Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 1

Share

KABANATA 1

Author: Janebee
last update Last Updated: 2021-11-22 13:56:17

KABANATA 1

" Manang Fe, bigyan niyo pa ako ng isang linggo, promise magbabayad ako agad. Wala akong matutuluyan ngayon kung paalisin niyo ako agad, " nagsusumamong pakiusap ni Catalina sa landlady niyang nagsisimulang ilabas lahat ng gamit niya sa apartment.

" Maryosep naman, Cata! Pinagbigyan na kita nang ilang beses, huwag ka namang umabuso! Dalawang buwan ka ng hindi nakakapag bayad ng upa! Anong petsa na, hija?! " galit at dismayadong wika ng landlady saka siya hinarap. " Hindi ko na problema kung saan ka tutuloy ngayon. Malaki ka na, gumawa ka ng paraan! "

" Pero magbabayad naman ako sainyo, Manang Fe. Wala lang talaga akong raket ngayon kaya wala akong maihulog. Promise po, mag a-advance ako sainyo ng bigay once na makahanap ako ng trabaho. "

" Naku, hindi mo na ako madadaan sa ganiyan. Ilang beses mo na iyang sinasabi pero wala namang nangyayari! " Nilabas nito ang abaniko niya upang paypayan ang sarili. " May uupa na rin dito bukas nang umaga kaya hindi ka na pwedeng manatili pa dito ngayon. Sige na, iligpit mo na 'yang mga gamit mo at umalis ka na. "

" Sandali lang, Manang Fe! " tawag ni Catalina pero di na siya nito pinakinggan at nag tuloy-tuloy sa paglalakad paalis ng apartment niya.

Napasabunot siya sa buhok niya at inis na sinipa ang bag niyang nakakalat na sa lapag. Labag sa loob siyang nag simulang mag impake ng damit at ilan niyang gamit na dadalhin niya sa pag-alis ng apartment. Hapon na kaya isang malaking problema ang paghahanap niya ng matutuluyang ngayong gabi. Wala siyang kaibigan at wala rin siya magulang na puwedeng puntahan. Pera? Iyon din ang isa sa problema niya ngayon. Ni singkong duling, wala siya.

" Oh, bakit may mga dala kang gamit? Aalis ka na ng apartment? " tanong sakaniya ng isang nangungupahan na katabi lang ng apartment niya. Mukhang kararating lang nito galing trabaho kaya walang alam na pinalalayas na siya ng landlady nila.

" Oo, kailangan ko ng maghanap ng bagong malilipatan, " aniya matapos isara ang pinto. Tumingin siya sa paligid para makita kung sila lang bang dalawa ngayon ang nasa pasilyo. " Alam mo, medyo creepy na kasi sa unit ko. Minsan ba may naririnig kang kumakatok o kumakalampag sa kung saan? Inirereklamo ko na 'yon kay Manang Fe pero wala pa ring aksyon. Di ko na kayang magtiis kaya ako na ang aalis. "

" Minsan oo may naririnig ako pero baka sa mga katabing unit lang natin nagmumula yung ingay na 'yon, " anito saka tumingin sa paligid nila. " Hindi naman ako matatakutin, alam ko namang hindi Niya ako pababayaan. Malakas ako kay Lord "

Isang pilit na ngiti na lang ang sinukli ni Catalina bago bitbitin ang mga bag niya. " Ikaw ang bahala. Sige na, mauna na ako sa'yo. Pasabi na lang sa landlady natin na thank you at hindi na kamo talaga ako babalik dito sa bulok na paupahan n'ya. "

Taas noo siyang naglakad palabas ng apartment habang bigat na bigat sa mga dala niyang damit. May hila-hila din siyang maleta na nahirapan siyang isara dahil sa dami ng dinala niya. May backpack din siyang dala na lalong nagpahirap sa kaniyang paglalakad sa kalsada.

Palubog na ang araw, sobrang dami rin ng tao at sasakyan sa kalsada. Maingay at magulo ang siyudad kung saan siya namamalagi. Madalas may mga nagaganap na habulan dito ng mga kriminal at pulis kaya di siya puwedeng matulog sa labas. Halos lahat rin ng lugar sa siyudad na ito, napuntahan na niya dahil sa pagtatago sa mga pinagkakautangan niya. Kung may pera nga lang siya, matagal na siyang nag tago sa ibang bansa pero wala, butas ang bulsa biya.

" Oh mga suki, bili na kayo ng ulam niyo mamaya at kumain na kayo dito! Tirahin niyo na 'to hangga't mayroon pa! Mahal pero mapapamura kayo sa sarap! "

Napatingin siya sa isang kainan. Maraming parokyano ang kumakain sa loob pero patuloy pa rin sa pag tawag ng mga tao yung lalakeng nasa labas.

" Bahala na, " aniya saka naglakad patungo sa kainan. Lumapit siya sa lalake at pasimpleng hinawi ang mahaba niyang buhok para maagaw ang atensyon nito.

" Hello, Miiss beautiful! Anong sainyo? Pasok lang kayo sa loob, marami pang space diyaan! " anito habang tinuturo ang mesa na nasa dulo.

" Oh Mister, I'm sorry but I don't understand what you're saying. I'm lost, can I come in and uhm, eat a little? " pagkukunwari niya. Wala na siyang paki-alam kung mali ang English niya dahil ang mahalaga ngayon, magkalaman ang sikmura niya.

" Oh English speaking! Akala ko Filipino ka, banyaga pala, " anito saka tumikhim. " Ah yes, yes! You...you can come in and eat! Just don't forget to pay, okay? "

" Oh no problem, thank you very much! " aniya saka tinaas ang hinlalaki bago pumasok ng karindeya. Agad siyang pumwesto sa dulo kung saan walang masyadong tao at mabilis na nag order ng pagkain niya.

Hindi niya akalain na makakatulong din pala ang hitsura niya sa ganitong sitwasyon. Mestiza ang kaniyang balat, kulay kayumanggi ang kaniyang mga mata at ang mas lalong nagpadala ng pagkukunwari niyang banyaga ay yung kulay ng kaniyang buhok na pula. May lahi siyang espanyol kaya naman hindi na kataka-taka na mag mumukha siyang dayuhan dito sa bansa.

" Ito na po Ma'am ang order niyo, enjoy po kayo, " nang maihatid na sakaniya ang order, hindi na siya nag patumpik-tumpik pa at agad na nilantakan ang pagkaing inihain sa mesa niya. Sa sobrang sarap, hindi niya magawang makapagsalita. Tuloy-tuloy lang ang kaniyang pag nguya hanggang sa dumighay siya nang malakas. May mga napalingon sa gawi niya pero di niya ito pinansin.

Saglit siyang namahinga at nag isip ng paraan para makalabas nang walang problema. Wala siyang pambabayad kaya naman kailangan niya agad umalis nang walang makakahalata.

" Tapos na po kayo, Ma'am? Puwede ko na pong ligpitin ito? " tanong sakaniya nung waitress habang nagsisimulang ilagay ang mga pinggan sa tray na dala nito.

Umalis siya sa pagkakasandal sa upuan. " No, no. I'm not done eating, you know? Maybe later? I will call you when I'm done. Gracias."

Nagtataka man, tumango na lang sakaniya yung waitress bago ibalik sa mesa yung iniligpit niya.

Pasimple namang kinuha ni Catalina ang kaniyang mga bag at naghahanap ng ibang taong lalabas ng karinderya para makasabay siya. Nang may makita siyang mga grupo na tumayo na mula sa mesang kinainan nila, sumimple siya ng tayo at nagkunwaring kukuha ng tubig malapit sa labasan.

Hinintay niyang matabunan siya ng mga tao bago siya sumabay sa paglalakad nito palabas.

" Hoy, hoy! Saan ka pupunta? Hindi ka pa bayad! Miss! " nang marinig niya ang pag tawag sa atensyon niya, hudyat ba ito para siya'y tumakbo. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa dahil ang tanging nasa isip lang niya ay makatakas mula sa humahabol sakaniya.

Sa bigat ng kaniyang maletang hila-hila, binitawan na niya ito dahilan kaya natisod ang dalawang taong malapit na pala siyang maabutan. Nilingon niya ito at napamura siya sa kaniyang isip nang agad itong bumangon para ipagpatuloy ang paghabol sakaniya.

" Miss, teka may sasakyan! " rinig niya mula sa kung saan kaya binalik niya ang tingin sa harapan pero huli na nang may isang itim na kotse ang sasalubong sakaniya. Huminto agad siya sa pagtakbo at ipinikit agad ang mga mata, pero laking pagtataka niya nang walang nangyari.

" Hoy babaeng nag eat and run! " Napadilat siya nang muling marinig ang boses na iyon kaya naman nalaman niya ang dahilan kung bakit walang nanngyari sakaniya. Isang dipa na lang, nakadikit na siya sa harapan ng kotse. Wala na siyang maisip na ibang paraan kundi ang magkunwari ulit. Hinayaan niyang bumuhal ang sarili niya sa kalsada at hindi na niya nagawa pang d*****g sa sakit ng pagkakabagsak niya.

Nagkagulo ang mga tao sa kalsada at matagal pa bago maramdang may bumuhat sa katawan niya. Laking pasasalamat niya nang malamig na air-con ang dumampi sa balat niya at dahan-dahan siyang inupo sa likod ng sasakyan.

" Boss, sa hospital o sa hacienda? " rinig ni Catalina mula sa unahan ng sasakyan.

" Sa hacienda, " sagot naman ng lalake sa tabi niya. Bigla siyang kinabahan at sa mga sandaling ito, alam na niyang karma na ang lumapit sa kaniya.

***

Nagising si Catalina sa isang malaki at malambot na kama. Ramdam niya ang lamig na h*******k sa kaniyang balat kaya wala sa sariling hinatak niya pataas ang kumot. Mabango rin ang amoy ng kwarto kung nasaan siya kaya unti-unting bumabalik ang espirito ng antok sa kaniyang katawan.

" Ayos ah, feel at home na feel at home? "

Nagising ang diwa niya nang marinig ang hindi pamilyar na boses mula sa likuran niya. Agad siyang bumangon saka ito nilingon. Bumungad sakaniya ang isang lalakeng prenteng nakaupo sa isang supa habang may kakaibang ngisi sa mukha nito.

" S-sino ka? " tanong ni Catalina. Tinigan niya ang ilalim ng kumot at laking pasasalamat n'ya nang makitang iyon pa rin ang damit na suot niya.

" Ikaw ang dapat kong tanungin. Sino ka? " tanong nito saka tumayo at naglakad palapit sakaniya. " Hindi ka magaling umarte kanina. Magpapa-bangga ka lang, dapat tinotoo mo na. "

" S-sandali lang, " aniya saka huminga nang malalim bago ipaliwanag ang sarili niya, " I'm sorry. Kailangan na kailangan ko lang talaga tumakas mula sa mga humahabol saakin, papatayin kasi nila ako kapag naabutan nila 'ko. "

Nagsalubong ang kilay nito. " Ano bang ginawa mo? "

" Eat and run, " walang pag-aalinlangan niyang sagot, " Wala akong pera at sobrang gutom na gutom ako kanina. Wala akong choice kundi gawin 'yon. Alam kong hindi tama ang ginawa ko pero wala akong choice. "

Namayani saglit ang katahimikan sa buong silid. Ramdam ni Catalina kung gaaano kalalim ang tingin ng lalakeng sa harap n'ya na tila ba pati kaluluwa n'ya, binabasa.

" Nagsasabi ka ba ng totoo? " tanong nito.

Agad s'yang tumango. " Nagsasabi ako ng totoo, pangako. "

" Walang nag utos sayo? "

" Mag uutos ng ano? "

Ilang segundo bago nito pinutol ang tingin kay Catalina. " Never mind. Anyway, kumusta pakiramdam mo? Alam kong di ka naman nasaktan pero sa lakas ng pagkakabagsak mo kanina sa kalsada, mukhang kailangan mo ng CT scan. "

" Ah hindi, okay naman ako. Salamat, " aniya saka nilibot ng tingin ang kabuuan ng silid kung nasaan sila. " Nasaan pala ako? "

" Impyerno, " sagot ng lalake sakaniya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya dahil seryoso ang mukha nito, pero ilang saglit lang ay sumilay ang ngiti sa labi nito. " Just kidding. Nandito ka sa guess room, sa bahay ng Boss namin. "

" Oh okay, " wala sa sarili siyang tumango. Na-blangko ang kaniyang isip dahil di niya alam kung ligtas ba siya sa kamay ng taong hindi naman niya kilala.

" Puwede kang magpalipas ng gabi dito, " anito saka tumalikod at binuksan ang pinto. " Iyon nga lang, hindi ka puwedeng lumabas ng kwarto hangga't walang nagsasabi sayo. Goodnight. "

Naiwan siyang tulala at lalong naghinala sa estranghero na kausap niya. Umiral ang pagiging tsimosa niya kaya hindi niya sinunod yung bilin sakaniya nung kausap niya.

Naghintay siya ng ilang minuto bago lumabas ng kuwarto.

" Wow, " aniya nang makita kung gaano kahaba ang pasilyong nasa kaniyang harapan. Maingat siyang naglakad at nilibot ng paningin ang kabuuan ng isang malaking bahay kung nasaan siya. Sobrang luwang ng loob at wari niya'y kasyang-kasya ang isang buong baranggay dito.

Napatingin siya sa hagdan at hindi niya maiwasang malula dahil sa taas ng kinalalagyan niya. Kung bababa siya, pakiramdam niya isa siyang prinsesa dahil sa stilo ng hagdanan. Iyong chandelier sa itaas, sobrang laki at kung babagsak ito sayo, paniguradong si Lord agad ang makikita mo.

Napatingin siya sa isang pasilyo na nasa kanang bahagi niya dahil may ingay siyang naririnig mula sa isa sa mga silid. Kusang kumilos ang mga paa niya para sundan ang ingay na iyon at habang siya'y palapit nang palapit, lumalakas lalo ang tibok ng puso niya. Kabado pero hindi niya mapigilan ang sarili kahit na binalaan na siya ng lalakeng nakausap niya kanina.

Huminto siya sa isang pintong nakaawang. Nawala na yung ingay mula sa loob pero hindi nawala ang kuryosidad sa kaniya. Nang hawakan niya ang doorknob, biglang may humila nito mula sa loob kaya nasama siya sa paghitak papasok.

" Oh shoot, sorry! " biglang sabi ng lalakeng nakasalo sakaniya. Lumayo siya agad dito dahil sa usok ng sigarilyong tumatama sa mata niya. Napadaan ang tingin niya sa likuran ng lalakeng kaharap niya. Puro lalake rin ang nasa loob ng silid, mga nakasuot ng itim, may mga hawak na baraha at maraming pera sa mesa.

" Uh sorry, naliligaw kasi ako. Hindi ko alam kung saan yung banyo, " agad niyang sabi. Sa hitsura ng mga taong narito sa silid, pakiramdam niya ay kailangan na niyang umalis.

" Wait, diba ikaw yung artista? " tanong ng isang lalakeng may kulot na buhok.

" Artista? H-hindi ko alam sinasabi mo, " ani Catalina at pasimpleng umatras palabas ng pintuan. " Sige na, aalis na ako. Sorry sa abala. Naliligaw kasi ako kahahanap ng banyo. "

" May banyo naman sa kwartong tinuluyan mo, hindi mo alam? " tanong nung isa kaya mas lalo niyang ginustong lumabas na.

" Ah hindi ko alam, pasensya na. " Tumalikod na siya at nakahanda na sanang umalis nang tumama ang noo niya sa d****b ng taong nakatayo pala sa likuran niya.

" Bossing! Nandyan na pala kayo, " agad na tumayo ang mga kalalakihan nang makita ang kanilang pinaglilingkuran.

Inangat ni Catalina ang kaniyang ulo at sinalubong ng tingin ang walang emosyong mga mata ng lalakeng nakatayo sa harapan niya. Malamig ang mga titig nito sakaniya at kung nakakamatay lang siguro ito, malamang di na siya humihinga ngayon.

" Labas, " isang salita pero halos tumigil ang tibok ng puso niya. Ganitong-ganito ang nararamdaman niya sa tuwing may naniningil ng utang sakaniya at wala siyang perang mailabas. Hindi niya alam ang gagawin at sasabihin.

" Ako na bahala sakaniya maghatid sa kwarto, " biglang may humawak sa balikat ni Catalina. Iyong lalakeng kausap niya na nag bigay ng babalang huwag siyang lalabas ng kwarto.

Hindi na siya nagtangkang magsalita pa at tahimik na lang na sumunod sa lalakeng gumagabay sa kaniya pabalik sa kwarto kung nasaan siya kanina. Sa mga oras na ito, isa lang ang nasa isip niya. Kailangan niyang makalabas dito hangga't maaga dahil hindi maganda ang kutob niya sa mga estranghero na kasama niya.

---

Related chapters

  • Marahuyo   KABANATA 2

    KABANATA 2Sa malaki at madilim na silid, prenteng nakaupo si Rostam sa kaniyang supa habang pinapatay-sindi ang cigarette lighter na hawak niya. Isang musika din ang bumabalot sa kabuan ng kaniyang kwarto na malaking tulong upang ang isip niya ang maging kalmado. Pasado alas tres na ng madaling araw pero di pa rin siya dinadalaw ng antok. Mukhang inaatake na naman siya ng kaniyang insomnia.Bumangon siya saka naglakad patungo balkonahe. Sinalubong siya nang sariwang hangin at isang malaki at bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa buong kalangitan. Inilabas niya ang isang stick ng sigarilyo, sinindihan bago ito inilagay sakaniyang bibig.Buong araw siyang nag trabaho nang walang halos pahinga, pero ni isa sa mga ginawa niya maghapon, wala pa ring lead sa hinahanap niya. Dismayado pero di na bago sakaniya na ganito matapos ang araw niya.Sa kalagitnaan ng kaniyang

    Last Updated : 2021-11-22
  • Marahuyo   KABANATA 3

    KABANATA 3Masikip, maliit at makalat. Iyon ang tatlong salitang mailalarawan ni Catalina nang siya'y dalhin ni Janice sa isang kwarto. Maraming babae ang nasa loob nito at abala sa kani-kanilang mga ginagawa kaya ilan lang ang bumati sa kaniya nang makapasok siya." Girls, may bago tayong makakasama okay? Kayo na ang bahala sa kaniya mamaya at kung gusto niyo mag share na rin kayo ng mga experience niyo sa kaniya para may idea siya sa mga dapat at hindi dapat gawin sa oras ng trabaho. Maliwanag? " paalala ni Janice sa mga alaga niya bago lingunin si Catalina na nasa likuran niya. " Huwag kang mahihiya sa kanila, mababait ang mga iyan. Mamaya mag ready ka na rin dahil maaga tayong magbubukas ngayong araw. "Isang tipid na tango lang ang kaniyang tinugon dahil abala pa ang kaniyang mga mata sa paglilibot sa silid na titirhan niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang magig

    Last Updated : 2021-11-22
  • Marahuyo   KABANATA 4

    KABANATA 4 Hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan kay Catalina ang sobreng natanggap kagabi. Wala siyang maisip na ibang taong puwedeng gumawa noon at napaka imposible para sakaniya na bigyan siya ng ganoon kalaking pera dahil lang sa natuwa ito sakaniya. " Baka naman bilyonaryo kaya parang barya lang sakaniya yung ganiyang kalaking halaga, " ani Mariah na kasama niya sa pag iisip ng maaaring rason kung bakit siya nakatanggap ng ganitong kalaking pera. " Alam mo, kung ako sayo gastusin mo na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na marami kang utang na kailangan bayaran? Ayan, sinagot na ni Lord ang dasal mo. Isang bagsakan na lang para tapos ang problema mo. " " No, hindi ko 'to gagalawin. Baka mamaya may kapalit 'tong binigay niya, ayokong magsisi sa huli, " sagot niya saka itinabi ang pera sa isang kahon. " Wala akong tiwala sa taong nagbigay niyan saakin. Paano kung iyang pera na 'yan

    Last Updated : 2021-11-23
  • Marahuyo   KABANATA 5

    KABANATA 5Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya." Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. "Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito." Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may ha

    Last Updated : 2021-11-24
  • Marahuyo   KABANATA 6

    KABANATA 6Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya." Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong

    Last Updated : 2021-12-01
  • Marahuyo   KABANATA 7

    KABANATA 7" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindi

    Last Updated : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 8

    KABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa

    Last Updated : 2021-12-02
  • Marahuyo   KABANATA 9

    KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro

    Last Updated : 2021-12-02

Latest chapter

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status