“I'm here, Hades. I'm safe, oh my gosh!” Boses iyon ni Obrey. Saktong pagkatayo ko ay agad kong natanaw na nakayakap na si Obrey kay Hades. Mabilis siyang nakatayo at tumakbo kay Hades. Naunahan pa ako.And then that happen. Tinamaan siya. Binuhat siya ni Hades. Pero agad ipinasa sa tauhan. Napaawang ang bibig ko nang sundan ang walang malay na si Obrey sa bisig ng tauhan ni Hades.“Dalhin mo sa pinakamalapit na hospital,”utos niya doon sa tauhan niya.Duguan pa si Hades mula sa pagkakabuhat sa duguang si Obrey kanina nang lapitan niya ako. Bakas ang matinding pag-aalala sa mga mata.Nagulat ako nang kabigin niya ako at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Nagkakaputukan pa at yakap yakap niya ako.“Hades...” Tila di agad naproseso ng utak ko ang lahat.Shock pa ako sa barilan at noong makita kong tinamaan si Obrey. Tapos ito... yakap niya ako.“Si Obrey.” Mahina ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya.“Are you hurt? Are you okay?” Napamura siya a
“Ma'am! Ma'am!” Umagang umaga'y hyper si Maribel. Muntik pang madulas sa sahig. E naapakan niya iyong automatic na vacuum cleaner. Pagala gala kasi itong vacuum na 'to. “Bakit?!” Iritado ako pero nanatili pa rin akong nakapikit.Nagyo-yoga ako at naka-lutos position sa lapag. Gusto ko ng katahimikan pero naalala kong nag-e-exist ang maingay na si Maribel. “Nasa baba si...” Humihingal pa siya.Napabuntong hininga ako. “Sino?” Sinulyapan ko siya.Wala na akong choice kundi ang tumayo. Kung si Hades lang 'yan o iyong crush niyang si Asthon, ay sasamain talaga ito sa'kin. “Nandiyan si...” Humingal na naman siya.Napakunot ang noo ko. Natagtag ba fats nito sa pagtakbo at ganiyan na lang makahingal? “Sige, bigyan kita ng isang oras para humingal diyan. Ligo muna ako.” Akmang tatalikod na ako pero bigla siyang nagsalita.“Sandali!”Napaatras ako sa lakas ng sigaw niya.“Wala nang oras para magtagal, ma'am. Nandiyan sa baba ang step mom ni Sir Hades.”“Mama ni impakta?” Nagkasulubong ki
“Walang tawad diyan?” Ngumisi ako sa tindera ng bulaklak. Napaismid siya.“Si Ma'am talaga. Mukhang yayamanin naman iyong asawa niyo. Tatawad pa talaga.” Sinulyapan niya si Hades na nakapamulsa sa unahan.“Mukhang mayaman lang yan pero butas din bulsa niyan,”bulong ko sa kaniya.“Si ma'am talaga. Ang mahal-mahal ng suot, oh. Mukhang mamahalin ang damit.”Pinanlisikan ko ng mata si Hades no'ng maglabas ng mamahaling cellphone. May sinagot itong tawag pero kunot noong binaba noong makita akong nanlilisik ang mga mata sa kaniya.Dumedeskarte ako dito para makamura, e. Tapos siya diyan nagpapahalata.“Ayon. Latest na íphóne 'yon, 'di ba? Ang mahal-mahal no'n-”“Uso installment ngayon, 'no! Hello? First time mo ba sa earth?”agad kong sansala. Napabuntong hininga ako. “Kung ayaw mong magpatawad, sige 'di bale na lang. Sayang ibibigay ko pa man din sana 'yan sa Papa ko. Makakalaya na kasi siya mamaya, welcome gift ko sana.”Kumunot ang noo niya. “Nakulong Papa mo, ma'am? Anong kaso?” Aba!
Gaya ng gusto ni Ma'am Olga. Bumisita ulit kami doon. Nag-bake kami. Tinuruan niya ako at maayos naman ang takbo ng usapan namin. Minsan pumapasada sa kusina si Obrey para tarayan lang ako.“Obrey, honey. Come here. Subukan mo itong niluto namin. I think it's fine but-”“You thinks it's fine, right? So be it. That's fine. Kailangan pa ba ako diyan? At isa pa, wala akong ganang makipagplastikan sa isa diyan,”sansala ni Obrey sa sasabihin pa dapat ng Mama niya.Nilampasan niya kami sa kusina at padabog na umakyat. Kita mo iyong isang 'yon. As if naman na gusto ko ring makipagplastikan sa kaniya. The feelings is mutual, 'no!“What did you say- Oh, my God, Obrey! Come back here!” Gusto pa yatang sundan ni Ma'am Olga ang anak niyang ulíkba.Pero di na siya pinakinggan ni Obrey. Kung ako mama no'n tapos ginanon ako? Naku! Papaluín ko ng hanger 'yon sa pwèt.“Sorry sa inasta niya. Gano'n talaga siya.” Nagpaliwanag agad si Ma'am Olga pagkababa niya.Ayaw pa kasing aminin na ampon niya lang ang
Wearing a cream color casual dress. Bumaba ako para salubungin sa baba si Mrs. Mondejar. Mas nauna siyang dumating na 'di ko inasahan. Hindi ko inakalang maaga siyang darating dito sa bahay.Pinilit kong ngumiti sa pagbaba ko. She's busy with her phone nang maabutan ko sa sala. Agad siyang tumayo nang makita ako.“Hija, hello!” Agad siyang bumeso sa akin. Maayos akong nakipagbeso sa kaniya.Agad niyang hinagod ng tingin ang katawan ko at ngumiti. “You look fine my Dear!”“S-Salamat po.” Alanganin akong napangiti. Hindi ko naman kasi forte ang makipagplàstikan. Hindi ko lang inasahang ganito siya kagaling sa ganitong bagay. Plastic as it finest talaga. Mas mabuti pa nga yata si Obrey, e. Kasi hindi niya tinatago ang totoong ugali niya. Di tulad dito sa Mama niya.“Let's go?”Deretso kami sa coffee shop na tinutukoy niya. Unang pasok sa lugar ay amoy mo agad ang bango sa paligid. Nakaupo ang mga mayayamang costumer sa kaniya kaniyang pwesto. At may reservation kami.Nalula ako sa mga
“Magkano dito?” Nagtanong iyong babaeng naka-heavy make-up kahit tanghaling tapat. Akala mo pók-pók na naabutan ng umaga.Pinisil niya iyong talong na kanina lang ay tinuro niya. Makapisil naman 'to akala mo pumipisil ng bayàg. May pwesto ako dito sa palengke. Iyong nakuha kong pera kay Hades ay binili ko ng pwesto dito sa palengke. Ito na rin ang bumubuhay sa amin ngayon. Kung anu-ano na lang ang binebenta ko dito. Isda, karne, gulay, tuyo. Basta ba alam kong makakabawi ako sa puhunan ko. “40 isang kilo.” Nagpatuloy lang ako sa paghihiwa ng gulay na gagawin ko ring sari-sari. “Ang mahal naman. Iyong sa kabila 30 na nga, e.” Napanguso ako. Bakit di siya doon bumili? Total mura naman pala doon. Paano ko mababawi ang puhunan ko kung isasagad ko pa ang presyuhan ko? “Huwag na nga lang.” Bumusangot pa iyong babae. Pagkatapos niyang pisil-pisilin ang mga paninda ko. Lalayasan na lang ako bigla ng gano'n na lang? “Hello my loves.”Nagulat ako nang biglang sumulpot si Waldo. Nakangisi
“Oh ba't kunti lang ang kinain mo?” Ilang subo pa lang iyong nakita ko tumayo na agad si Tinay. Aba! Hindi 'yan pwede. Ako ang mag-o-overthink ng malala sa palengke kapag nagutom 'to.“Mama, dalawang pinggan na iyong naubos ko puputok na tiyan ko.”“Paanong hindi puputok? Kanin at ulam ang pinapakain ko sa'yo hindi iyong pinggan. Iluwa mo iyong pinggan na'tin!”Bumusangot siya. Di na mabiro 'to. Mana talaga sa ama na seryoso. “Oh, siya. Huwag mong kakalimutan ang payong, ha. Mahal bili ko diyan,”paalala ko sa kaniya. Umuulan kasi ngayon. Pahirapan na sa byahe papuntang palengke. Bumili lang ako ng payong para sa anak ko. Kaya ko naman ang sumugod sa ulan. Humihina kasi ang benta ko nitong nagdaang buwan. Kaya di ako pwedeng gumastos sa kung anu-ano. Kung ikukumpara ang tindahan ko sa mga katabi kong tindahan sa palengke. Mas malaki iyong sa kanila. Iilang suki lang ang bumabalik sa akin para bumili. Pinupuntahan lang ako ng iba sa pwesto ko para mangutang. Hindi ako makabawi agad
Umiyak ang anak ko kahapon nang malaman niyang nagising na ako. Kahit no'ng sumakay na kami ng trysikel pauwi ay yakap-yakap pa rin ako na akala mo mawawala ako sa kaniya. Napangiti ako. Mahal na mahal talaga ako ng anak ko.“Sana hindi ko na lang dinala ang payong. E di sana di ka nagpa-ulan.” Sinisisi niya pa ang sarili na parati ko namang binabara. Masiyado niyang dinibdib ang nangyari.“Ayos na ako.” Parati kong sabi sa kaniya. Nag iwan ng tatlong libo si Tiyang sa akin. Pinag-grocery niya rin kami ng mga kailangan namin. At isang napakalaking ginhawa niyon sa amin.“Oh, magpahinga ka muna. Kahit tatlong araw lang. Baka mabinat ka pa. Pag-isipan mo ang offer ko, ah.” Bago umalis si Tiyang ay iyan ang bukambibig niya. Napaisip na nga rin ako na ibenta na nga ang pwesto ko sa palengke at iiwan ang bahay na ito para may balikan naman kami balang-araw. Hindi ko ibebenta ang bahay ko at lote. Sayang din.Hindi na muna ako nagbukas ng pwesto ko sa palengke after one week. Wala pa akong
HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo