“Magsalita ka,”utos ko sa kaniya. Ini-on ko ang camera at pinindot ang record. “Ha?” Bakas ang pagtataka sa mga mata niya. “Bakit ako mag-”“Ikuwento mo ang lahat ng nangyari kanina. Bago ka napagalitan ng babaeng 'yon. Tapos iangat mo ang sugat mo at ipakita mo sa camera.”Naguluhan pa siya pero kalaunan ay sumunod siya sa sinabi ko at ngali-ngali niyang pinakita ang sugat niya sa kamay. Tapos ikinuwento niya na rin ang lahat ng nangyari kanina. Halatang wala siyang ideya sa gagawin ko. Gumawa ako ng page sa social media. Pagkabalik namin mula sa likuran ay may bakas ng pagtatanong sa mga mata nila. Pinasa ko sa phone ko ang nagawa kong video bago ko isinauli ang phone sa may-ari.......Nauna akong gumising mga bandang 5 ng umaga. Tulog pa ng mga oras na ito si Tinay. Nag-open ako ng social media at deretso ako sa account ng vlogger na iyon. Andrea Smith ang pangalan niya. At gaya ng ini-expect ko. Nandoon nga ang live niya kung saan pinahiya niya ang kasama ko. Kaya lang nag-com
Buhat-buhat ko si Tinay. Tulog na ito kanina pa. Matutulog na rin dapat ako kung di lang iyon sinabi ni Harry. Tutulong kunyari sa akin tapos biglang sasabihing gusto niyang maging anak ang anak ko? Wala siyang pinagkaiba kina Obrey kung ganoon. Pagbukas ng elevator sa lobby ay agad akong lumabas. Buhat-buhat ko pa rin ang anak ko. Kaya ko pang magbayad ng matutulugan ngayong gabi. Kasya pa naman yata ang pera ko para doon. Bahala na.“Lurena!”Mas binilisan ko ang mga hakbang ko nang marinig ang boses ni Harry. Ang bilis naman ng mokong na 'to. Naabutan niya agad kami sa lobby?“Lurena, wait. Please!”Muntik ko nang buksan ang glassdoor ng building nang may matanaw ako sa unahan. Namilog ang mata ko nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba sa magarang kotse.Mabilis akong tumakbo pabalik. Nasalubong ko pa ang nagtataka na si Harry. Lumipat ang tingin niya sa likuran ko. Nakumpirma niya kung sino ang kinatatakutan ko.“Oh shit! Let me carry her.” Mabilis na binawi ni Harry mula sa
Kumalabog ang pinto sa isang tulak ko lang. Tumambad sa aking mata ang hubad na si Harry. Mukhang magbibihis pa ng dress shirt. Halatang may pupuntahan. Kung ibang babae iyon baka naglaway na pero hindi kasi siya si Hades-ay este wala kasi akong pakialam kung gaano siya ka-hot. “Uuwi ka ng Pinas?”bungad ko sa kaniya. With matching panlalaki ng mga mata.Namewang siya. “Yes, so?”“Pwede bang-”“No!”“Bakit?” Umatungal ako. Last year naman ay pinayagan niya ako. Pumayag pa siyang umakto kaming parehong lalaki para lang mabisita namin ang Papa ko.“Baka nakakalimutan mong tinitigan lang ako ng kapatid mo ay hinabol na ako ng itak ng Papa mo.” Ngayo'y bakas na ang takot sa mata niya.Naalala ko pa nga. Sinabi rin Papa na 'Panagutan ni Harry ang kapatid ko at huwag na raw magkunwari at umamin nang may relasyon ang dalawa' kung makatitig naman kasi iyong kapatid kong iyon akala mo huhúbaran na si Harry. Trauma tuloy ang inabot ni Harry.“Ayoko na, 'no!” Inayos niya ang neck tie niya.“Kung
Nagising ako sa naririnig na ingay sa labas. Wala akong choice kundi ang bumangon. Kung bakit kasi ang aaga magsipagising ng mga tao dito sa probinsiya? Humihikab akong bumaba mula sa silid namin ni Lelay. Natigilan lang ako nang matanaw ang yummy na lalaking nagsisibak ng kahoy sa labas. Sisinghalan ko na sana, e. Buti na lang yummy siya, Pawis na pawis siyang nagpatuloy sa pagsisibak. Boyfriend ba ito ni Lelay? Imposible! Sa pagka-over protective ni Papa ay tiyak na kuwarenta na si Lelay magkakaroon ng jowa. Nagpapasalamat na lang ako at may Tinay na ako at baka 50 na ako makakapg-asawa dahil kay Papa."Hello!"bati ko. Bad trip ako kanina dahil sa maagang ingay na gawa ng lalaking ito. Pero dahil macho at yummy kaya pinapatawad ko na siya. Real quick!Tumigil siya sa pagsisibak at parang nag-slowmotion noong humarap siya sa akin. Parang may imiginary flowers na nagsipaglaglag mula sa kalangitan. Ganiyan ka-OA ang utak ko kaya hayaan niyo na ako. Mula sa umiigting na panga at kumaka
Sinikap kong hindi magtama ang mga mata namin. Pero kahit iwasan ko ang mga tingin niya ay nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa talaga kami nagkita? Mabuti na lang at hindi ko sinama si Tinay. Mabuti na lang at nagdadalawang-isip pa akong ipakilala ang anak ko kina Papa. Kundi baka nalaman ni Hades ang tungkol sa anak ko. Kinabahan ako. Naalala ko ang sinabi ni Harry tungkol sa pagpunta ni Hades dito sa bahay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit kailangan niya akong hanapin. Siguro ay utos ng asawa niyang si Obrey. Mabuti na lang at kaya ko nang pagtakpan ang tungkol sa anak ko. Nakakatulong ang kasal namin ni Harry. "Ikaw pala ang boss nitong anak ko?" Biglang nasalita si Papa. At pinagdarasal ko na sana nanahimik na lang siya.Mariin akong napapikit at yumuko sa kahihiyan. Unti-unti rin akong nag-angat ng tingin kay Lelay. May pagtataka sa mga mata niya nang tingnan ako. Ngumiti siya kalaunan na tila may nabasa
"She brought five,"ani Harry. Dahilan para masapo ko ang noo sa frustration. Sabi ko huwag nang mangolekta ulit ng pusang kalye. Tapos ngayon nagdagdag na naman ng lima? "Wala na akong magawa. She likes helping stray cats. Your daughter has golden heart-""Kabaliwan kamo! Hindi na maganda ang sobra, Harry. Anong golden-golden iyang pinagsasabi mo? Alam ko namang ina-adopt niya lang ang mga pusang kalye na iyan simula noong yabangan siya noong kaklase niya na may-ari ng pet shop. Hindi mo ba napansin na may kayabangan din iyang anak kong iyan? Ayaw papaapi iyan kaya gusto rin mangulekta ng pusa gaya ng kaklase niya sa miami."Natawa si Harry sa kabilang linya. Isa rin itong lalaking ito, e. Nagiging sunod sa layaw si Tinay dahil hinahayaan niya lang sa gusto iyong bata. Hindi sa lahat ng bagay ay pinagbibigyan niya ang pamangkin niya. Ayaw ko namang masanay ang anak ko sa ganoong sistema at baka lumaking nagrerelbede kapag hindi napagbigyan sa gusto."I'll tell her to minimize. Don't
"Nakita mo ba ang short ko-" Natigilan si Papa nang lampasan ko siya ng hindi nagsasalita. Ayoko na muna siyang kausapin dahil baka pag kinumpronta ko siya ay maiyak lang ako sa inis. Sino ba ang hindi maiinis? Alam kong tutol ang ina ni Mama sa pagpili ni Mama kay Papa. Dahil mahirap lang si Papa at matapobre si Lola. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi namin namana ang ugaling iyon ng matandang iyon. Ala kong npilitan si Mama na iwan si Papa para sumama sa ibang lalaki. Ginigipit na kami ni Lola noon pa man.Nagkataon na failure ang palayan namin at naubos na ang pera namin dahil pinampuhunan namin iyon lahat sa palayan. Inasahan amin na may maaani kami pagkatapos niyon. Pero minalas kami noong mga panahong iyon at nagkataon na nagkasakit ang kapatid ko. Walang-wala kami noong mga panahong iyon. Ang naalala ko ay pumunta si Mama sa ina niya para humingi ng kaunting tulong. Pati si Papa ay hindi na rin alam ang gagawin. Kinabukasan ay may lalaking nakakotse na nagpunta sa bahay p
Bumuntong hininga ako bago itinulak ang pinto ng office ng mayor. Imbes na ang mayor ang abutan ko doon ay si Dinovan ang napagbuksan ko. Iyong Mama niya sana ang pupuntahan ko doon dahil tiyak na alam niyon kung saan ko matatagpuan si Hades. Alam ko namang naka-duty parati ang mama niya dito. Pero tama na rin na si Dino ang nandito at mukhang mas kumportable akong kausapin siya kaysa sa mama niya. "Napadaan ka, Rena." Ngumiti si Dino at nilapitan kaagad ako. "Ba't nandito ka?""Binisita ko lang si Mama. Pero nagmamadali siyang umalis kanina. May kailangan ka sa kaniya?"Alanganin akong ngumiti. "Itatanong ko sana kung nasaan si Hades. May gusto lang akong pag-usapan.""Pauwi na rin ako nasa mansion siya ni Lolo."Naalala kong sa mayor din tumuloy si Harry noong nagpunta siya dito. Mukhang malapit sila sa pamilya ng mayor. Wala nga lang akong ideya sa kuneksyon nila. May iba pa bang kailangan si Hades sa lugar na ito maliban sa bilhin ang lupa namin? Wala ba siyang ibang mabiling lup
HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo