“Oh ba't kunti lang ang kinain mo?” Ilang subo pa lang iyong nakita ko tumayo na agad si Tinay. Aba! Hindi 'yan pwede. Ako ang mag-o-overthink ng malala sa palengke kapag nagutom 'to.“Mama, dalawang pinggan na iyong naubos ko puputok na tiyan ko.”“Paanong hindi puputok? Kanin at ulam ang pinapakain ko sa'yo hindi iyong pinggan. Iluwa mo iyong pinggan na'tin!”Bumusangot siya. Di na mabiro 'to. Mana talaga sa ama na seryoso. “Oh, siya. Huwag mong kakalimutan ang payong, ha. Mahal bili ko diyan,”paalala ko sa kaniya. Umuulan kasi ngayon. Pahirapan na sa byahe papuntang palengke. Bumili lang ako ng payong para sa anak ko. Kaya ko naman ang sumugod sa ulan. Humihina kasi ang benta ko nitong nagdaang buwan. Kaya di ako pwedeng gumastos sa kung anu-ano. Kung ikukumpara ang tindahan ko sa mga katabi kong tindahan sa palengke. Mas malaki iyong sa kanila. Iilang suki lang ang bumabalik sa akin para bumili. Pinupuntahan lang ako ng iba sa pwesto ko para mangutang. Hindi ako makabawi agad
Umiyak ang anak ko kahapon nang malaman niyang nagising na ako. Kahit no'ng sumakay na kami ng trysikel pauwi ay yakap-yakap pa rin ako na akala mo mawawala ako sa kaniya. Napangiti ako. Mahal na mahal talaga ako ng anak ko.“Sana hindi ko na lang dinala ang payong. E di sana di ka nagpa-ulan.” Sinisisi niya pa ang sarili na parati ko namang binabara. Masiyado niyang dinibdib ang nangyari.“Ayos na ako.” Parati kong sabi sa kaniya. Nag iwan ng tatlong libo si Tiyang sa akin. Pinag-grocery niya rin kami ng mga kailangan namin. At isang napakalaking ginhawa niyon sa amin.“Oh, magpahinga ka muna. Kahit tatlong araw lang. Baka mabinat ka pa. Pag-isipan mo ang offer ko, ah.” Bago umalis si Tiyang ay iyan ang bukambibig niya. Napaisip na nga rin ako na ibenta na nga ang pwesto ko sa palengke at iiwan ang bahay na ito para may balikan naman kami balang-araw. Hindi ko ibebenta ang bahay ko at lote. Sayang din.Hindi na muna ako nagbukas ng pwesto ko sa palengke after one week. Wala pa akong
Siguro nga ay iniisip niya nang patày na talaga ako kasama ng anak niya. Sino ba siya? Sino ako sa kaniya? Oo nga pala. Isa lang akong kasangkapan para makuha niya ang titulo bilang mafia. Wala naman sa akin ito noon, kahit pa sinabi niyang ayos lang sa kaniya na wala siyang anak. Na hindi niya makuha si Kristine sa akin. Hindi big deal sa kaniya ni hanapin ang anak niya o alamin kung totoo nga bang namatày kami ng anak niya. Sa simula pa lang ay wala na kaming kwenta sa buhay niya. Kaya ano pa ang silbi kong sasabihin naming buhay kami? Kahit ano ang gawin nina Obrey sa amin ay hindi siya makikialam. Baka nga tutulong pa siya kina Obrey.“I'm doing this in behalf of Hades. Kadugo ko pa rin ang anak mo. Malaki ang utang na loob ko kay Hades. Pero may naibigay man siya sa akin o wala. I will do same, Lurena. Poprotektahan ko kayo kahit hindi niya sabihin.” Iyon ang huling sinabi ni Harry bago niya ako iniwan sa side walk. Mananatili siya sa paligid. Hindi siya babalik sa syudad hangg
“Alam mo po? May manliligaw si Mama doon sa amin. May búngal tapos kalbo. Tapos iyong isa payat na parang langaw. Alam mo po ba? Ikaw lang iyong gwapo sa lahat. Hindi ko talaga alam kung bakit lapitin ng pangít si Mama. Siguro isinumpa siya.”Tapos sinundan ng tawa ng lalaki. Ang aga-aga iyong boses ng anak ko ang maririnig ko. Nakakapagtaka kasi tahimik ito sa ibang tao. Pero ang daldal niya ngayon.Sino naman kaya ang kausap niya? Lumabas ako. Kagigising ko lang. Pagod ako kagabi. Nag-overtime ako sa pag-a-arrange ng mga gamit. Nilinisan ko pa ang buong bahay dahil parang haunted house ito nang dumating kami. Sana lang walang multo dito. Kaya ko pang makisama sa tsismosa kaysa naman multo.Tapos ngayon may kakausap sa anak ko ng ganitong oras? Sana naman tao iyong kausap niya, 'no? Baka kasi nakikipag-usap na iyon sa nilalang na 'di nakikita, e. Dali-dali akong bumaba at naabutan ko sa sala ang malaking lalaki na naka-upo sa rattan na upuan. Alam ko na agad kung sino ito. Bakit na
Wala na ba talagang ibang lugar para sa'min ng anak ko? Kahit saan na lang nandoon ang gulo? Lumayo na nga ako para umiwas. Ba't parang sinusundan pa rin kami? Nakabusangot kong binalingan si Harry. Nasa sala sila kasama niya si Tinay na naglalaro no'ng lato-lato na binili nila kanina. Ayoko pa rin na sumama sa kaniya. Hindi niya ako agad-agad mapapayag diyan sa desisyon niyang 'yan. Pinsan niya si Hades. Malay ko bang pinapasakay niya lang ako sa mga kwento niya para sumama kami sa kota nila. Blood is thicker than water pa rin.Magtatago na lang kami dito sa Nieves. Hindi naman siguro hahalughugin ni Hades ang buong Nieves para hanapin kami. Tsaka, imposible rin iyon. Wala nang pakialam sa amin ang lalaking 'yon. Nagpakasal na nga, e. Napabuntong hininga ako. Ba't parang nalulungkot ako? Muntik kong masapàk ang sarili ko. Aba! At bakit may palungkot-lungkot ka pa diyan?Umiling-iling ako at nilapitan sila sa sala. Namaywang ako at inangatan ng kilay si Tinay nang mapabaling siya sa
Kailan ba siya aalis? Magtatagal ba siya sa Nieves? Kung magpapatuloy siya doon baka malaman niyang nandito kami. At ano ba ang ginagawa niya dito? Bakit sa layo nitong lugar ay narating niya pa talaga ito?“Lurena!” Boses iyon ni Harry.Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko na namalayan ang presensya ni Harry na nasa labas ng bahay. Gulat na gulat siya at hindi alam kung lalapit ba sa amin. Pero kalaunan ay nilapitan nga kami para alalayan ako.“Pumunta tayo ng hospital. Ano ba kasi ang nangyari?” Gusto ko sanang magsalita pero naunahan ako ng anak ko.“Iyong gagó na driver ng kotse na iyon binunggo ang mama ko. Hindi naman siya taga-rito sa Nieves, e. Kung bakit pa talaga siya hinahayaang magpunta dito. Ang mga tàtanga-tanga na mga tulad no'n ay di dapat pinapagala sa Nieves,”lintanya ni Tinay. Unang sabak pa lang sa usapan ay di na magandang feedback kay Hades ang agad binungad ni Tinay sa tiyuhin. Halata naman na wala talaga siyang masasabing maganda kay Hades ngayon dahil sa
“Magsalita ka,”utos ko sa kaniya. Ini-on ko ang camera at pinindot ang record. “Ha?” Bakas ang pagtataka sa mga mata niya. “Bakit ako mag-”“Ikuwento mo ang lahat ng nangyari kanina. Bago ka napagalitan ng babaeng 'yon. Tapos iangat mo ang sugat mo at ipakita mo sa camera.”Naguluhan pa siya pero kalaunan ay sumunod siya sa sinabi ko at ngali-ngali niyang pinakita ang sugat niya sa kamay. Tapos ikinuwento niya na rin ang lahat ng nangyari kanina. Halatang wala siyang ideya sa gagawin ko. Gumawa ako ng page sa social media. Pagkabalik namin mula sa likuran ay may bakas ng pagtatanong sa mga mata nila. Pinasa ko sa phone ko ang nagawa kong video bago ko isinauli ang phone sa may-ari.......Nauna akong gumising mga bandang 5 ng umaga. Tulog pa ng mga oras na ito si Tinay. Nag-open ako ng social media at deretso ako sa account ng vlogger na iyon. Andrea Smith ang pangalan niya. At gaya ng ini-expect ko. Nandoon nga ang live niya kung saan pinahiya niya ang kasama ko. Kaya lang nag-com
Buhat-buhat ko si Tinay. Tulog na ito kanina pa. Matutulog na rin dapat ako kung di lang iyon sinabi ni Harry. Tutulong kunyari sa akin tapos biglang sasabihing gusto niyang maging anak ang anak ko? Wala siyang pinagkaiba kina Obrey kung ganoon. Pagbukas ng elevator sa lobby ay agad akong lumabas. Buhat-buhat ko pa rin ang anak ko. Kaya ko pang magbayad ng matutulugan ngayong gabi. Kasya pa naman yata ang pera ko para doon. Bahala na.“Lurena!”Mas binilisan ko ang mga hakbang ko nang marinig ang boses ni Harry. Ang bilis naman ng mokong na 'to. Naabutan niya agad kami sa lobby?“Lurena, wait. Please!”Muntik ko nang buksan ang glassdoor ng building nang may matanaw ako sa unahan. Namilog ang mata ko nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba sa magarang kotse.Mabilis akong tumakbo pabalik. Nasalubong ko pa ang nagtataka na si Harry. Lumipat ang tingin niya sa likuran ko. Nakumpirma niya kung sino ang kinatatakutan ko.“Oh shit! Let me carry her.” Mabilis na binawi ni Harry mula sa
HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo