Sinikap kong hindi magtama ang mga mata namin. Pero kahit iwasan ko ang mga tingin niya ay nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa talaga kami nagkita? Mabuti na lang at hindi ko sinama si Tinay. Mabuti na lang at nagdadalawang-isip pa akong ipakilala ang anak ko kina Papa. Kundi baka nalaman ni Hades ang tungkol sa anak ko. Kinabahan ako. Naalala ko ang sinabi ni Harry tungkol sa pagpunta ni Hades dito sa bahay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit kailangan niya akong hanapin. Siguro ay utos ng asawa niyang si Obrey. Mabuti na lang at kaya ko nang pagtakpan ang tungkol sa anak ko. Nakakatulong ang kasal namin ni Harry. "Ikaw pala ang boss nitong anak ko?" Biglang nasalita si Papa. At pinagdarasal ko na sana nanahimik na lang siya.Mariin akong napapikit at yumuko sa kahihiyan. Unti-unti rin akong nag-angat ng tingin kay Lelay. May pagtataka sa mga mata niya nang tingnan ako. Ngumiti siya kalaunan na tila may nabasa
"She brought five,"ani Harry. Dahilan para masapo ko ang noo sa frustration. Sabi ko huwag nang mangolekta ulit ng pusang kalye. Tapos ngayon nagdagdag na naman ng lima? "Wala na akong magawa. She likes helping stray cats. Your daughter has golden heart-""Kabaliwan kamo! Hindi na maganda ang sobra, Harry. Anong golden-golden iyang pinagsasabi mo? Alam ko namang ina-adopt niya lang ang mga pusang kalye na iyan simula noong yabangan siya noong kaklase niya na may-ari ng pet shop. Hindi mo ba napansin na may kayabangan din iyang anak kong iyan? Ayaw papaapi iyan kaya gusto rin mangulekta ng pusa gaya ng kaklase niya sa miami."Natawa si Harry sa kabilang linya. Isa rin itong lalaking ito, e. Nagiging sunod sa layaw si Tinay dahil hinahayaan niya lang sa gusto iyong bata. Hindi sa lahat ng bagay ay pinagbibigyan niya ang pamangkin niya. Ayaw ko namang masanay ang anak ko sa ganoong sistema at baka lumaking nagrerelbede kapag hindi napagbigyan sa gusto."I'll tell her to minimize. Don't
"Nakita mo ba ang short ko-" Natigilan si Papa nang lampasan ko siya ng hindi nagsasalita. Ayoko na muna siyang kausapin dahil baka pag kinumpronta ko siya ay maiyak lang ako sa inis. Sino ba ang hindi maiinis? Alam kong tutol ang ina ni Mama sa pagpili ni Mama kay Papa. Dahil mahirap lang si Papa at matapobre si Lola. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi namin namana ang ugaling iyon ng matandang iyon. Ala kong npilitan si Mama na iwan si Papa para sumama sa ibang lalaki. Ginigipit na kami ni Lola noon pa man.Nagkataon na failure ang palayan namin at naubos na ang pera namin dahil pinampuhunan namin iyon lahat sa palayan. Inasahan amin na may maaani kami pagkatapos niyon. Pero minalas kami noong mga panahong iyon at nagkataon na nagkasakit ang kapatid ko. Walang-wala kami noong mga panahong iyon. Ang naalala ko ay pumunta si Mama sa ina niya para humingi ng kaunting tulong. Pati si Papa ay hindi na rin alam ang gagawin. Kinabukasan ay may lalaking nakakotse na nagpunta sa bahay p
Bumuntong hininga ako bago itinulak ang pinto ng office ng mayor. Imbes na ang mayor ang abutan ko doon ay si Dinovan ang napagbuksan ko. Iyong Mama niya sana ang pupuntahan ko doon dahil tiyak na alam niyon kung saan ko matatagpuan si Hades. Alam ko namang naka-duty parati ang mama niya dito. Pero tama na rin na si Dino ang nandito at mukhang mas kumportable akong kausapin siya kaysa sa mama niya. "Napadaan ka, Rena." Ngumiti si Dino at nilapitan kaagad ako. "Ba't nandito ka?""Binisita ko lang si Mama. Pero nagmamadali siyang umalis kanina. May kailangan ka sa kaniya?"Alanganin akong ngumiti. "Itatanong ko sana kung nasaan si Hades. May gusto lang akong pag-usapan.""Pauwi na rin ako nasa mansion siya ni Lolo."Naalala kong sa mayor din tumuloy si Harry noong nagpunta siya dito. Mukhang malapit sila sa pamilya ng mayor. Wala nga lang akong ideya sa kuneksyon nila. May iba pa bang kailangan si Hades sa lugar na ito maliban sa bilhin ang lupa namin? Wala ba siyang ibang mabiling lup
“Hades!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong mansion. Kung makasigaw kasi e daig pa ang naka-trumpa. Gusto kong ikawag-kawag ang paa ko para bitiwan niya ako. Pero kapag nabitiwan niya naman ako ay tiyak na sahig ang sasalo sa akin.Di bale na Lurena. I-enjoy mo na lang ang moment na nasa bisig ka ni Hades. Kasi sa susunod si Obrey na ang bubuhatin niyan at hindi na ikaw!Ay walangya. Bakit iyan ang naisip ko?Dumaan kami sa malaking bulwagan ng mansion. Napatingala ako sa taas. Ang babasaging ceiling ay may nakaguhit na mga anghel. Kung bet pala ng pamilya ni Hades ang mga anghel e bakit pinanganak siyang demonyo?Napanguso ako. Kaya lang napansin kong may mata na nakatuon sa akin. Napatingin tuloy ako kay Hades. At tama nga. Nakatitig siya sa akin. Medyo nakaawang ang bibig niya pero nang matauhan ay kumunot ang noo niya at umigting ang panga.Dinala niya ako sa isang silid. Imbes matakot dahil solo namin ang silid ay hindi ko na iyon napagtuonan ng pansin. Mas naagaw ang atensyon ko
Bakas ang dilim sa mga mata ni Hades nang lingunin ko. Medyo hilaw ang ngiti ko nang titigan siya. Umigting ang panga niya. Dinilaan niya ang ibabang labi ngunit may lamig sa mga mata niya.Naalala ko tuloy bigla ang mga baril niya sa malaking mansion noon. Baka may dala siyang baril dito at ratratan na lang ako bigla. “S-Sorry, b-bayaran ko 'yan, Hades. M-Magkano ba 'yan?” Nagkandautal ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung tatakbo ako o ano. Sa laki ng katawan niya at sa haba ng binti. Isang maling galaw lang tiyak na ibuburol ako kinabukasan. Mafia 'yan, Lurena. Sanay sa bala, sanay pumatay ng magaganda. Kaya nga natatakot na ako ngayon. Oh my Gosh! Balak ko pa man din sana yumaman in the future. Pangarap kong makita ang anak ko na magkajowa, pangarap ko pang sabunútan sina Obrey at ang ina niyang plastik. Humakbang palapit si Hades dahilan para mapaatras ako at parang papanawan na ng ulirat sa kaba.“H-Hades, sorry na! Sorry na! Hindi ko sinasadya. Babayaran ko na lang kasi!”
Hindi niya alam na buhay ang anak namin. All this time, iniisip niyang wala na siyang anak sa akin. So that explains everything at kung bakit sa mga nagdaan na taon ay hindi niya man lang hinanap si Tinay. At bakit niya rin hahanapin kung sabi niya wala siyang pakialam sa anak ko? Buhay man o patay ang anak ko ay hindi niya na ako susumbatan ngayon dahil wala nga siyang pakialam. Pero biglang ganito. Biglang nagalit siya sa akin nang malaman niya sa pamilya niya ang gawa-gawang kwentong iyon. Agad akong napailing at nahintakutan. “Hindi. Huwag. Huwag na huwag mo balaking sabihin sa kaniya ang totoo, Lurena. Ayaw sa'yo ng kaniyang ama. Kita mo nga at ang ama niya pa mismo ang nagsabi tungkol sa gawa-gawang issue ng pagpapa-abort mo. Wala kang kahit na sinong dapat pagkatiwalaan sa ngayon kundi si Harry lang at ang pamilya mo,”mahinang kausap ko sa sarili.Umiling iling ako. May awa na umahon sa dibdib ko kanina nang makita ko ang pangungulila sa mga mata ni Hades noong isumbat niya sa
Iniinis ba ako ng isang 'to? Kasi effective ang pang-iinis niya. Alam niyang may asawa na ako. Akala ko ba kapag kasal na kami ni Harry ay magiging peaceful na ang buhay ko? Pinsan niya iyon, pero heto at dinukot niya ang asawa ng pinsan niya. Nababaliw na talaga siya!“Huwag mo kong idamay sa mga kabaliwan mo. Ibalik mo ito sa daungan ngayon na!” Tinaasan ko na siya ng boses. Wala akong pakialam kung anong klase siyang tao. Pero imbes na magalit sa naging asta ko ay nakita ko ang amusement sa mga mata niya. Tila tuwang tuwa siyang nahihirapan ako sa sitwasyon ko.“No,”simple niyang sambit at tumangga ng wine. Itinuko niya ang kamay sa mini counter at pinagmasdan ako.“Ano-”“Ayaw mo bang kunin sa akin ang 30 million mo? Ayos ka na doon sa nakuha mo sa bangko ko? Pwede ko 'yong dagdagan, Lurena. Just name your price.” Nagbitiw siya ng nakakainsultong ngisi.Napalunok ako at agad napaiwas ng tingin. “Para naman maisalba ng asawa mo ang maliit na kompanya ng pamilya niya. Malaking tul
HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo