That was three months when I suddenly notice the changes. Parati akong nagsusuka at may mga pagkain na ayaw kong maamoy at kainin. Napakatamad ko rin gumalaw-galaw at gusto na lang na matulog. Pero paano iyon kung kailangan kong kumita ng pera? May maintenance pang gamot ang kapatid ko. Hindi pwedeng hindi ako makapagpadala.
“Magpa-check ka na. Jusko, Lurena!”si Tiyang sa kabilang linya.Tinawagan ko siya matapos mapansin ang kakaibang nararamdaman sa katawan.“Naku! Baka buntis ka na. Baka nagbunga ang-”“Tiyang, hindi mangyayari iyon! Isang beses lang iyon.”“Ano bang alam mo? Ni wala ka ngang boyfriend. Hindi mo malalaman iyan kung di mo ipapa-check up iyan bukas.”Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho pagkatapos ng pinag-usapan namin ni Tiyang. Nang pauwi na ay lutang na lutang pa rin ako. Kung anu-ano ang iniisip ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Hindi pwedeng parati na lang akong nag-o-overthink dito.Dyusko naman! Mamamatay ako kakaisip. Pero paano kung buntis ako? Ang gwapo siguro ng baby ko-este! Patay talaga ako sa Papa ko!Kumakain akong cup noodles kinagabihan. Wala na akong masiyadong pera sinuklian pa ako ng candy no'ng tindera. Pang ice water na lang sana iyon. Ngumuso ako at nang susubo sana ulit ng noodles ay naalala na naman ang sinabi ni Tiyang.“Baka buntis ka na!” Nag-echo sa utak ko ang sinabing 'yon ni Tiyang.Parang gusto ko nang umiyak habang sumusubo ng noodles. Dumeretso nga ako sa drugstore kinabukasan para makabili ng PT.“P-PT, Miss.” Parang ayaw ko pang banggitin. Nakakahiya.Nang tingnan ko ang paligid. Saka ko lang napansin na nakatingin ang ibang matatandang bumibili yata ng maintenance nilang gamot.“Hay naku. Mga bata talaga sa panahon ngayon. Dapat iniisip muna kinabukasan at pag-aaral bago magpabuntis.”“Minor pa yata 'yan, e. Di na nahiya. Kawawa naman ang magulang niya.”Nagbulungan pa kuno sila, e. Dinig na dinig ko naman. Ito talagang mga matatandang 'to. Alam naman nilang kunting araw na lang ang natitira nila sa mundo gumagawa pa talaga ng kasalanan.“One hundred,”ani pharmacist.Dumukot akong one hundred. Pati peso napasama sa one hundred na papel kaya nahulog sa sahig.“Ay! Nahulog ang pera ng 23 years old na babae na napagkamalang minor dahil sa height niya. Ganoon talaga baby height, e.” Nilakasan ko ang boses ko.Kumunot tuloy ang noo no'ng mga matatandang tsismosa sa tabi. Nagbulungan na naman sila. Pagbuhulin ko nguso niyo, e.Nagdasal ako ng ilang beses habang hinihintay ang result sa CR ng silid ko. Alam ko grasya ang pagkakaroon ng baby. Pero please, pass po muna. Ibang grasya po muna ibigay niyo sa akin. Wala po akong ulam ngayong gabi, pera po muna ibigay niyo. Wala akong ipapakain sa anak ko pag nagkataon. Iyong pera may tao pero iyong tao walang pera.Mariin akong napapikit bago ko tiningnan ang resulta ng PT na hawak. Muntik na akong mahulog sa bowl nang malaman na positive.“Tiyang!” Ngumangawa na ako kinagabihan.“Bakit? Positive, 'no?” Hula niya.“Paano mo po nalaman?”“Umaatungal ka na riyan, e.”Mas lalo akong umiyak habang nasa tainga ang phone ko. “Tiyang anong gagawin ko?”Bumuntong hininga siya. “Humingi tayo ng tulong sa ama ng bata.”“Ayoko, Tiyang. Baka pag nalaman niyang may anak siya sa akin. Baka kunin niya ang bata sa akin tapos luluhod ako para magmakaawa na hindi niya kunin sa akin ang baby ko, tapos mai-inlove kami sa isa't-isa tapos pakakasalan niya ako, tapos-”“Umamin ka. Sabog ka ba?”Namilog ang mata ko. “Tiyang naman! Matino naman ako!”“Pwes! Magseryoso ka. Hindi ko alam kung anong ginawa mo noong gabing iyon at nabuntis ka ngayon.”“Nag-sèx kami, Tiyang. Kaya nabuntis ako.”“Isang banat pa, Lurena. Babalatan na kita.”Nanahimik na ako. Nakinig na lang ako kay Tiyang. Baka magalit pa. So ayon nga, advice niya na lumapit kami sa ama ng bata. Mayaman iyon kaya malamang tutulungan ako no'n. Pero ayaw ko. Nalalason pa rin utak ko sa mga nababasa ko sa novel na baka bawiin sa akin ang anak ko. Ganito set-up no'n, e. Mayaman ang ama tapos mahirap ang ina ng bata. Ganitong-ganito 'yon!Hindi ako nakinig kay Tiyang. Bahala na. Pero hindi talaga pwedeng ipakilala ko ang anak ko sa ama niya. Kahit pa tubuan ako ng pigsa sa pwèt hinding-hindi ako aamin sa lalaking iyon.So ayun nga sasakay na dapat ako ng barko pero bigla akong hinarang ng mga tauhan ni Mr. Mondejar. Pinagbintangan pa akong itatakas ko raw ang anak ng taong iyon. Nasa stage of being 'lutang' pa ako noong sinakay nila ako ng sasakyan at sa mismong byahe ko na-realize na baka ang tinutukoy nila ay ang nakajugjugan ko noon.“Saan niyo po ako dadalhin? Mukha lang po akong buntis pero busog lang po talaga ako. Maniwala kayo.” Naiiyak na ako.Hindi nila ako pinansin sa likod. Hinanap ko rin iyong gwapo nilang kasama. Dapat bantayan ako no'n dito sa likod, hindi ito makatarungan! Bakit puros panot itong kasama ko sa kotse?“Mambabarang po Lola ko. Actually magkikita dapat kami ngayon, e. Nakapatay na po siya ng dalawang panot, binarang niya tapos pinalobo ang tiyan.” Dapat matakot ang dalawang ito. Dapat palabasin na nila ako sa sasakyan.Biglang huminto ang sasakyan at sabay na lumingon ang dalawang panot na tauhan dito sa banda ko. Sa wakas napansin na rin nila ako. Kaya lang mukhang galit yata.“Gusto mong sabay kayo ng lola mo na humarap kay San Pedro?” sabi ng isa.Hilaw akong natawa. “Iba naman po kayo. Pogi po kayo, e. Hindi tumatalab ang barang ni Lola sa mga pogi.”Nakahinga ako ng maluwag nang nagpatuloy na sila sa pagda-drive. Ayoko na magsalita. Mga pikon itong mga panót dito, e.Mga ilang minutong byahe nang makarating kami sa isang napakalaking mansyon. May malaking gate na parang sinasaniban kasi automatic na bumubukas. Dinala nila ako sa loob ng mansyon na iyon at bulwagan pa lang... napabuntong hininga ako. Parang gusto ko na doon tumira. Sobrang laki at sobrang linis ng paligid. Ang kintab-kintab pa ng sahig na parang dinilaàn ng isang milyong sawa. May chandelier pa na nakasabit sa high ceiling. Parang gusto ko tuloy mag-uwi ng bombilya no'n.Ilang pasilyo pa ang dinaanan namin bago namin narating ang napakalaking library. Ang bongga pa ng entrada kasi sabay na nagbukas ang malalaking doble door no'n.“Boss nandito na po siya,”imporma ng tauhan niya.Napakurap-kurap ako. Nasaan na siya? Invisible ba amo nila? Buweno, iyong gate nga nila, e. Nagbubukas kahit walang tao. Magugulat pa ba ako kung pati amo nila hindi nakikita?“You may leave.” Isang baritunong boses ang pumailanlang.“Opo, Boss.”Isang lalaking naka-roba ng maroon ang sumulpot. Namilog ang mata ko nang mamukhaan siya. Ito iyong lalaking, gwapo, hot, yummy, masarap kahit walang sauce!At ang kaisa-isang lalaking sumira ng perlas ng silanganan ko.“I-Ikaw?”mahina kong usal.“Plan to escape?”Tumakas? Alanganin akong napakamot sa batok. Hilaw akong ngumisi. Patay! Kapag nalaman niyang binalak ko nga'ng itakas ang anak niya ay baka ano ang gawin niya sa akin. Seryoso siya, parang galit, kaya baka nga galit sa akin.“Ano ka ba? Anong tatakas? Kanino naman ako tatakas? Di ba pwedeng nagbabakasyon lang? Takas agad?”Namaywang ako at patawa-patawa pa.“Good. I have a proposal for you.”Namilog ang mata ko. “T-Teka! Propose po agad-agad?”Di pa nga siya nanliligaw magpo-propose agad?“Yeah, what are you thinking?” Naningkit ang mata nito tila pinagduduhan pa ako sa sagot ko.“Hindi pa po kasi ako handa!”Akala ko anak ko lang ang habol niya pero pati pala katawan ko. My Gosh! Isang napakalaking plot twist ito! Dapat made-develop muna siya sa akin bago niya ako alukin. Pero nauna ang propose bago ang love. Ganoon ang nababasa ko sa mga novels, e.“You don't have to. You're now pregnant with my child. Hindi na mahirap sa'yo ang trabahong ito.”Madrama kong inilahad ang daliri ko.“Tumaba ako ng slight baka di magkasya ang sing-sing.” Napanguso ako.Natahimik siya. Nang tingnan ko ay nakakunot na ang noo niya.“Babayaran kita.” May kaseryusuhan pa rin sa mga mata niya.Agad kong binawi ang kamay ko. Na-turn off ako agad.“Ay naku! Hindi nababayaran ang pag-ibig. Kung akala mo mabibili mo ang pag-ibig ko, pwes! Nagkakamali ka po.”Hinahabol pa nga ng mga male lead ang mga bidang babae sa novel, e. Kasi mahal na mahal nila. Tapos siya babayaran lang ako para pakasalan?“Thirty Million, Miss whoever you are.”Agad akong napalingon sa kaniya. “Kailan?”Naningkit ang mata niya sa akin. “Anytime you want.”Napapangiti ako. Ini-imagine ko pa lang na magiging instant yaman ako parang ayaw ko nang magising. Pero kalaunan natigilan ako nang may maalala.“Tayka!” May pagdududa sa mata ko nang titigan siya. “May balak ka bang kunin ang anak ko sa akin?”Binigyan niya ako ng malamig na titig.“Sayong-sayo na ang bata. Just make sure na gagawin mo ang trabaho mo ng tama.”Napanguso ako. “Hindi mo kami hahabulin?”Kumunot ang noo niya.“What?”Natauhan ako. “W-Wala! Ang sabi ko okay, deal.”Napabuntong-hininga ako. Baby ayaw ni Papa mo sa atin. Final na raw hindi niya raw tayo hahabulin. Nakaka-hurt.Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang tinitingnan lahat ng furniture at iba pang gamit na nakikita ko sa malaking bulwagan ng mansyon niya. Tiningnan ko ang presyo ng mga gamit na nakikita ko doon. Nalula ako sa presyo ng ashtray na nasa center table ng sala. “30,000? Seryoso?!” Natakpan ko ang bibig ko at napatingin sa paligid. Baka may nakarinig.Napatingin ulit ako sa cellphone ko at palipat lipat ang tingin sa inosenteng ashtray na nasa table ngayon. Parang gusto ko tuloy itong ibulsa mamaya. “Baby, ang yaman-yaman ng Daddy mo. Parang gusto ko na magpa-ampon.” Iyong bonsai naman ang napag-trip-an ko. As usual presyong ginto rin ang bosai na iyon. Tumatagingting sa 45,000 pesos lang naman. Naiiyak na ako sa mga presyo. “Miss?”Nagulat ako at muntik pang mabitiwan ang 2k second hand touch screen phone ko. Partida may tawad pa yan, sa online ako bumili. “Oh, pasensya na. Hindi kita agad napansin.” Alanganin akong natawa.“Kakain na raw. Handa na ang hapag.”Namilog ang mata ko.
“Wow!” Nanlaki ang mata ko nang maglapag ng sinigang na baboy si Tiyang. May nose pack pa siya at may curler pa ang buhok. Agad akong kumuha ng sandok at binuksan ang kaldero niya. Sobrang init pala ng takip kaya nabitiwan ko at tumilapon. Ang ingay tuloy.“Ang tanga naman ng takip,”ani Tiyang na may bitbit na pitsel ng juice. “Akalain mo 'yon di niya sinabing ang init niya pala?”Napanguso ako. Napaso na nga ako may gana pa siyang kutyain ako.Sumibat ako sa mansyon. Paano ko natakasan? I have my own ways. Syempre, magaling nga akong tumakas sa mga inutangan ko dati, e. Ito pa bang si Mr. Mondejar? Maliit na bagay.“Hoy buntis, hinay-hinay naman diyan. Akala ko ba galing ka sa malaking mansyon at nagkita kayo ng ama ng bata? Ba't mukha kang ginutom ng ilang taon kung lumamon diyan?” Kunot pa ang noo ni Tiyang.“Wala sa mansyon ito, Tiyang. Puros steak, at kung anu-anong salad lang ang nakakain ko doon. Na-miss ko 'to!”Ngumiwi siya. “Wow! Nahiya naman ang galunggong at tuyo ko sa st
Hindi nila ako pinapatulong sa mga gawain sa bahay. Kaya nakikipagdaldalan na lang ako sa kanila. Tsismosa iyong mas bata na katulong na nagngangalang Maribel. Kaya hindi ako na-bored.“Kaya ganoon si Sir, Ma'am. Kasi kulang sa sèx iyon. Kita mo mukha no'n? Akala mo kakain ng tao. Takot nga kami do'n, e. Nagulat pa nga kami noong makabuntis iyan, e. Pero seryoso, Ma'am, siya ba talaga kajugjogan mo no'ng gabing iyon? Baka kasi namamalikmata ka lang. Feeling ko kasi allergy sa pokemon si Sir.” Mahabang lintanya ni Maribel. Dinaig pa ang mga rapper, di man lang yata huminga tuloy-tuloy lang ang salita.“Pokemon? Iyong anime?” Kumunot ang noo ko. May allergy pala sa ganoon? Napabuntong hininga si Maribel. “Pokemon po iyong pussy!”“Pussy as in pusa? Akala ko ba sa pokemon lang siya allergy?”Nasapo ni Maribel ang noo niya. “Pasensya na po, ah. Pero para kang wifi namin sa amin. Loading.”Nagsalubong ang kilay ko. Abala sila ngayon. Kahit wala naman si Hades ay nandiyan ang mayordoma na
Agad akong lumapit sa table ni Hades. Nanatili ang mabigat niyang titig sa akin. Kaya lang wala akong pakialam doon. Dali-dali kong inilabas ang mga pagkain na dala ko. At mukhang habang padami nang padami ang inilapag ko sa mesa niya ay parang nagle-level up ang reaksyon sa mukha niya. Mukhang iritado na siya ngayon.“What the hèll are you doing, Lady?”Natigilan ako at napatingin sa ginagawa. “Hindi mo ako nakikita, Hades? Naglalapag ako ng pagkain mo.”Tumiim ang bagang niya. “I'm not eating while at work.”Namilog ang mata ko. “Kaya mo 'yon, Hades? Grabe! Ang lakas ng sikmura mo. Hindi ka nagkaka-ulcer?”Napamura siya. Agad kong tinaas ang hintuturo sa harapan niya. “Wag kang magmura, naririnig ka ni Baby.” Inilapag ko na ang iba pa.Parang pinapatay niya na ako sa mga titig niya. Pero titig lang 'yan. Di niya pa naman ako tinututukan ng patalim, e. Tsaka ba't ba galit na galit siya e, nagdadala lang naman ako ng pagkain niya? Dapat nga magpasalamat pa siya, e.Kumikinang sa panin
“Ayos lang ako, Papa. Kayo diyan? Si bunso?”“Ayos lang. Nasaan ka ba ngayon? Nasa kay Suzy ka pa rin ba ngayon? Sinasabi ko sa'yo huwag na huwag kang lalapit-lapit sa tiyahin mo na 'yan. Baka mamaya niyan malalaman ko na lang sumasayaw ka na rin sa bar?”“Papa naman! Wala ako kay Tiyang. Nandito ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Sa restaurant!”“Siguraduhin mo lang, ah. Pag nalaman ko, naku...”“Sige po, Papa. Babye na. Mahal ang landline nakikitawag lang ako.”“Okay sige. Ingat ka diyan!”Napabuntong hininga ako at napabaling sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Inventory niya ngayon kaya busy. Late na pero di pa umuuwi. Ang cute na nga ang sipag-sipag pa nitong si Baby Harry.“Salamat.” Naglapag ako ng bente pesos sa counter top. “Utang na lang ang kulang.”Napatingin ako sa labas. Gabi na. Tumingin din ako sa wall clock. 9 na pala. “Wala pa si Hades,”napanguso ako. Wala akong pera, e. Di ko pala kayang bayaran ang cake sa coffee shop na ito. Nagtututuro kasi ako ng kung anu-anon
Nagmamadali ako sa pagbaba. Kinakabahan din at the same time. Magkikita na rin kami ng Papa ni Hades. At kanina pa ako hindi mapakali. Ini-imagine ko na istrikto rin ang Papa niya. Kasi nga istrikto si Hades. Sa hagdan ay natigilan ako nang matanaw ang lalaking nakatayo sa may sala. Mas lumapad ang balikat nito sa sout na tuxedo. Mas nadepina rin ang height nito sa slacks nitong sout. Nang humarap ay napanganga ako nang mapagtanto na si Hades ito. Para siyang prinsipe na naghihintay sa kaniyang prinsesa dahil sa ayos niya. Wow! Mas lalo lang siyang makalaglag panty ngayon na bihis na bihis siya. Napansin kong umawang ang bibig niya nang magtama ang mata namin. Nabahala tuloy ako. Bakit ganiyan siya makatingin? May dumi ba ang mukha ko?“May problema ba, sa ano, sa mukha ko?” Binalingan ko iyong make-up artist.Umiling siya. “Wala naman, Ma'am. Walang problema sa itsura niyo ngayon. Maganda po kayo.”Nahiya tuloy ako sa sinabi niya. Kapag talaga may pumupuri sa akin nanlalambot ako.
“Hi.” At ngumiti siya.Kahit ang boses ay parang anghel. Hindi ko akalaing pati ako ay mapapatulala. Agad siyang lumapit sa ina niya para bumeso at sunod ay ang ama ni Hades na agad namang lumambot ang awra nang lumapit sa kaniya si Obrey.“Hello,”ani Mr. Mondejar na nagbitiw ng simpleng ngiti.Napalunok ako. Nakikita ko kung papaano mangislap ang mga mata ng mag-asawa sa harap ni Obrey. Obviously they're really fond of her. Sino ba naman kasi ang hindi lalambot sa isang tulad ni Obrey?Pero tayka nga. Bakit ba nakaramdam ako ng insecurities dito? E di ko naman type si Hades. Tsaka nandito lang ako para sa million ko. Napanguso ako. Syempre makinis iyan, araw-araw ba namang magpahilod sa mga spa, e. Kumpara naman sa akin face towel lang panghilod ko. Napabuntong hininga ako at napalingon ako sa long table ng party. Ang daming pagkain doon. May chocolate fountain pa. Kanina nanghihina ako, ngayong nakita ko ang sandamakmak na pagkain biglang nagkaroon ako ng energy. Ilang beses akong
Lumakas ang palakpakan sa paligid matapos ang speech ng Papa ni Hades. Pormal na umakyat si Hades sa stage at siya naman ang susunod na nag-speech. Kaya lang bago ko napakinggan ang speech ni Hades ay may humarang sa paningin ko. Ang flat na puson ni Obrey. Napanguso ako nang tumingala. May iritasyon sa mata niya nang salubungin niya ang tingin ko. Nakadungaw siya sa akin. Dahil bukod sa pandak ako, naka-upo pa e siya naman 'tong nagmistulang kapre na naka-heels.“Let's talk. In private,”aniya ng deretso sa akin.Napaangat ang kilay ko ng palihim. Aba! Ang sosyal ng pagkakasabi niya, ah. Parang gusto kong i-apply minsan kay Hades kapag kami lang dalawa.“Now.” Bahagya siyang huminto at ilang saglit ay nauna na siyang umalis.Wow, ah. Hindi marunong maghintay? Tumayo na ako at para sumunod kay Obrey. Mahirap na, favorite daughter pa man din iyon ng Papa ni Hades. Humantong kami sa pool sa likod. Hindi niya naman ako lulunurin dito, 'no? Gaya ng mga ginagawa ng kontrabida sa mga pelik
HARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l
Minsan wala si Harry sa Library. Kung nandito naman siya ay deretso siya sa silid ko para tingnan ang mga ginuguhit ko. Nandoon lang siya para panoorin ako saglit bago magtungo sa library. Sa linggo naman ay wala siya. Sabi ng mga tauhan ay umalis daw ng isla. Gaya ngayon, Linggo. Mamayang gabi pa ang dating niya.Napalingon ako sa likuran nang mapansin na may pumasok. Nalingunan ko si Kuya Dino. Bitbit ang apat na canvas. Inilagay niya iyon sa tabi at bahagyang ngumiti sa akin. Agad akong bumaba sa highstool para lumapit sa kaniya. “Kuya!”Napigilan ko ang akmang pag-alis niya nang tawagin ko siya. Nakangisi na nakalapit agad ako sa kaniya. “Kuya, busy ka ngayon?”Alanganin siyang umiling. Busy na dapat ito sa pagsama sa pangangampaniya ng Mama niya bilang Sanguniang Panlalawigan pero nandito siya para sundin ang utos ni Hades. “Bakit, Lay?” Tipid siyang ngumiti.Napapansin kong hindi na rin masiyadong nakikipag-usap sa akin si Kuya. Pero kapag tinatawag ko siya ng ganito ay pina
Ayokong makasagabal sa mga taong nandito kaya kahit namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kagabi ay bumaba pa rin ako. Tahimik akong umupo sa hapag. Napansin ko kung papaano ako tinitigan ni Harry nang makarating siya sa hapag. Tahimik lang akong kumakain. Binilisan ko ang pagkain at walang salita na umakyat sa taas. Ramdam ko ang mata ni Harry na nakasunod sa akin kahit noong nakaakyat na ako sa hagdan. Nagkulong ako doon sa kwarto at natulog hanggang tanghali. Kain tulog lang ang ginawa ko. Kung kailangan kong magkulong sa silid para sa kaligtasan ko ay ayos lang. Kung ikukulong nila ako dito buong buhay ko, ayos lang din. Ang importante ay hindi ako magiging sagabal sa kahit na sino. At kung sa ganitong paraan ko lang sila matutulungan. Ayos lang sa'kin.Napatingin ako mga lipstick na nasa drawer. Hindi ko alam kung kanino ang mga iyon. May mga nauna na yatang gumamit ng silid na ito bago ako. Wala akong ibang mapagkakaabalahan. Naghalungkat ako sa drawer at nakahanap ng bagay na p
Tuwang-tuwa na sinalubong ko si Kuya sa pinto. Kita namang masaya siyang makita na ayos lang ako dito. “Hades call me to watch on you. Aalis si Harry. Walang ibang magbabantay sa'yo.”Napangiwi ako. “Buti nga at aalis na siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito, e. Bigla bigla na lang siyang dumating sa probinsiya para dalhin ako dito.” Napabuntong hininga ako. “Si Papa kaya, Kuya? Tsaka bakit nga pala ako pababantayan? May problema ba?”Saglit na natahimik si Kuya. Tila hindi ako matingnan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.“Kuya?”Tumikhim siya at ngumiti. “Nasa ligtas na lugar ang Papa mo. Nasa pangangalaga siya ni Hades ngayon. Balak ni Hades na ipakilala ang sarili at magkikita sila ng Ate mo sa Miami.”Napanganga ako. Hindi ko ito sinabi kay Papa. Pero mukhang hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kaniya tungkol dito. Napahinga ako ng maluwag.“Si Harry ay nagkusang hanapin ka para ilayo