Hindi naman forever na makakasama ko ang parents niya. Halata kasi na parang against sila na ako ang naging asawa ni Hades. Well, maliban sa step-mom niya. Parang go-with-flow lang kasi iyon. Napaisip na rin ako tungkol doon kinagabihan. Kaya nga matagal akong nakatulog kakaisip tungkol doon. Hindi na dapat iyon big deal, 'di ba?Ngayong umaga hindi ko naabutan si Hades. Kumain akong mag-isa. As usual, ganoon naman talaga. Hiwalay kami ng silid ni Hades pero syempre kapag nandiyan ang parents niya magsasama kami sa iisang kwarto. Kaya malaya akong nakakapasok sa room niya. Namamangha pa ako nang malaman na sobrang linis niyon. Mas malaki kumpara sa kwarto ko. May balcony pa.May bar counter din siya na may naka-pile na alak. Nagikot-ikot pa ako. Hanggang sa nakarating ako sa banyo niya. Maging ang banyo ay sobrang laki. Napapalibutan ng babasaging ding-ding ang paligid. May napakalaking bathtub na kasya ang dalawa. Pwede na pala ma
Ang nagisnan ko ay ang puting kisame. Naulinigan ko ang mahinang pag-uusap sa paligid. Ngunit ang sunod kong nakita ay ang mukha ni Obrey at awtomatikong umangat ang kilay nang magdilat ako ng mata.“Oh, she's awake.” Medyo tamad niyang anunsyo sa mga kasama niya sa silid.Bakit siya nandito? Sino ang mga kasama niya? Gusto kong bumangon pero agad akong pinigilan ni Mrs. Mondejar. Medyo gulat pa ako na siya ang nandito. Tapos nang tingnan ko ang paanan ko ay nakatayo doon ang ama ni Hades. Nandito rin siya.“Mabuti at maayos ka na, hija,”anang Ginang.Natigilan ako nang may maalala at nagpa-panic na napakapa sa tiyan.“A-Ang baby ko?”Ngumiti ang Ginang. “The child is okay. Maselan kang magbuntis, kaunting stress ay maari kang mag-bleeding. So be careful, and don't worry.”Kung gaano ka-bruha si Obrey ay siya namang bait ng Mama niya. Sabi pa man din na 80% ng ugali ay nakukuha sa ina. Ampon siguro itong si Obrey. Maldita, e. Nakaangat pa ang kilay na nakatingin sa akin.Nakahinga ako
Natagalan ako sa banyo niya. Pa'no ba naman kasi, ang laki ng bathtub niya ang sarap gamitin. Tsaka dahil iritado ako sa kaniya, ginamit ko lahat ng laman ng shampoo niya. Binuhos ko rin ang iba sa bowl ng cr niya. Mukhang maliligo siya, e. Kaya wala siyang gagamitin ngayon. Buti nga sa kaniya!Pagkalabas ko ng banyo agad ko siyang napansin sa desk niya malapit sa glasswall. Hinihilot ang sentido habang nakatitig sa laptop. Hindi niya man lang ako binalingan. Napanguso ako. Masiyado siyang seryoso sa ginagawa niya na hindi man lang ako kayang sulyapan. Tayka nga, bakit kailangan niya naman kasi akong tingnan? Papansin lang?Pero ang sakit sa ego, e. Hindi ba ako kalingon-lingon? Hindi ba ako seductive tingnan? Madrama akong napahawak sa dibdib. Kunyari tumikhim ako. May gusto rin akong linawin dito. Namaywang ako at tumayo sa harapan ng mesa niya.Saka lang siya sumulyap sa akin. Pero nakakunot ang noo. Kung makatingin akala mo walang karapatang mag-exist sa mundo ang mga sexy na tu
Hindi umalis si Obrey hanggang kinagabihan. Matapang pa rin siyang sumalo sa amin sa hapag. Nasa gitna si Hades, habang nasa kanan ako at nasa kaliwa si Obrey.Nagtaka ako nang makitang iba ang nasa hapag ngayong gabi. Lobster, steak, at kung anu-ano pang seafoods na hinanda sa sosyal na paraan. “You like seafoods, right? Naalala mo pa dati? Parati mong nauubos ang lobster na niluluto ni Mommy.”Napaangat ako ng kilay. Ows? So, throwback pala ang peg niya ngayon?“Aside from me, wala nang may alam ng favorite foods mo. Hindi mo kasi sini-share iyon,”dagdag pa ni Obrey na sinulyapan pa ako.Kinunotan ko siya ng noo. So? Anong paki ko?“Are you okay with this?” Biglang nagsalita si Hades. Namilog ang bibig ni Obrey. Lalo na noong balingan ako ni Hades. Ako pala ang tinatanong. Bahagya akong nagulat pero nakabawi agad. Tumango ako at tumikhim.“O-Oo. Ayos lang.”“No allergies or something?”Bahagya akong ngumiti at umiling. Nang sulyapan ko si Obrey nakataas na ang kilay niya sa akin.
Nagulat ako sa narinig ko sa kaniya kaya lang nakabawi agad ako. Naningkit ang mata ko at may pagdududa na tinitigan siya. Kunot ang noo niya sa akin.“Bakit mo ako pinupuri? Tatawad ka, 'no? Wala ka nang pambayad sa akin kaya binobola mo ako, Hades?” Pinandilatan ko siya.Aba! Di pwede iyon. May inggrata pa man din sa bahay niya. Nagtitiis ako sa babaeng iyon kahit hindi kasama sa napagkasunduan iyon.Tapos hindi niya ako babayaran?Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Litong lito sa narinig sa akin. Sus! Kunyari pa 'to! Nahuli ko ang istilo mo kaya ganiyan ka maka react.“What are you talking about?” Litong lito pa rin.Tinuro ko siya. Mukhang nairita na siya ngayon.“Kow! Iyang style mo na 'yan?!”Nagtagis ang bagang niya. “I can pay you triple if I want to, Lurena.”Nanlaki ang mata ko.“Talaga? Pwede?”Pwede naman pala triple, bakit hindi niya pa ginawa? Seryosong seryoso ang mukha niya na nakatitig sa akin. Wala nga lang akong pakialam sa paninitig niya sa akin. Kasi kumikisl
“Seryoso ka, Maribel? Di mo ako jino-joke diyan?”“Opo naman, Ma'am. Mukha ba itong joke?” Sinulyapan niya ang itim na card na hawak niya.Mula kay Hades iyon. At hindi ko alam kung bakit niya ako binibigyan ngayon ng ganiyan. Nanliliit ang mata ko kay Maribel.“Ano ba naman, ma'am. Ba't ganiyan ka makatingin diyan? Hindi ko ninàkaw iyan, 'no? Sinabihan talaga ako ni Sir. Legit iyan!”“Defensive? Sinabi ko bang ninakaw mo? Iba iniisip ko, 'no.”“Bilhin mo raw lahat ng gusto mo. Dito na raw papasok lahat ng allowance mo. Sana all.” Ngumisi si Maribel.Kinuha ko agad sa kamay niya ang card. Mayàbang kong tiningnan kotse sa garahian.“Dahil diyan. May regalo ka sa akin, Maribel.”Namilog mata niya. Abot tainga pa ang ngisi.“Talaga po?!”Proud akong tumango sabay turo sa kotse sa garahian. Mas lalo tuloy lumaki ang mata ni Maribel.“Nakikita mo iyan, Maribel?”Sunod sunod ang pagtango niya.“Opo opo! Grabe naman kayo, ma'am. Hindi ko ini-expect na bibigyan mo ako ng regalo. Ang mahal mah
“I'm here, Hades. I'm safe, oh my gosh!” Boses iyon ni Obrey. Saktong pagkatayo ko ay agad kong natanaw na nakayakap na si Obrey kay Hades. Mabilis siyang nakatayo at tumakbo kay Hades. Naunahan pa ako.And then that happen. Tinamaan siya. Binuhat siya ni Hades. Pero agad ipinasa sa tauhan. Napaawang ang bibig ko nang sundan ang walang malay na si Obrey sa bisig ng tauhan ni Hades.“Dalhin mo sa pinakamalapit na hospital,”utos niya doon sa tauhan niya.Duguan pa si Hades mula sa pagkakabuhat sa duguang si Obrey kanina nang lapitan niya ako. Bakas ang matinding pag-aalala sa mga mata.Nagulat ako nang kabigin niya ako at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Nagkakaputukan pa at yakap yakap niya ako.“Hades...” Tila di agad naproseso ng utak ko ang lahat.Shock pa ako sa barilan at noong makita kong tinamaan si Obrey. Tapos ito... yakap niya ako.“Si Obrey.” Mahina ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya.“Are you hurt? Are you okay?” Napamura siya a
HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo