Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 2

Share

KABANATA 2

Author: Janebee
last update Huling Na-update: 2021-11-22 13:56:26

KABANATA 2

Sa malaki at madilim na silid, prenteng nakaupo si Rostam sa kaniyang supa habang pinapatay-sindi ang cigarette lighter na hawak niya. Isang musika din ang bumabalot sa kabuan ng kaniyang kwarto na malaking tulong upang ang isip niya ang maging kalmado. Pasado alas tres na ng madaling araw pero di pa rin siya dinadalaw ng antok. Mukhang inaatake na naman siya ng kaniyang insomnia.

Bumangon siya saka naglakad patungo balkonahe. Sinalubong siya nang sariwang hangin at isang malaki at bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa buong kalangitan. Inilabas niya ang isang stick ng sigarilyo, sinindihan bago ito inilagay sakaniyang bibig.

Buong araw siyang nag trabaho nang walang halos pahinga, pero ni isa sa mga ginawa niya maghapon, wala pa ring lead sa hinahanap niya. Dismayado pero di na bago sakaniya na ganito matapos ang araw niya.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pag mununi-muni, nakarinig siya ng pag sara ng pinto. Mahina lang pero hindi ito nakatakas sa kaniyang pandinig. Agad niyang binitawan ang sigarilyo sabay apak dito bago hugutin ang baril na nakaipit sa pantalon niya. Maingat siyang pumuslit papasok sa loob at kahit nakapatay ang ilaw, kabisado niya ang bawat parte nitong silid. Madilim kaya alerto siya sa paligid ngunit hindi niya inaasahan ang biglang pagbukas ng ilaw na nagbigay liwanag sa kabuuan ng kwarto.

" Holy sh*t! " halos mapatalon sa gulat si Catalina nang makita ang lalakeng nakatayo sa harap niya. Napahawak siya sa kaniyang d****b upang pakalmahin ang sarili pero lalo itong lumala nang makitang may hawak na baril ang taong kasama niya sa silid na pinasukan niya. Tumayo siya nang diretso sabay taas ng dalawang kamay niya. " Pasensya na, wala akong binabalak na masama. Naligaw na naman ako. H-hindi ko alam na maling kwarto pinasukan ko. "

Ibinaba ni Rostam ang baril na hawak niya pero hindi inalis ang tingin sa babaeng na sa kaniyang harapan. " Anong binabalak mo? "

Nagsalubong ang kilay nito. " Balak saan? "

Hindi siya kumibo. Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa sumuko ang isa kanila.

" Fine, kailangan ko na kasing umalis at umuwi saamin. Hinahanap na ako ng parents ko. Sa laki ng bahay na'to, hindi ko alam kung saan ako lalabas o papasok. "

Napangisi si Rostam." At this hour? "

" Oo, hindi pa pwede? "

" May uuwian ka ba? "

Saglit na natigilan si Catalina. " Anong ibig mong sabihin? "

Imbis na sumagot, nag kibit balikat na lamang si Rostam saka bumalik sa supa kung saan siya nakaupo kanina. Nagsalin siya ng alak sa baso saka inabot sa dalagang kasama niya.

" Hindi ako umiinok ng alak, " anito kaya siya nalamang ang lumagok sa alak na inalok niya.

" Pagkalabas mo dito sa kwarto, dumiretso ka sa kaliwang hallway, " aniya at muling nagsalin ng alak. " Kanan, pagkatapos kaliwa. Dumiretso ka lang ng lakad, may makikita kang gate pero hindi pa iyong ang daan palabas. Kumaliwa ka, diretso, kanan tapos kaliwa, diretso--"

" Niloloko mo ba ako? " hindi maitago ang inis sa boses na Catalina nang putulin niya ang sinasabi ng lalakeng kausap niya.

" Kung sa tingin mo niloloko kita, bahala ka maghanap ng daan palabas, " kaswal na sagot ni Rostam. Isang malalim na buntong hininga na lang ang pinawalan ng dalaga bago siya lumabas ng silid. Saglit nilingon ito ni Rostam upang matiyak kung siya na nga lang ba ang natitira sa sariling kwarto bago kuhanin ang cellphone para matawagan ang ilang tauhan na nagbabantaybsa hacienda.

" Wala kayong palalabasin ngayon. Kapag nagpumilit, alam niyo na ang gagawin n'yo, " aniya saka binaba ang tawag nang matapos bigyan ng signal ang mga tao niya.

Alam niyang inosente ang bisita at walang kinalaman sa mundong ginagalawan nila ayon na rin kay Lorenzo na nag asikaso sa dalaga kanina. Subalit hindi niya maiwasang maghinala dahil sa mga kakaibang kinikilos nito na animo'y may pina-plano.

***

Sa huli, ibinalik din si Catalina ng kaniyang mga paa sa kwarto kung saan siya pinatuloy kanina. Kung saan-saan na siyang nagsususuot para lang makahanap ng malalabasan pero wala, bigo siya.

Bagsak ang balikat niyang naupo sa kama sabay higa para makipagtitigan sa harap ng kisame.

" Sira ulong lalake 'yon, " bulong niya nang maalala ang pag uusap nila ni Rostam. Kung kanina natatakot siya sa awra nito, ngayon hindi niya maiwasang maasar dahil pakiramdam niya, pinaglalaruan lang siya nito. Hindi niya sigurado kung anong klaseng mga tao ang kasama niya dito pero sa mga nakikita niya, batid niyang hindi siya ligtas.

Kinaumagahan, nagising siya sa sa sinag ng araw na tumatama sa talukap ng kaniyang mata. Bumangon agad siya at agad na hinanap ang orasan para tignan kung anong oras na. Alas-nuebe na ng tanghali.

Mabilis siyang umalis ng kama para lumabas ng kuwarto. Hindi na siya nag paligoy-ligoy pang bumaba ng hagdan. Maliwanag na ang buong hacienda kaya kitang-kita na niya ang bawat pasilyo na kailangan niyang daanan para tuluyang makalabas.

" Oh gising ka na pala. " Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang boses sa likuran niya. Iyong lalakeng nag asikaso sakaniya kagabi na hanggang ngayon, di pa rin niya alam ang pangalan. " Good morning. Halika, samahan mo kami mag breakfast. "

" Ha? Hindi na, busog pa ako--" hindi lang pala luha ang traydor, pati na rin pala sikmura.

" Oh kitams? Tiyan mo na nagsalita para sayo, " natatawang wika nito saka ipinatong ang dalawang kamay sa magkabila niyang balikat para dalhin siya sa kusina. " Sumabay ka na saamin, h'wag ka na mahiya. "

Wala na siyang nagawa kundi pumayag sa alok ng lalakeng nasa likuran niya. Totoo ngang kumakalam na ang sikmura niya pero makakakain ba siya kasama ang mga taong ito?

Isang malaki at mahabang mesa ang bumungad kay Catalina nang makarating sila sa kusina. Hindi lang iyon ang nagpa nga-nga sakaniya kundi ang mga nakahain sa mesa. Parang pyesta dahil napakarami ng putahe.

" Good morning! " bati ng mga kalalakihan na nakaupo na sa kani-kanilang pwesto. Hindi niya magawang bumati dahil nag aalangan siya sa mga kasama niya.

" Mauna na raw tayong kumain sabi ni Boss. May inaasikaso pa sa itaas, " sabi ng isa na kauupo lang. Dadakot na sana ito ng ulam nang tampalin ang kamay niya ng kasama niya.

Nanatiling nakatayo si Catalina dahil pinakikiramdaman niya pa kung tutuloy siya. Naaakit siya sa amoy ng mga pagkain na nakahain at nararamdaman na rin niya ang paglalaway niya.

" Don't worry, walang lason ang pagkain dito, " sabi nung kulot na nasa kaniyang gilid sabay hila ng isang silya para paupuin siya. " Magpaka-busog ka lang, huwag kang mahiya. "

Hindi na nagawang mag pigil ni Catalina dahil muling kumalam ang sikmura niya nang makita ang afritadang ibinaba sa mesa. Kinuha niya ang kutsura at nakahanda na sanang kumuha nito nang marinig ang mahihinang dasal ng mga kasama niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya kaya dahan-dahan niyang ipinagdikit ang mga palad at pumikit para makisabay sa pagdarasal ng mga nasa mesa.

Makalipas ng ilang sandali, nagsimula na silang kumain ng umagahan na sinamahan ng daldalan ng mga lalakeng kasama niya sa mesa. Hindi interesado si Catalina sa mga kwentuhan nila kaya tahimik lang siyang kumakain at sinusulit ang huling araw niya sa hacienda na ito.

" Siya nga pala, okay na ba ang pakiramdam mo ngayon? Hindi na ba kailangan ng Doctor para matignan ka? " Natigil sa pag-nguya si Catalina nang maramdaman ang tingin sa kaniya ng mga kasama niya sa mesa.

Uminom muna siya ng tubig bago magsalita. " Uhm, thanks pero okay na ako. Hindi na kailangan ng Doctor. "

" Sure ka? Lakas ng pagkakabagok mo kahapon. May bukol kaya iyong ulo mo kagabi, di mo napansin? Dumugo pa nga kaya matagal bago ka nagkamalay. "

Nagsalubong ang kilay niya at agad na kinapa ang kaniyang ulo nang biglang magtawanan ang mga ito.

" Joke lang, hindi ka mabiro, " anito sabay simsim sa kape niya.

Hindi magawang tumawa ni Catalina dahil wala siyang makitang dahilan para makisabay sa kasiyahan ng mga kasama niya.

" Ang babaw ng kaligayahan niyo, " aniya saka tumayo. " Salamat sa pagkain at pagpapatuloy saakin. Hayaan niyo, di na mauulit 'to. "

Tumalikod na siya at nakahanda na sanang mag martsa paalis nang makitang dumarating ang isang taong tinutunaw na siya gamit ang matalim na tingin. Hindi na sana niya ito papansinin nang pigilan siya nito gamit ang paghawak sa kaniyang braso.

" Saan mo balak pumunta? " tanong nito sakaniya.

" Uuwi na ako. Salamat sa pag papatuloy saakin, " sinubukan niyang bawiin ang kaniyang braso pero mahigpit ang pagkakahawak nito sakaniya. " Ano ba? Bitawan mo ako--"

" Buong akala ko, paa mo lang ang malikot. Pati pala kamay mo, " seryosong wika nito saka hinila pababa ang damit na suot niya dahilan kaya nagkalaglag ang ilang mamahaling alahas na kinuha niya kagabi sa isang kwartong napasukan niya.

Mariin siyang napapikit. Hindi na siya nag abalang magsalita para ipaliwanag ang sarili dahil alam niyang wala na siyang ligtas o takas.

" Wala ka bang balak mag paliwanag? " tanong ni Rostam.

" Bakit pa ako mag e-explain kung maliwanag naman sa sikat ng araw na nag nakaw nga ako? " Inayos ni Catalina ang sarili niya saka diretsong tinignan sa mata ang lalake sa harap niya. " Ang galing din ng style niyo. Bulok. Sinong sira ulong mag iiwan ng mga alahas sa isang kwarto kung alam niyong may estranghero nakikituloy sainyo? Kabisote ako pero di ako tanga. "

" Hindi ba't pareho lang 'yon? "

Hindi nakuhang lumingon ni Catalina sa nagsalita sa likuran niya dahil sa pagkakataong ito, wala na siyang balak putulin ang pakikipag titigan kay Rostam.

" Ginawa niyo talagang pain yung mga alahas para saakin, no? Bakit? Anong mayroon? Sinong nag utos sainyo na gawin 'to? " tanong niya, " Teka sandali, isa ba kayo sa mga pinagkakautangan ko? Kung oo, pwes magaling ang ginawa niyo! Dalawang kaso na ang kahaharapin ko, happy? Hindi kayo makapag hintay, sabi ng babayaran ko naman kayo diba? Atat na atat kayong magka pera, ang yayaman niyo na! Hindi ko naman kayo tinatakasan, humahanap lang ako ng ibang lugar para may pagka-perahan ako at may mai-hulog sainyo. Hindi niyo naman ako kailangan kidnap-in at i-frame up, paano ko kayo mababayaran kung nasa kulungan na ako diba? "

Namayani ang katahimikan sa buong hacienda. Maski ang mga tagapag luto sa kusina ay hindi maiwasang makiusyoso dahil sa sunod-sunod na pagsasalita ni Catalina. Wala itong preno, tuloy-tuloy na tila ba nakikipag paligsahan sa pag-rap.

Ilang saglit lang, sumilay ang ngisi sa mukha ni Rostam na unti-unting napapalitan ng tawa.

" T*ngina, ibang klase, " anito.

" Minumura mo ba ako? " tanong ni Catalina.

" May narinig ka bang pangalan mo? "

Hindi siya sumagot. Pinagmasdan lang niya ang lalake sa harap niya na naaliw sa reaksyon na ipinakita niya.

" Mas malala ka pa sa machine gun, " kumento ng isa kaya inis na lumingon si Catalina sa likuran niya. Pakiramdam niya, pinagkakaisahan siya ng mga tao dito.

Naiyukom niya ang kamao at muling binalik ang tingin kay Rostam. " Bahala ka na sa gusto mong gawin saakin, pero kung gusto mong mabawi ang inutang ko sayo, bigyan mo pa ako ng pagkakataon at ibibigay ko sayo ng buo yung halaga ng perang hiniram ko. "

Nakangising nagkibit-balikat si Rostam at hinayaan nalang ang dalaga na paniwalaan ang teoryang binuo ng isip niya. Negative. Sa tingin niya, wala talaga itong ideya kung anong klase silang mga tao.

***

Tila isang batang palaboy-laboy sa kalsada si Catalina na hindi alam kung saan pupunta. Ilang beses na ngang may nakakabunggo sa balikat niya pero di niya magawang mag reklamo dahil okupado ang isip niya. Wala na sakaniya ang bag niya na may mga lamang ibang damit at gamit. Tanging sarili na lang niya ang dala at hindi rin alam kung may silbi pa ba ito matapos ng mga naranasan niya.

" Dapat pala nag tago man lang ako ng kahit isang alahas nang may maibenta, " bulong niya saka naupo sa isang bench upang makapag pahinga.

Sa dami ng mga taong pinagtataguan ni Catalina, mukhang kahit saang lugar siya mag punta ay matutunton ang kinalalagyan niya. Ang dami niyang utang, ni hindi na nga rin niya kilala ang mga ito dahil iba-iba ang mukha na nakikita niya sa tuwing may naniningil sakaniya. Wala siyang permanenteng trabaho, kumikita lang siya sa pa-raket-raket kaya naman hindi sapat ang kinikita niya pambayad ng upa at utang. Hindi rin siya nakapag tapos ng kolehiyo dahil sa pag r-rebelde niya sa kaniyang magulang noon. Lumayas siya sa kanila para may mapatunayan, pero paano nga ba ito mangyayari kung puro kamalasan ang nangyayari sa buhay niya?

" Hindi pa ako pwedeng mamatay hangga't wala pa akong napapatunayan, " wala sa sarili niyang sambit habang pinagmamasdan ang makulimlim na kalangitan. May isang tao siyang pinangakuan patungkol sa pag-angat niya sa buhay. Ang kaniyang Ama na matagal ng namayapa subalit buhay pa rin sa isip at puso ni Catalina.

" Lalim ng buntong hininga natin ah? " Nahinto siya sa pag mumuni-muni nang may isang babae ang naupo sa tabi niya. Una niyang napansin ang malaki nitong dinadala dahil sa manipis na sando nitong suot-suot. May mahaba rin itong hikaw na halos sumayad sa magkabila nitong balikat. " Huwag mo akong titigan, baka matunaw ako niyan. "

Ngumiwi siya bago alisin ang tingin sa hinaharap nito. Hindi niya maiwasang ibaba ang tingin sa sarili at pasimpleng ikinumpara ang kaniya sa katabi niya.

" Alam mo hija, maganda ka. Maganda rin ang hubog ng katawan mo at kung aayusan ka, tiyak na mag niningning ka, " wika ng babae na nagpalingon sakaniya.

" Uhm, salamat? " aniya dahil nag aalangan siya sa kaniyang isasagot.

" May lahi kang banyaga, tama? " tanong pa nito saka nag sindi ng sigarilyo sa harap niya. " May pinagkakaabalahan ka ba ngayon? May problema ka ba na hinahanapan mo ng solusyon? Tulungan kita. "

" Sandali, sandali lang. Magkakilala ho ba tayo? " Umayos ng upo si Catalina at pilit kinikilala ang kausap niya pero ngayon lang niya ito nakita.

" Huwag mo nga akong i-po. Hindi nalalayo ang edad natin, ano ka ba? " natatawang wika nito saka hinawi ang buhok niya papunta sa likod. " Pero para sagutin ang tanong, ngayon lang tayo nagkakilala. Ako si Janice, o mas kilala sa tawag na Mamita. Ikaw ano ang pangalan mo? "

" Catalina, " sagot naman niya. " Nice to meet you, Janice. Pero maitanong ko lang, saan ba pupunta ang usapan na 'to? Kung pera ang habol mo, wala akong maibibigay dahil kita mo naman, wala akong dalang kahit na ano. Ni singkong duling, wala ako. "

" Wow, I love your attitude na. Walang paligoy-ligoy. Diretso kang magtanong, " tila mas natuwa ito dahil sa pinakita ni Catalina sa kaniya. May inilabas itong card sa wallet niya saka inilagay sa palad ng dalaga. " Ito ang sagot sa problema mo. Malapit lang siya dito at kung interesado ka, tawagan mo ako. "

Agad na tinignan ni Catalina ang card na hawak niya at sa hitsura at ilang detalye na nakalagay dito, batid na niya ang trabahong inaalok sakaniya.

" Teka sandali, " pigil niya nang makitang paalis na si Janice sa tabi niya. Agad siyang tumayo para isauli yung card na inabot sakaniya.

" Oh I see, hindi ka interesado--"

" Kung magsisimula ba ako ngayon, may kikitain na ako? " putol ni Catalina na nagpasilay ng ngiti sa babaeng kaharap niya.

---

Kaugnay na kabanata

  • Marahuyo   KABANATA 3

    KABANATA 3Masikip, maliit at makalat. Iyon ang tatlong salitang mailalarawan ni Catalina nang siya'y dalhin ni Janice sa isang kwarto. Maraming babae ang nasa loob nito at abala sa kani-kanilang mga ginagawa kaya ilan lang ang bumati sa kaniya nang makapasok siya." Girls, may bago tayong makakasama okay? Kayo na ang bahala sa kaniya mamaya at kung gusto niyo mag share na rin kayo ng mga experience niyo sa kaniya para may idea siya sa mga dapat at hindi dapat gawin sa oras ng trabaho. Maliwanag? " paalala ni Janice sa mga alaga niya bago lingunin si Catalina na nasa likuran niya. " Huwag kang mahihiya sa kanila, mababait ang mga iyan. Mamaya mag ready ka na rin dahil maaga tayong magbubukas ngayong araw. "Isang tipid na tango lang ang kaniyang tinugon dahil abala pa ang kaniyang mga mata sa paglilibot sa silid na titirhan niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang magig

    Huling Na-update : 2021-11-22
  • Marahuyo   KABANATA 4

    KABANATA 4 Hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan kay Catalina ang sobreng natanggap kagabi. Wala siyang maisip na ibang taong puwedeng gumawa noon at napaka imposible para sakaniya na bigyan siya ng ganoon kalaking pera dahil lang sa natuwa ito sakaniya. " Baka naman bilyonaryo kaya parang barya lang sakaniya yung ganiyang kalaking halaga, " ani Mariah na kasama niya sa pag iisip ng maaaring rason kung bakit siya nakatanggap ng ganitong kalaking pera. " Alam mo, kung ako sayo gastusin mo na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na marami kang utang na kailangan bayaran? Ayan, sinagot na ni Lord ang dasal mo. Isang bagsakan na lang para tapos ang problema mo. " " No, hindi ko 'to gagalawin. Baka mamaya may kapalit 'tong binigay niya, ayokong magsisi sa huli, " sagot niya saka itinabi ang pera sa isang kahon. " Wala akong tiwala sa taong nagbigay niyan saakin. Paano kung iyang pera na 'yan

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Marahuyo   KABANATA 5

    KABANATA 5Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya." Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. "Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito." Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may ha

    Huling Na-update : 2021-11-24
  • Marahuyo   KABANATA 6

    KABANATA 6Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya." Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • Marahuyo   KABANATA 7

    KABANATA 7" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 8

    KABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 9

    KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 10

    KABANATA 10Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya." Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon

    Huling Na-update : 2021-12-02

Pinakabagong kabanata

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

DMCA.com Protection Status